“Most of the important things in the world have been accomplished by people who have kept on trying when there seemed to be no hope at all.”
— Dale
KABANATA 6: KEPT ON TRYING WHEN THERE SEEMED TO BE NO HOPE AT ALL.
SACHIE P.O.V
No matter how strong our resolve, sometimes we get frustrated and want to give up—whether that happens at work, training for a big race, or even a relationship. Those are the times when we most need some encouragement.
TAHIMIK kong pinapanood si Louise na mag lakad kaliwa't kanan. Kanina pa niya yan ginagawa, pero hindi ko naman siya masisisi dahil kahit ako naman kung nasa emergency room ang nanay ko ay baka nga umiyak pako hanggang sa mawalan ng malay.
Lahat kami ay nasa hospital kung saan nila sinugod si Tita Lucy at si Cristine pa mismo ang humawak kay Tita kaya naman ay medyo nabawasan ang pangamba na narardaman naming lahat. Lahat kami ay nandito nag hihintay sa resulta— maliban kay Jia na hanggang ngayon ay hindi namin malaman kung nasaan, kanina pa din siya tinatawagan ni Jhanna pero patay daw ang cellphone nito.
Kapag talaga makita ko siya patay siya saakin!
Ilang minuto na ang lumipas at sa wakas ay lumabas na din si Cristine na malalaki ang ngiti saamin.
"Ano kamusta si Mama?" Agad na tanong ni Louise.
"Alam mo kumalma ka" sagot sakaniya ni Louise " maayos na ang lagay niya ang tanging kailangan lang niya ay mag pahinga dahil sa sobrang pagod niya ay kaya bumigay ang katawan niya." Dagdag ni Cristine kaya napa hinga kami ng malalim, kapwang mga nabunutan ng tinik sa dibdib.
"Doc ililipat napo namin siya ng kwarto" sulpot ng isang nurse habang tulak tulak ang hinihigaan ni Tita. Nang tuluyang maka alis ang mga nurse ay agad na bumulong saamin si Cristine.
"Mauuna nako, pupuntahan ko kayo kapag off nako" aniya, tumango nalang kami bilang tugon. "Kaylangan ko ng paliwanag kung bakit kayo kulang ah" dagdag pa niya bago kami tuluyang talikuran. Nag katinginan kami nila Chanun, Jhanna, Louise, Natasha at Loisa—kapwang nag iisip kung ano ang sasabihin namin kay Cristine dahil maging kami ay hindi malaman kung nasaan si Jia.
Maging si Loisa ay mabilis na pumunta dito ng tawagan siya ni Jhanna. Naka pantulog pa ang gaga, hindi manlang nakisali sa rambulan namin kanina sa parking lot.
"Lorton mauna kana sa kwarto ni Mama" baling ni Louise sa kapatid niyang lalaki. Agad naman itong sumunod at pumunta sa kwarto na inuukupa ni Tita Lucy.
"Teka bakit muka kang sabog Tasha?" Tanong ni Loisa ng makita ang magulo na buhok at gusot na damit ni Natasha.
"Kung nandon ka sana edi sana dika nag tatanong ngayon" inis na sagot sakaniya ni Natasha.
"Bakit anong nangyari?" Takang tanong ni Loisa habang palipat lipat ang tingin saamin.
"Nakipag sabunutan yan sa kabit ni Khalil" si Jhanna na ang sumagot.
"Ay putcha. Meron din yon?! Kingina dapat tinawagan niyo ko para naka sali ako grabe nag sasarili kayo ah" sagot ni Loisa na siyang kina nganga naming lahat. Hindi mahilig sa away si Loisa at medyo mailap sa tao kaya hindi namin malaman kung saan galing yang lakas ng loob niya para sabihin saamin yan.
"Seriously?" Hindi maka paniwalang tanong ni Chanun.
"Oo naman, anong tingin niyo saakin anghel? Nga pala nakita niyo ba yung pinalit ni Nigel kay Natasha?" Biglang tanong niya.
"Isa pang hipon na yon. Ang panget na nga ng muka niya may band aid pa siya sa ilong na mas lalong nag papanget sakaniya" sagot ni Natasha na muka nanamang papatay. Kung nakakamatay nga lang ang pang tu—t*****e sa isip ay paniguradong nasa wanted list nato si Natasha. Masyado siyang wild.
"Oh tingnan niyo" sabi ni Loisa sabay lahad saamin ng cellphone niya kung saan nag pi—play ang video.
"Kingina si Hipon yan ah" sabi ni Tasha habang naka turo doon sa babaeng pinalit sakaniya ni Nigel.
"What the hell Loisa" Katulad ko ay hindi rin maka paniwala si Jhanna sa mga napapanood namin.
Si Loisa hila hila ang buhok ni Hipon, Hindi siya nahihirapan dahil halos mag kasing taas lang sila ni Hipon.
"Did you do that?" Hindi maka paniwalang tanong ni Chanun. Malalaking ngiti naman ang tinugon sakaniya ni Loisa.
"Hanep Loisa!grabe mahal na mahal mo talaga ako!" Biglang sigaw ni Tasha sabay yakap kay Loisa.
"Excuse po, kung gusto niyo pong mag ingay pwede po kayo sa labas, nakaka istorbo po kayo ng pasyente" biglang sulpot ng nurse dahilan para mag tawanan kami.
"Kayo kase eh ang ingay niyo" sabi ni Louise.
NASA kwarto na kami ni Tita Lucy, wala parin siyang malay, habang si Lorton naman ay tulog na sa couch. Tahimik kaming nag uusap ay hindi nag papaliwanag pala kay Cristine kung bakit mukang sabog si Natasha.
"Ganto kase yun te, naiinis kase ako doon sa babaeng yun. Ok ang O.A ko sa part nayun pero kase nung mga time na yun nakikita ko si Hipon at Nigel kaya naman ganon nalang ako makapag react" naka yukong paliwanag ni Tasha.
"Ay nako kung nandon lang ako baka hindi lang sabunot ang inabot niya saakin" dagdag ni Loisa.
"Bakit sa circle of friends natin tatlo na ang niloloko, muka ba tayong easy para sa mga mata nila?" Sabi ni Cristine na kina taka namin.
"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko.
"Vince cheated on me too, I saw him having a same heaven with other woman" sagot ni Cristine na kina nganga ko.
"Mga hayop talaga" wala sa sarili sabi ni Tasha
"What do you mean by heaven?" Taka kong tanong. May iba't iba kaseng heaven diba yung isa pag tegi kana yung isa naman heaven sa sarap.
"s*x te wag kang painusente ah" sagot saakin ni Jhanna.
"Aba malay ko naman ibang heaven kase iniisip ko" naka ngusong sagot ko.
"Hindi sila sa heaven pupunta, impyerno! Doon, doon sila pupunta" sabi naman ni Louise.
"I should be thankful that Drek ghosted me? I mean, wala kaming label ang bigla nalang siya hindi nag paramdam" sabat ni Jhanna kaya naka tikim siya ng malutong na mura kay Chanun.
"Tanga, ang labas parin no eh parang nag cheat siya kahit WALANG KAYO" may diin na sabi ni Chanun.
"Sige ipamuka mopa nakakatuwa ka eh" inis na sagot ni Jhanna na kina tawa namin.
"Pero seryoso, ang labas parin non he cheated on you kase nag pakita siya ng motibo ang boom biglang mawawala" dagdag ni Chanun.
"Good thing, hindi pa na no-notice ni Edward si Jia, less pain" ani ni Natasha.
"Eh pano naman kase siya makikilala eh hindi naman gumagawa ng paraan para makilala siya ni Edward" kontra ni Jhanna.
"Eh pano gagawa ng paraan eh sapat na sakaniya yung sulyap sulyap lang" dagdag kopa.
"Eh pano kung sa sulyap sulyap niya eh maunahan siya?" Wika ni Cristine.
"Eh pano kung maunahan nga siya at wala na talagang chance?" Dagdag pa ni Louise.
"Eh bakit kayo nakekeelam sa strategy ni Jia?" Sabi ni Chanun na kina ayos ng upo namin.
