Kabanata 3

1818 Words
Kabanata 3: Love and Hate NATASHA P.O.V As a saying goes, love and hate always come hand in hand, it is something that is closely related with one another. You cannot say that you only feel a certain way of affection for a person for as much as you are fond of him, it is only of human’s nature to feel a certain negativity about him as well. Not to worry as it is only natural for people to feel it, should your lover feel that his blood is boiling because of you, that can also mean that he is affectionate of you. Agad kong tinigil ang pag susulat ko ng kung ano anong salita tungkol sa love ng yugyugin ako ni Jhanna. Hindi na talaga ako natutuwa sakanya. "Ano ba?" inis kong tanong sakanya. Bakit ba kase siya ang kasama ko dito? Nasan naba ang iba? si Sachie? o kaya naman sila Chanun o Loisa, mas ok pa nga si Jia kase atleast alam kong pareho kaming maharot makintindihan namin ang isa't isa. "Tingnan mo Te yung ex mo yun oh" bulong niya sabay turo sa walang hiya kong ex na nang iwan saakin kala mo naman kung sino muka namang paa. Biglang nag init ang ulo ko at sinundan ko ng tingin ang daang tinatahak niya. "Halika sundan natin" aya ko kay Jhanna na agad namang sumunod saakin. Sinundan namin ng palihim yung Ex kong mas bulok pa sa mga pangako niya. Muka mang tanga pero gusto ko makita ang klase ng babae na pinalit niya saakin. Siguraduhin niya lang na hindi malboro girl ang pinalit niya saakin kundi diko ibibigay ang basbas ko sakanila! "O my goshhhhhh!" rinig kong sabi ni Jhanna kaya napa tingin ako sa tinitingnan niya. Halos lumuwa ang mata ko dahil sa nakikita ko. "Walang wala ka te" sabi pa niya. "A-Anong walang wala" inis na tanong ko sakaniya. Eh height at boobs lang naman ang nilamang saakin ng babaeng yan! "di hamak na mas maganda naman ako jan" dagdag kopa. Sa taas ng tingin ko sa sarili ko ay wala ng makaka abot non. Pero totoo namang mas maganda ako sa babaeng yon. tumikhim pa si Jhanna bago mag salita " sabagay, tama ka naman boobs at heights lang ang nilamang niya sayo" aniya na kina ngisi ko. o diba tama ako. "pero yung mas maganda ka? diko sure" dagdag pa niya. "alam mo diko alam kung anong meron sa utak mo. kung utak ba o plema na nabuo, minsan kase i dura mo para di naiipon" inis kong bulong sakaniya. Agad akong tumayo at akmang aalis na sa pinag tataguan ko ng bigla akong hilain ni Jhanna sa kamay dahilan para muli akong mapa upo. "san ka pupunta!?" bulong na singhal niya saakin. "susugudin sila ok na?" "Tanga kaba!?" "ano nanaman!? hindi naman ako papayag na ganyan niya lang ako palitan matapos niyang makuha ang lahat ng meron ako" sagot ko na siyang kina takip ng bunganga niya at nanlalaki ang mata na naka tingin saakin. "O my god" aniya na siyang kina taka ko. Ang O.A ah. "O M G! AS IS O M G!" tili niya tapos pinag hahampas ako sa braso. "ARAY! KINGINA MO!" sigaw ko sakaniya na siyang kina tigil niya. "MASAKIT AH!" "Bat mo sinuko" sabi niya na parang naiiyak pa. "huh?" taka kong tanong "Tanga kaba!? bat mo sinuko ang bataan!" singhal niya saakin na siyang kina tanga ko. Anong pinag sasabi niya? "Ang tagal mong iningatan ang bataan mo tas i susuko mo lang!?" aniya " ano laguna ba?" bigla niyang sabi na mas lalong kina tanga ko. "hindi palawan" sagot ko na kina tili niya. "black sand o white sand?" tanong niya ulit. "boundary" sagot ko na kina tango naman niya. "heaven o he—" "ANO BA!? Diko naman sinuko ang bataan ko!" singhal ko sakaniya. "eh bat sabi mo matapos niya makuha ang lahat sayo" sagot niya. "Oo dahil pinerahan niya ko!" "edi ikaw na mapera" sabi niya "eh bat mo nasasagot ang mga tanong ko?" tanong niya ulit. Agad akong napa kagat sa labi ko. "Dream ko yon" halos bulong na sabi ko. Pero agad akong napa nganga sa sagot niya "same, pero gusto ko white sand" sagot niya na kina tahimik ko. Kala ko talaga hahampasin at sisigawan niya ko dahil sa mga pinag sasabi ko pero diko akalain na may hidden agenda din pala tong lukaret na to. "Nag bibilang anghel ka lang palang animal ka" singhal ko sakaniya. "Di naman, lahat naman tayo may ganyang thoughts" Kibit balikat na sabi niya. Hindi kona siya pinansin at binalingan ko nalang ulit ng tingin ang low standards kong ex. Pero wala na sila ng bago niyang lolokohin. Napa padyak nalang ako sa inis dahil diko nakita kung saan sila pumunta. "Lika na, bayaan mo yang si Nigel, di naman kawalan yan eh" sabi ni Jhanna sabay kapit sa braso ko. "reretohan nalang kita te" aniya. "alam mo naman standards ko sa lalaki kaya ikaw na bahala" balik ko sakaniya. "yung mala Nigel" "kingina mo!" singhal ko sakaniya. Agad kaming naka balik ni Jhanna sa university. Nag lalakad kami pareho sa school garden ng may humarang saamin. "Jhanna" sabi ng lalaki. Lihim akong napa ngiti ng makita ko kung gano ka gwapo ang lalaking nasa harapan ko ngayon. "Oh, TJ ikaw pala. Anong kaylangan mo?" mahigpit akong napa kapit kay Jhanna dahil baka manghina ako dahil sa pag tingin saakin ni TJ daw. "Hihintayin nalang kita sa Library mamaya ah, may kasama ka pala" sagot ni TJ sabay tingin saakin. WHAAAAA MAMA! ANG PUSO KO! "Ah, si Natasha pala, kaibigan ko" pakilala saakin ni Jhanna. "Tasha, si Travis" dagdag pa niya kaya nag lahad si Travis ng kamay sa harapan ko. Pasimple kopa pinunas sa soot kong uniform ang palad ko dahil baka pasmado nakaka hiya naman. Nang masiguro na ok na ay sa wakas at nahawakan kona ang mahaba at malambot niyang kamay! o my god! "Travis Mendez, classmate ni Jhanna" pakilala niya sa sarili niya. "Natasha Alvarez, Stem student" pakilala ko den. "oh, stem ka din pala anong class ka?" tanong niya. "B-1" tipid kong sagot na kina tango niya. "good to hear, so pano bayan mauna nako sainyo. Jhanna kita nalang tayo mamaya ah" paalam ni Travis saka mabilis na tumakbo ng kumaway si Jhanna sakaniya. Napa tingin ako kay Jhanna na taas kilay na naka tingin saakin. "bat dimo sinabi na may ganyan ka palang kaklase. jusko edi sana naagapan ko ang pagka ubos ng pera ko" nawawalan na ng pag asa na sabi ko. "Eh sa baliw na baliw kana kay Nigel. lahat nalang dimo pinapansin" sagot saakin ni Jhanna. "te alam mo naman ang magic word diba sabihin mo lang na matalino at gwapo lilingon agad ako" bulong na sabi ko sakaniya. "ewan ko sayo Tasha. Edi sayo na yan si TJ wala namang nakiki agaw sayo" aniya. "wehh? sure kaba jan? baka ireto mo din yan kay Jia alam mo namang mas malala sakin yun" "nasali nanaman ako" agad akong napa tigil ng may nag salita sa likod namin. "Jia!" sigaw ko sabay kapit sa braso niya. "plastikera talaga tong babaeng to" rinig kong sabi ni Jhanna, napa irap nalang ako sa kawalan at pumamewang sa sakanilang dalawa. "totoo naman ang sinasabi ko" paninindigan ko. "alam mo kanina ka pang over compliment sa sarili mo alam naman nating lahat na mas malala ka kay Jia" sagot saakin ni Jhanna. "Sa dami dami ng nangliligaw jan maski isa walang pumapasa dahil sa crush niya mula nung highschool tayo na hindi manlang siya makilala maski pangalan" dagdag pa niya. "sige pangalandakan mopa kala mo naman siya kilala ng crush niya" sagot sakaniya ni Jia. "oo kaya ni follow niya ko sa IG" taas noo na sagot ni Jhanna. "tingin mo saken di na follow sa IG, lagi nga yon naka view sa stories ko" sagot naman si Jia. Lakas nitong dalawang to pag nag sama na iitshupwera ako. "Pwede ba manahimik kayo mga pisti!" singhal ko sakanilang dalawa. Naki sali nako baka kung saan ba umabot ang usapan nila. "nasan ba ang iba?" tanong ko kay Jia. "Ewan ko, nag text lang saakin si Cristine na night out daw" sagot niya. "Nanaman!? pass ako may paper works ako" agad na sagot ni Jhanna, sabay saakin naman tumingin si Jia. Nag kibit balikat ako "try" tipid kong sagod. "Mag chat kayo sa Gc kung pupunta o hindi ah. Check it time to time den if possible na mag iba ng plano" sabi ni Jia. Napa tango namang kami pareho ni Jhanna. "Una nako may gagawin pako" aniya sabay kaway saamin Jhanna at lumakad paalis. Pinag masdan namin lumakad si Jia na para bang nasa fashion show siya. Iba talaga ang may experience sa modeling parang tanga lang. Matangkad at sexy naman si Jia, sige sabihin nanating maganda din siya pero nakakainis din minsan pag kami ang mag kasama dahil nanliliit ako sa sarili ko. Mabait din siya pero pag wala sa mood dimo makakausap ng matino. May attitude na hindi mapipigilan na lumabas lalo na oag kausap mo, mas tipid pa sa kuripot mag reply tapos laging seryoso sa buhay. kahit maharot yan eh pag tiningnan ka naman ay para bang maka salanan kang tao dahil mapang husga ang paraan niya ng pag tingin sayo kahit na normal lang naman sakaniya yon. ito naman si Jhanna, siya nalang lagi kong kasama, nakaka sawa na nga eh. Pero no choice ako dahil maliban sakaniya ay si Chanun lang ang ka height ko. Syempre mas pipiliin ko ang boundary kesa sa impyerno no. Pag si Chanun ang kasama ko para akong anghel na ibinana ng langit dahil maski pag hinga ko ay parang dalagang pilipina ako. Pag si Jhanna ang kasama ko, boundary lang. Boundary ng langit at Impyerno dahil pag siya ang kasama ko parang sasabog nalang ako lagi sa inis dahil lagi niyang kinokontra ang mga sinasabi ko. Si Loisa naman ay ok sana pero pag siya ang kasama ko ay para bang ako nalang ang nahihiya sa sarili ko dahil sasagutin ka lang niya pag kinakausap mo siya, mas tahimik pa sa silent kung baga. Si Sachie naman, parang tuleg lagi. Diko alam kung na gi gets niya ba ako o ano dahil kung ano anong sinasabi. Mas madaldal pa saken nakakahiya naman sa part ko diba. Pag si Cristine at Louise naman. Wag nanatin isama yon lagi nalang busy sa trabaho yon. Pag nag kita nga kami itatanong ko kung may gwapo silang ka work don na pwede nilang i reto saakin, yung napatol sana sa college student para masaya. O kaya naman ay ako nalang ang bibisita sakanila. O diba naka kita kana ng gwapo instant good friend kapa. Dapat talaga di nako napasok dahil matalino naman na ako eh, pero dahil humble ako sige na nga joke lang yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD