"If you look at what you have in life, you'll always have more. If you look at what you don't have in life, you'll never have enough." -Oprah Winfrey
KABANATA VI- CONTENDED
Louise
TAAS kilay akong naka tingin kay Tanya, isa sa mga nurse na kasama ko sa canteen. Panay ang kwento niya sa boyfriend niya kala mo may pakeelam ako sa mga sinasabi niya. Kesyo daw na binilan daw siya ng tala necklace ng jowa niya nung anniversary nila.
"Napaka yabang talaga" bulong saakin ni Paula na isa sa mga kasundo kong nurse.
"Hayaan mo siya wala namang may pakeelam sa mga sinasabi niya" balik kong bulong sakaniya.
"Asarin ko lang ma" aniya sabay ngisi. Ma ang tawag niya saakin syempre short term for Mama, ewan ko sa trip niya sa buhay hindi naman akong mukang ina.
"Bukod sa pag bili ng jowa mo ng tala necklace sayo ano pang ginawa niyo nung anniversary niyo?" Biglang tanong ni Paula, napaisip naman si Tanya at nang gumana ang kayabangan niya sa katawan ay agad siyang ngumiti saamin ng pagka laki laki, pch! Peke naman!
"Syempre nag date, dinala niya ako sa mamahalin na restaurant" sagot naman ni Tanya.
Patol din HAHAHA
"Ay yun lang? Kami kase ni Nathan, nung anniversary namin dinala niya ako sa palawan at doon kami nag celebrate together with friends and family ang galante niya no?" Pang aasar pa ni Paula, gusto ko tumawa dahil sa reaksyon ni Tanya nababakas sa muka niya ang pagka inggit, pero mas pinili ko ang manahimik dahil baka idamay pa ako nitong dalawa eh wala nga akong jowa kaya paano ako aabot sa anniversary?
"And next stop namin for our 2nd anniversary is Costa Leona naman. Ang galenta talaga ng boyfriend ko no" dagdag pa ni Paula dahilan para mapa tawa ako ng mahina. Si Tanya naman ay pikon na tumayo at umalis sa pwesto namin dahilan para mapahagalpak kami sa pag tawa.
Wala talagang mapapala ang mga inggetera na katulad niya HAHAHAHAH!
LUMIPAS ang mga oras at sa wakas ay tapos na ang shift namin. Habang nag liligpit ako ng gamit ko ay biglang tumunog ang cellphone ko.
Sachie is calling...
Sinagot ko ang tawag ni Sachie, maingay ang background niya panigurado ay nasa kalsada to.
"Bilisan mo aalis na sila!" Rinig kong boses ni Jhanna.
"Hello" pag sasalita ko.
"Off ship mona ba?" Boses ni Sachie.
"Oo bakit? Sagot ko naman.
"Tanga mo Louise bilisan mo!" Boses ulit ni Jhanna.
"Nasan ba kayo?" Tanong ko. "Palabas nako ng hospital" sagot ko.
"Nandito kami sa parking bilisan mo nang gigilgil ako" aniya saka tuluyang namatay ang tawag. Nag tataka man ay wala akong nagawa kundi ang pumunta sa parking lot ng hospital dahil nandon daw sila.
Nang maka rating ay agad ko silang nakitang apat na nag tatago sa likod ng sasakyan.
"Hoy anong ginagawa niyo jan?" Taka kong tanong sakanila, sinenyasan nila ako na wag maingay at agad akong hinila ni Chanun.
"Sugudin nanatin yan" sabi ni Natasha, kaya naman ay sinilip ko kung sino ang tinitingnan niya. Si Tanya kayakap ang GALANTE niyang boy friend HAHAHA
"Tanga wag muna saka na pag may ginawa na silang kababalaghan" sagot sakaniya ni Jhanna.
"Baliw, pag sinugod mo yan mas malala kapa sa niloko eh hindi mo naman jowa yan" sagot sakaniya ni Chanun. Hindi ko alam kung bakit pa sila nag tatago dito at ano namang meron sa Boyfriend ni Tanya.
Tinitigan ko ng maayos ang lalaki dahil parang pamilyar saakin ang polo na soot non.
"Ah guys" tikhim ni Sachie, pero nanatili ang paningin ko sa lalaki na kahalikan ni Tanya.