Sabi nga namin di kame makekeelam
"Pero aminin mo Chanun, sating lahat si Jia ang walang lakas ng loob umamin kahit na ladlad na ladlad ang kaharutan non sa katawan" sabi ni Loisa na sinang ayunan naming lahat.
"Edi sana siya yung tinanong niyo diba hindi ako, aba malay ko sa takbo ng utak ng babaeng yon" aniya.
"Eh bakit ba kase napunta kay Jia yung usapan natin? Kanina eh kung pano lang na ghost si Jhanna ang topic natin" ani ni Tasha.
"Eh bakit hindi natin pag usapan kung pano ka pinag palit ni Nigel?" Balik sakaniya ni Jhanna.
"Oh tama na, speaking of Jia, nasan siya?" Singit ni Cristine sa asaran ni Jhanna at Tasha.
"Yun nga this past few days, no trace of Jia" sagot ko agad dahil mukang wala silang balak mag salita. "Parang sobrang busy niya sa buhay" dagdag kopa.
"Anong nangyari don?" Takang tanong ni Louise.
"Let's check her tomorrow kung papasok man siya tanungin natin kung anong ginagawa niya or ayain natin siya mag club" suggestion ni Jhanna.
"Good idea, pero pano kung gawin niya ulit yung ginagawa niya palagi, napasok siya but hindi siya sasabay satin kumain and sa uwian naman ay agad siyang umaalis" sabi ni Loisa.
"Ganto nalang, why not let's wait for her nalang kapag dismissal na para wala siyang takas saatin" dagdag na suggestion pa ni Chanun na siyang sinang ayunan naming lahat.
"Kayo na bahala jan dahil kayo naman ang mag kakasama sa university" sabi ni Louise.
"Balitaan niyo nalang kami" dagdag pa ni Cristine.
KINABUKASAN. Katulad ng napag usapan ay ginawa nga namin ang plano namin. Nakita namin na pumasok siya, as usual ay hindi siya sumabay saamin mag breakfast, lunch or kahit miryenda. Para bang iniiwasan niya kami sa hindi malamang dahilan.
"Baka nauna na umuwi si Jia satin" hindi ko mapigilan ang kaba na nararamdaman ko hindi ko alam kung bakit pero maaminin ko sa kanilang lahat ay si Jia lang ang lagi kong kasama at close na close kami. This past few days lang bigla siyang nag bago.
"Tuleg kaba? Eh nag cutting class nga tayong lahat para maunahan natin dito si Jia, atsaka may 5 minutes pa bago mag bell kaya hindi pa yan uwian" sagot ni Tasha.
Nag hintay kami ng limang minuto bago tuluyang tumunog ang bell, na saktuhan namang nakita namin si Jia na mabilis na nag lalakad habang inaayos ang soot nyang bag.
"Ayan na sya mga te" sabi ni Jhanna, umayos kami ng tayo ng tuluyang maka lapit saamin si Jia, gulat pa siyang napa tingin saming lahat pero agad din siyang naka bawi.
"Sama ka samin may pupuntahan tayo" agad na sabi ni Chanun.
"Huh? Sorry hindi ako pwede sa ibang araw nalang" agad na sagot ni Jia saka niya tinali ang mahaba niyang buhok.
"Bakit naman? Lahat nandon even Cristine and Louise, oh take note Loisa is there too" sabi ni Tasha.
"Ganto nalang, hahabol nalang ako just text me the whole adress. Mauuna nako" aniya saka mabilis kaming tinalikuran. Hahabulin pa sana namim siya para mapapayag pero agad kaming natigilan dahil halatang nag mamadali talaga si Jia sa hindi namin malaman na rason o dahilan.
"Epic fail nanamn mga te" sabi ko.
"Don't loose hope, may isa pa tayong chance para maka usap siya" sabi ni Chanun. Agad kaming nag dikit dikit para marinig ng maayos ang plano namin.
"Ako ang hahanap ang venue, I will bring Jhanna with me, and yung iba kayo na ang bahala mag sabi kila Cristine at Louise. I will send you the location. Tonight were going to trap Jianne Hernandez"
Itutuloy...