“Kateee anak, gising na, may nagaantay sayo sa baba" pangigising saakin ni mama "Sino po?" Antok antok ko pang tanong. "Aaron daw" sagot ni mama "Ah a-aaron!?" Agad akong bumangon at nagmadaling pumunta sa cp para maligo at nag ayos naden ako ng sarili ko at bumaba na, pagkababa ko palang ng hagdan ay nakita kona agad si aaron. "Goodmorning" bati ko dito "Goodmorning, tara na?" Pag aaya nito "Ma alis na po kami, babye" paalam ko may mama "Sige ingat kayo" sigaw ni mama Pinasakay ako ni aaron sa kotse nya at pinaandar ito. "Kumain kana ba?" Tanong nito habang nakatutok padin sa pagmamaneho. "Ahh eh-" hindi na natapos ang sasabihin ko bigla syang nagsalita "Kumain ka muna don alam kong kakagising mo lang" sabi nito papunta sa Starbucks "Ahh okay lang ako, hindi naman ako gutom." Pag aayaw ko kahit nagugutom nako Pinilit nya kong kumain dahil baka daw Gutumin ako sa bahay nila, kaya kumain narin ako.
Nakarating na kami sa bahay nila, namangha ako sa ganda ng bahay nila hindi dahil sa sobrang laki kundi sa disenyo ng kanilang bahay, sobrang ganda kasi ng design ng kanilang bahay. "Nandito na tayo, kapag tinanong ka pala kung ilang taon na tayo sabihin mo 1y okay?" Paliwanag nito "Okay" tanging sagot ko lamang Bumababa na kami sa kotse at papasok na sa loob ng bahay nila. Bigla nyang hinawakan ang kamay ko at sinabing.. "Wag kang kabahan, sagutin mo lang ang mga tanong nila" "Okay" sagot ko dahil sobrang kinakabahan ako
Pumasok na kami sa loob at nandon sila sa sala naghihintay, sobra akong kinabahan dahil first time ko ito. "Ahhh mom, dad, lola she's my girlfriend Kate" pormal na sabi ni aaron habang hawak ang kamay ko. "Goodmorning po" bati ko sa kanila "You're so beautiful iha" sabi ng lola ni aaron "Ahh thank you po" pasasalamat ko "Kumain kana ba iha?"tanong nito saaken "Ahh opo, salamat po" sabi ko Naglakad lakad kami sa garden at doon ako tinanong about samin ni aaron "Ahh iha pano kayo nag kakilala ng aking apo?" Tanong nito
“Sa school lang rin po" sabi ko "Ahh ganon ba, ilang taon na kayo ng aking apo?" Tanong nito habang umuupo "Ahh 1y palang po" sabi ko "Ahh maam kain po muna kayo" sabi ng maid nilapag ang pagkain sa lamesa "Umupo ka iha." Pag aaya nito, kaya umupo nadin ako. "Alam na ba iyan ng magulang mo iha?" Dagdag nito "Ahh opo." Sabi ko. Hanggang sa natapos na nga kwentuhan at tanongan namin ng lola nya, at napagdisisyonan kong umuwi na "Ahh aaron uwi nako" bulong ko dito "Ahh sige wait, papaalm lang kita" sabi nito "Ahh mom, lola, uuwi na po si Kate "Bakit hindi nalang muna dito si kate mag lunch bago umuwi?" tanong ng mom ni aaron "Ahh hindi na po busog narin po ako, salamat nalang po" pagtatanggi ko.
25. Pinilit pako bago pumayag ang mga magulang ni aaron at ang lola nya na umuwi ako. Hinatid ako ni aaron, habang nasa biyahe kami wala kaming imikan at biglang... "Ahh salamat nga pala kanina." Sabi nito habang nagmamaneho "Ahh wala yon, tyaka may kapalit naman yon e kaya hindi mo na kailangan magpasalamat, dapat ako nga ang magpasalamat dahil binigyan nyoko ng apportunity." Sabi ko dito "Ayon kasi ang gusto ni lola dahil ako lang daw ang apo nyang lalaki" sabi nito. Natapos non ay wala na ulit imikan sa loob ng kotse. hanggang sa makarating na kami sa bahay. "Ahh dito nalang, salamat" sabi ko at bumaba. "Sige salamat din” sabi nito. Hinintay ko munang makalayo, at pumasok na sa bahay "Ano nang nangyare"biglang sulpot ni mama "Ano bayan ma, ginulat moko e. " sabi ko sabay hawak sa dibdib kahit walang dibdib HAHA.
“Pumasok na muna kaya tayo, tyaka ano ulam ma?" Tanong ko kay mama "May hotdog jan, tinamad akong magluto, pero kwento mo muna anak" sabik nitong sabi "Ahh ma ganto kasi yon, gutom nako mamaya nalang ma ahh" sabi ko dito at pumuntang kusina at kumain na. Natapos nakong kumain at naghugas ng pinagkainan at umakyat na sa kwarto. "Ahh maaaaa! Mamaya ko nalang ikekwento ahhh!"sigaw ko mula sa kwarto Nagcp muna ako pagkatapos ay natulog na.
“Anak gising, kumain ka muna" pag gising saakin ni mama "Tyaka dba sabi mo ikekwento mo" dagdag nito “Mama naman ihh, pero ano ulam? Tanong ko kay mama dahil nagugutom nako "May tocino jan, niluto ko paborito mo, kase mukhang mahaba mahaba ang ikekwento mo" exited na sabi ni mama "Sige po, baba na po tayo." Pag aaya ko kay mama Habang naghahain ako ng makakain ko ay nanonood si mama ng tv. "Ahh ma kumain na ba kayo? Ang dami pa kase ng ulam parang di nabawasan." Tanong ko dito "Ahh oo anak, tirhan mo nalang kuya mo jan baka kumain ulit yon mamaya pagdating nya." Sabi ni mama Nagsimula nakong kumain at naparami ang aking nakain dahil nga sa paborito ko ang niluto ni mama na ulam hehe, pagkatapos kong kumain ay naghugas nadin ako ng mga pinagkainan, at tumabi na kay mama. "Maa ganto kasi iyon" paninimula ko "Alam mo ba ma-" putol kong sabi "Hindi pa e" sabat ni mama "Mama naman e, hindi ko kaya kwento sayo" pananakot ko kay mama, bara kasi ng bara, gawin ko yata tong barya si mama. "Jok lang ih, sige tuloy mo na" sabi ni mama.
kwinento ko kay mama ang lahat ng nangyare at ang mga pinagusapan at pinagkwentohan. Natuwa si mama dahil hindi daw masungit kasi kadalasan daw sa matatanda ay masusungit. "Mabuti naman kung ganon" sabi ni mama "Oo nga po e HAHAHA" sabi ko " bat hindi ka na kumain don e masarap pala ulam nila, tyaka dapat pinagbalot mo nalang ako HHAHAHA" natatawang sabi ni mama. Hayss dito siguro ako nagmana kay mama. "Kaya nga po e, kaso nahiya ako ih HAHAHA" pabebe kong sabi Nang biglang dumating si kuya galing trabaho. "Oh sino naman yang pinaguusapan nyo di nyo ko sinasama ahh, daya nyo" tampo tampohan sabi ni kuya. "Ahh anak, naalala mo yung kwinento ko sayo kagabi?" Tanong ni mama "Yung libre na yung tuition ni kate?" Tanong ni kuya "Oo, dba sabi ko sayo, kanina sila umalis para pumunta doon sa bahay nila." Sabi ni mama. "Oh anong nangyare?" Tanong ni kuya "Ahh ma ikaw nalang magkwento, may gagawin pa po ako." Paalam ko kay mama "Sige sige, magpahinga kana din" sabi ni mama.
umakyat nako sa kwarto ko at inopen ang cp *hey, I just wanted to say, may dinner bukas sa bahay, kasama ka daw" chat niyo *malamang sasabihin mo bayan sakin kung hindi ako kasama?* reply ko *tsk* tanging reply nito Kaya pinatay kona ang cp ko at natulog. - "Anak, gising nasa baba si aaron." Sabi ni mama "Aaron? Eh wala naman po kaming pinagusapan kagabi ahh" sabi ko may mama at bumababa na kahit hindi pa naliligo at nagsusuklay, wala nakong pake kung may panis na laway ako. "Oh naparito ka?"maangas na tanong ko dito, nasa taas pa kasi si mama mwehehe, "Magmamall tayo, dalian mo, tyaka maligo kana ang baho mo may panis na laway kapa." Maarteng sabi nito "Ikaw na nga lang nakikiamoy, nagiinarte kapa diyan, hintayin moko" sabi ko at umakyat na sa taas para maligo.
natapos na nga akong maligo at umalis na kami. "Ano bang gagawin natin ahh" tanong ko dito habang sya ay nakatutok sa pagmamaneho "Sarap sarap ng tulog ko istorbo"bulong kong sabi. "May sinasabi kaba?" Tanong nito "Bibili tayo ng susuotin mo mamaya, ang sabi kasi ni lolo bilhan daw kita yung mga paboritong kulay ni lola." Sabi nito Hindi nako nagsalita pa hanggang sa makarating na kami sa mall at pumunta agad kami sa bilihan ng damit. "Ang mamahal dito ahhh, bat dito pa?" Tanong ko dito "Basta dami mong satsat" sabi nito. Kaltukan ko kaya to. Hindi nako nagsalita pa umupo nalang ako dahil sya daw ang mamimili. "Oh ito sukatin mo yan don, dalian mo" sabi nito. Sobrang dami ko nang naisukat na dress at wala parin syang natitipuhan. Ano ba to may saltik, pitikin ko kaya utak nito, kapagod magbihis.
“Ayan." Sabi ni aaron Buti naman nakapili nadin tong kupal na to kung hindi sya ipapasuot ko dito buset. "Hayss buti naman" pagod kong balik sa fitting room. "Kain muna tayo nagugutom nako." Pagaya ko dito, pagkatapos naming bayaran ang dress na napili nya. Sya talaga magsusuot e hindi ako peste. "Sige" sagot nito Pumunta na kami sa Korean restaurant at kumain, dito nya kasi napiling kumain dahil favorite nya daw kumain dito. "Ahh nga pala, susunduin kita sa bahay nyo mamayang 6, okay?" Sabi nito "Okay" sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain ko dahil sobrang gutom ko talaga. Hanggang sa natapos na kaming kumain at umuwi na.
“Maaa nandito na po ako!" Sabi ko "Oh nanjan kana pala." Sabi ni mama "Ay hindi ma wala pa po ako dito, nasa mall pa po ako" sabi ko "Hambalusin kaya kita diyan" habol saakin ni mama, kaya tumakbo ako papuntang kwarto. Hingal na hingal akong sinirado ang pinto ah binagsak ang paper bag sa table ko at himiga sa kama para matulog. Nalingpungatan ako at tarantang tinignan ang oras dahil medyo wala nang araw, 5:30 na kaya nagmadali akong naligo at nag ayos nag messy bond nalang ako nagpatulong nadin ako kay mama suotin ang dress dahil zipper yung nasa likod. "Ahh anak, nanjan na si aaron sa baba" sabi ni mama "Ahh sige po baba na din po ako" sabi ko kay mama habang nagliliptint ng kaonti.
Pababa nako ng hagdan at bumungad saakin si aaron na nakaupo sa sofa. 'Ang gwapo nya, erase erase 5days lang kate tiisin mo' isip isip ko. Niyaya nako ni aaron na umalis kaya nag paalam nako kay mama para makaalos na kami. "Ma alis na po kami." Paalam ko dito "Alis na po kami" paalam din ni aaron, kaya napangiti ako. "Sige, mag iingat kayo ahh." Sabi ni mama habang mula sa pinto at kumaway. Pinasakay na nya ko sa kotse at sinimulan na nyang magmaneho, hanggang sa nakarataing na kami sa tapat ng kanilang bahay kaya nagsisimula nakong kabahan. Nakababa na kami ng kotse at naglakad papasok sa bahay nila at nilalamig nadin ang kamay ko dahil sa kaba. "Oh, ang lamig ng kamay mo ah, wag kang kabahan" sabi nito nang hawakan nya kamay ko. "O-okay" utal kong sabi.
Nakapasok na kami sa bahay at dumiretso ng dining area at nandoon sila nakaupo at naghihintay. "Goodevening po" bati ko "Nakapaganda mo ngayon iha, Sige umupo kana jan." Pagaaya ng mom ni aaron. "S-sige po" utal kong sagot at inalalayan ako ni aaron na umupo. "Thank you" sabi ko. Habang naghahain ang mga maid ay may sinabi ang kanyang lola "Mary, pumunta kaya tayo sa tagaytay" sabi nito sa mom ni aaron. "Sige po" pag sangayon ng mom ni aaron At nagsimula nang kumain. Habang kumain kami ay biglang tinanong ako ng lola nya. "Ah iha, San galing ang kwintas na iyong suot?" Tanong nito "Ahh bigay po ito ng papa ko bago po sya mawala" sagot ko sa tanong nya. "Sorry for that iha, pasensya kana kung naitanong ko pa." Panghihingi nito ng tawad. "A-ahh okay lang po hehe" hiya kong sabi.
Nagpatuloy kami sa pagkain at biglang nagsalita ang lola nya "Ahh iha sumama ka samin bukas sa tagaytay" pag aaya nito sakin "P-poo? Pero po may pasok po kami" sabi ko "Roberto, paexcuse mo nalang siya ng isang linggo" utos nito sa kanyang asawa. "P-poo? Pero po masyado po iyong mahaba, baka mapagiwanan po ako ng lesson" pagtatanggi ko dahil sobrang haba ng isang lingo pagalitan pako ng terror teacher namin. "Ako na ang bahala doon" sabi ng asawa nya(principal) "S-sige po" hiya kong sagot. Hanggang sa natapos na kami kumain at napagdisisyonan na namin ni aaron na umuwi nako. "Ahh mom, lola, uuwi napo si kate" paalam nito "Salamat po sa inyong imbitasyon, salamat po" pagpapasalamat ko "Wala iyon iha, sige na magiingat kayo" sabi ng mom ni aaron Nakalabas na kami ng bahay at nakahinga na ako ng maluwag, sabay hawak sa dibdib(kahit wala non) "O-okay kalang?" Pagaalang tanong ni aaron "A-ahh wala wala toh, nakahinga lang ng maluwag" sabi ko dito "Sabi ko kase sayong wag kang kabahan, sige na pumasok kana." Sabi nito ng pagbuksan nya ko ng pinto ng kotse. "Salamat"sabi ko sabay pasok.
Nagsimula nang magmaneho ni aaron at wala nanamng imikan. "Gala muna tayo, maaga pa naman" pang basag ni aaron sa katahimikan. "Saan naman?" Tanong ko dito. "Doon sa favorite place ko" sabi nito. Nakapunta na kami sa sinabi nyang lugar. Namangha ako dahil sa sobrang ganda ng lugar, dahil tahimik dito at kiting kita ang mga stars at ang magandang buwan. Umupo kami sa harapan ng koste at pinagmasdan ang mga butuin at ang buwan. "Ang ganda naman dito." Manghawa kong sabi dito "1st college ako nung natuklasan ko ito, salamat ulit." Sabi nito "Ahh, okay lang yon." tanging sabi ko. Pinagmasdan ko ang langit. 'ito yung gusto kong spot kapag malungkot ako o madaming problema, kaso wala akong mahanap kaya salamat sayo aaron' isip ko at tinignan sya. Nakakailang minuto na kaming pinagmamasadan ang langit, biglang sinandal ni aaron ang ulo nya sa balikat ko. hindi ako gumalaw dahil may ugali akong ganon kapag sinasandal nila ang ulo nila sa balikat ko, kaya hinayaan ko nalang sya.