"Ayan ayan na!" Sabi ni Natasha.
"Halika na kase te!" Dagdag pa ni Jhanna. Halos lumuwa ang mata ko ng makilala ko kung sino ang kahalikan ni Tanya.
"N-Nandito si Louise" sabi ni Sachie dahilan matigilan sila at dahan dahan silang tumingin saakin, per wala na akong pakeelam don dahil ang gusto ko lang gawin ngayon ay sabunutan, sampalin, tadyakan, murahin at kaladkadin si Tanya at Khael.
"Louise" pag tawag ni Chanun sa pangalan ko. Agad kong binigay ang bag ko kay Jhanna na agad naman niyang tinanggap.
"Hoy anong gagawin mo!?" Singhal saakin ni Sachie.
"Tuturuan ko lang ng leksyon ang mga to" sagot ko, bahagya ko pang tinaas ang manggas ng uniform ko handa ng makipag bakbakan ng bigla akong pigilan ni Natasha at Jhanna. Tulad ko ay tinaas din nila yung manggas ng soot nilang t shirt.
"Back up mo kami te" taas kilay na sabi ni Jhanna saakin.
"Bilisan mona nangangati na kamay ko manabunot" dagdag ni Natasha kaya naman ay huminga ako ng malalim at taas noo na nag lakad palapit sa pwesto ni Khalil at Tanya.
Nang ilang hakbang nalang ang layo namin sakanila ay agad akong pumalakpak na siyang naka kuha ng atensyon nilang dalawa dahilan para matigil ang sipsipan nila.
"Doc Louise" pag tawag saakin ni Tanya.
"Ito yung boyfriend mo?" Tanong ko sakaniya habang naka turo kay Khalil na gulat na naka tingin saakin.
"Yes Doc" magiliw na sagot saakin ni Paula dahilan para mapa ngisi ako.
"Ahh, siya pala yung sinasabi mo saamin kanina na boyfriend mong galante na yung binilan ka ng tala neck lace tapos dinala ka sa mamahaling restaurant" sagot ko, bahagya pakong tumatango saka ko tiningna ng seryoso si Khalil at muling binalik ang tingin ko kay Tanya.
"Hindi ka mahal niyan" sabi ko sakaniya na kina nganga niya. "Ako kase dinala niya sa New york nung anniversary namin" ngisi kong sabi sakaniya.
"What do you mean Doc?" Takang tanong ni Tanya.
"BOY FRIEND KAYA YAN NI LOUISE YANG HINAHALIKAN MO!" sigaw ni Natasha na kina pikit ko ng mariin.
"Hoy papansin ka bat ka nakikisali" rinig kong bulong ni Jhanna.
"Sorry na te, hindi ko lang mapigilan" sagot naman ni Tasha.
"Doc ano bang sinasabi niyo?" Natatawang tanong ni Tanya. "Eh ako ang first girlfriend ni Khalil" dagdag niya na kina tawa ko ng peke.
"F-First girlfriend? Ha! Talaga Khalil!?" Hindi maka paniwalang sabi ko.
"Let me explain" aniya akma siyang lalapit saakin ng bigla akong hilain ni Chanun na diko alam kung kaylan pa sila ni Sachie na nasa likod namin.
"Ang kapal naman ng muka mo para mag paliwanag eh ang linaw linaw na niloloko mo lang si Louise" sabi ni Chanun sakaniya.
"What the hell" singhal ni Paula.
"Oo what the hell talaga malandi ka!" Sigaw ni Natasha akmang susugod na kay Tanya mabuti nalang at nahawakan siya ni Sachie. "bitawan moko sasapakin ko lang yang babaeng yan!" Sigaw pa ni Natasha. Pinabayaan kona sila don at hinarap si Khalil.
"Louise—" naputol ang sinasabi niya ng sampalin ko siya ng pagka lakas lakas.
"Ang kapal ng muka, ipag papalit mo nalang ako sa hindi pa maka tarungan na babae!?" Singhal ko sakaniya.
"Anong sinasabi mo!? Na panget ako!?" Sigaw saakin ni Tanya.
"Ikaw nag sabi niya hindi ako, atsaka panget ka naman talaga, look at yourself parang mang baba ang pagka tao ng kahit na sino kapag ikaw lang ang pinalit walang wala ka sakin no" taas kilay kong sabi sakaniya.
"Ang kapal ng muka mo!" Sigaw niya at akmang susugod saakin ng hilain ni Natasha ang buhok niya, naka wala pala ang loka.
"At ikaw naman ang kapal naman pala talaga ng muka mo, lalandi ka lang din naman yung regalo ko pang polo ang sinoot mo! Hubarin mo yan!" Sigaw ko sakaniya.
"Babe don't do this, I'm sorry bigla niya lang ako hinalikan" aniya.
"Wow! Bigla lang pero umabot kayo ng 2 months!? Gago ka pala eh... Huhubarin mo yan ng kusa o ako mag huhubad niyan sayo!" Pinanlakihan kopa siya ng mata, agad naman siyang kumilos at hinubad ang polo na soot niya at binigay saakin. Gusto ko sana siyang saktan ng biglang may humila sa buhok ko.
"Malandi ka inagaw mo sakin ang boyfriend ko" sabi ni Tanya habang hila hila ang buhok ko.
"Halika dito linta!" Si Tasha sabay hila buhok ni Tanya dahilan para mabitawan niya ang buhok ko. "Dapat ang mga katulad mong malandi nililibing ng buhay dahil wala kayong dulot sa lipunan puro kayo harot dito harot jaan harot everywhere nakakasira kayo ng relasyon alam niyo yon" halatang gigil na gigil si Natasha habang naka dagan siya kay Tanya ay hinihila ang buhok ni Tanya.
Gusto ko maawa kay Tanya pero bahala siya sa buhay niya naiinis ako sakaniya.
"Tama na" tapik ko sa balikat ni Tasha. Agad naman siyang pinigilan nila Sachie at Jhanna.
"Pasalamat ka yan lang inabot mo sakin, kung tayo lang dalawa dito baka mag sisi ka na nabuhay kapa sa mundo" sabi ni Tanya habang inaayos ang guray guray niyang buhok.
"Babe—" hindi nanaman tapos ni Khalil ang sinasabi niya ng maka tikim siya ng suntok di kalimot kay Chanun.
"1 point for me" aniya sabay kindat saakin. "Oh ganda naman ng taga hawak mo" dagdag na sabi niya sabay abot ng bag ko saakin. Parehas na bulagta si Khalil at Tanya don. Hindi ko mapigilan matawa ng malakas na sumigaw si Tanya.
"MAG BABAYAD KAYO!" Sigaw ni Tanya.
"TANGA IKAW ANG MAG BABAYAD PARA SA PANG PAAYOS NG MUKA MO, ANG PANGET MO TANGA!" balik na sigaw sakaniya ni Tasha.
"Kainis ka, mas g na g kapa kay Louise" natatawang sabi ni Sachie.
"Nakakairita kase pag mumuka ng babaeng yun, bat kase floor wax ang ginagamit niyang blush on" sagot ni Tasha na mas lalong nag patawa saamin.
"Ito naman papansin lang back up back up kapa wala ka namang ginawa don"baling ni Tasha kay Jhanna.
"Baliw nagulat lang ako bigla bigla kang nasugot, syempre wala pakong warm up" sagot sakaniya ni Jhanna.
"Nek nek mo"
"Bakit kase wala dito si Jia eh, kung nandito yon edi sana wala ng rambula na naganap doon, paniguradong salita palang ni Jia bagsak na yung babaeng yon" ani ni Jhanna.
"True, baka Jianne yon" natatawang sabi ni Sachie.
"Teka nasan ba si Jia?" Tanong ko sakanilang lahat.
"We don't know but she seem so busy this past few days" sagot saakin ni Chanun. "Ewan ko sa babaeng yun mas tahimik pa sa hindi nakaka pag salita" dagdag niya.
"Hindi pa kayo nasanay kay Jia" sagot ni Jhanna ng biglang mag ring ang cellphone ko.
"Ate" boses ni Lorton sa kabilang linya.
"O napa tawag ka may ipapabili kabang pasalubong?" Tanong ko sakaniya, ilang minuto akong nag hintay sakaniya sumagot. Halos gumuho ang mundo ko dahil sa sinagot niya saakin.
"Isinugod namin si Mama sa Hospital"
Itutuloy...