Chapter One
Andre's Point Of View
Nagising ako dahil sa sikat ng araw, na tumama sa aking paanan. Nag-unat pa muna ako ng aking mga kamay bago bumangon. Naghikab ako bago kunin ang aking sipilyo at sinimulan na ang dapat gawin. Kinuha ko ang aking tuwalya at dumeretso na agad sa banyo. Habang tumatama ang tubig mula sa shower sa aking katawan ay di ko mapigilan ang pagsabay non ng mga nag-uunahang mga luha. Nagmadali na akong tapusin ang pag ligo ko ayaw ko nang balikan pa ang kahapon na nagmimistulang bangungot ko na kahit ano atang gawin ko hindi na mababago yun. Nagbuntong hininga muna ako bago lumabas sa banyo. Nagbihis na ako ng uniporme ko. Papasok na kase ako sa Wright International School.
"Mabuti naman at bumagay sa akin ang uniporme." Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Ngunit na wala ang aking atensyon dahil sa malalim na peklat sa kaliwa kong pisngi, hugis X iyon at hindi ko gusto yon. Isang marka na isa rin sa dahilan kung bakit di ko makalimutan ang aking nakaraan. Ginawa ko na ang lahat na aking makakaya para mawala lang ang king-inang X na yan sa pisngi ko pero mukhang wala na talagang pag-asa.
Umalis ako sa harap ng salamin at kinuha ang emergency kit ko. Kumaha ako ng gasa na para sa sugat at nilagyan ng gamot ito. Matagal na ang marka na ito pero naisipang kong takpan ito. Kunyari na lang na may nakaaway ako. Pagkatapos ko, bumalik na ako sa salamin at simpleng kong inayusan ang sarili ko. Nilugay ko na lang ang pulang buhok ko. Hindi na ako nag-umaga at naisipang sa school na lang ako kakain. Sinigurado ko munang nai-lock ko na ang dapat i-lock. Lalabas na sana ako sa gate ng apartment na tinutuluyan ko ng may mapansin akong isang kotse hindi kalayuan. Babalik na sana ako papasok sa loob ng makita kong bumaba na sa loob ng kotse ang isang taong di ko inaasahan.
"What the heck are you doing here?". Nakataas na kilay na tanong ko.
"Easy Andre." Nakangising sabi nya at iniharap ang dalawang kamay nya hangang sa dibdib nya na tila pinipigilan ako sa pwede kong gawin sa kanya."Anu pa ba? sinusundo ang isang kaibigan." Hindi parin maalis ang pagkakangisi nya at mas lalong ikinataas ng kaliwang kilay ko.
Bumuntong hininga muna ako. "Pano mo nalaman kung nasan ako?
"Tss parang hindi mo naman ako kilala, you know me" Nakangising sabi nya.
"Yeah right, pwede ka ng umalis ngayon."Inis na sabi ko.
"Why are you always be like that?, ihahatid na kita sa school mo." Sabi nya.
"Hindi na, kaya ko ang sarili ko." Walang ganang sabi ko.
"Just please, let me, gusto lang kitang kamustahin". Pakikiusap na sabi nya.
"Noah nakamusta mo na ako pwede ka ng umalis." Utos ko sa kanya.
"Hindi ka parin talaga nagbabago, Hindi ka man lang marunong pagpahalaga ng mga tao nasa paligid mo, may mga kaibigan ka rin Andre at isa na ako dun kaya kung ano mang problema mo pwede kang magsabi hindi yung sasarilinin mo ang problema mo. We became friends for 2 years but i don't even know you. Andriette Rogue Parker, pangalan mo lang ata ang alam ko bukod don wala na." Inis na sabi nya at tila natigilan naman ako. Naiintindihan ko sya,ako yung tipo ng taong masikreto, kung may problema ako sinasarili ko, mas lalo kung tungkol sa nakaraan ko.
"Ikaw na rin ang nagsabi na kilala mo ko, dapat ikaw ang nakakaintindi saakin dahil kaibigan kita." Inis na sabi ko.
Napabuntong hininga muna sya bago magsalita"Naiintindihan ko." Pilit sya ngumiti "Pero hindi parin magbabago ang gusto ko na ihatid ka." Nakangiting sabi nya.
"Tangina sige na masyado kang mapilit." Inis na sabi ko at naglakad papalapit sa kotse nya. Sasakay na sana ako sa kotse nya ng may mapansin sa di kalayuan kung hindi ako nagkakamali isa iyong Ducati Desmosedici D16RR NCR M16 hindi ko alam pero malakas ang pakiramdam ko na nakatingin sya saamin.
"Andre What's wrong?" Nag-aalalang tanong nya pero hindi ko na pinansin yun at agad na sumakay sa loob ng kotse. Kahit nagtataka sumakay narin sya sa kotse nya sa driver seat at nagmaneho. Akala ko susundan kami ng naka big-bike pero nagkamali ako. Mabuti na rin yun dahil ayaw ko na ng gulo.
"Nakalimutan ko." Pagbabasag nya sa katahimikan."Saang school ka nga pala nagaaral?" takang tanong nya.
"Tss magaalok ka tapos di mo alam". Tatawang sagot ko.
"Stop laughing." Inis na sabi nya. "I am not a fortune teller, i expected you to say it pero wala kang sinabi."
Pinilit kong hindi matawa at pansin ko na naiinis na sya.
"Sa Wright International School." Natatawa paring sagot ko. Tiningnan naman nya ako ng masama at bumalik agad sya sa pagmamaneho nya.
"Really." Kunyaring interesadong sagot nya.
Ilang minuto lang ng mapansin ko ng binabagalan na nya ang kotse nya. Bumaba na agad ako at tinanguhan ko na lang sya bilang pagpapaalam. Pinaandar na nya ang kotse paalis at hindi ko na rin sya hinintay na makalayo pa. Bumuntong hininga ako bago pumasok sa gate ng school. Tiningnan ko ang schedule ko at kung saan akong section.
Section 10-Amethyst nice!
Hindi ko alam kung saan iyon dahil tranferee pa nga lang ako, sigurado rin ako na mahihirapan ako kung paano ako makakapagtanong sa mga estudyanteng nakakasalubong ko. Pinagbubulungan nila ako, ayaw ko na rin dahil ayaw kong mapaaway halata naman na hindi sila makakausap ng maayos.
"What the heck red haired"
"Ngayon ko lang sya nakita dito, transferee siguro sya."
"I admit she's pretty"
"Pretty ba yon"
"May gasa pa talaga sa pisngi napaaway siguro yan."
"Mukha syang nakakatakot."
Bulungan ng ibang mga estudyante at di ko na pinansin iyon. Hindi ko na talaga alam kung saan ba ang section ko. Naisipan ko ng magtanong na dapat talaga kanina ko pa ginawa. Maaga pa naman ang unang klase ko 8:00 am ng tingnan ko sa relo ko ay 7:40 am pa lamang. May nakita ako na mga estudyante na nakatambay sa isang bench lumapit ako at lakas loob na magtanong.
"Hi."Bati ko sa kanila. "Magtatanong lang sana ako kung saan ko matatagpuan ang section 10-Amethyst?" Nakangiti pang tanong ko pinilit kong hindi magmukhang peke ang mga iyon.
"Hello rin, ako nga pala si Diana Riley Hernandez ." Pakilala nya."Medyo malayo yon at baka kung sasabihin ko lang ang direksyon maligaw ka pa." Nakangiting sabi nya.
"Ah ganun ba salamat."Nasabi ko na lang.
"Anu nga palang pangalan mo?" Tanong ng katabi nung Diana ang pangalan.
Nginitian ko muna bago sumagot "Andriette Rogue Parker, Andre for short." Simpleng sagot ko sa tanong nya.
"Ako nga pala si Monica Elliot Santiago ." Pakilala nya.
"Nice to meet you." Nakangiting sabi ko.
"Nice to meet you too." Nakangiti ring sabi nilang pareho saakin.
Tumayo na si Diana at Monica at sinabi nila saakin na sasamahan nila ako kung saan ang Section 10-Amethyst. Tama nga si Diana masyadong malayo ang Section-Amethyst siguradong magkandaligaw-ligaw ako nito. Nakatuon lang ang atensyon ko sa daan nangunguna naman si DiananAt Monica na naguusap.
"Ahm Andre buti pinapasok ka ng Security guard." Biglang sabi ni Diana.
"Bakit naman?" Walang ganang tanong ko.
"Bawal kase ang may kulay ang buhok." Sagot nya.
"Ah."Sagot ko nalang.
"Estudyante ka diba dapat alam mo yun." sabi naman ni Monica.
"Homeschool" Simpleng sagot ko at tumango na lang sila bilang pagtanggap ng sagot ko. Tumigil sila sa isang pintong nakasarado, rinig na rinig ko ang ingay sa loob ng room, napabuntong hininga naman ako bago ako humarap kina Diana at Monica.
"Maraming salamat." Nakangiting sabi ko sa kanila.
"Kung okay lang sayo sumama ka saamin sa canteen para makapagpakilala pa tayo ng maayos." Nakangiting sabi saakin ni Diana.
"Oo naman, Ah nga pala anong section nyo?" Nakangiting tanong ko.
"Parehong Section 10-Crystal kami." Sagot naman saakin ni Monica.
"Ah ganon ba salamat ulit, papasok na ako." Paalam ko sa kanila at umalis na rin sila.
Kakatok na sana ako sa pintuan ng may isang lalaki ang tumatakbo at para bang pagod na pagod agad syang huminto sa di kalayuan mula sa pwesto ko parang hingal na hingal at humawak pa sya sa may bandang dibdib nya. Inalis nya ang kanyang bag sa pagkakasabit sa balikat nya at binuksan nya ang loob ng bag nya at tila may hinahanap.
"Yon."Sabi nya sa sarili nya ng nakita nya ang hinahanap nya agad naman nyang kinuha yon, isang inhaler.
"Okay ka lang ba?" Walang gana kong tanong.
"Oo, okay lang salamat." Nakangiti nyang sagot saakin. Hindi ko na sya pinansin at kumatok na lang ako sa pinto. May narinig pa akong mga yapag ng takong ng heels at sigurado akong teacher ko na yon. Agad naman itong bumukas at isang magandang babae na mukhang nasa 20s pa.
"Good Morning." Bati saamin ng teacher namin at binati rin namin sya. Agad na napataas ang kilay nya ng dumapo ang mga mata nya saakin.
"Oh maybe you are the new transferee." Saakin sya nakatingin kaya alam kong ako ang tinatanong nya, Tumango na lang ako. Binaling nya naman sa lalaki kanina na tumatakbo. "Cody" Maowtoridad na tawag nya sa pangalan nya. "ilan beses ka ng nalalate sa klase nung kabilang taon ka pa, pinagsabihan na kita pero paulit ulit ka na lang nalalate. Alam kong matalino ka at kaya mong habulin ng lahat kung sakaling malate ka o umabsent ka. Pero it doesn't mean na lagi ka na lang nalalate." Nakataas na kilay na sabi nya dun sa Cody daw ang pangalan. Napayuko na lang ang Cody na yun sa sinabi saamin ng teacher namin. Pasimple ko namang tiningnan ang oras at the heck 8:07 am na. Akala ko maaga pa nakakainis! Bumaling na naman si ma'am saakin." At ikaw bakit ganyan ang kulay ng buhok mo? hindi ka man lang ba umatend nung school program para malaman mo ang pinagbabawal sa school?. Nagtataka lang ako kung bakit pinapasok ka pa." Inis na sabi nya. Yumuko na rin ako wala akong time para pakinggan ang lahat ng sasabihin nya. Kung ano na lang ang pinagsasabi nya at pumapasok lang ito sa kanan at lumalabas sa kaliwa kong tenga.
"Naiintindihan nyo ba?" Nakataas ang kilay na tanong saamin ni ma'am tumango na lang ako at yung isa naman ay sumagot ng opo.
Pinagbuksan nya na ang pintuan at pinapasok kami. Iniscan ko naman ang buong klase, ang iba sa kanila ay tahimik, may nagbubulungan, at may masama ang tingin saamin. Napabuntong hininga na lang ako, hindi ko na lang pinansin, naghahanap ako ng mauupuan. At ayun may nakita na ako dun sa kanang bahagi ng sild na ito at sa may pinadulo pa iyon.
Lalakad na sana ako papunta sa pwestong napili ko ng tawagan ako ni Ma'am. Nakakainis pero mas pinili ko na lamang na hindi ipahalata ang inis na nararamdaman ko.
"Hi Im Cody Zyaire [Zy-eer] Lorenzo, 17 years old i hope we can be friends." Masiglang pakilala naman ng Cody na yun sa mga kaklase namen.
Pagkatapos nung Cody pagpakilala ay bumuntung hininga muna ako.
"I'm Andriette Sc~". Bahagyang tumigil ako sa pagpapakilala at tumikhim. "I'm Andriette Rogue Parker 17 years old." Walang ganang pagpapakilala ko. Nang sinabi saamin ni Ma'am na pwede na kaming umupo kung saang upuan namin nais umupo ay dumeretso na agad ako sa pwesto pero bago pa ako makarating dun ay may naramdaman akong isang paa ang balak manakid saakin. Pero hindi sya nagtagumpay pasimple ko syang inapakan ng madiin at mahinang umaray na man sya, isa syang babae, naging masama ang tingin nya saakin na animong pinapatay na nya ako sa isipan nya. Pasimple ko naman syang nginisian ng nakakaloko at umupo na ako sa pwesto ko.
Natapos na ang dalawang magkasunod na klase ko at agad ko munang niligpit ang mga gamit ko tsaka ako lumabas sa may pintuan, breaktime na at naalala ko nga pala na hindi pa ako nakakakain ng umagahan. Nakita ko si Diana at Monica at kumakaway saakin, napangiti naman ako at lumapit sa kanila. Oo nga pala! naalala ko na sinabi nila saakin na sumama ako sa kanila sa canteen para magkakilala.
"Tara." Nakangiting sabi saakin ni Diana. Tumango na lang ako. Naglakad na kami papuntang canteen at hindi parin nawawala ang bulungan ng mga ibang estudyante saakin pero hindi ko na pinansin ang mga iyon. Nang makapasok na kami ay agad kaming naghanap ng mauupuan. sinabi nila saakin na bibili na muna raw sila at ililibre na lang daw nila ako. Hindi na ako makatangi at hinayaan ko na lang sila. Ng biglang may magsigawan ang mga estudyanteng babae at binabae, tiningnan ko naman kung anung dahilan yun, at mga nasa walong lalaki lang naman sila na maangas ang paglalakad.
"Grabe ang gwa-gwapo talaga nila."
"Haruto i love you."
"Elijah Akin ka nalang."
"Sobrang astig talaga ni Jagger."
"Jericho ang cute-cute mo."
"Derek pakasalan mo ko."
"Bobby ako naman ang gawing mong girlfriend."
Tss Babaero amp!
"Brandon pansinin mo naman ako."
"Kill anakan mo ako."
What the hell! ang landi asa ka naman na pansinin nyan, At isa pa Kill ang pangalan nya! Sino naman kayang matinong magulang ang magpapangalan sa anak na Kill.
"Uy ano ka ba? alam mo namang may girlfriend na yung tao."
"Mahiya ka nga paano kung makarating ito kay Calliope."
"Ang alam ko eh cool off sila."
"Bakit daw?"
"Balita ko, may crush daw si Calliope dun sa varsity basketball player ng kabilang school, kaya lang hindi naman ata sya type nung lalaki."
"Ang landi naman niya meron na nga syang Kill pero nagkakacrush pa sya sa iba."
"Oo nga eh, hindi na lang nya magawang makuntento kay Kill."
"Hindi rin naman natin sya masisisi eh ang sama ng ugali ng Kill na yun, talagang wag ka ng magtaka kung maghanap sya ng iba."
"Yeah right."
Nakita ko ng papalapit sina Monica at Diana, Masyado silang maraming dalang pagkain. Tatayo na sana ako ng biglang.
"SHUT THE f**k UP." Isang malakas na sigaw ang umalingaw-ngaw sa buong canteen. Napatingin ako sa pinanggagalingan ng malakas na sigaw na iyon. Kung hindi ako nagkakamali yun ang tinatawag nilang Kill. Nakabaling sya sa babaeng nagsabi ng anakan daw sya pati na rin dun sa mga babaeng nakikipagtsismisan sa kanya.
"Sorry." Mahinang patawad nung babae na maiiyak na.
Hindi ko na sana papansinin at lalapitan ko na sana sina Monica at Diana ng mabungo ni Monica ang Kill na yon at bumuhos sa damit nya ang juice.
"Ano ba? patanga-tanga ka eh."Nakataas ang kilay na sabi nung Kill na yun kay Monica. Bigla naman akong naalarma paniguradong pagiinitan sya ni Kill. Tatayo na sana ako para makealam ng may pumigil saakin.
"Wag ka ng makielam pa kung ayaw mong ikaw ang pagbuntungan ni Killian." Si Cody. Tiningnan ko naman sya ng masama at ginawa ko na lang ang sinabi nya ayaw ko na rin ang masangkot sa gulo. Binaling ko na lang ang atesyon ko sa kanila, ng biglang tinabig pailalim nung Kill ang plato ng isang slice ng cake sa mukha ni Monica.
"Yan ang nababagay sa isang tangang katulad mo." Inis na sabi nung Kill na yun. Tumalikod na sya para sana harapin ang babae kanina pero.
"Ang sama ng ugali mo." Umiiyak na sigaw na sabi ni Diana, Naiiyak na rin siguro sya sa naranasang pagpapahiya sa kanyang kaibigan. Dahan dahan ang pagharap ng walangya at naging mas matalim ang kanyang mga tingin na animong papatay na. Infernes bagay sa kanya ang name nyang Kill. Para na kase syang papatay ng tao.
"Anong sabi mo?" Inis na sabi nung Kill at dahan-dahang lumapit kay Diana.
"Kill please tama na! you're making a scene! hayaan mo na sila!" Pakiusap ng isang nyang kaibigan.
"Shut up Derek."Madiing sigaw ng Kill na yon.
"Pero Kill Babae parin ang mga yan." Seryosong sabi naman ng isa pa.
"I know Bobby, pero tangina naman inuubos nila ang pasensya ko."inis na sabi nya sa kaibigan.
"Nakikiusap ako sayo Kill tama na." Maawtoridad na utos ng isa pa nyang kaibigan.
"Haruto, tigilan nyo ko, kung ayaw nyong kayo ang malilintikan saakin." Inis na sabi nya at tila wala ng nagawa pa ang mga kasamahan nya.
Binaling na naman nya ang atensyon nya kina Monica at Diana, naging masama na naman ang mga tingin nya, Tinulak tulak pa nya sa balikat si Monica na naging dahilan para matumba sya, agad naman syang tinulungan ni Diana, Hindi na ako makapagtimpi, parang hindi ko naman ata kakayaning papanuorin ko lang silang inaapi. Tatayo na muli sana ako pero pinigilan na naman ako ng Cody na to.
"Ano ba?" Inis na sabi ko.
"Wag ka na kasing makealam, mas papalalain mo pa ang sitwasyon." Mahinahong sabi nya.
"Ikaw ang wag makealam, Anung gusto mo? maupo na lang ako habang yung mga kasamahan ko binubully na ng Kill na yon." Bumuntong hininga muna ako para mabawasan ang galit na nararamdaman ko.
"Hindi ka superhero para magpakabayani, kaya kung ako sayo hayaan mo na sila." Seryosong sabi nya.
"Ha! hayaan? eh nakakagago ka pala eh! Pano na lang sila nina Diana at Monica? Hahayaan ko na lang sila kung meron naman akong magagawa para makatulong sa kanila." Inis na sabi ko.
"Paano kung ikaw naman ang ibully ni Killian? ha! kilalang gago ang grupo ni Killian palibhasa mayayaman. At Isa pa paano kung ikaw ang mapahamak sa pakikielam mo? Paano kung ipa-kick out ka ni Killan? ha! nagiisip ka ba? Sila ang may ari ng eskwelahang inaapakan mo." Seryosong sabi nya at natigilan naman ako, kaya pala malakas ang loob ng Kill na yan dahil malakas ang kapit sa school na ito. Ayaw kong makick out pero paano na sila Diana at Monica?. "Isang pitik ko lang sayo." Binitin nya ang sasabihin nya at umasta pang may pinipitik sa hangin."talsik kana sa eskwelahang pinapasukan mo." Tugtong nya sa napakamahulugang nyang sinabi. "Yan ang lagi nyang sinasabi sa mga estudyanteng kumakalaban o gumagago sa kanya at sa mga kaibigan nya kaya kung ako sayo wag mo ng ipahamak ang sarili mo sigurado ako na gagawa sya ng paraan para mapatalsik ka sa school na to hindi kita tinatakot pero yun ang totoo, walang sino man ang nagawang manalo sa kanya." Naiintindihan ko ang pinupunto nya, kung sakaling makealam ako, saakin naman ibabaling ang inis at galit ng Kill na yon lalo na't sila pala ang may ari ng school na to. Pero hindi ko naman pwedeng hindi tulungan sina Monica at Diana lalo na sila ang unang naging mabuti saakin dito sa school na to. Mababait naman sila at gusto ko silang parehong maging kaibigan.
To Be Continued..