Aaron

2282 Words
Nagising ako sa sinag ng araw, at wala akong aaron na katabi sa kama kaya lumabas ako at uminom ng tubig. Pagpunta ko sa kusina nakita ko si aaron na nagluluto. "Ang bango naman nyan" sabi ko dito sabay tinignan ang niluluto nyang itlog at ham. "Kain kana may sandwich jan" pag aaya ni aaron. "Sige sige" sabi ko kumuha ng tubig. Hinintay ko muna syang matapos at sabay kaming kumain. "Ahh mamaya daw itutuloy yung party lahat nadaw tayo, magpapalaro den daw sila, ayon ang sabi ni mommy." Sabi nito saken Natapos na kaming kumain. Lumabas kami ni aaron at tumambay muna don pansamantala. "Napakaganda dito noh" tanong ko dito "Ahh oo, kaya dito kita pinunta, kase dito magandang spot" sabi nito "Dito ba lagi mong spot kapag bumabakasyon kayo dito?" Tanong ko dito "Oo, masarap kase ang Simoy ng hangin, tyaka maganda dito kapag gabi, punta tayo dito mamaya after party" sabi nito "Sige" pagsangayon ko at tumingin na sa paligid, naakit ako nito sa sobrang ganda. Ilang oras pa kami don tumambay at napagdisisyonana nanamen na bumalik na sa taas. Pagpasok namen niyaya kami ni ate vane na kumain na ng lunch. Pagkatapos namen kumain ay nanood muna kami, bago maligo. Isang oras nalang at maguumpisa na daw ang party. "Maligo kana don, tyaka wag kana mag dress, dahil may mga palaro daw sila tita at mommy" sabi nito at sinunod ko naman sya. Natapos nakong naligo at naligo naden si aaron. Ako naman ay pormal lang ang sinuot ko pants at croptop at nilugay ko ang mahaba kong buhok at konting liptint ay okay na. Nang natapos na si aaron maligo, lumabas syang naka short lang, kaya nakita ko ang katawan nito at nagiwas ng tingin. "Ah sorry, sorry" paghihingi ng pasensya nya "Ahh okay lang sige magbihis kana." Sabi ko at sa bintana parin nakatingin. Natapos nang magbihis ni aaron ay sabay na kaming lumabas at nandoon naden ang mga tita nya at pinsan. Nakaupo kami ngayon sofa at naguusap usap pa ang jga tita nila. Pagkatapos non ay Inumpisahan na ang game. "Ang unang game natin ay paunahan makaubos ng dalawang apple, its easy right?, kahit ilan ang sumali dito, ang price is 5k, okay?" Announce ng tita nya. "Sali ako, if ako ang nanalo" pabiting sabi ni aaron saakin. "If?" Tanong ko "Girlfriend na kita" sabi nito at pumunta na sa harap. Hahabulin mo pa sana sya na hindi ako sangayon sa gusto nya, dahil matakaw sya kahit payat sa huli hinayaan ko nalang ito. Nagumpisa na nga ang game at naubos na agad ni aaron ang isa ang iba nyang pinsan ay paubos palang ang isang apple, lumipas ang ilang minuto, si aaron ang unang nakaubos ng apple kaya sya ang nanalo nito. Pagkatapos bigay ng tita nya ang price ay bumalik na sya sa inuupoan namen. "Pano bayan?" Pag mamayabang ni aaron "Dapat nya hindi ako papayag e kaso pumunta kana doon kase alam kong matakaw ka" sabi ko dito "HAHAHAHW so girlfriend na kita?" Tanong nito "Oo na!" Sabi ko. Bigla nya kong niyakap pagkatapos non. "Thank you! thank you! I'll promise you, i'll never hurt you." Sabi nito at niyakap nya ko ulet. "Ay hindi ko pala ma p-promise sayo, kase masasaktan ka ibang paraan HAHAH" sabi nito "Gaga" sabi ko at hinampas yung balikat nya. Nagpatuloy lang ang mga laro at nanonood lang kami ni aaron ng magkahawak ang kamay, tuwang tuwa kami dahil sa mga palaro ng kanilang tita. Pagkatapos ng laro ay sabay sabay kaming kumain. Pagkatapos non ay nagusap usap nalang sila. "Ahh mom, labas lang po kami ni kate" paalam ni aaron. "Gf mo ba iyan aaron?" Tanong ng tita nya. "Ah opo" sagot ni aaron. "Napakagandang bata" sabi ng tita nya "Ah salamat po" nahihiya kong sabi ko "Oh sige po labas na po kami" sabi ni aaron. "Sabi ko sayo maganda ka" sabi ni aaron ng makalabas na kami. "Tsk syempre maganda ata lahi neto" pagmamayabang ko "Palahi, HAHAHHA" sabi ni aaron "Loko-loko, HAHA" sabi ko at sabay kaming tumawa. Sumakay kami ng elevator at pumunta na sa spot na pinuntahan namen kanin. Hinawakan nya ang kamay ko at sabay naming pinagmasdan ang langit. "Napakaganda ng buwan noh" sabi ko at sinandal ang ulo sa balikat nya. "Like you" sabi nito "Ah HAHAHA loko loko"sabi "Its not joke okay? You're so beautiful" seryosong sabi nito "Thank you" sabi ko "Kate? Gising na" pang gigising nito, dinilat ko naman ang mata ko at nasa ganon, hindi ko kase namalayan na nakatulog pala ako "Tara na pumasok na tayo, madyado nang malamig dito. Magpahinga naden tayo" pag aaya nito Pumasok na kami sa unit at wala na don ang mga tita nila may natitirang ibang pinsan nya pero nagbibiro ang mga ito at naglekwentohan. “Ate van" tawag ni aaron sa ate nya "Oh! Nandito na pala kayo, tara!" Pag aaya nito "Hindi na magpapahinga na kami, enjoy" sabi ni aaron at pumasok na kami sa kwarto. Naghalfbath lang ako at humiga na sa kama. Si aaron naman ay naligo. Habang hinihintay ko si aaron na matapos ay tinawagan ko muna si mama. "Hello ma" bungad ko "Oh anak, napatawag ka? May problema?" Tanong nito sa kabilang linya. "Ah wala po, miss ko lang po kayo hehe" sabi ko "Miss na din kita anak, ano? Kamusta ka jan?" Nag aalala nitong tanong "Ayos lang po ako dito, nageenjoy po" sabi ko "Mabuti naman, oh sige na matulog kana at matutulog na den ako, Goodnight anak, ingat kajan ahh" sabi ni mama "Opo, Goodnight din po iloveyou" sabi ko at binaba na Lumabas na si aaron sa cr ay pinunasan ang buhok, pagkatapos nitong punasan ang buhok ay pinatay na ang ilaw nito at tumabi na saakin. "Do you enjoy?" Tanong nito at niyakap ako "Oum" sabi ko "Sige na matulog kana" sabi nito "Goodnight, iloveyou" sabi nito sabay halik sa noo ko. “Kate gising na" gising saken ni aaron "Uhmmm" ungol ko. Nagunat ako at nakita ko si aaron nakatayo sa gilid ng kama at may hawak na tray. "Goodmorning" sabi nito habang nilalapag ang tray sa kama "Goodmorning" bati ko at umayos ng upo "Kumain ka muna" pag aaya nito "Sige" sabi ko Sinimulan ko nang kumain at tinitignan lang ako ni aaron "Ahh kumain kana ba? Hati na tayo dito baka hindi kapa kumakain" pag aaya ko dito "Ahh tapos na kong kumain, kaya kumain kana jan at magpakabusog okay?" Sabi nito at hinalikan ako sa noo "Sige sige" sabi ko at pinagpatuloy na ang pagkain. Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako. Habang naliligo ako syempre kumakanta HAHA. Biglang kumatok si aaron sa cr. "Oh baket?" Tanong ko dito "Ahh wala wala, kala ko nasa labas ka, naliligo kalang pala" sabi nito. "Ahh sige sige hintayin mo nalang ako jan, patapos na rin ako" sabi ko dito. Natapos nakong naligo ay bumungad saakin si aaron sa tapat ng pinto ng cr. "Oh shi-! Nandito ka pala" gulat kong sabi "Oo HAHA pasensya kana nagulat ka ata" sabi nito "Ang kyut mo magulat ahh" natatawa nitong sabi. "Buset ka talaga" sabi ko at hinampas sya sa braso Umupo ako sa kama para suklayin ang buhok ko, pero kinuha ni aaron yung suklay at sya na ang nagsuklay. Hanggang sa natapos nakong magayos lumabas na kami ng kwarto. "Goodmorning" bati ni ate sofia at vane "Goodmorning po" bati ko sakanila. "Nagenjoy kaba kagabi kate?" Tanong ni sofia "Ahh oum" sabi ko at umupo sa sofa "Ahh mamaya na tayo uuwi kaya ayusin nyo na mga gamit nyo." Sabi ni ate vane Bumalik na kami sa kwarto ni aaron at inayos na nga ang mga gamit namen. Lumipas ang isang oras at umalis na nga kami sa hotel na tinuluyan namen. Ganon paden ang pwesto namen sa van tulad nung pagpunta namen dito. Tulad nang pwesto namen ni aaron non ay ganon den ang pwesto namen, nakahiga ako sa hita nya at hinahagod hagod nya ang aking buhok. Lumipas ang ilang oras ay nakauwi na kami sa kanilang bahay at kumain. Pagkatapos non ay nagpaalam na uuwi na. "Ah tita, uuwi na po ako" paalam ko dito dahil nagpahinga na ang iba. "Magpahatid ka kay aaron. At magiingat den kayo" sabi nito "Salamat po, Goodnight po" sabi ko "Tara na?" Yaya ni aaron "Tara na, gusto ko nadin magpahinga" sabi ko dito Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse at umalis. Habang nag d-drive sya hawak nya ang isa kong kamay na pang hawak sa gear shift, kaya napangiti nalang ako hanggang sa makarating na kami ng bahay. "Sige dito nako" sabi ko dito "Sige pumasok kana sa bahay nyo ahh titignan kita" sabi nito sabay halik sa noo "Goodnight" dugtong nito "Goodnight" sabi ko at bumaba na sa kotse at pumasok na sa bahay. Kinilig ako don sa pangyayare na yon dahil hindi paden ako makapaniwala na si aaron ang naging first bf ko sa buong buhay ko. “Ohh anong kilig kilig yan?" Sulpot ni mama "Ahh maaaa, kwento ko sayo dalii" sabi ko kay mama. Nilagay ko muna yung maleta ko sa gilid at pinaupo si mama sa sofa. "Ganto kase yan ma, you know why I'm kilig kilig?" Kinililig kong sabi. " I dont know yet" pang Babara ni mama. Waw English ahh nawala lang ako ng 1 week, paresbak kita kay aling marites jan "So ganto nga yon ma" pagpapatuloy ko kahit binara ako. Kwinento ko kay mama lahat ng nangyare sa tagaytay. Dahil sa sobrang haba ng kwento ko sakanya ay kumuha pa ito ng popcorn sa ref at inabot kami ng 10:30 sa kwentohan namen ni mama. Sakto pagkauwi ni kuya ay natapos kami sa kwentuhan at may dalang pasalubong na donut. "Ohh donut, kain muna kayo mukhang, nagutom kayo sa kwentuhan nyo" sabi ni kuya at binigay saamin ni mama yung dunot. "Ahh tapos na, bagal mong umuwi" pang aasar ko "Ikekwento mo pa naman yan saken dba ma?" Sabi ni kuya kay mama habang umuupo sya sa isang single sofa "Hindi na masyadong mahaba HAHAHA" tawa ni mama. "Luh ang daya, buod mo nalang ma" sabi ni kuya "Ikaw kaya buod ko jan" sabi ni mama at nagtawanan naman kami Minsanan kang kami maging nila mama at kuya, kaya ito narin minsan ang nagiging bonding namin, minsan