FAXTON POV “Kundi ay ano? Asawa?” gagad ni Colton, sabay tawa nito nang malakas, kalaunan ay tumigil din. “Iyan ang sinabi mo sa mama ko na asawa mo si Priscilla , kaya huwag ka nang magpatawa, Sir Faxton,” saad pa nito sa akin. Kung hindi lang siguro ako professor ay kanina ko pa ito binigyan ng sapak. Kaya pasalamat siya dahil nakapagtitimpi pa ‘ko. “Ano ngayon kung ‘yon ang sinabi ko sa mama mo? May masama ba?” ngisi ko rito. “Wala, pero huwag kang delusional, Sir Faxton. Step brother ka lang ni Priscilla, kaya ‘wag mong sabiuhing asawa ka niya dahil mukha ka na niyang tatay. Look at yourself, para kang stress na stress,” asik nito dahilan upang maikuyom ko ang kamay ko. “Umalis ka na kasi, Kuya Faxton dahil may pinag—uusapan lang kami ni Colton. Uuwi rin naman ako mamaya, kay

