Nakapunta na kami sa sinasabi nyang puzzle mansion at sobrang ganda dahil punong puno ng puzzle.
"Ang ganda naman dito." Sabi ko dahil sobrang gaganda talaga ng mga puzzle
"This museum houses one of the largest collections of finished puzzles in the world." Sabi ni aaron.
"Owww" tanging sabi ko
Kumain muna kami at pinagpatuloy ang paglilibot namin ni aaron ang buong museum. maghahapon na ng biglang tumawag ang mommy ni aaron, hanggang sa natapos na ang usapan nila.
"Anong sabi?" Tanong ko dito
"Ahh sinabi ko ginala lang muna kita, punta namang tayong sky ranch" sabi nito, kaya sumang ayon nalang ako.
Ilang minuto ang biniyahe namin at nakapunta na kami doon at sumakay.
"Ang ganda naman dito" sabi ko
"Taal yon dba? Kita dito ahh sobrang ganda" mangha kong sabi.
"I have something to tell." Sabi ni aaron
"Umm ano yon?" Tanong ko habang nakatingin parin sa bintana.
"Mamaya nayan, tumingin ka muna sakin" seryosong sabi nito
"Seryoso ahh, ano bayan?" Sbi ko
"Oo, kaya makinig ka" sabi nito, at nanahimik nalang ako
"alam mo ba kung bakit ikaw ang pinili ko? Bukod don sa ginawa mo at natuwa ako." Sabi nito
"Kaya ikaw ang pinili ko dahil matagal na kitang gusto since 2nd year college palang, kaya nung sinabi saakin yon ni lolo na gusto ni lola na may gf akong ipapakilala sakanya ay hinanap kita, kaya laking tuwa ko nung pumayag ka. I don't know how, basta nagustohan nalang kita non. siguro dahil don sa maamo at napakaganda mong mukha." Mahabang sabi nito.
Hindi ako makapagsalita sa sinabi nya. So matagal na nya pala akong gusto eh bat ganon trato nya saken sa office non?
"Dahil ganon ang trato ko sayo noon sa office dahil ayaw kong mahalata mo iyon, tyaka hindi naman ako pala kaibigan hindi ba." Sabi nito.
‘Aba nahulaan nya nasa isip ko ahh’ isip isip ko.
"A-ahhh g-ganon b-ba" utal utal kong sabi.
"Can I court you?" Tanong nito
"A-ahh e-ehh kasee? Sige, payag ako" sabi ko
"Yess!! Thank you thank youu" sabi nito at niyakap ako ng mahigpit. napangiti nalang ako ng malawak dahil yung gusto ko mula 1st year college ay may gusto din pala saakin at ngayon ay liligawan nya na ako. Pagkatapos non ay kumain muna kami bago bumalik sa hotel
Bumalik kaming masaya at magkahawak ang kamay pabalik sa hotel, gabi ng makauwi kami.
"Oh bat ngayon lang kayo, kanina pa kayo hinihintay ni lola" bungad saamin ni ate sofia.
"Ahh nagpaalam nadin naman ako may mommy ate" masayang sabi ni aaron.
"Ahh ganon ba, pumunta ka nalang don sa kwarto nila para magsabi na nakauwi kana." Sabi ni sofia
"Sige" sabi ni aaron
"Pumunta kana doon sa kwarto at magpahinga okay?" Nakangiting sabi ni aaron.
"Sige" sabi ko sabay ngiti at sinunod ang kanyang sinabi.
Naligo ako at nagayos ng sarili at humiga na sa kama.
"Si faye nga pala pocha" madali kong kinuha yung cp sa table at chinat ito.
*faye, sorry ngayon lang." Chat ko
*ahh nga pala kate sabi except kana daw lahat doon may bibigay nalang daw silang exam sayo para sa 1week mong excuse.* reply ni faye.
*ah ganon ba sige sige salamat* reply ko
*hoy gaga, ano na nangyare ahh, alam ko na lahat kwinento saakin ng mama mo kase kinulit HAHAHA* chat nito
*paguwi ko nalang kikwento sayo pero may sasabihin ako ngayon* kilig kong chat
*ano yon, ano yon?* reply nito
*tinanong nya ko kung pwede ba daw nya kong ligawan.* chat ko
*ano sabi mo?* reply nya
*syempre pumayag ako gaga kaba sayang opportunity HAHAAH* reply ko
*gaga, sige na matutulog nako may pasok pa bukas* reply nito
*Goodnight fayeklat HAHAHAH* chat ko
*anong fayeklat ka dyan yari ka sakin kapag umuwi ka dito HAHAH* chat nito
*jk lang ih HAHAHA sige na matutulog na din ako, sleepwell* reply ko at pinatay na ang cp. Bigla namang pumasok si aaron
"Oh gising ka papala" sabi nito
"Ahh oo kinausap ko pa kase si faye" sabi ko
"I see, sige maliligo muna ako" paalam nito
Isip ako ng isip sa mga magagandang tanawin na pinuntahan namin ni aaron kanina, tyaka hindi ko din makalimutan yung pag amin nya sa akin at yayain nya akong ligawan ako.
Hanggang sa natapos si aaron maligo at hindi padin ako makatulog, kaya ang ginawa ko, nagtulong tulogan nalang.
Hindi ko alam ang ginagawa ni aaron ng biglay may maramdaman akong parang may tao sa gilid ko.
"Napakaamo talaga ng mukha mo" sabi nito, kaya naman napakunot ang noo ko.
"Gising kapa?" Tanong nito at dinilat ko ang aking mata. Bigla syang napatayo sa pagkakaupo nya sa sahig.
"A-ahh oo e, hindi kasi ako makatulog" sabi ko dito.
"Ah ganon ba, patayin ko muna yung ilaw then matulog na tayo" sabi nito. Hindi din kasi ako makatulog ng bukas ang ilaw minasanan lang kapag sobrang pagod.
"Sige" pagsangayon ko.
Humiga na si aaron sa kama at nararamdaman kong papalapit ito sa pwesto ko. Bigla nya kong niyakap at hindi ako makagalaw sa ginawa nya.
"A-ahh a-aaron" sambit ko.
"Shhh, tulog na" sabi nito.
"P-pero h-hindi ako makakatul-" putol kong sabi
"Shhhhh" tanging sabi nito at hinigpitan ang yakap
‘Boi manliligaw ka pakang di pa kita bf pesteng yawa.’ Isip isip ko.
Hinayaan ko nalang sya sa pagkakayakap hanggang sa makatulog nadin ako.
Nagising akong ganon padin ang pwesto namin, kaya naman dahan dahan ko itong tinanggal ang kamay nya at lumabas ng kwarto para uminon.
"Goodmorning" bati ni ate vane
"Goodmorning din po, ang aga nyo naman po ata magising" sabi ko dito habang kumukuha ng tubig at umupo.
"Maaga talaga ako nagigising, siguro nasanay nadin kaya ganto" paliwanag nya
"Ahh" tanging sabi ko at uminom ng tubig.
"May pagkain na pala diyan inorder ko ulet yung pancake nkita kase kita mukhang nagustohan mo kaya ayon ulit Inorder ko" sabi nito.
"Salamat ate vane" sabi ko
Kinain ko ang dalawang piraso ng pancake at yung ibang natira ay para kay aaron nalang kaya gumawa ako ng sandwich ko para maiba naman. Habang gumagawa ako ng sandwich biglang pumasok sa kusina si aaron.
"May pancake oh, kumain ka muna" pag aaya ko
"Later" sabi nito at pumunta sa likod ko at niyakap ang bewang ko at pinatong nya ang baba nya sa balikat ko. May nararamdaman akong bukol ahhh dejk HAHA
"A-ahh aaron, kumain ka muna" hiya kong sabi
"Subuan moko" sabi nito
"A-ahh k-kaya mo n-naman yan hindi b-ba?" Utal utal kong sabi
"Hmmm" tanging sabi nito at kumakas na sa pagkakayakap at kumain na sabay kaming kumain at uminom ng kape.
