Hindi ko namalayan ang oras dahil sobrang ganda ng langit tinignan ang relo ko 9pm na at nakatulog pala si aaron sa balikat ko.
"Aaron?." Pang gigising ko. Ilang ulit ko na syang ginising pero hindi parin sya nagigising.
"Aaro! Gising! Gusto kona umuwi!" Sigaw ko kaya dali dali nyang tinanggal ang ulo nya sa balikat ko.
"Sorry, sorry" paghihingi nya pasensya. HAHA kyut nya don ah.
"HAHAHAHA okay lang, ginawa ko lang talaga yon para magising ka, anong oras na din kasi, hating gabi na. Kyut mo pala matulog HAHA" sabi ko habang bumababa, at sumakay na sa kotse.
"Pasensya kana ahh nakatulog ako." Sabi nya
"Di, okay nga lang nagawa ko lang dahil sa kaabnormalan ko HAHAHA." Tawa kong sabi.
"Umm, tara na uwi na kita." Sabi nito
Hindi nako sumagot sa sinabi nya at tumingin nalang sa bintana at si aaron nagsimula nang magmaneho. Tinignan ko ang orasan at 30 mins na ang nakakalipas dahil sa sobrang traffic, kaya tumawag ako kay mama na baka malate ako ng uwi.
"Ma, baka malate po ako ng uwi, traffic po kase."paliwanag ko sa cp.
"Ahh sige sige, magiingat kayo" sabi ni mama sa bailang linya. Tyaka binaba na ang tawag.
"Anong sabi?"biglang tanong ni aaron.
"Ahh okay lang daw, magiingat daw tayo" sabi ko kay aaron.
"Pwede ba matulog?" Tanong ko dito
"Sure" sabi nito.
Hanggang sa nakatulog nako at wala parin kami sa bahay.
"Ohh, matulog kapa, wala pa tayo sa bahay nyo" sabi nito nang nakita nya kong nagising
"Ahh okay lang inantok lang talaga ako kanina" sabi ko dito
"Malayo pa ba tayo" tanong ko
"Medyo pa" sabi nito.
"Hmm" tanging nasabi ko.
Tumahimik na ulit kami ng ilang minuto at tinanong ko sya.
"A-ahh aaron, bakit pala ako ang napili mo? E madami namang magagandang mga babae sa campus natin." Tanong ko dito.
"Ah yon ba, ganto kasi yan." Sabi nito.
"Nagiikot ako non para makapili ng babae, then nung tumapat nako sa room nyo at kumakanta ka ng that should be me sa araw ng mga puso, natawa ako sayo non at ginawa ko nga iyon, para mapasama ka sakin" mahabang paliwanag nito
"A-ahh ganon ba" sabi ko.
"Natawa ako sayo non, tyaka ang kyut mo don tignan HAHA" sabi nito habang tumatawa.
"Ahh yon ba HAHAHA kaabnormalan ko lang yon HAHAHA" sabay naming tawa
"Ang ganda mo din don" sabay bulong nito
"May sinasabi kaba?" Tanong ko dito habang tumitigil na sa tawa.
"Ahh wala wala" sabi nito at itinuon na ang mga mata sa kalsada dahil lumuwag na ang traffic.
Nakarating na kami sa bahay at pinagbuksan niya ko ng pinto.
"A-ah salamat" sabi ko.
"Okay lang HAHA. sige pumasok kana sa loob" pag aaya nito
"Tyaka nako papasok kapag nasa malayo kana, sige na mag iingat ka"sabi ko dito.
"Sige sige, Goodnight" sabi nito habang papasok na sa kotse
Kumaway ako bago sya umalis. Nang tuluyan na syang makalayo ay pumasok na ako sa bahay.
“Maa nandito na po akoo" bungad ko kay mama habang sya ay nanonood ng tv
"Oh kamusta?" Tanong ni mama
"Okay lang nman po ma, pagod sa biyahe" sabi ko dito sabay tumabi kay mama.
"Ma. Pinapasama po ako sa tagaytay." Sabi ko dito
"Eh yung school mo?" Tanong ni mama
"Ieexcuse nalang daw po ako" sabi ko dito.
"Ohh sige, ilang araw kayo don?" Tanong ni mama
"1week po ma" sabi ko
"Ahh sige, magpahinga kana, gigisingin kita ng maaga para makapagimpake, tapos wag kana babalik ahhh" sabi ni mama
"Mama naman e, pero seryoso?" Tanong ko dito
"Oo." Walang ganang sagot ni mama.
"Mama parang ano." Tampo kong sabi
"Biro lang, sige na magpahinga kana at maaga kapa gigisng mamaya" sabi ni mama
Bago ako umakyat sa taas ay hinalikan ko muna si mama sa noo bago pumunta sa taas. Hindi ko na nakita si kuya kahit day off sya ngayon. ‘siguro nandon nanaman yon sa kwarto nya busy sa mga papers na tinatrabaho nya.’ Isip isip ko. Pumunta muna ako ng cr para mag half bath, pagkatapos non ay nagcp muna ako
*goodevening*chat nito
*Goodevening too* reply ko
*bat napachat ka?* dagdag ko
*sasabihin ko lang sayo na maaga tayo aalis, susundoin kita ng 7, 8 daw kasi ang alis* chat nito
*sige sige, salamat Goodnight*reply ko
*Goodnight* reply nya.
Pagkatapos non ay pinatay ko ang cp ko at nagpahinga na.
“Anak, gising na at magaayos kapa ng gamit mo para sa bakasyon nyo" pang gigising saakin ni mama.
"Opo" unat unat kong sabi.
Kinuha ko ang maleta kong maliit at kumuha nadin ako ng mga damit at tinupi naming dalawa ni mama. Pagkatapos non ay nagyaya na si mama na kumain.
"Kumain na muna tayo, tapos naman na tayo diyan" pag aaya ni mama
"Opo" sabi ko at sabay kami ni mama na bumaba
"Ahh anak magiingat kadon ahh" pag papaalala sakin ni mama, habang naghahain.
"Opo ma" sabi ko
"Anong oras pala kayo aalis?" Tanong ni mama
"7 po susunduin po ako ni aaron, 8 daw po ang alis" paliwanag ko kay mama
"Ganon ba, oh sige sige kumain na muna tayo at para makapagpahinga kapa." Sabi ni mama
Sinimulan nanaming kumain ni mama at pagkatapos ay hinugasan ko ang pinagkainan namin.
"Ah ma akyat po muna ako, tyaka magpahinga din po muna kayo diyan" sabi ko may habang nanonood si mama
"Oh kate, alis na si kuya ahh" bungad nito sakin habang pababa sya ng hagdan.
"K-kuyaaaa, yung utang mo?" Habol ko dito
"Magkano bayon?" Tanong nito
"1k hehe" sabi ko kahit 500 lang naman HAHA
Binigyan ako ni kuya ng 2k dahil wala daw ako dito ng 1week, tyaka umalis. Siguro kwinento nanaman ni mama HAHA
Umakyat na ulet ako sa taas at humiga sa kama. Tinignan ko ang orasan at 6 palang kaya nag cp muna ako.
*kate, sabi ng mama mo hindi kadaw papasok ng 1 week* chat ni faye. Oo nga pala hindi ko pala sya nasabihan kagabi.
*ahh oo excuse ako for 1week, magvc nalang tayo tuwing gabi para update moko sa mga lesson ahhh* reply ko dito
*oo sige sige. Nandito na rin si maam* reply nito.
Hinantay ko muna mag 6:20 bago naligo. Natapos nakong naligo at nagayos nako ng sarili ko. Tinignan ko ang orasan 6:50 na, kaya binababa ko muna ang maleta, at nanood muna ng tv katabi si mama habang hinihintay si aaron.
Hanggang sa dumating na nga si aaron.
"Ma alis na po kami." Paalam ko dito, sabay halik sa pisngi.
"Magiingat kayo ahhh, ingatan mo ang anak ko." sabi ni mama
"I will tita" sabi ni aaron, at pinasok na ang maleta at pinapasok nya na rin ako, kumaway muna ako kay mama bago Umandar ang kotse.
"Ang sabi ni lola, isasabay nadaw ang family reunion. Sa totoo lang hindi ako ang nagiisang lalaking apo ni lola, diko din alam bat sinabi sayong ako lang ang nagiisang lalaki sa mga apo nya, tyaka minsan lang din kasi sya umuwi sa pilipinas dahil binabantay nya ang bahay ng kanyang magulang" habang sabi nito.
"Okay lang, hindi naman na yon importante, basta magampanan ko ang kasunduan natin, tyaka hindi na 5days ahh HAHAHA" sabi ko sabay tawa.
"Oo nga e, pasensya kana ahh" sabi nito.
"Okay lang sige tumutok ka nalang sa pagmamaneho mo" sabi ko dito. Hanggang sa nakarating na kami sa bahay nila at sinalubong ako ng lola nya at nakipagbesohan at sa mommy narin ni aaron.
“Pumasok na tayo at kumain na muna bago umalis" pag aayaya ng mommy ni aaron.
Natapos na kaming kumain at naghahanda na para makaalis.
Dito kami sa isang van at ang lola naman nya ay nasa isang van din. Nasaunahan ang parents ni aaron then yung dalawang magkasunod ay mga kapatid ni aaron at katabi nila ang jowa nila, at nandito kami sa pinakadulo.
"Okay kalang?" Tanong ni aaron
"Umm oo, okay lang ako wag mokong alalahanin" sabi ko
"Umm sige" sabi nya at umamdar na ang van na sinasakyan namin
"Hi kate" bati saakin ng kapatid ni aaron
"Hello" bati ko dito at ngumiti
"I'm sofia loraine, sofi for short" sabi nito
"Bat hindi kayo sweet like other couples?" Tanong ni sofia
"A-ahhh" tanging sambit ko
"Pwede namang hindi maging sweet dba?" Sabat ni aaron
"Owkayy" pagsuko ni sofia
Nakakailang oras na kami sa biyahe dahil traffic.
"Matulog ka muna" pag aaya nito, sabay hinawakan ang ulo ko at sinandal nya sa kanyang Balikat.
"A-ahhh eh, hindi naman ako inaantok" sabi ko sabay alis ng ulo sa pagkakasandal.
"Ganon ba." Sabi nito, at sinandal nya naman ang ulo nya sa balikat ko.
"Makikitulog muna ah" paalam nito, kaya di nanaman ako gumalaw. Habang natutulog sya ay pinagmamasadan ko ang kabuoan nya, makapal na kilay, mahabang pilikmata, matangos na ilong, manipis at pinkish nitong labi. Ang ganda nyang pagmasdan napaka perpekto ng kanyang mukha.
"Pinagmamasdan mo ba ko?" Tanong nito
"A-ahh h-hindi ahhh, angas mo naman pala kung ganon" utal kong tanggi.
"Hmmm" tanging sabi nito. hinawakan nya ang kamay ko at sinandal nya ulit ang kanyang ulo sa balikat ko. Lumipas ang ilang oras at traffic parin kaya napagdisisyonan kong matulog din muna.
“Kate gising na nandito na tayo" pag gising sakin ni aaron
"Ummm" dinilat ko ang mata ko at nagulat ako dahil nakaunan ako sa hita nya, kaya bigla akong umupo ng maayos.
"S-sorry" sabi ko
"Okay lang himbing na kase ng tulog mo kaya hiniga muna kita, para maayos ang pagkakatulog mo " sabi nito
"Tara na?" Pagaaya nito.
Bumababa na kami sa van at kanyang kanyang kuha ng maleta at dumiretso sa 3 stars hotel na kanilang pagmamayari. Sama sama kaming sa isang unit na may tatlong rooms at parents at lola at lolo nila ay nasa tapat ng unit. Inayos ko muna ang nga gamit ko sa kwarto at uminom ng tubig.
"Seryoso? Magkatabi tayo sa iisang kama?" Tanong ko kay aaron habang nagaayos din sya.
"Oo eh, pasensya kana" sabi nito
"O-okay lang lagyan nalang natin ng pagitan sa gitna okay?" Sabi ko
"Sige" pagsang-ayon nya.
"Ahh kumain na muna daw tayo, may pagkain na daw doon" pag aaya ni aaron
"Ahh sige" sabi ko at sabay kaming lumabas sa kwarto.
“Oh kumain na muna tayo" pag aaya ng pangalawang kapatid ni aaron na si Vanessa.
Kinuhanan ako ni aaron ng pagkain at binigay to saakin at kumuha narin sya ng kanya at sabay sabay kaming kumain. Nagpaalam ako kay aaron na maliligo muna. Natapos nakong naligo, nagsuklay at himiga na sa kama, ganon din si aaron, dahil ginabi kami. Nilagay namin ang isang unan sa Gitna ng kama at natulog na kami.
Nagising nalang ako sa sikat ng araw, at naramdaman kong may nakayakap saakin at napagtanto kong si aaron ang naka yakap, tinignan ko ito at onting onti kong tinanggal ang kamay nya sa pagkakayakap saakin. 'Juiceko sabi ko may pagitan, pero wala ding nangyare sa pagitan na unan nayon peste' isip isip ko. Tyaka lumabas nako ng kwarto at pumuntang kusina para uminom ng tubig at nakita ko doon si Vanessa na umiinom din ng tubig.
"Oh gising kana pala, goodmorning" bati nito.
"Goodmorning din" sabi ko habang kumukuha ng tubig sa ref
"Nagugutom kana ba? Pakuha na tayo ng pagkain. ano bang gusto mo?" Tanong nito saakin
"Ahh kape lang at pancake" sabi ko
"Ahh sige sige" sabi nito at may tinawagan na sa telephone.
Hindi padin sila nagigising at kumain na kaming dalawa ni ate Vanessa.
"Salamat dito ate Vanessa" pagpapasalamat ko
"Ahh wala yon, tyaka vane nalang itawag mo saakin" sabi nito at pinagpatuloy ang pagkain
"Sandali lang gisingin ko muna si carl, para makakain nadin sya" paalam nito kaya nagpatuloy lang ako sa pagkain. Masyadong marami ang pancake, baka hindi ko ito maubos.
Nakita ko si aaron na kakalabas lang ng kwarto at tumabi agad saakin.
"Goodmorning" bati nito.
"Goodmorning, kain ka muna, oh ito pancake hati nalang tayo masyadong marami na ang nakain ko" sabi ko
"Okay" sabi nito at kumuha ng pancake at kinain, kinuhanan ko sya ng tubig dahil ang takaw kumain.
"Oh ito tubig mo." Bigay ko sakanya
"Tyaka magdahan dahan ka nga" suway ko dito
"Thank you." Sabi nito
"Samahan moko mamaya may pupuntahan tayo" sabi nito
Naligo nadin ako pagkatapos kumain at niyaya na ako ni aaron na lumabas.
"San pala punta natin?" Tanong ko dito
"Ahh don sa puzzle mansion na tinatawag nila, lilibot kita doon." Sabi nito
"Sige sige" pag sang ayon ko.