naman ay si kuya ang kekwento about sa nagugustuhan nya sa office nila, kaya kapag si kuya ang nagkekwento ay kinakantsawan namen sya. Hindi pa kase nakakapag gf si kuya since birth dahil subsob sa pag aaral, nung nag aaral pa sya ay madami ding nakakagusto sakanya dahil may hitsura naman si kuya, pero sa paningin ko panget panget nya HAHAH. Tapos na ang kulitan namen nila mama at kuya ay nagkanya kanya na kaming punta sa kwarto para magpahinga. Nakapasok nako sa kwarto at tinignan ko ang oras, 11:20 na pala, hindi nako nakapag half bath at bihis dahil bagsak ako sa kama dahil sa pagod. Nagising nalang ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ko, unti onti kong minulat ang mga mata ko tinignan ang orasan, 12 nn na. Bumababa ako at pumuntang kusina para uminom ng tubig, nadatnan ko naman si mam na nagluluto. "Goodmorning ma" bati ko dito "Goodmorning" bati ni mama at pinagpatuloy ang niluluto "Ahh ma si kuya?" Tanong ko dito "Ah umalis, may bibilhin lang daw sa bookstore" sabi ni mama "Luh di man lang nagsabi, may bibilhin sana ako" "Oh sige na kumain na muna tayo at mamaya ka nalang bumili sama mo si faye" sabi ni mama, tinulungan ko si mama na maghain ng mga plato. Natapos na kaming kumain ni mama. Naligo pagkatapos kong maligo ay pumunta ako sa bahay nila faye, malapit lang din kase ang bahay nila faye dito, konting lakad lang. Nakarating na nga ako sa bahay nila faye. "Faye samahan moko ngayon sa bookstore may bibilin akong libro." Sabi ko dito, syempre ng tao po muna ako bago sya lumabs HAHA. "Ahh sige sige may bibilhin din akp, buti nagyaya ka, pasok ka muna" aya ni faye "Jan ka muna, magbibihis lang ako" sabi nito. "Hindi ka maliligo?" Tanong ko dito, wala naman kase syang ibang kasama kundi yung kapatid nya lang na nalaging nasa kwarto tuwing weekend. "Gaga nakaligo nako, kanina pa" sabi nito sabay akyat sa taas. Natapos na ngang magbihis ni faye at umalis na kami. Nagcommute nalang kami dahil wala naman kaming sasakyan, tyaka hindi naman kami mayaman, may kaya lang HAHA "Ano kate kamusta, anong nangyare? Kwento ka dali" sunod sunod nitong tanong nang makasakay na kami ng jeep papuntang mall. "Ahh yon ba HAHAHA, wag kona kwento"sabi ko at nag abot ng bayad naming dalawa. "Dali na, dali, dali" sabi nito at humarap saken. Kwinento ko kay faye ang lahat ng naganap sa tagaytay walang labis, walang kulang, pati yung pagtulog namen ay pati yon ay naikwento ko, syempre hindi ko nakwento kay mama yon, malalagot ako nyan HHAH. hanggang sa nakarating na nga kami ng mall at dumiretso na sa bookstore. Ilang minuto nakong paikot ikot dahil hinahanap ko yung libro kung nakalagay. Nahanap kona ito at nung kukunin kona ay may humawak den sa libro, kaya tinignan ko ito kung sino. "Oh! Nandito ka den pala" sabi ko dito "Ahh oo, bibilhin ko sana tong libro para sayo kase alam kong mahilig ka sa libro" sabi ni aaron at binitawan na ito. "Tara na, ako nalng magbabayad nyan." Sabi ni aaron "Ah kate pwede bang magbayad na tayo at kumain na ang sakit na ng paa ko kanina pa, nagugutom na den ako, tyaka mamaya na kayo maglandian okie?" Lamyang sabi ni faye.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD