Kabanata 2

1670 Words
KABANATA 2: Dependable Friend LOISA P.O.V True friends will never leave your side, during the best and the worst times. Oftentimes, your most loyal friends are also the ones who know how to bring out the best in you. I want to go with my friends and have some fun but I can't. In Life you need to think not only yourself, you need to think the people around you... "Loisa mag saing kana!" Rinig kong sigaw ni mama mula sa baba. Agad kong sinara ang libro ako at mabilis na bumaba sa kusina para sundin ang utos ni Mama. "ilang gatang ma?" tanong ko sakaniya. "tatlong gatang lang anak... Ikaw na bahala sa kapatid mo ah, eto pang gastos niyo. Mag luto ka nalang ng ulam niyo mamayang tanghalian" bilin saakin ni Mama. Single mom si Mama kaya naman kapag oras ng trabaho niya ay ako ang umaako ng responsibilidad niya sa bahay dahil ginagawa naman ni Mama ang dapat na respondibilidad saamin ni Papa. Bata palang ako ng mag hiwalay si Mama at Papa, at hindi alam ni mama na buntis siya kay Laisha. Kasalukuyang Elementary si Laisha habang ako naman ay College katulad ng mga kaibigan ko maliban kila Louise at Cristine na may kanya kanya ng trabaho sa hospital. "Mama! anong oras kapo uuwi?" Tanong ni Laisha ng maka baba siya mula sa kwarto niya. "Mukang gagabihin ako anak, madaming trabaho ang naiwan sa opisina" sagot sakanya ni Mama. "Wala kaming pasok ngayon ma, pwede bang pag hatid ko kay Laisha sa school ay pumunta muna ako ng Bookstore? may bibilin lang akong libro" paalam ko ng matapos akong mag saing. "Ikaw bahala anak, basta alam mona ang dapat mong gawin" sabi saakin ni Mama, napa ngiti ako habang natango. "Aalis nako... Loisa ang kapatid mo ah" huling sabi pa ni Mama bago lumabas ng bahay. "Ingat Ma!" sabay naming sabi ni Laisha. "Ate pwede bang samahan mo ng Juice ang baon ko?" baling saakin ni Laisha ng maka alis si Mama. "May tubig naman bakit kailangan mopa ng juice" sagot ko sakaniya. "Nakakainis kase ang classmate ko ate, porket may juice sa lunch box niya feeling mayaman na. Ang panget naman ng lunch box niya" naka ngusong sagot saakin ng kapatid ko. Napa iling nalang ako dahil sa babaw ng alibi niya. "Wala naman siyang panama sa lunch box ko..." dagdag na bulong pa niya. "Ewan ko sayo Laisha... Kumain kana don at ipag titimpla kita ng Juice na sinasabi mo" sagot ko sakanya. "Salamat ate!" sigaw niya. Napa tingin ako sa labas ng bahay ng may busina ng sasakyan akong makita doon. Agad akong lumabas at nakita ko doon ang sasakyan ni Jia. "Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko sakanya ng maka baba siya sa kotse niya. "Wow, dina pala ako welcome dito" sagot niya na kina ngiti ko. "buti alam mo" birong sagot ko sakanya. Inirapan niya lang ako at walang pasabing pumasok sa bahay namin. feel at home sila lagi... "Wala kaming pasok, at alam kong wala ka ding schedule ngayon kaya samahan moko sa bookstore" sabi niya saakin. "sakto, balak ko din na pumunta sa Bookstore mamayang pag hatid ko kay Laisha sa school" sagot ko sakanya. "Ihahatid kona kayo" aniya na kina tango ko. hinugasan ko muna ang platong pinag kainan ni Laisha bago ako maligo. Nag soot lang ako ng kumportableng damit bago ako bumaba. "Ate ihahatid daw tayo ni Ate Jia sa school" malalaking ngiti na sabi ni Laisha saakin habang pasakay kami ng sasakyan ni Jia. "Sana nandon si Nicole para mapakita ko sakanya kung sino mas mukang basahan saamin" dagdag pa niya. "May kaaway ka nanaman sa school Laisha?" tanong ko sakanya. "Siya naman ang nanguna ate, sinabihan niya ako ng panget eh siya nga yung mukang basahan saamin. Ang itim itim pa niya" sagot ng kapatid ko na kina iling ko nalang. "lakas talaga niyo ni Natasha mang impluwensya. Tingnan mo laitera na din ang kapatid ko" baling ko kay Jia na abala sa pag mamaneho. " Di kami laitera ok? nag sasabi lang ng totoo" sagot nya saakin na mas kina iling ko. Wala na silang pag asa... Nang maka rating kami sa School ni Laisha ay agad siyang bumaba na siyang sinundan ko. "Hoy Nicole!" nagulat ako dahil sa angas ng pag tawag ng kapatid ko sa pangalan ng Nicole na sinasabi niyang kaaway niya. "Laisha tumigil ka ah" suway ko sakanya. "Bakit?" sulpot ng isang batang kulot at tama naman ang sinabi ni Laisha maitim nga talaga siya... "Wala... Sige alis kana ulit" sagot sakanya ng kapatid ko. Napa iling nalang ako dahil sa ugaling meron siya. Nang tuluyang naka alis si Nicole at hinarap ko si Laisha. "Ikaw tigilan mo makipag away kung ayaw mo isumbong kita kay mama" banta ko sakanya. "Hindi na nga ate diba" aniya "Mag aral ka ng mabuti ah wag kang mag bulakbol" bilin din sakanya ni Jia mula sa sasakyan niya. "makaka asa kayo mga ate. Papasok napo ako... Babye! anang ng kapatid ko habang kumakaway saamin habang papasok siya sa gate ng school nila. Nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko ay sumakay na ako sa sasakyan ni Jia dahil may kailangan pa kaming bilin sa book store. Nang tuluyan kaming maka rating ay agad kaming nag tungo sa book store. "anong libro pa ang kailangan mo?" tanong ko sakanya habang tumitingin ako ng mga librong konektado sa course ko. "Literature" tipid na sagot saakin ni Jia " pupunta lang ako sa stationary" sabi pa niya. "sige mag kita nalang tayo sa counter" sabi ko sakanya. Nag patuloy ako sa pag hahanap ng libro hanggang sa mahanap ko ang librong kailangan ko. Wala si Jia sa Counter kaya naman ay inikot ko ang mga mata ko sa paligid hanggang sa makita ko siya sa labas ng bookstore na para bang may tinataguan, kaya naman ay agad kong binayaran ang librong binili ko at lumabas na doon. "anong ginaga— Papa" hindi ako maka paniwala sa mga nakikita ko. "Loisa" rinig kong pag banggit ni Jia sa pangalan ko. Hindi ko akalaing sa tagal ng panahon na hindi ko siya nakikita ay ganito ang maabutan ko. Sabi niya ay Kami lang ang pamilya niya, pero ano itong nakikita ko? Bakit ganito?. "halika na aalis na tayo" aya saakin ni Jia pero maski ihakbang ko ang paa ko ay hindi ko magawa. "Loisa ano ba—" "Loisa?" napa titig ako kay Papa ng banggitin niya ang pangalan ko. Gulat na gulat siya ng makita ako, mukang hindi niya inaasahan na makikita niya ako, ako din naman... Hindi ko naasahan na makikita siya na may ibang pamilya. Napupuno ng galit ang puso ko, gusto ko siya sigawan at sumbatan pero hindi ko magawa. "Loisa anak" aniya, akmang yayakapin ako ng humakbang ako paatras. "Anak mag papaliwanag a—" "Sana wag mong gawin sakanila ang ginawa mo saamin nila Mama. Siya nga pala malaki na si Laisha ang anak niyo ni Mama bago mo siya iwan" seryoso kong sabi sakanya "What do you mean?" naguguluhan niyang tanong. "Na hindi lang ako ang anak mo kay mama... At simula ngayon kalimutan mona na may anak ka kay Mama dahil simula ngayon ay kakalimutan kona na may Ama akong sinungaling at maka sarili" Alam kong mali ang ginawa ko pero hindi ko iyon pinag sisisihan. Sa loob ng mahabang panahon ay umaasa akong mabubuo ulit ang pamilya namin, pera hanggang asa nalang pala ako dahil ang hinihintay kong bubuo sa pamilya namin ay may iba ng pamilya. "Loisa, kain ka muna" Sabi ni Jia sabay lapag ng pagkain sa tapat ko. Nasa isang fast food chain kami para kumain. "Bakit ang hilig ng mga tao baliin ang pangako nila?" naluluhang tanong ko sakanya. "Dahil mas pinapaniwalaan nila ang kasabihang 'promises are meant to be broken'" sagot niya na siyang kina kunot ng noo ko. "Porket ba sinasabi nilang promises are meant to be broken gagawin na nila yon? hindi na sila gagawa ng paraan para matupad ang mga pinangako nila?" sunod na sunod na tanong ko sakanya. "Alam mo Loisa, may dalawang klase ng tao sa pag tupad ng pangako. Ang isa ay yung gagawin ang lahat para lang matupad ang pangako nila kahit na maka sakit sila ng ibang tao o kahit masaktan nila ang sarili nila. At yung isa naman ay yung mas pipiliin ang mabali ang pangako dahil no choice sila. At sa kaso ni Tito, siya ang pangalawa." sagot niya na kina tigil ko. "Lahat ng tao ay may pag pipilian bago gumawa ng desisyon nila sa buhay. At yung kay Tito dalawang importante sa buhay niya ang pinag pipilian... Kayo ng mama mo o ang babaeng nag dadalang tao. Sa tingin mo ano ang mas pipiliin ni tito?" dagdag pa niya na mas lalong kina tahimik ko. "Syempre mas pipiliin niya yung taong kailangan siya kahit na ang kapalit nito ang masaktan ang tunay niyang pamilya. Tao lang din ang papa mo, natutukso... Ang mali lang doon ay yung bumigay siya at pinatulan ang tukso na iyon at ngayon ang tukso na iyon ay nag bunga na siya kailangan ng papa panindigan" "Having child is a blessings to every one... Kahit na sabihin mong anak lang siya sa labas dahil kabit lang ang nanay niya... Kapatid mo parin iyon at wala siyang kasalanan sa kasalanan na nagawa ng magulang niya. Hindi niya kasalanan na nabuhay siya sa mundo at mas lalong hindi niya kasalanan ang maging anak siya ng isang kabit... Kaya sana sa pag dating ng panahon tanggapin mo ng buo ang dadating mong kapatid at mahalin mo din siya katulad ng pag mamahal mo kay Laisha" Masaya... Masaya ako dahil kahit na may ganito akong pinag dadaanan sa buhay ay hindi ko parin nagagawang sumuko dahil may mga kaibigan ako na handang ipaintindi saakin ang mga bagay bagay, may mga kaibigan ako na katulad ni Jia na maasahan hindi lang sa oras ng pangangailangan kundi pati narin sa oras ang kasiyahan at kalungkutan... itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD