PROLOGUE
Naghahalo ang sakit at pait sa aking lalamunan habang tinatahak ang mabatong daanan patungo sa karagatan. Naglalaro na rin ang kulay dilaw at kahel sa kalangitan, sinisigaw ang pagdaop ng araw at pagbangon ng buwan.
Marahan ngunit sabik kung umihip ang hangin at tinatangay ang aking buhok na para bang nais nitong makipag sayaw. Ako' y nalilito at sobrang tuliro kung saan ba talaga ako tutungo. O di kaya'y saan at hanggang saan ako titigil? Kapag pagod na ba ang mga paa ko? O maski ang aking mga paa'y namanhid na sa sakit at pagkapagod.
The sands felt like a soft fabric every time my skin touches it. The wind gently yet harshly brushes onto my skin, embracing me and enticing me to dance along.
I felt a lump on my throat that makes me want to choke when reminiscing how my dad showed no mercy on me.
Nakatungo lamang ako habang nakatingin sa mga daliri kong akin ring pinaglalaruan, at sa mga kama'y kong pinagpapawisan. Narito ako sa study room ni daddy dahil sa biglaang pagpapatawag niya. Gayon na lang ang kaligayahang naramdaman ko nang ipinatawag niya ako, dahil bihira lamang mangyari ito. Ngunit kung gaano ko hindi inaasahan ang sandaling ito, ay mas hindi ko inaasahan ang pakay niya.
"Is it true, Ezarah!? Huh! Tell me that what your tita have said was just a mere misunderstanding!" Naghihingalong sigaw na aniya. Ang aking tiya ay nasa tabi niya at hinahaplos ang kaniyang braso, pinapahinahon niya ito. Ang aking lola ay nasa tabi lamang at nagmamasid gamit ang mapaghusga niyang mga mata.
Ilang sandali muna akong hindi nakapag salita, dahil hindi ko mahanap ang tamang sagot sa tanong niya. Dahil hindi ang simpleng oo at hindi ang makakasagot sa tanong ng aking ama. Gusto kong umiyak upang ilabas ang lahat ng sakit ngunit maski ni isang butil ng luha ko'y nagtatago at pagod.
Lumanghap muna ako ng hangin, mga ilang segudo. Ngunit bago pa man ako mabigyan ng pagkakataon upang magsalita, inunahan na ako ni tiya.
"Oh dear, don't deny it already. The news says it all, that you seduced Alexander Theron Monreal. How could you ruin the Claveria's name! I don't know how and why you did commit such an evil and horrifying act! Hindi ka naman namin ganyan pinalaki, shame on you!" She screamed on top of her lungs.
"No! I did not seduce him and I never will!" I shouted back. Ngunit alam ko rin naman na kahit isigaw ko pa ang katotohanan kung sarado na ang sagarado nilang puso't isipan, kahit gumamit pa man ako ng pinakamalakas na mikropono, ay hindi nila ako diringgin. Kahit mapaos na ako't mawalan ng tinig, ang sigaw ko'y isa lamang hamak at mahinang bulong para sakanila, walang silbi.
Malakas na hinampas ng aking ama ang kaniyang lamesa, dumagdag muli sa aking panginginig. Napatingin kaming lahat sa biglaan niyang pagsabog.
"Do not ever talk to your tita like that! She is right, hindi kita pinalaking ganyan, bastos at walang galang! Wala ka na ngang naitutulong, pasaway ka pa!" Matigas na tugon ng aking ama.
Ganito na naman, kahit kailan ay hindi niya ako pinaniniwalaan. Lagi na lamang siyang nagbubulag-bulagan, at nagpapa uto kay tiya. Habang ako nama'y walang magawa, ni hindi kayang ipagtanggol ang sarili. Sapagkat pagdating sa aking ama, sa aming pamilya ako lamang ay isang hampas lupa't mahina, sampid at walang kwenta. Ni hindi ko man lang maramdam na parte ako ng pamilya.
"D-dad, I'm sorry." Mahinahon kong panimula.
"So, inaamin mo na rin ang kababalaghang ginawa mo sa panganay ng mga Monreal?"
"N-no dad, I didn't. I didn't know... I was too heartbroken." Mahinahon kong paliwanag, ngunit kahit gaano kahinay ang aking pananalita ay hindi mawawala ang tono kong nagbabaka sakali...na sana'y higit sa lahat at higit sa kanino'y ako naman ang paniwalaan niya.
"Heartbroken!" Inis niyang inulit ang aking salita.
" Your excuse can't even justify your actions! H-how could y-you!" Impit niyang sigaw at napahawak kay tiya para suportahan ang nanghihina na niyang kalagayan.
"D-dad, could you please listen to me first? Please dad, just this one po. I just want to feel how a father should protect and defend his child." Pilit ko mang pinatatag ang aking tinig sa bandang huli ay naging garalgal at pumiyok pa. Nakita ko naman kung paano natigilan ang aking ama, siguro'y hindi niya inaasahan ang aking munting kahilingan.
"Wow, just wow Eza!" Ani ng aking tiya habang mahinang pumapalakpak pa.
"Hindi ka lamang isang sutil at suwail na anak, kundi wala ka pang utang na loob sa iyong sariling ama. Kinekwesyon mo na rin ngayon ang pagpapalaki't pag-aaruga niya sa iyo." Pagpapatuloy at pagtatapos niya.
"Tiya, hindi po sa ganoon! Ang nais ko lamang pong ipahiwatig ay sana naman bago niyo ako husgahan at bago niyo paniwalaan ang mga sabi-sabi at kuro-kuro ng iba ay sana mas pakinggan at paniwalaan niyo ako." Hinihingal pa't bumilis ang pagtibok ng aking puso pagkatapos kong ihayag ang aking saloobin.
Susulyapan ko na sana muli ang aking ama ngunit binalot na kami ng mahina subalit mapanganib na boses ng aking lola. Nakakakilabot!
"I-ikaw ay wala ring pinagka-iba sa iyong ina!" Galit na aniya. Tumayo siyang bigla upang mapalapit sa akin habang ang kaniyang mga mata'y nanlilisik at ang kaniyang ekspresyon ay puno ng pandidiri. Sinubukang lapitan ni dad si lola ngunit itinaas na lamang ang kaniyang mga kamay, pinipigilan ang aking ama.
"Sa simula pa lamang ay hindi ko na naibigan ang iyong ina para sa aking unico hijo. Pero mapilit ang anak kong walang nalalaman sa kung sino ang ipinaglalaban niya, kaya wala akong nagawa't tinanggap ko ang iyong ina. Ngunit hindi ko inaasahan na sa pagdating mo'y unti-unti na ring bumibigay ang puso ko sa iyong ina. Isa rin akong ina kaya lubos kong hinangahan ang kaniyang pagmamahal sa iyo bilang kaniyang anak, napaka init at napaka tindi. Kaya naman ay pinagkatiwalaan ko siya higit pa sa iyong ama, pero..." Napapikit ang aking lola at hindi niya maituloy kung ano man ang mapait na nangyari.
"Mamita, tahan na po't hindi makakabuti sa iyong kalagayan." Ani ng aking tiya habang sinisipat ako ng nag-aalab na tingin. Ang aking ama naman ay matinding natigilan kung gayon ay napakalayo ng kaniyang tingin. Umiling na lamang si lola at nagpatuloy, wala talagang makakapigil sa kaniya.
The water felt so cold, cannot stop my nerves from jangling and shivering. Whenever I'm lost, so lost in this melancholy reality, the ocean is everything I want to go and want to be.
The wild roaring waves always cast a mystified spell deep within my soul. An extraordinary electromagnetic wave forces my mind to forget all my unsolved conflicts, and eases the pain of knives struck in my heart. Even just for a few expanse of space and time.
I take a few step deeper to the ocean, then another and another. Until the water is almost above my shoulder level. I suddenly stop, wondering if I step farther more, will there be an endless happiness? If I cross the ocean, will there be no single pain? Then I take a step, dancing with the waves, moving with the ocean and letting the rhythm of the water set my soul free.
Everytime I slip into the ocean, it's like going home but now, I feel like drowning off. Drowning off in my own home. It was here where I first learned how to breathe. Also, It was here where I learned to stop breathing.
A tear escaped from my eyes, a salty one like the ocean. Saying... Until then... Goodbye...