Ganito ba talaga pag nasasaktan dahil sa pag-ibig? Required ba talaga umiyak ng halos isang balde? Required din bang mag kulong sa kwarto ng ilang araw? Bigla ko tuloy naitanong sa sarili ko kung may namatay na ba dahil sa pag-iyak at pag kulong sa kwarto dahil sawi sa pag-ibig. I only know about those people who killed themselves because of heart breaks.Wala naman akong balak na gawin ang bagay na 'yon sa sarili ko. Hindi ako baliw. Laging sinasabi sa 'kin ng lola noon na hindi lalaki ang magiging dahilan nang pagkawala ko sa mundo. Pagkatapos kong sabihin kay Skett na wala na kami ay agad akong umalis sa XLR at pinaharurot ang sasakyan palayo sa kanya at sa babaeng nabuntis niya. I just can't look at them. Hindi ko hinayaang maabutan ako ni Skett at pilit kausapin para magpaliwanag. P

