Andre's Point of View
Bumuntong hininga ako bago ko muling hinarap si Cody.
"Bahala na." Mahinang bulong ko at tumayo na ako, hinawakan nya ako sa balikat para pigilan pero tinabig ko yon, rinig ko pa ang pagtawag nya sa pangalan ko pero hindi ko na rin pinansin yon. Naglakad ako papalapit dun sa kumpulan ng mga estudyante.
"Your just nothing but a stupid b***h, oh i remember you." Na kay Diana ang buong atensyon nya. "Ikaw yung malanding babae ang nagtangkang humalik sa akin non sa bar." Walang ganang sabi nya dito. Agad naman umugong ang iba't ibang reaksyon ng mga estudyante.
"Ang landi nya."
"Grabe hindi na sya nahiya."
"Alam naman nya siguro na may girlfriend yung tao."
"Bitch."
"Impakta."
"Ang lupit mo talagang si Kill pa ang nilandi mo."
"Pano na lang kaya kapag nakarating to kay Calliope?"
"Oo nga, siguradong magagalit yun."
"Sigurado yun lalo na't meron palang malanding estudyante dito ang nagtangkang humalik sa boyfriend nya."
"SINONG HUMALIK?" Isang malakas na sigaw ang nagpatahimik sa mga estudyanteng na kaninang nagbubulungan. Natuon ang atensyon ko sa isang magandang babae. Ang naglalakad papalapit sa pwesto nila Kill. Naging matalim ang kanyang mga tingin kina Kill. Tiningnan ko ang naging reaksyon ng Kill na yon. Pero ang kanyang reaksyon ay tila nagbago. Ang kaninang matalim na mga tingin ay napalitan ng walang buhay na reaksyon hindi mo malalaman kung ano yung naiisip o nararamdaman nya. Ni hindi ko makita sa reaksyon nya kung natatakot, nagagalit, naiinis o masaya sya. Binaling ko naman ang atensyon ko sa mga kaibigan ni Kill. Ang nakikita ko sa reaksyon nila ay tila kinakabahan. Pansin ko pa na simple silang nagbubulangan sa isa't isa. Nang pinansin ko naman ay ang mga estudyanteng nakikiusosyo sa sitwasyon na ito. Hindi na katulad kanina na napakaingay nila, may ilang pa akong naririnig na mga bulungan ng mga estudyante. Pero hindi ko na lang iyon pinagtuonan.
Binaling nung Calliope ang atensyon nya sa Kill na iyon."Ano itong narinig kong may nagtangkang humalik sayo sa bar?" Mahinahong tanong ni Calliope kay Kill. Hindi naman agad nakasagot yung Kill sa tanong nya, iniwas naman nya ang atensyon nya, at binaling sa ibang direksyon...saakin. Saakin nya naibaling ang atensyon nya. Tinitigan nya naman ako, taka naman ako sa ginawa nyang pagtitig saakin, iniwas ko naman ang tingin ko.
Mukhang napansin naman ng girlfriend nya ang pagtitig saakin ng boyfriend nya saakin. Tumalim ang tingin nya saakin.
"Sya ba yung nagtangkang humalik sayo?"Nakataas ang kilay na tanong nya kay Kill. Wala naman syang sinabi, umiwas muli ang paningin nya. Bumaling ang atensyon ko dun sa Calliope na iyon. Papalapit sya saakin, hindi ako gumalaw at gusto kong malaman kung anong gagawin nya. Walang anu-ano o walang sabi-sabi ng biglang sinampal nya ako sa kaliwang pisngi ko. Aaminin ko masakit, sobrang sakit ng pagkakasampal nya sa pisngi ko, hinawakan ko naman iyon para indahin ang sakit ng pagkakasampal nya saakin. Naririnig ko pa ang mga naging reaksyon ng mga estudyante.
"Ano bang problema mo?" Inis na sabi ko sa kanya.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko, yang kalandian mo ang problema ko." Inis na sabi nya saakin, kita ko ang parang pagusok ng mga ilong nya sa sobrang galit.
"What the hell." Rinig kong sabi ni Kill, lumapit sya kay Calliope, pero isang malakas na sampal ang sumalubong sakanya. Naririnig ko naman ang mga bulungan ng mga estudyante. Narinig ko rin ang mahinang paghikbi ng Calliope na yun.
Inis naman sya tiningnan ni Kill."What's wrong with you? hindi na kita maintindihan, basta-basta ka na lang na nanampal."
"So pinagtatanggol mo pa yang babae na yan." Inis na sabi ni Calliope at tinuro pa ako.
"The heck naman! Calliope hindi sya ang humalik saakin, at isa pa ni hindi ko nga sya kilala eh, ngayon ko lang sya nakita dito, and i guess she's a transferee." Inis na sabi ni Kill sa Calliope na yon.
"Kung hindi sya sino?" Nakataas ang kilay na tanong ng Calliope na yon.
Bumuntong hininga muna si Kill bago sumagot."Sya." Mahinahong sabi nya at tinuro pa si Diana. Tumalim ang mga titig nya kay Diana, nakita ko ang takot nyang reaksyon, nakita ko rin ang paghakbang nya papaatras. May nabangga pa syang estudyante na agad naman syang tinulak ng malakas kaya napaluhod naman sya para hindi tuluyang syang sumubsob sa sahig. Agad naman syang tinulungan ni Monica, naririnig ko pa ang mahihinang hikbi nila. Hindi na talaga ako makatiis na panuorin lang ang ginagawang pagpapahiya sa kanila. Lumapit ako sa pwesto nina Diana at Monica para tulungan sila. Pero dahil sa talas na reflects, napansin ko agad na balak sampalin ni Calliope si Diana, Nakita ko pa na bahayang pumikit na lang si Diana para tanggapin ang napakalakas na sampal ni Calliope, pero hindi ko hinayaan iyon, agad kong mabilis na hinawakan ang wrist nya para pigilan sya sa balak pagsampal kay Diana. Naging matalim ang tingin nya saakin.
"Andre." Rinig ko pang mahinang tawag sa akin ni Monica pero hindi ko na lang pinansin ang mga iyon.
"Bitiwan mo nga ako." Inis na sabi sa akin ni Callliope pero mas lalo ko pang hinigpitan ang paghawak sa wrist nya.
"Bitiwan mo ang girlfriend ko." Madiin ang bawat sinabi sa akin ng Kill na yon. Pero tiningnan ko lang sya ng masama. Napaatras naman sya dahil sa sama ng tingin ko sa kanya, nangunot naman ang noo ko, at binaling ko ang atensyon ko sa Calliope na ito. Pilit nyang inaaalis ang wrist na hawak ko pero gaya ng ginagawa ko mas hinihigpitan ko ang pagkakapit nun. Nakita ko pang namumula ang wrist nya pero wala akong pakealam, napupuno na ako sa babaeng to, basta-basta na lang na nanampal maski yung boyfriend nya hindi man lang muna mag-tanong ng ayos at inuna pa ang nararamdaman nyang selos.
"I SAID TAKE OFF YOUR HAND TO MY GIRLFRIEND." Rinig kong sabi na naman ng Kill na yun. pero di ko na naman pinansin.
"Wag mong sanayin ang sariling mong basta-basta na lang nanampal." Ngumusi ako, kitang kita ko ang pagbabago nya ng reaksyon ang kaninang matalim na mga tingin na animoy papatay na ay napalitan ng parang isang maamong tupa."Dahil hindi mo gugustuhin kapag ako ang gumanti sayo." Makahulugan kong sabi pa sa kanya, at binitawan ko na ang wrist nya agad naman syang inasikaso ng Kill na yon, lumapit ako kina Diana at Monica.
"Okay lang ba kayo?" Nag-aalalang tanong ko.
"Okay lang salamat." Pilit na ngiti ang binigay saakin ni Monica, at tinanguhan ko lang sya.
"Tara sa restroom kailangan nyo munang ayusin ang mga sarili nyo." Nakangiting sabi ko. Tumango lang silang pareho at humawi ang mga estudyante para bigyan kami ng daan, ipinagtaka ko man pero hindi ko na lang pinansin iyon. Sa huling pagkakataon binaling ko ang ang sarili ko sa grupo ng Kill na yon at dun sa abnormal nyang girlfriend. Kita ko pa ang pagtatalo nila, at hindi ko na sana papansin iyon ng makita ko si Kill na ang sama ng tingin sa akin habang sinesermonan sya ng girlfriend nya, binigyan ko sya ng walang reaksyon ng mga tingin ng marinig ko pang tinatawag ang pangalan ko ni Monica ay tyaka ko pinutol ang mga tingin na iyon at tuluyan na ako sumunod sa kanila.
Kill's Point of View
Nagugutom na ako kaya tinawag ko ang mga kaibigan ko para bumili ng pagkain sa canteen. Natapos na kase ang dalawang magkasunod na klase namin. Naisipan ko munang tawagan ang girlfriend ko parang itanong sa kanya kung gusto nya sumabay sa amin ng mga kaibigan ko.
"Hello." Sagot nya sa kabilang linya.
"Babe itatanong ko lang sana sayo kung gusto mong sumabay saamin ng mga kaibigan ko." malambing na sabi ko. Narinig ko naman na nagpipigil sya sa pag-irit sa sobrang kilig. Napangiti naman ako.
"Gusto ko sana kaya lang hindi muna ako makakasama sa inyo, may ginagawa pa kase ako, siguro susunod na rin ako dyan, sasama na lang siguro ako sa mga friends ko pero babawi na lang ako sayo bukas o sa susunod na araw, sorry talaga babe ha i love you." Malungkot na sabi nya.
"Okay lang naiintindihan ko, i love you too." Kunyari pang nalulungkot na sabi ko.
"Babe naman, alam mo naman na busy ako masyado." Nagtatampong sabi nya.
"Oo na, nagbibiro lang ako, naiintindihan ko, I love you." nakangiti ko pang sabi.
"I love you too, sige na papatayin ko na tong tawag, magpakabusog ka ha." Sabi nya.
Natawa naman ako. "ofcourse that's the point kung bakit ako pupunta ng canteen."
"Nakakainis ka naman eh, sige na bye na babe i love you so much." kunyaring inis sabi nya. Pinatay nya na ang tawag pero sa halip na mainis ay napangiti naman ako.
"Ano yan Kill? Ibang klase talaga si Calliope ikaw ata tong pinapakilig nya, Wala na to dre sobrang inlove na ang tropa natin." Pangaasar naman saakin ni Derek.
"Shut up Derek." Kunyaring inis na sabi ko.
"Stop talking non-sense, tama na ang pagaasaran." Seryosong sabi naman ni Haruto.
"Oh so you telling us na nonsense pagusapan si Calliope." Biglang sabi naman ni Jagger. Oo nga no. Tiningnan ko naman ng masama si Haruto.
"Hindi naman kase yun ang ibig kong sabihin."Pagdedepensa nya sa sarili.
"Sus ang sabihin mo naiinggit ka lang palibhasa ikaw pa lang ang hindi nag-kakagirlfriend saatin, Kung hindi lang talaga kita kilala baka isipin ko na lalaki rin ang gusto mo." Pang-aasar naman sa kanya ni Jericho.
Agad naman syang binatukan ni Haruto.
"Sira ka ba?" Inis na sabi nya.
"Oo nga naman Haruto, i still wondering kung bakit di ka pa nagkakagirlfriend." Sabi ko at natigilan naman sya. "Ako, si Derek, at si Jagger ang may kasalukuyang may girlfriend ngayon. si Elijah at Jericho naman ay kakabreak lang sa mga girlfriend nila. Wag ka ng umasa kina Bobby at Brandon alam mo naman na laging papalit-palit at pinagsasabay ng dalawang yan ang mga babae, at ikaw na lang ang walang girlfriend." Seryosong sabi ko. " Bakla ka ba?"Dagdag ko pa.
Agad ko naman nakita ang pagbabago ng reaksyon nya.
"Tss! Porket hindi pa nagkakagirlfriend bakla agad?" Inis na sabi nya.
"Oh yun naman pala eh, Bakit nga ba di kapa nagkakagirlfriend?." Takang tanong naman ni Jericho.
"Walang lang akong matipuhang babae." Inis na sabi nya kasabay ng pagiwas nya ng tingin.
"Sus imposible naman ata yon, sa daming magagandang babae ang nagkakagusto sayo dito, wala ka man lang magustuhan." Tila hindi makapaniwalang sabi naman ni Brandon.
"Hoy wag mo kong itulad sayong gago ka, HIndi ako yung tipong lalaki na papalit-palit at pinagsasabay ang mga babae." Inis na sabi nya kay Brandon.
"Ang sabihin mo lang pre mahina ka lang sa mga babae." Pangaasar naman sa kanya ni Bobby.
Hindi na lang pinatulan ni Haruto ang pang-aasar sa kanya ni Brandon at Bobby, Kung sa bagay hindi naman sya mananalo sa dalawang iyon. Hindi na rin kami nagkibuan ng makalapit na kami sa may entrance ng canteen. Gaya ng mga nakasanayan na namin ay hindi talaga maiiwasan ang mga bulungan ng mga estudyante.
"Grabe ang gwa-gwapo talaga nila."
"Haruto i love you."
"Elijah Akin ka nalang."
"Sobrang astig talaga ni Jagger."
"Jericho ang cute -cute mo."
"Derek pakasalan mo ko."
"Bobby ako naman ang gawing mong girlfriend."
"Brandon pansinin mo naman ako."
"Kill anakan mo ako."
Napabuntong hininga ako sa huling narinig ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. O.A man kung O.A pero pakiramdam ko gusto ko makapanapak ng estudyante ngayon. Naiirita na nga ako kapag tuwing daraan kami may mga babae at bakla na tumitili saamin, nakakasawa na araw-araw.
"Uy ano ka ba? alam mo namang may girlfriend na yung tao."
"Mahiya ka nga paano kung makarating ito kay Calliope."
"Ang alam ko eh cool off sila."
"Bakit daw?"
"Balita ko, may crush daw si Calliope dun sa varsity basketball player ng kabilang school,kaya lang hindi naman ata sya type nung lalaki."
"Ang landi naman niya meron na nga syang Kill pero nagkakacrush pa sya sa iba."
"Oo nga eh, hindi na lang nya magawang makuntento kay Kill."
"Hindi rin naman natin sya masisisi eh ang sama ng ugali ng Kill na yun, talagang wag ka ng magtaka kung maghanap sya ng iba."
"Yeah right."
Tangina ang ayaw ko sa lahat eh ang pinaguusapan ang personal kong buhay. At saan naman nila nakuha ang tsismis na cool off na kami ni Calliope? Hindi na talaga ako nakapagpigil.
"SHUT THE f**k UP." Malakas na sigaw ko ang umalingaw-ngaw sa buong canteen.
"Sorry" Mahinang patawad nung babae na maiiyak na.
Bumuntong hininga ako para pakalmahin ko ang aking sarili.
"Bro wag mo ng patulan pa." Bulong naman sa akin ni Jagger. Pero hindi ko na pinansin ang sinabi nya. Haharapin ko na sana ang babaeng nagsabi na anakan ko daw sya at dun sa mga babaeng ka-tsismisan nya. Nang biglang may makabungo saakin at tumapon ang baso na may juice sa damit ko. Isa pa toh pinag-iinit talaga nila ang ulo ko.
Ano ba? patanga-tanga ka eh." Nakataas ang kilay na sabi ko sa babaeng nakatapon ng juice saakin.
"Yan ang nababagay sa isang tangang katulad mo." Inis na sabi ko. Tiningnan ko naman sila mula ulo na mukhang paa. Nakita ko marami silang dalang pagkain. Napako ang atensyon ko sa isang plato ng may laman ng isang slice ng cake. Bigla akong nakaisip ng kalokohan, wala ng ako pakielam kung magalit ang mga kaibigan ko saakin o maski si ate Karen o si Calliope pa. Tinabig ko ang plato pailalim na may slice ng cake sa mukha ng babaeng stupida. Tumalikod na ako para harapin sana ang mga babae kanina, Tiningnan ko sila ng masama at kita ko ang panginginig nila, napangisi ako magsasalita na sana ako pero dahil nagsalita pa ang walangyang babaeng nakatapon ng juice saakin ay tuluyan ng kumawala ang galit na nararamdaman ko.
"Ang sama ng ugali mo." Umiiyak na sigaw nung babaeng nakatapon ng juice saakin. Aba masyadong atang ang lakas ng loob nyang kalabanin ako. Dahan dahan akong humarap at naging matalim ang aking mga tingin. Nakita ko naman ang pagbabago ng reaksyon, natutuwa ako sa pinapakita nya sa aking takot.
"Anong sabi mo?" Inis na sabi ko at muli akong dahan-dahan lumapit sakanya.
"Kill please tama na! you're making a scene! hayaan mo na sila!" Pakiusap sa akin ni Derek.
"Shut up Derek." Madiing sigaw ko sakanya.
"Pero Kill Babae parin ang mga yan."Seryosong sabi naman sa akin ni Bobby, hindi ko maintindihan kung bakit nakikielam pa sila. Alam nila ang usapan namin na hindi kami tulad ng iba na kung may kaaway ang isang tropa ay babalikan o papakielamanan na namin ang gulo kung saan sangkot sya, di bale na lang kung talagang pare-pareho na naming kaaway. Nagtataka na rin ako dito kay Bobby, he is a type of a man na talagang papalit-palit ng babae o pinagsasabay nya pa ang mga ito, dinaig nya pa si Brandon, he doesn't care about how they feel, dahil may motto sya na girl is just a toy. Palibhasa kase niloko sya ng babaeng minahal nya ng sobra, dahil sa sakit na naramdaman nya binago nya ang sarili nya.
"I know Bobby, pero tangina naman inuubos nila ang pasensya ko." Inis na sabi ko sakanya.
"Nakikiusap ako sayo Kill tama na." Maawtoridad na utos sa akin ni Haruto. Isa pa tong si loner boy na to eh.
"Haruto, tigilan nyo ko, kung ayaw nyong kayo ang malilintikan saakin." Inis na sabi ko at wala naman silang magawa saakin. They really know me well.
Binaling ko naman ang mga atensyon ko dun sa dalawang babaeng kanina, Hindi pa ako tapos sa kanilang dalawa, Tinulak-tulak ko pa sa balikat yung isang babae dahilan para matumba sya, agad naman syang tinulungan ng kasamahan nya. Hindi ko alam pero hindi man lang ako nakaramdam ng awa sa kanila. Nakita ko pa si Haruto na papalapit dun sa mga babae pero bago pa sya makalapit ay pinigilan ko sya. Tiningnan nya lang ako ng masama dahil sa kawalan nya ng magawa. Tinuon ko ulit ang atesyon ko sa kanila.
"Bakit mo ba ginagawa saamin to?" Umiiyak na sabi saakin nung babaeng tumulong dun sa kasamahan nyang nakatapon ng juice saakin.
Hindi agad ako nakasagot, Hindi ko alam pero parang pamilyar saakin ang babaeng ito. Ah! naalala ko na! sya yung nagtangkang humalik saakin sa bar. Tiningnan ko muna sya ng masama.
"Your just nothing but a stupid b***h, oh i remember you." Seryosong sabi ko, Hindi nakatakas saakin ang mga mukha nyang nagbago ang reaksyon.
"Bro ano bang sinasabi mo dyan?" Bulong naman saakin ni Brandon pero hindi ko na pinansin iyon.
"Ikaw yung malanding babae ang nagtangkang humalik sa akin non sa bar." Walang ganang tugtong ko pa sa sinabi ko. Gaya ng aking inaasahan ay umugong ang iba't-ibang reaksyon ng mga estudyante.
"Ang landi nya."
"Grabe hindi na sya nahiya."
"Alam naman nya siguro na may girlfriend yung tao."
"Bitch."
"Impakta."
"Ang lupit mo talagang si Kill pa ang nilandi mo."
"Pano na lang kaya kapag nakarating to kay Calliope?"
"Oo nga, siguradong magagalit yun."
"Sigurado yun lalo na't meron palang malanding estudyante dito ang nagtangkang humalik sa boyfriend nya."
SINONG HUMALIK?" Isang malakas na nagpatahimik sa mga estudyanteng kanina'y nagbubulungan. Si Calliope Natalie Mendoza, dalawang taon ko na syang girlfriend. Naglalakad na sya papalapit sa pwesto namin ng mga kaibigan ko. Naging matalim ang kanyang mga tingin saakin na sya namang inaasahan ko. Unti-unti kong pinalitan ang reaksyon ko ang kaninang matalim kong mga tingin ay napalitan ng walang buhay na reaksyon. Kahit hindi ko tingnan ang mga kaibigan ko ay alam kong kinakabahan na sila. Naririnig ko rin ang pasimple nilang bulungan pero hindi ko na pinasin ang mga iyon.
"Ano itong narinig kong may nagtangkang humalik sayo sa bar?" Mahinahong tanong saakin ni Calliope. Hindi naman agad ako nakasagot sa tanong nya. Iniwas ko naman ang atensyon ko sakanya at sa hindi inaasahan ay nabaling ko ang atensyon ko sa isang babaeng nasa kumpulan ng mga estudyante, Kulay pula ang buhok nya, at may gasa pa sa pisngi nya, Aaminin kong maganda sya pero hindi ko alam kung bakit parang napako ang mga mata ko sa kanya, at hindi ko na namalayan ang sarili kong tinitigin ko na sya. Agad naman nyang iniwas ang paningin nya.
To Be Continued..