Chapter 01

4169 Words
Chapter 01 April's POV Pabagsak kong inihiga ang pagod kong katawan sa malambot na kama. Kagagaling ko lang sa isang fashion show at buong araw akong nakatayo doon habang kinakausap ang mga kapwa ko fashion designer. Kung makakaupo man ako ay ilang minuto lang. My body is so tired and all I want for now is rest so I didn't stopped myself to fall asleep. Nagising ako sa malakas na tunog ng cellphone sa hindi ko malamang lugar dahil hindi ko na matandaan kung saan ko 'yun nilagay kanina. Kinapa ko ang ilalim ng unan at hindi nga ako nagkamaling nandoon iyon. I took the phone and answered it without looking on the caller's name.  "Hel--" "April!" I groaned in annoyance when I heard the voice of the caller. Naiinis na tinignan ko ang caller ID at napairap nang makitang si Glendel 'yun, my bestfriend. "My god, Glendel. Sisirain mo ba ang tenga ko sa lakas ng tili mo?" Naiinis na tanong ko sa kanya. Bumangon ako at umupo sa kama bago tinignan ang oras sa relong pambisig. It's already 8 in the evening. Dalawang oras lang ang naitulog ko. Tss. "Ops. Sorry, darling," sagot niya sa kabilang linya. I mentally rolled my eyes. Of course, Glendel didn't mean to say sorry. She loves shouting and squealing so as the others . "Yeah, right. What do you want?" Tumayo ako at bumaba papuntang kusina dahil nakaramdam ako ng uhaw. "You absolutely know me well." "Of course. Alam na alam ko pati amoy ng kilikili at singit mo so spell it out," sabi ko at uminom ng tubig. "Pumunta ka dito sa Midnight Bar, broken hearted si Welmar at Marienel ngayon. And I don't take a 'no' for an answer, darling." Then she hanged up. I tsked. Wala akong magagawa kung hindi pumunta sa Midnight Bar. I can't really say No because Glendel is persistent. Baka bigla na lang niya akong puntahan dito sa condo ko at hihilahin niya palabas kahit wala akong bra na suot. Sometimes I am asking myself kung paano ko ba naging kaibigan ang mga kaibigan ko ngayon at kung paano ko natitiis ang mga kalokohan ng bawat isa sa kanila. Bumalik ako sa kwarto at dumeretso sa banyo para maligo then I go straight on my walk in closet to get dressed and wore my stilleto. Then I dried my hair before puting a light make up on my face. Hinayaan kong nakalugay ang hanggang balikat na buhok para bumagay sa suot ko. "You came!" Tumayo si Kyla para makipag beso sa' kin at ganoon din ang ginawa nina Rochel, Marienel, Glendel at Welmar. They are my bestfriends, by the way. Umupo ako sa tabi ni Welmar na umiinom ng alak. Nararamdaman kong may problema silang dalawa ni Marienel dahil pareho silang tahimik hindi tulad nina Rochel, Kyla at Glendel na nagtatawanan. "What's wrong with you?" I asked Welmar first since he's beside me. I already have my own idea but I still asked him. Tinignan ako ni Welmar na may naluluhang mata. He's about to cry. "Niloko niya ako, Pril. Niloko ako ni Philip. Matapos kong ibigay lahat ng gusto at hiningi niya sinaktan niya lang ako." I hugged him. This is the least thing I can do for my broken hearted friends. Hindi ko muna ipapamukha sa kanila ngayon kung gaano ka nakakabwesit sa buhay ang mga lalaki. Not now, but maybe tomorrow. "You'll be okay, darling." Hinagod ko ang likod niya. "No," umiling siya. "Hindi ako magiging okay. Nasaktan ako ng sobra, e. One month lang naging kami pero nasasaktan talaga ako ng sobra." "Bakit ka daw niya hiniwalayan?" Biglang singit ni Rochel. Umupo ito at pinagitnaan namin si Welmar. Si Glendel at Kyla naman ay kinakausap si Marienel na umiiyak. Suminghot si Welmar bago nagsalita, "Kasi hindi ko daw siya mabibigyan ng anak. Akala ko okay lang 'yun sa kanya pero hindi pala. Kaya naghanap siya ng iba." Gusto kong matawa. Tanga. Kung gusto niya ng anak edi sana nagjowa siya ng babae. Ang bobo ng Philip na 'yon. "Come on darling, wag ka ng umiyak. It's not your fault na bakla ka. Nagmahal ka lang naman, at ang sakit ay package sa pag-ibig." Alo ni Rochel. And yes, bakla si Welmar. Mukhang naperahan lang siya nung Philip na 'yun. Tss. "Yeah. That guy Philip doesn't deserve your tears. Sinabi ko naman kasi sa inyong sakit sa ulo 'yang mga lalaki, e," sabi ko na ikinataas ng kilay ni Rochel. Oh. "Except my boyfriend," aniya. I rolled my eyes. Rochel do believe in forever, okay. "Isang taon palang naman kayo." "Mahaba na ang isang taon no." I smirked. "Artista ka at Artista din ang boyfriend mo. Sikat ka kaya sayo siya kumakapit." Rochel snorted. "Don't start with me, April. Alam kong ayaw mo sa mga lalaki at may sarili kang dahilan, but please, don't include Carlo, I love my boyfriend and he loves me too." Bumuntong hininga na lang ako. "Okay fine. I'm sorry." Tumango na lang siya at nagpaalam na pupunta lang sa dance floor. I knew it. Rochel is upset but she and even my other friends knew well too how straightforward am I in such matters. Iniwan ko muna sandali si Welmar at nilapitan si Marienel na kinakausap naman ni Glendel at Kyla. "----kaya sinasabi ko talaga sayo, Mar, pag 'yang lalaking 'yan binalikan mo makakatikim ka talaga ng suntok sa 'kin." Naiinis na sabi ni Glendel kay Marienel. Nakaupo ito sa pang isahang sofa habang sumisimsim ng lemon juice. "Limang sampal naman sa 'kin para matauhan ka na talaga. Tatlong beses mo na kasing binabalik-balikan 'yang ex-boyfriend mo, e, kaya hindi mo talaga kami masisisi kung ganito kami sayo." Dagdag naman ni Kyla na siyang umaalo kay Marienel. "Oo na, hindi ko na talaga babalikan ang gagong 'yun. Hindi ko na hahayaang wasakin niya pati pagkatao ko." The latter answered. "Don't just say it. Do it," sabat ko. Ayaw na ayaw ko kasi sa lahat 'yung puro salita lang pero wala namang ginagawa at pinapatunayan. "I'll do it this time. I promise," sagot niya. Tumango ako sa kan'ya at sumimsim ng margareta habang nag-iisip. Men are really a life destroyer. Habang tinitignan ko ang mga kaibigan ko alam kong sobrang sakit ng nararamdaman nila kahit hindi ko naman nararanasan. And that is because of those men! Rinig kong nagpaalam si Kyla na pupunta muna sa dancefloor kasama si Marienel dahil ihahanap raw niya ito ng bagong boyfriend. Napairap nalang ako at tinignan si Glendel na umiinom ng lemon juice. "Bakit naka lemon juice ka lang?" Tanong ko. Pinakita niya ang hawak na cellphone at winagayway. "On call ako ngayon. May pasyente akong bata, e." I tsked. "Ang lakas ng loob mong tawagan ako kanina, akala ko naman free ka all night pero on call ka naman palang bruha ka." She laughed. "Sorry, Pril. Hindi lang talaga kakayanin ng powers namin kung kami lang ang mag aadvice sa mga kaibigan nating broken hearted. You know, you are good when it comes to this so you can say something about their broken hearts." "Shut up, darling. You are good on your own too remember? May pagka-bastos nga din 'yang bibig mo, e." Sabi ko na ikinangisi lang niya. "He taught me that." Turo niya kay Welmar na kumakain ng lollipop. Gusto ko sanang tanongin kung saan galing ang lollipop na kinakain niya. We are in the Bar for Pete's sake! Pero naalala kong maraming paraan si Welmar makakain lang ng lollipop so I didn't bother to ask anymore. "Bastos talaga 'yang bunganga mo. Ewan ko talaga sayo, doctor ka pa naman." Nakangiwing sabi ko. "That's normal. Atleast hindi naman ako ganoon sa harap ng mga pasyente ko," sagot niya at tumayo. "I have to go na darling. Paki sabi na lang sa kanila na nauna na ako. Nag text kasi sa 'kin si Nurse Hannah, hinahanap daw ako ng pasyente ko." "Kid?" "Yeah. A Kid." She answered then kissed me and Welmar's cheek. Humingi pa siya ng lollipop kay Welmar bago umalis ng Bar. Goodness. "Really? Lollipop in the Bar?" I asked sarcastically. "What's wrong with it? Pinapakalma ako ng lollipop," sagot ni Welmar. Mukhang okay na siya kumpara kanina pero nasa mga mata parin niya ang lungkot. "Ano 'yan may powers? Magic Lollipop gan'on? Gano ba kasarap 'yan at pati si Glendel mukhang nahahawa na din kakakain niyan." Welmar roled his eyes. "Ba't hindi mo tikman?" "No thanks," sagot ko pero biglang na lang siyang ngumisi sa hindi ko malamang dahilan. What the hell is wrong with him?  "Baka naman ibang lollipop ang hanap mo?" May pang aasar ang tuno ng boses niya. Kinunutan ko siya ng noo. "What are you talking about?" "Playing innocent. Of course you know what I mean!" Welmar hissed. "A long, hard and hairy lollipop. Wanna taste that?" Now, he is grinning. Noong una hindi ko pa gets 'yun, pero bilang nanlaki ang mata ko nang marealize kung ano ang ibig niyang sabihin. "Eww! You're talking dirty again you witch!" Tinapunan ko siya ng chips na kinuha ko sa bowl na kinakainan kanina ni Glendel. Tumawa lang si Welmar kaya inirapan ko siya. Kung makatawa akala mo hindi nanggaling sa break up. "Ang bastos talaga ng bibig mong bruha ka. Pati si Glendel nadadamay sayo, e. You are such a bad influence." Naiinis na sambit ko. "Duh! Nasa personality na talaga ni Glendel 'yun, darling," sagot niya at dinilaan ang lollipop. Ew. "Whatever." Inirapan ko ulit siya. Mabuti nalang talaga hindi ako naimpluwensyahan ng kahalayan ng dalawa kasi hindi ako sanay sa mga usapang kahalayan. Si Rochel, Kyla at Marienel siguro oo. But me? No, no.  "Hi." Napatingin kaming dalawa ni Welmar sa babaeng nasa harap namin. Sa harap ni Welmar to be exact. Gusto kong tumawa dahil may halong pang-aakit ang tingin ng babae sa kaibigan ko. "Alone?" Tanong ng babae at umupo sa tabi ni Welmar. Kitang-kita sa mukha nito ang gulat at pandidiri. Oh dear, you're in the wrong person. Oo nga't bakla si Welmar pero kaming magkakaibigan lang ang nakakaalam no'n. Lalaking lalaki pa din ang pananamit nito at hindi mo mahahalatang bakla siya sa unang tingin. Malaki ang katawan, may abs at muscles pa. Lumalabas lang din ang bariton niyang boses pag iba ang kausap. Pero pag kami na lang ang magkakasama, dinaig pa ang babae kung tumili ito. Pero kahit lalaki si Welmar, he is an exception. "Bulag ka ba, girl? Nakita mo ngang nag-uusap kami tapos magtatanong ka pa kung 'alone' ako. Itapon kaya kita sa malaking 'alone' ng dagat?!" Hindi ko na napigilan. Natawa na ako sa sinabi ni Welmar. Ang itsura naman ng babae ay gulat na gulat. Well, the woman didn't expect that coming. Who would've thought that the Famous Model Welmar Amoncio is a Gay? Walang pasabing umalis ang babae sa harap namin kaya mas lalong lumakas ang tawa ko. "Stop laughing, April! That's not funny!" Naiinis na sigaw ni Welmar. Kinalma ko muna ang sarili bago nagsalita. "Pano kung isumbong ka ng babaeng 'yun sa mga reporters? Malalaman nilang bakla pala ang sikat na Model ng mga boxers at briefs na si Welmar Amoncio. At syempre makakarating 'yun sa Papa mo." Natawang sabi ko. He tsked. "Walang maniniwala sa kanya 'no. Pagkakamalan lang siyang baliw. At kung susubukan man niya akong isumbong, humanda siya dahil ipapapatay ko siya kay Ricardo Dalisay. Ipakain ko pa sa kanya 'yung brief at boxer ko, e." Umiling-iling ako. "Ewan ko sayo. Basta sinasabi ko sayong wag kang lalapit sa akin pag tinakwil ka ng Papa mo." Binilatan ko siya pero inirapan lang niya ako. "This is frustrating! Kaylan ba ako makakapag party na walang nagpapapicture?! Ugh!" Sabay kaming napatingin ni Welmar kay Rochel na pabagsak na naupo sa harap namin. Nakakunot ang noo nito at sobrang naiinis. "What the hell happened, darling?" Welmar asked Rochel. "Maraming nag papapicture sa 'kin kahit nasa dance floor ako. And I can't say no dahil baka gawan nila ako ng report na masama ang ugali. Goodness. Umalis nalang ako dahil nakakainis na." Ungot nito. "Oh." Well, Rochel Tamayo is a famous artist. An award winning actress, actually. Minsan na nga kaming nadumog ng mga paparazzi dahil nakita kami sa park na nagpipicnic. Sobrang inis ko 'non dahil gutom na gutom na ako pero hindi kami naka kain dahil pati kaming apat ni Marienel, Glendel at Kyla ay nadumog dahil sa mga paparazzi at fans ni Rochel at Welmar. Simula 'non, hindi na kami nag bobonding sa public area. "Rest Room lang ako." Paalam ko sa kanila. Tumango naman ang mga ito kaya hinanap ko na ang CR. I entered one of the cubicles and peed before going out and washed my hand. Habang naghuhugas, may pumasok na dalawang babae na tumatawa at nag-uusap. Their laughs are annoying me, I don't know why. "He's Skett Helerio, right? God, he looks so sexy and good-looking. I wonder if he's good in bed too." Ani ng babaeng may mahaba at straight na buhok at makapal ang kalorete sa mukha. Humarap ang dalawa sa salamin at nagretouch. "He is not just good. He's performance is perfect. He f**k hard, rough and sexy," sagot naman ng babaeng kulot ang buhok. Nakatingin ito sa itaas na para bang may iniimagine. Napangiwi naman ako sa pinag uusapan nila kaya minadali ko ang paghugas ng kamay ko. "You already had s*x with him?" Hindi makapaniwalang tanong ng babaeng may mahaba at straight na buhok. Tumango ang isang babae. "Uh-huh. Skett Helerio can't resist this kind of beauty." Halos masuka ako sa narinig. I just said earlier that I hate that kind of topics. 'Yung mabastos. Mabilis akong lumabas sa Comfort Room na 'yun at naglakad pabalik sa table namin pero may humarang sa daan ko. "Hi, beautiful." Sinubukan akong hawakan ng lalaki pero umatras ako. I don't know him so why letting him touch me? "I don't know you." I said calmly. "And I'm not interested."  This guy is drunk as hell. Sinubukan ko siyang lampasan pero hinarangan nanaman niya ako. He is really pissing me, big time. "I'm Ken. Join me tonight and I promise that you will enjoy it." Sabi niya. Nakangisi pa at alam ko ang ngising 'yun.  Maniac. Paano ba nakapasok ang ganitong lalaki dito? Mukha itong walang mudo at parang lasing lang sa kanto. "Get out of my way? Hindi ako makadaan." Tinarayan ko siya. I thought he'll give me the way but I gasped when he pinned me to the nearest wall. Gulat na gulat ako sa ginawa niya at hindi makagalaw sa bilis ng pangyayari. "Napaka pakipot mo naman. Alam ko namang gusto mo din 'to, e." Sabi niya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Pero bago pa lumapat ang labi nito sa labi ko ay bigla na lang bumagsak ang lalaki sa sahig dahil sa malakas na suntok. "You dickhead! I'm going to kill you!" Sinuntok-suntok ng bagong dating na lalaki si Ken and I just stood there. Shock. Huminto lang ang lalaki ng mawalan na ng malay si Ken. Nakatalikod pa rin ito sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya. The man took out his cellphone from his jeans' pocket then called someone. "Hey----yeah, f**k you too---nasa bar mo ako ngayon---ano? nasa hospital ka?!---i'm not worried!---yeah whatever---may binugbog ako dito---i don't care, ipalinis mo nalang to sa mga bata mo---this man touched my property bro---yeah get f*****g well soon, bye." Then the man with a baritone voice faced me. Nang makita ko ang mukha niya ay bahagyang umawang ang labi ko. The man infront of me is like a freaking celebrity so I can't blame myself! Sobrang gwapo at sobrang ganda ng tindig ng katawan niya. Maganda rin ang kulay brown nitong mata na nakatingin sa akin at parang hinihigop ako. Ang mga labi niyang mapupula at maninipis ay parang humihingi ng atensyon na halikan ko. Matangkad siya at bagay sa kanya ang medyo mahabang kulot na buhok. He's wearing a white t-shirt and denim jeans and I can't believe that a man this handsome exist. Marami na akong nakikitang gwapong lalaki sa mga fashion show na pinupuntahan ko pero ibang-iba sa akin ang lalaking nasa harap ko ngayon. Uh, kelan pa ako naging ganito? The man grinned. "I know I'm gorgeous, but you really have to close your mouth, baby." I automatically closed my open mouth. "You're not gorgeous." Pagtataray ko. But who am I kidding? This man infront of me is really gorgeous. Nahihiya lang akong aminin kasi hindi naman kami magkakilala at hindi ako ganoong babae. He chuckled. "Yeah, and dogs can fly. Okay lang naman kung aminin mong gwapo ako, e. Sanay na ako." Napanganga ako. "Buti hindi ka pa tinangay ng sarili mong hangin." Nagkibit balikat siya. "I'm just telling the truth. Marami naman talaga ang naggagwapohan sa 'kin." Binabawi ko na ang lahat. Yes, this man is really gorgeous but he is also a freaking boastful! And I don't like it. Ayaw na ayaw ko ang mayayabang. Umiling-iling ako at akmang aalis pero hinawakan niya ako sa braso na nagpatigil sa akin. Hinarap ko siya bago binawi ang braso kong hawak-hawak niya. Umatras din ako ng isang hakbang dahil ang lapit ng katawan namin sa isat-isa at hindi ako makahinga ng maayos. Mabango siya, pero baka mamamatay naman ako sa heart attack kung ganoon siya kalapit sa akin. My heart is pounding like crazy lalo na ng hawakan niya ako sa braso kanina. "Aalis ka na lang bigla? Aren't you going to thank me? That's rude of you, babe." "Don't call me that. May pangalan ako at hindi yun 'babe'. Hindi ako baboy." Pagtataray ko. "Will you tell me your name?" "No." "Why not? I saved you earlier, right? Instead of thanking me, just give me your name." then he grinned, in a sexy way.  May gano'n?! Tinaasan ko siya ng kilay. "As far as I remember, I didn't ask for your help." Inirapan ko muna siya at nilampasan. Tama naman ako, hindi ko naman hiningi ang tulong niya kaya wala akong ipapasalamat. Atsaka hindi ko rin naman hahayaang halikan ako nung lalaki 'yun kanina. May kunting nalalaman din naman ako sa pagtatanggol ng sarili. "April!" I stilled. Nilingon ko siya na nakaawang ang labi. "Akala ko ba hindi mo ako kilala? Sinungaling ka naman pala. At pano mo nalaman ang pangalan ko? Are you stalking me?" Kunot nuo kong tanong sa kanya. Nakakatakot na siya, ah! He grinned. "That's not stalking, babe. We call it connection." "I said stop calling me that. Hindi nga kasi ako baboy." Naiinis kong saway sa kanya. Pero ang totoo, hindi 'yun ang dahilan. I just hate the effect of that endearment in me. "April then--" "Don't call me by my name too. Hindi tayo close at hindi kita kilala" Inirapan ko siya. "I'm Skett. Skett Helerio." He introduced his name na ikinaawang nanaman ng labi ko nang maalala ang pinag-uusapan ng dalawang babae sa CR kanina. And those ladies talked about s*x! My goodness! At kung hindi ko pa nakakalimutan, sinabi ng babaeng kulot na nakipag s*x na raw siya kay Skett Helerio! And this guy in front of me introduced himself as Skett! Does he want to have s*x with me too? Bigla akong natakot sa naisip ko kaya mabilis ko siyang sinagot. "Not interested." I said ang turned my back. Tinawag pa niya ako pero hindi na ako lumingon pa haggang makabalik sa mesa naming magkakaibigan. "What took you so long, darling?" Rochel asked me. Umupo.ako sa tabi niya. "Stalker blocked my way." Hindi ko na sinabi na muntikan na akong mahalikan ng estrangherong lalaki dahil overeating sila masyado. "Hindi pa ba kayo uuwi? Hinahanap na ako ni West, e." Kyla said. I sighed when she mentioned her bestfriend. Kyla can't say NO to West which is her bestfriend. Maliban sa amin, si West ang isa sa mga pinakamahalagang tao sa buhay ni Kyla. Isang tawag lang ni West, hindi na maipinta ang mukha ni Kyla sa pag aalala. She's really inlove with him, I can tell. "Let's go home. I'm tired already." Sagot ko at kinuha ang handbag bago tumayo. "Kung uuwi na rin lang kayo, uuwi na din ako." Marienel stood too. "Umuwi na lang tayong lahat. At sasamahan niyo akong iuwi si Welmar sa bahay nila." Sabi ni Rochel at itinuro si Welmar na nakapikit na. Itatanong ko sana kung anong nangyari sa kanya pero sinagot na 'yun ni Kyla. "He's drunk." Napatango na lang ako at tinulungan si Rochel na gisingin si Welmar. "Kung hindi ko lang kayo kilala, iisipin ko talagang mga fling kayo ni Welmar na gusto siyang i-Hotel." Marienel laughed. I glared at her that made her shut her mouth. But I can't blame her. Hindi mo naman talaga mapagkakamalang bakla si Welmar kung hindi mo ito nakakausap at nakakasama palagi. "Kaninong kotse gagamitin pang hatid d'yan?" Tanong ni Kyla ng makarating kami sa Parking Lot. Tinutukoy niya si Welmar na halos matumba na sa kinatatayuan. "Kanino ba sumabay 'to kanina?" I asked. "Kay Glendel. At bruha naman kasing Doctor 'yun, umalis na pala." Sagot ni Kyla. Ako at si Marienel lang ang may dalang kotse sa aming lahat at pare-pareho na kaming inaantok at gusto ng umuwi.  May I remind na hindi pa ako nakakapagpahinga ng maayos. Thanks to them. I tsked. "Fine. Kami na ni Rochel ang maghahatid kay Welmar total isang daan lang naman ang uwi n'yong dalawa at gano'n din kami ni Roch." Kyla nooded. "Sige. Tulungan muna nating ipasok 'yan sa kotse mo." Turo niya kay Welmar. Inalalayan namin ito papasok sa backseat ng kotse ko at inihiga. Nagpaalam na rin si Marienel at Kyla sa amin bago pumasok sa isang sasakyan. "Grabe na talaga 'to. Lagi nalang tayong kinakawawa pag nalalasing." Reklamo ni Rochel at sumakay sa passenger seat. Umikot din ako at sumakay sa drivers seat bago binuksan ang makina ng sasakyan at pinaharurot 'yun papunta sa bahay ng mga magulang ni Welmar. Sigurado ako bukas na magagalit siya dahil doon ko siya inuwi sa bahay ng mga magulang niya. Ayaw na ayaw pa naman niya doon kasi kailangan niyang magpakalalaki palagi. Kampante naman kaming ihatid siya ng lasing sa bahay ng mga magulang niya dahil nagiging lalaki siya pag nalalasing. Nang makarating sa bahay ng mga Amoncio. Ako ang lumabas para mag doorbell dahil tinatamad na si Roch. Nakailang pindot pa ako bago bumukas ang malaking gate. Lumabas doon ang isang babae na mahaba ang buhok at mukhang kaedad ko lang din. She's not familiar so I have this look on my face asking what is she doing here. She smiled sweetly at me. "Hi. Are you here to see Tita Bep?" Tumango ako. "Andito ba sila?" Umiling siya. "Wala, e. Nasa business trip sila Ninang at Ninong, ako lang ang nandito sa bahay nila. By the way, I'm Zaya. Inaanak ako ni Ninang Bep at Ninong Luke." Napatango ako. Mukha siyang may lahi. Kaya hindi pamilyar dahil siguro taga ibang bansa. Pero hindi 'yun nahahalata dahil fluent siya sa tagalog. "If that's the case, pwede ba ikaw na lang ang bahala kay Welmar? Nasa sasakyan kasi siya at lasing." Turo ko sa backseat ng sasakyan. Bahagya namang nanlaki ang mata ng babae. "Talaga?" I nodded. "Bakit?" She smiled and shook her head. "Wala lang. Matagal ko na din siyang hindi nakita, e. I just missed him." Tumango na lang ako at binuksan ang pinto ng backseat ng kotse at ginising si Welmar. Hindi niya iminulat ang mga mata niya pero gumagalaw naman siya at mukhang makakalakad. "Ikaw na muna ang bahala sa kanya, Zaya. Broken hearted kasi 'yan kaya naglasing." Paliwanag ko. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang bahagyang paglungkot ng mukha nito. I shook my head. Maybe it's just an imagination. Tinulungan ako ni Zaya na alalayan si Welmar hanggang makapasok kami sa bahay at inihiga siya sa mahabang sofa. "Sige ako na ang bahala sa kanya. Thank you, ah." I just smiled and said my good bye to her. Nang makapasok sa kotse, tinanong ako ni Rochel kung sino ang babaeng nagbukas ng gate kanina. Sinabi ko na lang na inaanak 'yun ng mga magulang ni Welmar at pinaharurot na ang sasakyan. Isa-isa kong hinubad ang damit ko at walang saplot na humiga sa kama. I'm comfortable sleeping this way especially when I'm from the bar and drunk. Nakatingin lang ako sa kisame nang pumasok sa isip ko ang lalaking 'yun kanina. The guy named Skett Helerio. Ang nang-aakit niyang mga mata, ang gwapo niyang mukha at ang mga labi nitong parang ang sarap halikan. Bahagya akong napadaing nang maramdamang nababasa ang p********e ko. Oh god, what the hell is happening?! Binalot ko ng kumot ang katawan ko at pilit na sinasabi sa utak ko na hindi ko dapat pinagnanasaan si Skett. Pero hindi ito sumang-ayon sa akin dahil hanggang sa makatulog ako, Skett was still there and I am dreaming of us having a hot, hard and wild s*x.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD