I was readying myself for visiting my father. Kinakabahan ako at nahihiya dahil pinakitaan ko ng hindi magandang asal ang ama ko noong bumisita ito sa bahay. But I am ready to ask for forgiveness and also to forgive him. And about Skett. Napabuntong hininga na lang ako nang pumasok na naman siya sa isip. Hindi na siya ulit bumalik sa condo ko after no'n pero naririnig ko kay Kyla na lagi raw itong nasa Midnight Bar. Inaamin kong namimiss ko na siya pero hindi ko alam ang gagawin ko. Tuwing gabi ay yakap ko ang naiwang damit ni Skett dahil naiwan ang bango niya roon. "Be good to your father's wife, okay?" Lola reminded me. Pupunta ako sa hospital ngayon para dalawin si Papa at kausapin na rin ito. Gusto kong humingi ng tawad at patawarin rin ito bago pa mahuli ang lahat. My father will

