KABANATA 4: Life and Death
CRISTINE P.O.V
People you love never die. That is what Omai had said, all those years ago. And he was right. They don't die. Not completely. They live in your mind, the way they always lived inside you. You keep their light alive. If you remember them well enough, they can still guide you, like the shine of long-extinguished stars could guide ships in unfamiliar waters.
"Isa pa, Clear!"
"Doc wala napo talaga" iling na sabi saakin ni Trina, nurse na kasama ko dito sa loob ng operating room.
"Time of death, 11:25 Pm" anunsyo nila. Wala sa sarili akong nag tanggang ng gloves na soot ko at maluha luhang lumabas ng operating room kahit na tinatawag nila ang pangalan ko.
Hindi ito ang unang beses na namatayan ako pasyente pero ito ang unang beses na maka ramdam ako ng ganito, na para bang hindi sapat ang ginawa ko para maisalba ang buhay ang lalaking yon.
"Doc, kamusta po ang kuya ko?" Salubong saakin ng isang batang babae. Inusenteng inusente ang muka niya na para bang wala siyang ideya sa mga nang yayari sa paligid.
Hindi ko kaya titigan ang inusente niyang muka at nag tatanong niyang mata. Sa tansya ko ay parang nasa edad walo pa lamang siya.
"N-Nasan ang magulang niyo?" Taliwas kong tanong sakaniya.
"Wala po kaming nanay at tatay, si Kuya lang po ang natitira kong pamilya" sagot niya dahilan para mag si unahan na ang mga luha kong lumabas. "Buhay naman po ang kuya ko diba kase mabait po siya. Sabi niyo din po na magiging maayos ang lagay ng kuya ko" dagdag pa niya, nag sisimula na gumaralgal ang boses niya. Wala ako sa sarili na umiling sa bata para iparating na wala na ang kuya niya.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" Umiiyak niyang tanong.
"P-patawad... Pero hindi na kinaya ng kapatid mo" hindi ko mapigilan maiyak sa harapan ng bata, alam kong mali ang ginagawa ko dahil nag papakita lamang ako ng kahinaan pero anong magagawa ko? Sobrang sakit ang nararamdaman ko. When the man's body was released, the girl quickly ran to her older brother. I could do nothing but keep walking out of the hospital and go to the place where I always go when my patient dies.
Sometimes I just think that being a doctor is not for me because of my setbacks when it comes to surgery, as if our profession does not suit me, and I can't even save people's lives
"Hello" sagot ko ng tumunog ang cellphone ko.
"Babe" boses ni Vince mula sa kabilang linya. Agad akong napa ayos ng tayo at mabilis na nag punas ng luha ko.
"Hey, I'm sorry kakatapos lang ng operation ko" sagot ko sakaniya.
"Yeah, you are always busy, wala kana nganh oras para saating dalawa" sagot niya na kina hinga ko ng malalim.
"Babe don't be like this It's not the right time to fight-"
"Kaylan?, You didn't even know what day today" aniya na kina tigil ko. Agad kong tiningnan ang kalendaryo sa cellphone ko at halos malaglag ang panga ko ng mag appear doon ang event na meron ako ngayong araw.
"O my god, I'm sorry, I forgot" agad na sabi ko sakaniya.
"You always do" sagot niya.
"I'm sorry, Let's date tomorrow. Happy anniversary" bati ko sakaniya.
"No, don't push your self." Sabi niya na kina kunot ng noo ko.
"What do you mean?"
"Don't come tomorrow I'm busy" aniya sabay namatay ang tawag. Ilang beses kong tinawagan si Vince pero pinapatay niya ang tawag hanggang sa out of reach na.
I noff niya ang cellphone niya
I sigh heavely as I go back to the hospital.
"Tine" pag tawag ni Joshua sa atensyon ko.
"I heared the news, Are you ok?" Tanong niya bakas ang pag aalala sa mata niya.
I smiled at him " I will be"
"Lokohin mona lahat wag lang ako" aniya.
"Ok nga lang ako baliw to, wala namang bago. Pag pumalpak sa operasyon umiyak nalang ulit tapos sisihin ang sarili" sabi ko. Agad namang lumapit saakin si Joshua at inakbayan ako. Amoy na amoy ko nanaman ang mabango niyang pabango.
"It's not your fault. Alam mo naman na pag oras na ng isa tao oras na nila. Wala ng magagawa ang doctor don" sabi niya na kina iling ko.
"Kahit oras na nila kung may magagawa ang doctor pwede silang mabuhay" paninindigan ko.
"Kaya nga, pero ang buhay ay nasa tao at nasa diyos. Kung kukunin na ng nasa taas wala na tayong magagawa kung sumama na mismo ang kaluluwa. Nasa tao din yan kung kaya paba niyang mabuhay" ani ni Joshua.
"Yan yung sabihin mo hindi yung pag oras mona oras mona. Eh pano naman yung mga pinapatay lang na kahit hindi pa naman nila oras" irap ko sakaniya. Natawa naman saakin si Joshua at gunulo ang buhok ko. Hilig niya yan kala mo naman nakaka tuwa.
"Mag didibate nanaman tayo eh ang gusto ko lang naman sabihin na hindi mo kasalan kung namatayan ka ng pasyente" sabi niya dahilan para mapa ngiti ako. Kaibigan ko si Joshua mula nung college, matalino, mabait, gwapo, gentleman, matangkad na payat. Jusko nasa kanya na ata ang lahat ng pantasya ng mg babae sa isang lalaki, total package kung baga.
"Good evening doc" bati ng nurse kay Joshua na agad namang nginitian nitong si Joshua. Diko alam kung pa fall lang siya o sadyang in born na sakaniya ang ngumiti ng makalaglag panty. Ayan tuloy kulang nalang mangisay ang nurse nato para mapa kita na kilig na kilig siya dito kay Joshua.
"Hoy Marites! Himbis na kiligin ka jan bakit dimo na gawin ang pag kuha ng dugo sa mga pasyente mo para maka uwi ka ng maaga" taas kilay kong sabi sakaniya. Nginusuan naman ako nitong si Marites.
"Si Doctora talaga. Wala naman akong balak na agawin sayo si Doc Josh. Alam naman natin na mas maganda ka kesa sakin" aniya
"Buti alam mo, ala sige umalis kana dito sa tapat ko baka iwanan kita mamaya" pag babanta kopa sakaniya agad namang siyang umalis sa tapat ko dahil baka natakot sa pag babanta ko.
"Selos agad" biglang sabi ni Joshua. I rolled my eyes.
"I'm not, and for your information Totoo naman ang sinabi ni Marites na mas maganda ako sakaniya"
"Yeah, I know"
LUMIPAS pa ang ilang mga minuto. Sa wakas ay natapos na din ang shift ko. Agad akong nag palit ng damit ko dahil balak kong puntahan si Vince sa condo niya dahil mukang nag tatampo nanaman yun saakin.
"Doctora over time pala ako sorry" salubong saakin ni Marites ng maka labas ako sa doctor's room.
"It's ok, mag ingat ka nalang pauwi mo" sabi ko.
"Sige doc, ingat din"
"Bye"
Nang maka pag paalam ako sa lahat ay nag text ako kay Joshua na uuwi nako dahil nasa operating room siya ngayon sigurado naman akong mababasa niya yon.
"Kuya Bonifacio po" sabi ko sa driver. Tumagal ng ilang minuto ang byahe hanggang sa wakas ay naka dating nadin ako sa condo ni Vince. Dala ang cake at wine sa mag kabilaan kong kamay.
Dahil hating gabi na ay tahimik na ang buong paligid at tanging ilaw nalang ang nag bibigay liwanag sa paligid at ingay ng mga sasakyan ang gumagawa ng ingay sa paligid.
Nang maka pasok ako sa elevator ay agad kong pinindot ang 11th floor dahil nasa 11th floor ang condo unit ni Vince.
Nang tumunog iyon, hudyat na nasa 11th floor na ako ay agad akong nag lakad papunta sa room number ni Vince. Nilagay ko ang password at nag bukas naman agad iyon. Patay ang ilaw sa sala kaya naman binuksan ko iyon at agad na nilapag sa coffee table ang cake at bote ng wine na dala ko at nag lakad papunta sa kwarto ni Vince. Akmang kakatok na ako ng may marinig akong halinghing ng babae.
"Wag jan nakikiliti ako" biglang lumakas ang kabog ang dibdib ko dahil sa galit na nararamdaman ko.
Mga pakyu kayo.
I dialed Joshua's number but he's out of reach, mukang nasa operating room pa siya. And next I dialed Marites number and after a 3 rings she answered the call.
"Doctora?" She immediately replied
"Pag tapos ni Joshua, tell him na sunduin niya ako sa condo ni Vince" sabi ko.
"B-Bakit doc- ay ito na pala siya. Doc!" Rinig kong sabi ni Marites
"oh anong problema? Naka uwi naba si Tine?" Rinig kong boses ni Joshua.
"Eto nga doc to kausap ko si Doctora, may sasabihin daw siya" sabi pa niya.
"Tine?" Boses ni Joshua sa kabilang linya.
"Please sunduin moko dito sa condo ni Vince" bulong na sabi ko.
"Why? What happen? Are you ok?" Sunod sunod niya tanong, napa lunok ako ng matindi dahil sa panunuyo ng lalamunan ko, nanlalamig din ang mga kamay ko na para bang gusto ko mag bigay ngayon ang isang pamilyang sampal. Pag mag kapatid kase kulang.
"N-No"
"Wait for me, susunduin kita" aniya saka agad namatay ang tawag. I cleared my throat saka umaktong walang pakeelam sa nangyayari.
Agad kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Vince at ang mga gago parang mauubusan kung mag halikan parang wala ng bukas dahil sa kababuyan.
"Cristine" bakas ang gulat sa muka ni Vince pero nanatili ang seryoso kong tingin sakanilang dalawa. " Let me explain" aniya na kina ngiti ko.
"Hindi paba sapat ang mga nakita ng dalawa kong mata? At kailangan kopa humingi ng paliwanag mo?" Seryoso kong tanong sakaniya.
"Sino kaba!?" Sigaw saakin ng babaeng sugpo nato.
"Diko alam na nakakapag salita na pala ngayon ang lamang dagat na katulad mo" sarkastikong sabi ko sakaniya.
"What!? How dare you to call me sugpo!" Sigaw niya ulit at akmang susugod saakin ng pigilan siya ni Vince "let me go!"
"Sige bitawan mo siya pero wag kang mag sisisi kung dadapo man ang mga kamay ko sa..." tiningnan ko mula ulo hanggang paa ang babaeng to na akala mo naman kagandahan " kung katawan pabang matatawag yan"
Thanks to Jia and Natasha's lait session 101
"How dare you! Di hamak namang mag sexy ako sayo!" Taas noong sabi saakin nung babae, na siyang kina tawa ko.
" 32, 25, 34" taas kilay kong sagot sakaniya na kina tigil niya. Kahit na si Jia ang model saaming mag kakaibigan kahit siya at aminado na mas sexy ako sakaniya.
"Tine stop please" singit ni Vince kaya sakaniya nabaling ang atensyon ko.
"My friends told me, na if my boyfriend cheat on me, cut it para naman hindi na mag kalat ng lagim" mas pina seryoso ko ang boses ko dahilan para mapa takip siya sa gitnang bahagi ng katawan.
"Pero dahil ayaw ko namang matanggalan ng lisensya papabayaan ko yang naka kabit sayo tutal hindi naman yan gaanong... Kaganda" nandidiri pang sabi ko. "Pag ang kikiam talaga pag kinain nagiging hotdog"
"What?" Kunot noong sabi niya saakin.
I smiled " never mind, I bought cake and wine, kung kulangin ka sa performance niya kainin niyo nalang atleast yun sure akong masarap yun" dagdag kopa, habang naka tingin kay Vince. " Enjoy" sabi ko at mabilis silang tinalikuran pero sadyang matigas ang muka ng isang to.
"Tine! Let me explain please" aniya na kina tigil ko. Agad ko siyang hinarap at binigyan ng matalim na tingin.
"Hindi ako nag tapos ng doctor's degree para lang mag paka tanga sayo, kung inaakala mo na hahabulin kita you're wrong. Dahil ang hinahabol ko lang ang mga taong may kinuha saakin, wala ka namang kinuha saakin even my heart is not yours" matapang kong sabi. Bakas ang gulat sa muka ni Vince pero sa aming dalawa ako ang mas nasasaktan, hindi ko akalain na sa lahat ng lalaki na pinag kukunan ko ng lakas ng loob ay siya din palang mag papahina saakin.
"That's not true" aniya " look at me and tell me you don't love me anymore" aniya, napa lunok ako dahil kung mag sisinungaling ako sakaniya ngayon ay ito na siguro ang pinaka malaking kasinungalingan na nagawa ko simula ng maging kami.
Biglang naalala ko ang halinghing ng babaeng sugpo na iyon. Agad akong tumitig sa mata ni Vince at naki pag laban ng titigan sakaniya.
Dalawang taon, nasayang lamang ng isang gabi at isang pag kakamali.
"I don't love you anymore" halos bulong na sabi ko sakaniya. Pinigilan ko ang luha kong tumulo dahil nabakas ang sakit sa mata niya, pero tulad nga ng sinabi ko. Ako ang mas nasasaktan dito.
"Tine" boses ni Joshua mula sa likod ko. Agad akong nag iwas ng tingin kay Vince at mabilis na hinawakan si Joshua sa kamay at hinila siya palabas.
Totoo sa buhay ng tao ay may hanggang ang lahat, maaring mahal o mahalaga ka ngayon pero hindi mo alam sa susunod na araw ay wala kana dahil hindi kana. Some birds are not meant to be caged, that's all. Their feathers are too bright, their songs too sweet and wild. So you let them go, or when you open the cage to feed them they somehow fly out past you. And the part of you that knows it was wrong to imprison them in the first place rejoices, but still, the place where you live is that much more drab and empty for their departure. Dahil sa buhay ng tao kung oras mona ay oras mona, oras mona para pakawalan ang mga masasakit at mag simula muli, because, Letting go means to come to the realization that some people are a part of our history, but not a part of our destiny.
Itutuloy...
Regarding sa issue na kumakalat ngayon. Please be aware na hindi lahat ng nakaka salamuha mo ay mapag kakatiwalaan mo, pero nasa klase ng tao yan na kasama mo.
Keep safe guys!❤