Chapter 03

3523 Words
Chapter 3 April's POV "Hindi raw sila sasama. Magbubukas ng Resto ngayon si Marienel, sunod-sunod naman ang TV guesting ni Rochel para sa upcoming movie niya, at kailangan ni Glendel ng tulog. Si Welmar ang walang ginagawa ngayon, daanan daw natin siya sa bahay niya." Ani Kyla nang makapasok ako sa van na sasakyan namin papunta sa Martin's Resort. Inaya ko sila na samahan ako sa resort pero si Kyla at Welmar lang ang free. And since West --- Kyla's bestfriend --- is one of the owner of Martin's Resort, he came with us and let us ride on the van that he owned. "Hey, April." Bati ni West sa akin na siyang magda-drive ng van papunta sa MR. "Ey." Maikli kong sagot at tinanguhan lang siya bago bumaling kay Kyla na nasa passenger seat at kumakain ng Nova. I don't really like this guy for Kyla. Hindi ko alam kung manhid lang ba siya o ayaw niya talaga kay Kyla. "Ilang araw ka sa resort?" Tanong ko kay Ky at kumuha na rin ng nova. "Dalawang araw lang din para sabay tayo. Hindi ako pwedeng magtagal kasi papagalitan ako ni Daddy. Puro na lang daw ako gala." I chuckled.  Ang hilig niya naman kasi talagang gumala. Buti na lang hindi pa retired  si Tito bilang C.E.O ng kompanya nila kung hindi, hindi na niya magagawa ang gusto niya dahil sangkatutak na paper works ang kailangan niyang trabahoin. "Boo, daan tayo sa bahay ni Welmar please. Sasama daw siya, e." My friend told West. "No problem, Bee." The latter answered and winked at her. I mentally rolled my eyes. Yea, yea. They are sweet with each other to the point of giving you an idea that they are in a relationship but the truth is, they're just friends. Bestfriends, i mean, yea. Matalik silang magkaibigan pero alam namin na may gusto naman si Kyla kay West. Tapos ito namang si West may ibang  gusto, buti sana kung aware siya na nasasaktan si Kyla dahil sa kanya pero hindi naman, manhid kasi ang loko. I do know that Love is like heaven but it hurts like hell. Alam ko 'yun kahit hindi ko pa nararanasang umibig kasi 'yun ang nakikita ko sa ibang couple sa paligid. I can see others happiness as if they are in heaven but there are also people that is hurting like hell. And some of them was just smiling so that no one will see how broken they are inside. Huminto ang sasakyan sa isang bahay at lumabas doon si Welmar bitbit ang backpack niya. "Hey, darling." I greeted him when he entered. "Hey hey ka riyan. May kasalanan ka pa sa 'kin!" Inirapan niya ako. He is using his gay voice since West is already aware that he's not straight. Malakas ang loob. "What?" Inosente kong tanong. "Don't 'what-what' me April Ramales. Masasabunutan talaga kita." Naiinis niyang sabi at padabog na sumandal sa kinauupuan. I just chuckled. Oh well, hindi pa siguro siya nakaka-get over sa nangyari noong nakaraang gabi. "Anong nangyare sayo?" Kunot noong tanong ni Kyla kay Welmar. Ah, wala silang alam sa nangyari kasi sa akin  lang naman nagreklamo si Welmar. It's my plan after all. "Wag mo ng itanong, Ky. Kahihiyan ng bakla pag sinabi niya pa 'yun sayo." Ako ang sumagot at tumawa ng malakas. "Walang'ya ka talaga!" Welmar hissed and pulled some strands of my hair. I groaned because of the little pain. "Aray ko naman,Welmar. Sana hindi ka na lang sumama kung sasabunutan mo lang pala ako!" Sinamaan ko siya ng tingin. Tudo tawa naman si West at Kyla sa harapan. Welmar rolled his eyes. "As if naman mapipigilan mo ako. Duh. Lunurin pa kita sa dagat mamaya, e." Inirapan ko din siya. "As if din naman kaya mo akong lunurin. Baka nga kung makakita ka ng isda mahimatay ka na. Kalalaking tao takot sa isda--ay mali baklush ka pala." Lalong lumakas ang tawa ni Kyla dahil sa sinabi ko na ikinasimangot naman ni Welmar. He is really afraid of fish. Kahit sa maliit na uri ng isda natatakot siya. Nasobrahan yata sa panonood ng Shark Series. "Marami pa namang isda 'don." Singit ni West na nakangisi kaya lalong humaba ang nguso ni Welmar. "Edi doon na lang ako sa swimming pool niyo. Wag mong sabihing may isda rin 'don? Ipapa-bulldoze ko talaga 'yang resort niyo makikita mo!" "Don't worry, walang isda 'don, pero maraming linta." Si Kyla ang sumagot at alam kong iba ang ibig-sabihin ng LINTA na sinasabi. I laughed. "Choose wisely, darling. Linta o Isda?" "Binata. Mas gusto ko ang binata." Sagot nito na ikinatawa namin. Hindi naman kasi talaga siya pipili between isda at linta. Sinong bakla ba naman ang matutuwa pag pinipyestahan siya ng mga babae? "As if naman kaya mong makipag landian sa mga binata do'n ano. Takot mo lang ma-issue at baka mawala pa sayo ang pag momodel mo ng brief at boxer." Pang-aasar ko but the latter just rolled her eyes at me. -- Dalawang oras din ang hinihintay namin bago kami nakarating sa Martin's Resort. Nakapasok naman kami agad dahil kasama namin si West. Nakahanda na ang kwarto na gagamitin ko dahil si lola na mismo ang nag book no'n. Si Kyla naman ay kasama sa Cabin ni West na nasa gilid lang din ng Beach Hotel. Gusto ko namang batukan ng ilang beses si Welmar dahil naki-share pa siya ng kwarto sa akin. Dahilan niya ay ayaw niya daw mag-aksaya ng pera. Para namang maaaksaya 'yun kung siya din naman ang makikinabang? Napaka-kuripot niya. Pagpasok namin sa Hotel Room, agad akong pumunta sa banyo at nagbihis ng bikini at pinatungan ko ng puting bikini cover up, naglagay na din ako ng sun block bago lumabas ng banyo. "Wel, samahan mo 'ko." "'Yoko nga. Pagpipyestahan na naman ako ng mga babae sa labas." Sagot niya. He's not bragging with that. It might really happen outside. Pambihirang bakla naman kasi siya. Yes, he's gay. Gay with abs and v-line. Mas maganda pa ang katawan niya kaysa sa mga hunk sa TV. Umirap ako. "Bakit ka pa sumama dito kung mags-stay ka lang naman pala dito sa kwarto? 'Di sana doon ka nalang nagkulong sa bahay mo." "Kung hindi lang ako broken hearted ngayon hindi naman talaga ako sasama!" Aniya. "Whatever. Kesa magdrama ka riyan sumama ka na lang sa 'kin sa labas. Nasa cotage na si Kyla." Sabi ko at mabilis siyang hinila palabas ng kwarto namin kaya wala na siyang nagawa. Paglabas namin ng hotel, biglang bumago ang tindig ni Welmar. Tindig lalaki na ulit siya at hindi na pa-sexy mag lakad. Marami na kasing napapalingon sa kanya dahil siguro namumukhaan siya ng iba. Para siyang robot na bigla na lang nagtatransform. "Nakakatawa ka, alam mo 'yun?" I teased. If we werere still inside maybe he is rolling his eyes right at the moment. "Shut up. Kung hindi lang ako sikat, hindi ko talaga ikakahiyang bakla ako." Sagot niya gamit ang pang lalaking boses kaya mas lalo akong natawa. Welmar is my happy pill today. Minsan ko lang marinig ang gano'ng boses niya, 'yun ay kung kausap ang mga magulang at mga kasama sa trabaho. Napahinto kami sa paglalakad nang may humarang na babae sa harap namin. May bitbit itong cellphone at nakangiting nakatingin kay Welmar. I know what's going to happen next. "Welmar Amoncio, right?" The woman asked. Welmar nodded. "OMG! I'm a big fan of yours! Can I have a picture with you?" She giggled. "Sure." Welmar answered with a smile on his face. The woman faced me and gave me her phone. "What's this?" I asked. "We call that phone, in case you don't know." She answered rudely. She's getting into my nerves now. Agad-agad. "Of course, I know. What I am asking is, what am I going to do with this? Itatapon ko ba sa mukha mo?" Tinaasan ko siya ng kilay. Naramdaman niya siguro na umiiba na ekspresyon ng mukha ko kaya ngumiti siya sa akin. "Can you take us a picture?" Mukha ba akong photographer? "Okay." Sagot ko na lang at tinanggap ang cellphone. Pumwesto naman ang dalawa at tudo dikit pa ang babae kay Welmar. Bumilang ako ng tatlo at kinunan sila ng litrato bago binalik ang cellphone sa babae at hinila na si Welmar papalayo dahil alam kong nandidiri na siya. "Eww." -- "Ang tagal niyo!" Reklamo ni Kyla ng makarating kami sa cottage na nasa dulo ng Resort. Mas maganda ang view dito kasi may malaking bato sa gilid na tinubuan ng maraming bulaklak. "Ikaw kaya maglakad sa ganitong init ng panahon ha? Tignan natin kung hindi ka mabarbicue." Sagot ni Welmar at umupo sa bamboo chair. Bumalik na ulit ang gay voice niya. "Maarte ka lang talaga sa balat mo. Palibhasa takot umitim." "Maka maarte naman 'to. Ikaw nga riyan laging may ginagamit sa balat." "Bakit? Maarte na ba agad 'yun ha?" "Hindi ba?" Napairap ako sa bangayan ng dalawa kaya umalis na lang ako sa cottage at naglakad lakad malapit sa tubig, hindi alintana ang init ng araw. Nakatingin lang ako sa dagat habang naglalakad kaya hindi ko namalayang napalayo na pala ako sa cottage namin. The sea is making me calm and it took my stress away. The clear blue water that sparkles against the sunlight makes the sea amazing to look at. It's breathtaking and it's hypnotizing me. Huminto ako ng mapagtantong napakalayo ko na pala sa cottage namin. Masakit sa balat ang araw kaya lumapit ako sa isang puno at doon huminto. No one is here except me but instead of going back to the cottage, I looked back to the sea and closed my eyes. Ilang segundo ko ring pinikit ang mga mata ko bago iyon dahan-dahang binuksan at tumuon 'yun sa isang lalaki na umahon mula sa dagat. My lips parted because of what I saw. My throat dried as I stared at the man who is now walking towards me, water dripping from his long curly hair down to his shoulder, yummy abs and v-line. Mahihiya ang haring araw sa sobrang hot ng lalaking ito. Hindi ako makagalaw habang nakatingin sa lalaking papalapit at matiim ding nakatingin sa akin. God knows that I really want to look away but I just can't. Hindi ko matanggal ang tingin sa lalaking papalapit sa akin ngayon. I am just staring on his body the all time until he stopped in front of me. Damn this gorgeous man with abs and v-line. And that man is no other that Skett Helerio. Yes, Skett Helerio. The stalker waiter. "I'm so hot, yeah?" He said with his baritone voice. At kahit nanginginig ang tuhod ko, umatras ako ng isang beses papalayo sa kanya. Yes, he's gorgeous but he's a freaking boastful too! Alam kong wala namang mali na sabihin ang totoo pero ayaw ko lang talaga sa nga gano'n. I just hate it when I heard someone bragging. "Siguro nga 'hot' ka, pero lamigin ka sana sa dala mong hangin." Sagot ko. "And what are you doing here? Are you stalking me again?" I arched my brow. He chuckled. "I'm just saying the truth, April. Hindi rin kita sinusundan dahil hindi naman talaga ako stalker. Kagabi pa ako dumating dito, ikaw ba?" Tanong nito na may ngisi sa labi. Halos magdugtong naman ang kilay ko. Para kasing sinasabi niya na ako pa ang stalker ngayon dahil mas nauna pa siya sa akin dumating. Ibang klase din naman pala ang kakapalan ng mukha ng isang 'to. Ibang level na, hindi ko na ma-reach. "Sinasabi mo bang ako ang sumusunod sayo, ha? Are you for real? Sino ka ba para sundan ko dito? Hindi ko pag-aaksayahan ng oras ang isang waiter na katulad mo!" Natahimik siya at doon ko lang na realize ang sinabi ko, and it's too late to take that back. Oh my god, April! Why the heck did you say that! Unti-unting nagbago ang timpla ng mukha niya. Kung kanina ay nakangisi siya, ngayon ay wala ng emosyon ang mukha nito. Napalunok ako nang makita ang reaksyon niya. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Stupid, sinong tao ba naman ang matutuwa sa sinabi ko?! "Ano ngayon kung waiter ako? May masama ba sa trababo ko, April? Sa pagkakaalam ko matinong trabaho naman ang pagiging waiter pero bakit parang minamaliit mo----no, minamaliit mo talaga ang mga katulad ko. Bakit? Dahil ba mas gusto mo 'yung mga lalaking big time? C.E.O? President? 'Yung may maipagmamalaking kompanya sa mundo?" Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita o makasagot sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. My gosh, April, kailan ka pa nawalan ng sasabihin? Skett just stared at me coldly and I was about to open my mouth to say something but he started to walk away. Naiwan akong nakatingin lang sa likod niya papalayo sa akin kaya naipikit ko ang mga mata ko at kinurot ang sarili. Ilang beses akong humihinga ng malalim at sinundan siya. Hihingi ako ng tawad dahil sa sinabi ko. I didn't mean it that way. Ewan ko ba kung bakit iyon lumabas sa bibig ko. Hindi ko naman  sinasadyang sabihin 'yun at hindi totoong kinakahiya ko ang mga waiter o waitress. Alam ko na katulad ko, nagtatrababo din naman ang sila para mabuhay at para sa mga pamilya nila kaya hindi ko talaga naintindihan kung bakit 'yun lumabas sa bibig ko. "Skett!" I called his name but he didn't look back. Hindi ba nya narinig o  galit talaga siya? Sa hindi malamang kadahilanan, hindi ako mapakali dahil galit siya sa 'kin. I don't know why am I feeling this way, damn it! Binilisan ko ang paglalakad pero hiningal na ako hindi ko pa rin siya maabutan. "Bakit kasi ang laki ng mga hakbang mo! Para kang si Goliath!" Sigaw ko pero alam akong hindi na niya ako naririnig dahil palapit na siya sa mga cottages. Binagalan ko na ang lakad habang pinapaypayan ang sarili. Kung hahabulin ko pa si Skett, baka ma-stroke ako ng wala sa oras dahil sa mainit na sikat ng araw. Nawala na din siya sa paningin ko kaya wala ng sense kung hahabolin ko pa siya. I started walking again, ilang segundo ang lumipas ay nakita ko na ang cottage na ginagamit namin. Kitang-kita ko na si Welmar na naka upo sa bamboo chair at umiinom ng orange juice. Binilisan ko ang paglalakad dahil nauuhaw na ako sa sobrang init pero napahinto ako nang makita kung sino ang nasa cottage. My forehead knotted when I saw Skett sitting there while drinking a glass of water. "What are you doing here?" I asked but he just ignored me as if I am not existing. "You know him?" Kyla asked. "Not really." I answered and sat beside Welmar. "How about you? Do you know him?" Kyla nooded. "Yeah. He's West bestfriend." Lumingon siya kay Skett. "Right, Skett?" He just nooded and continued drinking water. Napairap ako. Tinanong ko siya kanina pero hindi niya ako sinagot samantalang sinagot naman niya ang tanong ni Kyla.Tsk. Napalingon ako kay Welmar ng bigla na lang akong inakbayan. Inakbayan niya ako and that is so not him. "What are you---" "Shhh. Tignan mo ang mukha n'ong Skett, hindi na maipinta." Bulong niya sa akin. Nagtataka akong tumingin kay Skett at kumunot ang noo ko nang makitang madilim ang mukha niya habang nakatingin sa kamay ni Welmar na nakapatong sa balikat ko. Humarap ulit ako kay Welmar and I gave him a questioning look. "What's wrong with him?" I asked clueless. Pasimpleng siyang umirap. "Sure kang hindi mo gets 'yang mga ganyang tingin ni Mr.Skett sayo?" "Magtatanong ba ako kung alam ko?" "Bahala ka nga. Manhid ka naman palang bruha ka." Aniya at tinanggal ang pagkakaakbay sa akin. I rolled my eyes because I seriously don't have any idea about what he's talking about. Tumayo ako nag pasyang mamaya na lang mag so-sorry kay Skett pag nakahanap na ako ng tyempo. "Maliligo na ako, hindi kayo sasama?" Tanong ko kay Kyla at Welmar. "No. Mamaya pa ako, hihintayin ko pa si West." Sagot ni Ky. "Mauna ka na." Sagot naman ni Welmar. Tsk. As if naman maliligo ka sa dagat, takot ka nga sa isda. "Ako na lang muna. Mainit, e." I said before removing my bikini cover up showing the black bikini that I am wearing. Nakatalikod ako kaya hindi ko kita ang mga reaksyon nila. Well, why bother? Sanay naman ang mga kaibigan ko. Habang naglalakad papalapit sa dagat ay tinatanggal ko ang pagkakatali ng buhok ko. I rolled my eyes when I heard some boys calling me with such names. Alam kong ako 'yun kasi malagkit ang tingin nila sa katawan ko. Tss. Mga lalaki nga naman. Porke hindi nakatingin ang asawa at girlfriends nila lilingon na agad sa iba. Hindi ko na lang sila pinansin at lumusog na lang sa malamig na tubig. Skett's POV I suddenly felt my c**k hardened when April took her bikini cover up showing her bare back and sexy butt. I cursed because she is giving me a hard one. Damn. Kahit nakatalikod, kitang kita ko ang perpektong kurba ng katawan at ang pantay na kulay ng balat niya. At kahit isa ay wala akong nakitang peklat. Her body is so damn perfect and I'm so hard as f**k. Gusto kong magreklamo dahil likod lang ang nakikita ko pero hindi ko magawa dahil may ibang tao sa paligid. As if naman papayag din si April. Kontra ng isip ko. Habang naglalakad siya papunta sa dagat, hindi ko maiwasang tumitig sa nakikita ko sa likod niya. That ass is moving everytime she's making a movement to walk. Parang gusto kong lumapit sa kanya at pisilin ang pwet niya. While walking towards the water, she is removing the tie of her hair and she look so f*****g hot while doing that. Why am I feeling this way? Dapat nagtatampo ako kay April dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya tungkol sa mga waiter kanina. Right? Oh f**k that thing. I groaned when my body didn't agreed. "Oh, kainin mo 'to." Napalingon ako sa lalaking nagsalita na nagpakilalang boyfriend ni April. My face darkened when I remembered what he said earlier. Inis na inis ako nang malamang may boyfriend na pala si April kaya tudo inom na lang ako ng tubig para pakalmahin ang sarili ko. I looked at the thing he is offering me. "What the f**k am I going to do with that?" I asked. Hindi ko tinanggal ang pagmumura sa bawat sinasabi ko. I am not Skett Helerio if I am not cussing. I heard him tsked and to my surprise, he rolled his f*****g eyes. The f**k? Marunong din naman akong umirap pero hindi katulad ng ginawa niya. Bakla ba 'to? Pero bakit sinabi niya kanina na girlfriend niya si April? "Lollipop. Pampakalma ng tete. Bumabakat, e." Sabi niya at nilagay sa kamay ko ang isang pirasong lollipop bago tumabi ng upo kay Kyla. What?! Napatingin ako sa suot kong drifter short. I cursed when I saw the bulge in between my tights. Agad kong inabot ang basong may tubig at ininom 'yun para pakalmahin ang sarili ko. I need to calm down so as this big thing because we can't just attack the reason of this. "Skett, alis muna ako, ah. Sasabay din si Welmar, may kukunin daw siya sa kwarto nila ni April." Paalam ni Kyla sa akin pero natuon ang pansin ko sa huli niyang sinabi. They're sharing the same room? My jaw tightened and all I want for now is to punch Welmar's face but how am I going to do that if I have no rights to do so? Wala akong karapatan dahil hindi naman ako kaano-ano si April. Walang magagawa ang selos na nararamdaman ko dahil hindi naman siya akin. I closed my eyes and leaned on the back of the chair. Inalala ko na lang kung saan ko unang nakita si April. It was Kyla's Birthday and I am invited. Habang umiinom ako kasama si West at East ay pumunta si Kyla sa mesa namin at may kasama siyang babae, that was April. Lumilitaw ang ganda niya kahit madilim ang paligid. She looks so simple by the way she dressed and I guess she's not wearing any makeup. Kung meron man siguro ay kunti lang and that makes me admire her more. That night, sa isang babae lang nakatuon ang mga mata ko. Tinanong ko sa sarili kung bakit nagkakaganon ako sa babaeng 'yun dahil kahit minsan hindi ako nakakaramdam ng gano'n sa mga naging babae ko. But April is really something, I just met her and felt this something I can't name out. Hindi ko alam. I don't have any idea about that f*****g feelings. Bumuntong hininga na lang ako at tinignan ang lollipop na nasa kamay ko. Milkita. Binuksan ko 'yun at sinubo bago binalik ang tingin sa dagat. I automatically regretted doing that. This woman is really killing me on her own little way! Umahon si April mula pa pagkakalangoy at nakikita ko na naman ang katawan niyang nakasuot lang ng itim na bikini. Damn it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD