Chapter 2
April's POV
Kinabukasan, nagising ako dahil sa mainit na pagtama ng araw sa mukha ko. I slowly opened my eyes and stared at the ceiling when suddenly, my dream last night appeared on my thought.
"Ahhhh! Umalis ka sa utak kong piste ka!" Nanggigigil kong tinakpan ng unan ang mukha ko pero ayaw pa ring mawala ang panaginip na 'yun at ang mukha ng lalaking 'yun kaya mabilis akong tumayo galing sa kama at dumeretso sa banyo.
I took off all my clothes and took a bath.
Isang oras din bago ako natapos maligo at dumeretso sa closet na naka-connect sa banyo at nagbihis. I wore a cotton shorts and a velvet spaghetti strap before going out.
It's already 10:46 and I am so hungry as hell so I decided to cook a food that I can handle to cook.
Pagkatapos kong mag saing ng kunting kanin ay nagluto na ako ng hotdog at itlog.
Nakakahiya mang aminin pero prito lang ang kaya kong lutuin. Yeah, isa akong babaeng walang future sa pagluluto. Ang kaya ko lang gawin ay gumawa ng magagandang designs ng mga damit.
"At last," I murmured when I finished to cook my food and cooking this is not that easy. Takot ako sa mantika kaya ginawa kong pangharang sa mukha ko ang takit ng kaldero para lang makaluto ng hotdog at itlog.
Sabik na sabik akong kumuha ng kanin, isang piraso ng hotdog at sunny side up. Ewan lang kung matatawag pa itong sunny side up dahil mukhang naging scrambled egg na.
Susubo na sana ako nang biglang tumunog ang door bell kaya naiwan sa ere ang pagkain.
I groaned in annoyance. Goodness, can't people sense a hungry person like me?!
Ibinaba ko ang kutsarang hawak at mariing napapikit bago tumayo at tinungo ang pintuan. I opened the door at bumungad sa akin ang mukha ng sekretarya kong si Jenebhel.
"Hi, Miss Apr--"
"Shut up, Bhel. Alam mo bang gutom na gutom ako at gusto ko ng kumain pero dumestorbo ka?! Ikaw kaya ang kainin ko?!" I yelled at her and I don't mind doing so. She's already used to it.
Nahihiya siyang tunawa habang hindi makatingin ng deretso sa akin. "S-sorry po, Miss April."
I just rolled my eyes and let her enter.
Pinaghintay ko muna siya sa Living Room dahil ipagpapatuloy ko pa ang pag kain ko.
After minutes of eating, I washed all the plates I used before going back to the Living Room.
"What brought you here?" Tanong ko sa kanya.
Jenebhel was been my secretary since I started being a Fashion Designer. Kahit nakakainis siya minsan, hindi ko pa rin siya sinesante dahil naiintindihan niya ang ugaling meron ako.
Umayos siya ng upo bago sumagot. "Tinawagan po ako ni Ms. Enson kagabi. Hindi niya daw kasi kayo ma-contact kaya ako na lang ang tinawagan niya."
"Yeah. Nasa Bar ako kagabi, hindi ko namalayang tumatawag pala siya." Walang ganang sagot ko. "Anyway, anong itinawag niya?"
"Ikakakasal na kasi siya at gusto niyang ikaw ang gumawa ng Weeding Gown niya. So pinakita ko sa kanya ang designs niyo." Nilabas niya ang isang folder kung nasaan ang sarili nitong copy ng gown designs ko at may itinuro doon. "Ito po ang napili niyang design."
Kumunot ang noo ko nang makita ang itinuro niyang design na gusto ni Ms.Enson. 'Yun ang design na hindi ko kayang gawin para sa iba. "Diba sinabi ko na sayo na alisin mo na 'yang design na 'yan d'yan sa folder mo?"
Napakamot ng ulo si Jenebhel. "E, Miss April, nakalimutan ko pong tanggalin, e. Huli na nung makita niya at ito daw talaga ang gusto niya."
Hays. Minsan talaga ang sarap batukan nitong sekretarya ko dahil sa sobrang katangahan.
"No. Sabihin mo sa kanya na hindi ko gagawin 'yun. Kung may reklamo siya, maghanap siya ng ibang gagawa ng weeding gown niya. Hindi ko naman kawalan kung sa iba siya magpapagawa." I said.
Hindi nila ako mapipilit na gawin ang gown na 'yun. That gown is the most expensive one dahil sa ganda ng design nito. Gawa iyon sa mamahaling tela at maraming maliliit na diamonds na nakakabit sa buong gown. I designed that for myself. I want that for myself kahit wala akong pakakasalan.
"Sige po. I'll call you for update." Sagot ni Bhel at tumayo para umalis.
I nodded. "Sige. Salamat."
Ngumiti siya. "No problem, Miss April."
Hinatid ko siya sa pinto bago bumalik sa sala para maglinis. Niligpit ko ang mga telang nakakalat at ipinasok 'yun sa isang kwarto kung saan ako nagtatahi.
1:30pm nang matapos ako sa paglilinis ng buong condo at ngayon ay nanunuod ako ng movie habang kumakain ng Peanut Brittle dahil sa pagod.
I am in the middle of watching the movie when my phone rang. I quickly stood up and look for my phone. Nakita ko 'yun sa taas ng speaker kaya agad kong kinuha at tinignan ang caller ID.
Brief Model Calling...
I chuckled when I saw his name appearing on my phone's screen. Oh darling, I know what you're going to say.
"Hel--"
"You witch! I'm gonna kill you! Wag ka na talagang magpapakita sa 'kin kahit kaylan!" Sigaw ni Welmar sa kabilang linya na inasahan ko na.
"What?" I asked innocently.
"Sinabi ko na sayo na wag niyo akong ihahatid dito pag lasing ako diba?! Do you know what I did last night?! I almost made a mistake, April! Arghhh!"
Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng tili niya. Ilang segundo muna ang pinalipas ko bago sumagot sa kan'ya.
"Bakit? Ano ba ang muntik mong nagawa? Did you banged Zaya?" Tanong ko na may halong pang-aasar.
"I didn't!" He answered.
"Yeah, you didn't. Because you ALMOST banged her." And I laughed so hard.
"It's your fault! Bakit kasi dito mo pa ako dinala sa bahay ng magulang ko, e alam mo namang nakakagawa ako ng kasalanan pag lasing ako diba?"
I laughed again. "Yes I know. Hindi ko nga nakalimutan 'yung nangyari during our Alumni Party, nalasing ka at hinalikan mo ako na para bang hindi ka isang bakla. 'Yun ba ng ginawa mo kay Zaya kagabi, darling?"
He grunted. "Pwede bang wag mo nang ipaalala 'yun? Nakakadiri ka!"
I mentally rolled my eyes. "Kung makadiri ka para namang hindi malambot ang labi ko!"
"Shut up! Hindi na talaga ako maglalasing forever!" Then he hanged up.
Natawa na lang ako. Ilang beses na 'yung sinabi ni Welmar pero nalalasing pa din siya. And yeah, kakaibang malasing ang baklang 'yun dahil nagiging lalaki at nanghahalik na lang bigla.
Katulad na lang nung nalasing siya nung Alumni Party namin, I was so shocked when he kissed me, on the lips. Noong birthday naman ni Kyla at nahalikan niya si Marienel at Rochel. Sa sobrang inis ng dalawa sabay-sabay nilang sinuntok si Welmar hanggang sa makatulog ito.
At mukhang gano'n ang nangyari kagabi. Baka hinalikan niya si Zaya at muntik ng mauwi sa kama. Well, who knows? Sayang, hindi ko natanong kung ano ba talaga ang nangyari.
Susubo na sana ako ng Peanut Brittle nang tumunog nanaman ang cellphone ko. I groaned in annoyance when I saw my mother's name on the phone.
Wala akong nagawa kung hindi sagutin ang tawag dahil alam kong hindi ito titigil kakatawag hanggang hindi ko sinasagot.
"Ma, bakit ka napatawag?" Tanong ko agad. I know that it's rude not to say 'Hi' or 'Hello' first but my mom already get used to it.
"That's sweet of you, April." Sarkastiko nitong sagot sa kabilang linya.
I sighed. "Mama kilala kita, alam kong may kailangan ka kaya ka napatawag so spell it."
"Oh well, my dear daughter, your Lola wants to see you and I also want to talk to you too so let's have an early dinner later." Aniya.
"Sure, ma. I want to see you too. I miss you already." Sagot ko. Well, this is me. May pagkabastos ako pero mahal ko si mama. Atsaka minsan ko na lang ito nakikita simula nung maging independent ako kaya miss na miss ko na sila ni lola.
"I miss you too, anak. Oh sige na, magkita tayo mamaya sa Mikkie's Restaurant."
"Okay mom. See yah." Paalam ko bago pinatay ang tawag at dinayal ang number ni Marienel.
Told her about our early dinner pero sagot niya ay hindi niya binuksan ang Restaurant niya ngayon. Masama daw kasi ang pakiramdam niya, dala na rin siguro ng break up.
"I understand. Sige, sa ibang Restaurant na lang kami mamaya. Take a rest okay?"
"Hmm-mm. I will. Say my Hi to Tita Anne and Lola May." She answered.
"Sure. Bye."
Seems like we're going to the other restaurant today so I texted Mama that Mikkie's resto is not available for now.
Nag reply naman agad si mama at sinabing may alam raw siyang magandang Resto at doon nalang kami magkikita kaya.
Skett's POV
"What the f**k happened to you?" I asked my friend Evvo when I arrived and saw him laying on the hospital bed.
Noong isang araw lang magkasama pa kami tapos nagulat na lang ako nang malamang nasa hospital siya dahil nasagasaan daw. The hell? Tanga?
"Are you okay dude?" Tanong naman ni East.
Evvo chuckled. "Stop worrying, people. I'm fine and I still love sex."
Umingos ako. "f**k you. We are not worried of you. Buti nga sa'yo 'yan."
He pouted and it is making me poke. f**k. "I'm hurt, Skett. Why are you doing this to me?"
"Stop pouting, you f*****g s**t. Mukha kang bebe." Singit ni Seth na kanina pa tahimik sa gilid.
"Uy, Seth, dude! Nandito ka pala. Grabe, akala ko picture mo lang 'yung nandyan, e." Sarkastikong sagot ni Evvo. Natawa na lang ako dahil inikutan lang ni Seth ng mata si Evvo at bumalik nanaman ito sa pagiging tahimik. Wag na kayong magtaka, ugali niya na talaga 'yun.
"Teka, bakit kulang kayo? Nasan si East? Gagong 'yun akala ko mahal niya ako pero hind man lang niya ako dinalaw.
Baka gusto niyang ipakalat ko 'yung video ng s*x scand---ouch! f**k!" Napangiwi sa sakit si Evvo nang batuhin siya ng buong mansanas ni East sa ulo.
"Boom. Sapul. Headshot." Natatawa kong bulong. Seems like Evvo is not aware that it is East who visited him with us.
"Gago! Subukan mo lang ipagkalat 'yung scandal ko babarilin kita." sigaw ni East.
Mukha namang natauhan na si Evvo dahil umawang ang labi niya. "Ikaw pala 'yan East? Akala ko si West, e. Bakit kasi magkamukha kayo?" He asked as if it's the biggest problem in the world.
"Kita mong magkakambal diba? Malamang magkamukha kami, ugok." East answered.
Hindi ko masisisi si Evvo kung nalilito siya kung sino si East at West dahil walang palatandaan ang dalawa. Kaya sa ugali na lang ako bumabasi dahil 'yun ang malaking pinagkaiba nila.
"Nasan ba si West?" Tanong ko.
"Ayun, busy kakalandi kay Kyla. Hindi na ako magtataka kung sasabihin niyang magkakaanak na silang dalawa." Sagot ni East na para bang bagot na bagot dahil sa kakambal niya.
"Yeah, agree. Kung hindi ko lang alam na magbestfriend si Kyla at Compass Number 2 iisipin ko talagang magjowa sila." Sang ayon ko.
"Compass Number 2?" Naguguluhang tanong ni East.
I tsked. Hindi niya alam 'yun? "Ang slow mo naman! Ikaw si Compass Number 1 tapos si West si Compass Number 2."
"Aba gago, pano ako hindi malilito, e may sarili ka palang tawag sa 'min ng kakambal ko. Atsaka wag mo nga kaming tawaging compass." Sagot niya at binato ako ng balat ng dalandan. Buti balat lang.
"Bakit kasi ang weird ng mga pangalan niyo? West South tapos East North. Oh diba, compass brothers." Sabi ko sabay tawa.
"Wow. Nagsalita si Skett Maria Helerio."
Nawala ang tawa ko ng banggitin ni East ang buo kong pangalan. The hell. Didn't they knew already that I hate to be called that way? Si Evvo at Seth naman ang sobrang natawa. Ang lakas talaga mang-asar ng gagong compass na 'to.
"Say that f**k again and I'll kill you." Seryoso kong sabi pero nun'kang seseryosohin 'yun nila. They are f*****g s**t after all. Mga baliw sila maliban lang siguro kay Seth na palagi lang naman tahimik.
Yeah, yeah. My full name is Skett Maria Helerio. Gusto kong isumpa ang pangalawang pangalan ko at wala akong ibang sinisi do'n kun'di si mommy. Just come to think of it, sino ba namang ina ang magpapangalan ng Maria sa isang bouncing baby boy?!
"Mariaaaaa." Panunukso ni Evvo kaya kinuha ko ang mansanas na binato ni East na nahulog sa sahig at binato ulit 'yun sa kanya. Serves you right, you f*****g s**t.
"Boom. Sapul. Headshot." Sabay na sabi ni East at Seth.
"Gago, isang bato pa dyan ng mansanas sisipain ko na talaga kayo." Naiinis na wika ni Evvo habang hinihimas ang ulo nitong natamaan.
"As if naman kaya mo. E diba nga pilay ka? Maayos ka naman palang baliw ka. Bakit ka pa nandito?"
Evvo tsked. "Ayaw ko pang umuwi. Boring sa bahay. Mabuti pa dito sa hospital may nag-aalaga sa 'kin." Tapos bigla na lang siyang ngumiti. Tsk. Tsk. Baliw talaga.
"It's a woman."
Sabay kaming napalingon kay Seth. "Woman? What woman."
"Asked him."
Bumaling naman kami kay Evvo. "Who?"
Evvo is about to answer when suddenly, someone opened the door. Pero bago pa nakapasok ang taong bumukas ng pinto, mabilis pa sa alas kwatrong bumalik si Evvo sa pagkakahiga sa kama at umarteng masakit ang paa.
Pumasok ang isang magandang babae na nakasuot ng Doctor's Robe. Yes she's beautiful, but my baby is more beautiful for me.
Mukhang nagulat ang doktor ng makita kami, lalo na nang makita nito si East. She's familiar, saan ko nga ba siya nakita?
"West?" She asked unsure.
"It's East, Glen." Pagtatama ni East.
Tumango ang doktor. "Ahh. Anong ginagawa mo dito? You know him?" Turo nito kay Evvo.
East nodded. "Yeah. He's my friend."
"Oh, and I'm his doctor." She smiled.
"Bakit hin--"
"Don't talk to her."
Sabay kaming napatingin kay Evvo.
"Ha?" East asked.
"I said don't talk to her." He repeated and I just saw his dark face. Uh-oh.
I think he is f*****g jealous?
"E ano naman ngayon kung kausapin niya ako?" The doctor asked and arched her brow.
"Don't mind him. He's weird as hell."
She nodded. "Yeah I know. I think he doesn't need me anymore. He needs a Psychiatrist."
Mahina akong natawa dahil sa sinagot niya. Oh well, Evvo already mets his match.
"Hey! Aren't you going to check me instead of talking to them?" Maktol ni Evvo at tinuro pa kami ng gago.
"Hindi na. Mukha namang maayos ka na, e. Wala ka naman talagang sakit, nag iinarte lang. Baliw." sagot ni Glendel.
"I'm not! Masakit talaga ang paa ko! See my forehead? Binato nila ako ng mansanas! I think I need a head surgery!" Evvo keeps on calling the doctor but the latter just rolled her eyes at him before leaving.
"Why are you talking to her?! You are not allowed to talk to her! Ako lang!"
I tsked. "Seloso."
"Wow nagsalita ang lalaking muntik ng pumatay ng costumer sa bar ko dahil sa sobrang selos niya nang lapitan nito si April." Evvo said sarcastically.
My face darkened when I remembered the guy who almost kissed April. "Shut up."
It's making me want to punch their faces instead. f**k.
"Hoy kayong dalawa. Luma-love life na pala kayo bakit wala kaming alam?" Tanong ni East.
"Wala akong love life, wag kang pauso d'yan." Sagot ko at tinignan ang relong pambisig. 5:25 na pala. "Aalis na ako. Marami pa akong trabaho."
I didn't bother to wait for their answers and just left. Pagkalabas ko ng hospital ay agad akong pumara ng taxi.
"Saan po tayo, Ser?" The driver asked.
"X Luxurious Restaurant."
After 20 minutes, we safely arrived in front of XLR. Pagkatapos kong ibigay ang bayad ay agad akong tumakbo papasok.
I was about to enter the kitchen when my eyes caught someone familiar.
Ah yeah, I do really know her. She's smiling while talking with the two woman in front of her and I just can't let go and unluck my eyes from watching her.
The woman I want to own. She's like an expensive thing that I want to claim.
I let out a smirk. What a coincidence, baby.
April's POV
"How are you Lola?" I asked my grandmother who is sitting in a wheelchair.
Nasa X Luxurious Restaurant kami ngayon and I can't say something bad because the restaurant is so beautiful. Maganda ang ambiance at malamig ang paligid.
"I'm still gorgeous and breathing, apo. Though your Mama is always forcing me to it some veggies." Ani lola kaya natawa ako.
"Mama, let Lola eat what she wants." Sabi ko kay mama pero inirapan niya lang ako.
"Sige magkampihan na naman kayong dalawa. Ewan ko sa inyo." She answered before calling the waiter.
"See, apo? Your mama is bad."
I can't really help but to laugh. Ganito talaga si lola kapag nagkikita kami, sinusumbong niya lagi sa akin si mama. And since I am a Lola's girl, lagi akong nasa side niya at kunwari ring pinapagalitan si mama.
"May I have your order, Ma'am?"
I stilled when I heared the baritone voice of the waiter. What the heck?
Dahan-dahan akong lumingon at bahagyang nanlaki ang mga mata ko at umawang ang labi dahil sa nakita. At hindi nga ako nagkakamali. The waiter is no other than SKETT HELERIO.
My stalker is a freaking waiter? The heck?
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. I thought he is someone rich but here he is being a waiter.
Hindi naman sa minamaliit ko ang mga waiter, sadyang mahirap lang paniwalaan na 'yung lalaking nakilala ko sa bar na magandang manamit, may mamahaling relo at higit sa lahat, stalker ko, ay isang waiter pala.
"April."
Napakurap ako ng marinig ang boses ni mama.
"H-huh?"
"May oorderin ka pa ba o tama na 'yung inorder ko?" Mama asked.
Wala sa sarili akong tumango. "'Yun nalang, Ma." Sagot ko at tumingin sa lalaking nakatayo sa gilid namin.
And to my surprise, he is looking at me also. Goodness, why am I nervous here? "I'll be back for a minute, Ma'am." Sabi niya at tumalikod na paalis.
"Ang gwapo pala ng mga waiter dito. Ang ma-macho pa." My mother commented. Wala nanaman sa sarili akong napatango. Gwapo nga.
"Apo, balita ko may Fashion Show kang pinuntahan kahapon?" Lola asked.
Tumango ako. "Yes po, La. Maraming celebrities din ang bumili ng mga damit na gawa ko. Nagandahan daw sila."
"That's good to hear." mother said
"Anyways, balita ko sayo daw magpapagawa ng Wedding Gown ang anak ni Mrs.Enson?"
Tumango ako. "I'm still waiting for her call."
"Mabuti pa sya ikakasal na. E ikaw kaylan pa?"
Wala sa sarili akong napairap. Here we go again. Lagi na lang akong pinipilit ni mama na magpakasal na dahil hindi na raw ako bumabata. As if hindi ko alam, ang weird naman kung bigla na lang akong babata.
It's just that, I am not yet ready to settle down. I'm still enjoying my life for now.
"Pwede ba, Anne, huwag mong pilitin si April kung ayaw pa n'yang magpakasal. Hayaan mong makapili siya ng lalaking hindi siya lolokohin at iiwan. Maghintay ka na lang kung kaylan niya gusto." Sagot ni Lola. Napangiti ako sinabi niya, siya talaga ang kakampi ko sa lahat lahat, e.
"Mama naman, wag mo ngang kinakampihan 'yang apo mo. Kaya hindi nakikinig sakin, e." Naiinis na sabi ni Mama.
"At least nakikinig naman siya sakin. Pagod na nga 'to sa trabaho tapos pinepresure mo pang magpakasal." Sagot ni Lola bago humarap sa akin. "I know you've been busy this past few days so I suggest you to relax. Prepare for your things tomorrow, pupunta ka sa Martin's Resort. Ako na ang bahala sa lahat."
Napayakap ako sa bigla sa kanya. "Thank you very much, Lola. You're the best lola in the world."
She chuckled. "No problem, hija. Alam ko kasing matagal ka na ding hindi nakakapag beach dahil sa sobrang dami ng ginagawa mo."
Tinignan ko si mama and she just shrugged. "Just enjoy there, honey." Aniya.
Napahiwalay lang ako ng yakap kay Lola nang bumalik si Skett the waiter sa mesa namin at nilapag ang inorder ni mama. Hindi ko siya tinignan pero ramdam ko na nakatitig siya sa akin. I wish him to stop, hindi ako makahinga ng maayos dahil sa ginagawa niya.
I just pretended that I am not affected by his presence until he left our table after saying 'enjoy your meal'. Doon lang ako nakahinga ng maluwag.
"Do you know that guy, April?"
Napatingin ako kay mama. "Who?"
"The waiter." Sagot niya. Lalo akong kinabahan. Napansin ba nila na nakatingin si Skett sa akin kanina?
"W-why?" I asked.
"He keeps on looking at you earlier." sagot niya.
"Ano ka ba naman, Anne. Maganda ang anak mo kaya maraming lalaki ang napapatingin sa kanya." Puri ni Lola kaya bigla akong napangiti. My lola always do that. Palagi niya akong sinasabihan ng maganda kahit noong bata pa ako.
"I know, Ma. Pero parang iba yung tingin niya kay April, e." Ani mama habang nakakunot ang noo. Parang inaalala nito ang nakita niyang emosyon sa mata ni Skett kanina. Goodness.
"Ayan ka na naman sa 'tingin' na 'yan. Diyan ka naloloko e. Kita mo nga, nakuha ka sa tingin ng Papa ni April pero sa huli iniwan ka din naman. Wala ng ibang binigay ang lalaking 'yun sayo kundi sakit ng ulo, maliban na lang sa pagbigay niya sayo--sakin ng isang magandang apo. 'Yun lang ang pinakamagandang naibigay niya. Mabuti nalang at hiniwalayan mo." sagot ni Lola. A bitter one, e?
Kwento ni lola , iniwan rin daw sila ni mama ni Lolo noon para sa ibang babae. Kaya simula 'non, nagiging bitter na si lola at nadagdagan pa 'yun 'nong iniwan rin ng papa ko si mama. Galit na galit si lola sa nangyari.
"Ayan ka nanaman sa pagiging bitter mo, Ma. Pati 'yang apo mo nagiging bitter na rin dahil sayo."
Mahina akong natawa. That's true though. Nagmana ako kay lola sa pagiging bitter at sa kanya ko rin nakuha ang motto na 'No Boyfriend No Problem.'
I haven't experienced having a boyfriend yet but I know the feeling of being left. My father left me after all. Kahit saang anggulo alam kong problema talaga ang dala ng lalaki sa buhay ng mga babae lalo na kung mahina kang babae. Hindi naman sa nilalahat ko ang mga lalaki kasi may nakikita pa rin naman akong matatandang matagal nang magkarelasyon. They are lucky to have each other.
But for me? Mas marami talaga ang mga lalaking nanloloko at nang-iiwan. Kita ko 'yun sa mga naging boyfriend ng mga kaibigan ko. Good thing they didn't gave up the most precious thing they have.
"Sinasabi ko lang naman sa kanya kung ano ang dala ng mga lalaki sa buhay." Sagot ni Lola.
Kumain na lang ako at hinayaang magbangayan si lola at mama. Gano'n naman sila lagi at parang wala lang iniindang karamdaman si lola kung makipagbangayan kay mama. Tsk. Tsk.