Pagkatapos non ay naligo na ako at nanood ng tv at ganon din si aaron. Pagakatapos ni aaron ay tumabi ito saakin at pinatong ang ulo nya sa balikat ko, kaya hinayaan ko nalang ito.
"Ummm bat wala ka palang kaibigan sa school natin e ang dami daming nakikipag kaibigan sayo don" tanong ko
"Ah yon ba" sabi nito habang nakasandal parin ang ulo nya sa balikat ko
"Kaya hindi ako nakikipagkaibigan kase, I promise to her hindi ako makikipag kaibigan at sila lang ng kapatid nya ang kaibigan ko." Sabi nito
"Sino naman yon?" Tanong ko
"Childhood friend" sabi nito
"Sino gusto sumama, swimming" tanong ni ate sofia
"Swimming tayo?" Tanong ni aaron
"Ah hindi na kakaligo ko lang din kase" sabi ko dito
" i see, i see" sabi nito at nanood na kami sa TV
Lumipas ang ilang oras at wala parin sila ate vane at sofia tyaka mga bf nila.
"Nagugutom kana ba?" Tanong ni aaron
"Uhmm, gagawa nalang muna ako ng sandwich diyan, gusto mo ba?" Pag aaya ko dito
Pumunta na kami sa kusina. umupo naman sya bar table at ako naman ay kumuha ng gagawing sandwich. Habang gumagawa ako ng sandwich sa harap nya ay nakapalung baba sya at nakatitig saakin. ‘Ano kayang balak ng kurimaw na to’ isip isip ko
"Alisin mo nga yang tingin na yan naiilang ako" sabi ko dito
"Ummm, bukas nga pala magaganap yung reunion" sabi nito kaya tumango ako.
Kumain kami ng sabay ni aaron at nagkwentuhan pa. Hanggang sa makauwi na sila ate vane at sofia.
"Kumain na kayo?" Bungad na tanong ni ate vane
"Kumain na po kami" sabi ko
" I see" sabi nito at pumunta na sa kanyang kanyang kwarto.
Pagkatapos nilang pumasok sa kani-kanilang kwarto ay nanood nalang ulit kami ni aaron, hanggang sa maghating gabi.
"Goodevening" bati ng bf ni ate vane na si Carl
"Goodevening" sabay naming bati ni aaron. Sabay non ng paglabas ni ate vane sa kwarto
"Kumain na kayo?" Tanong nito
"Hindi pa" sagot ni aaron.
At tumawag na nga si ate vane para makakain na kami. Ilang minuto ang lumipas dumating na ang aming pagkain at sabay Sabay kaming lahat kumin.
Pagkatapos naming kumain ay nilibot ako ni aaron sa baba at tinitignan yung mga naliligo sa pool.
"Umm may tanong ako" sabi nito habang naglalakad kami
"Hmm? Ano yon? " tanong ko
"Nagkaboyfriend kana?" Tanong nito
"Hindi pa since birth" sagot ko dito
"So ako ang unang nanligaw sayo?" Sabi nito
"Umm ganon na nga" sabi nito.
Pagkatapos non ay bumalik na kami sa kwarto at nagpahinga na.
Kinaumagahan ay nagayos na kami para sa family reunion nila. Pagkatapos non ay naligo na kaming lahat.
At ang mga parents nila aaron ay nagorder ng panghanda. Ilang oras ang lumipas nagsisidatingan ang mga kamag-anak nila at katabi ko ngayon si aaron, habang sinasalubong Ang mga kamag anak nila, papasok dito sa unit namin. Dito nila napili dahil malaki laki daw dito. Dumating na nga ang mga pagkain at dumating nadin ang mga ibang kamaganak nila hanggang sa nakompleto na ang kanilang pamilya.
"Ahh kate, dinala mo ba yung dress na binili ko kasabay nung dress na sinuot mo nung dinner?" Tanong nito sakin.
"Umm oo, baket?" Tanong ko din
"Magpalit ka at ayon suotin mo." Sabi nito at hinatid ako sa kwarto namin.
"Hihintayin kita dito" habol nitong sabi.
Sinuot ko ang sinasabing dress na sinasabi ni aaron. Pinagmasdan ko ang kabuoan ko sa salamin at sobrang ganda ng dress na ito, bumagay saakin ang color na red dahil maputi din naman ako. Tyaka ngayon ko lang kasi ito nakita at napagmasdan. Nag messy bond nalang ako at lumabas na.
"Nandito na." Sabi ko kay aaron.
"Napakaganda mo talaga" sabi nito pagkatapos nyang tignan ang kabuoan ko.
"Ah eh hehehe, salamat" nahihiya kong sabi
"Ikaw din, ang gwapo mo" nakayuko kong sabi, dahil sobrang gwapo nya sa suot nyang suit na color black at pants na black. Bagay na bagay sakanya dahil maputi din ito
"Tara na?" Pag aaya nito.
"Tara" sabi ko
Magkatabi kami ni aaron sa upoan at pinagmamasdan ang mga pinsan at ang kanilang mga bf/gf na sumasayaw. ang iba naman nyang tita at tito ay nasa kabilang room kasama ang lola at lolo at parents nya, naguusap. Tumayo si aaron at inilahad nya ang kanan nyang kamay at tinanggap ko naman to. Hinawakan nya ang Bewang ko gamit ang kaliwang kamay, pinatong ko naman ang kanan kong kamay sa balikat nya at nagsimula na kaming sumayaw.
"Umm okay kalang?" Tanong nito habang sumasayaw kami
"Oum, naiilang lang medyo" sabi ko dito
"Okay lang yan, dito lang ako sa tabi mo, okay?" Sabi nito
Ilang minuto kaming sumayaw at niyaya ko si aaron na pumuntang kusina para uminom ng tubig.
"Ow aaron, kamusta?" Tanong ng pinsan nyang lalaki.
"Okay, naman ako" sabi nito
"Ow hi miss, I'm Jason, cousin of him" sabi nito sabay lahad ng kamay.
"I'm kate, Kate Fuentes, friend ni aaron" pagpapakilala ko at nakipag shake hand.
"What?!, I'm not your friend Kate, I'm your suitor!" seryosong sabi ni aaron
"Sige mauna nako don" paalam ni Jason.
Hindi na ako umimik ng dahil don at umupo nalang ako sa sofa. (Softhearted kate nyo.)
Sumunod saakin si aaron at tumabi.
"Pasensya kana ahh, ayaw ko lang kasing makilala mo sya I mean maging close" sinserong sabi nito sabay hawak sa kamay ko.
"Umm okay lang" sabi ko
"Iba kasi ugali non, hindi sya maseryoso sa mga nagiging gf nya kaya nilalayo nadin kita, baka makuha ka pa sakin non" sabi nito.
"Tara, kain muna tayo" pag aaya ni aaron
Kumain kaming dalawa ni aaron sa kusina dahil busy ang ibang pinsan nya at ang iba naman ay kumakain din. Ilang oras ang lumipas ay nagpahinga na ang lahat sa kani-kanilang kwarto at ang mga pinsan naman nila ay kumuha ng unit nila.
"Maligo kana at mag pahinga. Pagkatapos mo ako naman maliligo" Sabi ni aaron
"Oum" sabi ko at naligo na. Natapos nakong naligo at si aaron naman ang naligo, sinuklayan ko ang buhok ko pagkatapos ay humiga na sa kama.
"Ayos kalang?" Tanong ni aaron paglabas nya ng cr at pinupunasan nya ang kanyang buhok.
"Ahh oo, medyo napagod lang" sabi ko.
"Ahh sige sige magpahinga na tayo" pag aaya nito sabay pinatay ang ilaw.