“Ano Kate, wala ka paring kadate mag 14 na oh." Tanong saken neto habang naglalakad kami papasok sa classroom "Pang ilang araw na faye?! Bat required bayan ahh faye!, hambalusin kita jan." Irita kong sagot. Ilang beses na kase nya yan tinatanong saken, tuwing sasapit palang ang February mag tatanong nayang babaitang yan Diko den naman masisi sarili ko dahil sanay nakong wala kadate or may nagbibigay ng kung ano saaken, basta nabubuhay okay nako don.
“Good morning maam, sorry we're late" bati namen ni faye sa aming mabait na guro dahil nakalate kami ng ilang minuto"Sige na umupo na kayo" sabi neto Discuss Discuss dismiss "Kate, alam mo ba wag ka puro Aaron okay dahil wala kanamang mapapala doon. Remember girl campus crush, campus crush." Mahabang sabi nete habang naglalakad kami papuntang cafeteria "Oo na oo na, ano kaba sirang plaka kba faye, paulet ulet ahhh." Irita kong tanong at dinalian ang lakad “Kate." Tawag ko dito, ng makarating kami sa cafeteria "Oh? Ano ang maitutulong ko mahal na single?" Sabi neto habang tawang tawa "Order moko." Paguutos ko dito "Oo na, libre ko pa dahil single ka HAHA" tawang tawa nyang sabi. Naka order na si faye, at nagsimula na kaming kumain. Wala pa kami sa kalagitnaan ng pagkain may umiingay na ang mga babaita dito sa cafeteria dahil nanjan na nga si Aaron. Meron ang gusto sakanya since 1st college palang ako pero di ako kagaya ng mga babae na akala mo kinulang sa bakuna, ul*l na ul*l ang mga teh, basta ako chill lang, pero may kilig sa loob HAHA
Natapos na nga kaming kumain ni faye at pumunta n kami sa classroom. "Kate, wala ka pa talagang idadate bukas? Para doubledate tayo" Tanong nya "Faye, diko kailangan ng kadate bukas okay? Basta may pero ako, idadate ko sarili ko" sagot ko sakanya habang nagbabasa ng libro. "Ano kate forever single?!" Tanong neto "Pota ka faye paulet ulet, sakit sa ears" irita kong sabi, dahil masakit talaga sa tenga. Pota kaseng bunganga yan microphone "Okay payn, bigyan nalang kita ng favorite mong chocolate bukas." Suko netong sabi "Yon naman pala e goods yan" masaya kong sambit.
Uwian na at umuwi na den kami ni faye "Sige dito nako faye, yung chocolate ahhh wag mong kakalimutan! HAHA" masaya kong sambit "Oo na, ilan ba ang gusto ng matandang dalaga?" Pangaasar neto "Buset ka talaga! Sige na pasok nako sa bahay, bukas ulet" "Maaaa, I'm hommmmeeee!" Sigaw ko mula sa pinto "Who cares." Pambara saken ni mama. Atitod ahhh, sapakin ko kaya to. Wandat sasapakin ko to "Atitod aling jonnalyn?" Sabi ko sa pangalan nya "Anong aling jonnalyn, gusto mo lumayas sa papamahay ko?!" Galet na sambit ni jonnalyn este mama "Si mama di mabiro” Wandat sasapakin ko si jonnalyn
“Ano ulam ma?" Tanong ko dito, gutom nanaman kase ang aking alaga "Tignan mo jan may ulam pa ata jan, kumain kana jan" sagot neto saken pumunta akong kusina para tignan kung may ulam pa. Tinignan ko yung nakatakip na kawali at adobo ang tumambad saakin "nuxs naman mahal talaga ako ni mama ih" sambit ko sa aking sarili at nagsimula ng kumain Natapos nakong kumain at aayat na sa kwarto "akyat na po ako sa taas" paalam ko kay mama, tango lang ang sagot neto dahil tapos naden naman nakong magbasag ng plato.
Pagkarating ko sa kwarto ko ay humiga nako ng mapayapa at kinuha ang cp "ano bang klaseng acc toh walang kachat puro gc juiceko!" Reklamo ko, "buti nalang walang gawain na pinaiwan saamen" masayang sambit ko, at nakatulog na ako "Kateeeee! Gising na nandito na si faye ohhh!" Sigaw ni mama mula sa baba "Opo, maliligo na." Sigaw ko pabalik "ang aga aga, ingay ingay ni mama." Irita kong punta sa cr "Ma nauna nanaman si kuya?"tanong ko habang pababa ng hagdan "Oo, baket?" Sabot neto "Tinakasan nanaman kase ako sa utang nya." Malamya kong sabi "Oh sige na, kumain muna kayo ni faye baka hindi pa kumain si faye" pag aaya ni mama.
Natapos na kaming kumain ni faye at umalis na kami sa bahay para pumasok, habang nag lalakad kami may biglang inabot si faye sakeng chocolate. "Oh ayan na yung paborito mong chocolate dahil alam kong bitter ka mamaya nyan" sabi neto saakin "Thank youuuu, kurimaw" sambit ko dito, sabay takbo "Anong kurimaw, gusto mo bawiin ko yang chocolate!" Sigaw neto habang hinahabol ako.
Nandito na kami ngayon sa classroom, dahil nga valentines. Madami akong nakikitang naglalampungang magjowa at mga pulang desenyo sa nilalakaran namen ni faye. "Hoy bawal yan sa campus ahhh!" Sigaw ko, tumingin naman sila saakin at hindi nalang pinansin "Ano kaba Kate, umaatake nanaman yang sakit mo ahhh HAHAHAA" tawang tawa netong sambit. Tuwing valentines kase lagi ko itong ginagawa, abnormal lang HAHAHA tyaka last year ko rin nman na to kaya gora na HAHA. Nakarating na kami sa classroom namen at biglang may inannounce na wala daw class whole day. Syempre tuwang tuwa mga magjojowa kasama na den don si faye. Lampungan dito lampungan doon lampungan kahit saan, nyetang buhay yan Kate.
Kinuha ko nalang ang chocolate na binigay ni faye saakin. magbabasa sana ako kaso naiwan ko ang libro na binabasa ko "malas nga naman ohhh, ngayon pa talaga" irita kong sabi. Hanggang sa naubos na ang chocolate na binigay saaken ni faye ay may naisip akong katarantaduhan. kumanta ako ng "that should be me" sa classroom dahil punong puno ng mga mag jojowa(kaderder) dahil valentines ngayon "that should be me holding your hands~" naninimula ko "that should be me making you laugh~" dugtong ko, lahat ng magjojowa sa classroom ay tumingin saaakin "that should be me this is so sad, that should be me that should be me~" nang may biglang may tumakip sa bunganga ko at sinabing "pagpasensyahan nyo na girlfriend ko, hindi nanaman kase nakainom ng gamot" sabi ni Aaron.
Nagulat ako dahil sa sinabi nya, pero bat nya ko tinawag na girlfriend? "Tara!" Hila saakin neto "San ba tayo pupunta?!, masakit ahhh" Inis kong sambit "Basta." Sabi neto at dinalian pa ang lakad Wala nakong nagawa kundi sumunod nalang sakanya dahil sobrang higpit ng kanyang hawak sa pulsuhan ko, tyaka marami naring tumitingin samen at pinagbubulungan.. 'Porket crush kita gaganyan ganyanin mo nako, tyaka ano kayang gagawin ng kupal na to' isip isip ko "Nandito na tayo" sabi ng himinto kami sa principal office "Huh? Wala naman akong kasalanan ahhh bat moko pinunta dito?"takang tanong ko "Basta pumasok ka nalang jan" sabi neto, habang binubuksan ang pinto "Lolo nandito na po pinapahanap nyo" sabi nito.
Pumasok na ko sa principal office, at umupo dahil pinaupo ako. anong akala nyo hambog ako? Duhz I'm not maxpein HAHA "Pinatawag kita kase ikaw ang kailangan ko, tyaka may ka date kaba mamaya?" Tanong nito 'Ano to dadate ko tong panot na toh? No way no no no BIG NO NO' isip isip ko "ahh ano po bang gagawin ko?" Takang tanong ko, habang si aaron nakatayo parin sa gilid. Ano to guard? Gwapo namang guard HAHA. Enter me guard HAHA charot. Kate nyo maharot.
“Simple lang iha, magpanggap ka na gf ng apo kong si aaron, sana matulongan mo kami iha." Paliwag neto "May kapalit naman yan iha, libre na tuition fee mo dito kapag pumayag ka. 5days lang iha na magpapanggap kayo" dugtong neto "A-ahhh" tanging sambit ko lang. "Pagisipan mo muna yan iha, alam kong nabigla ka, dahil ikaw ang napili ni Aaron." Sabi neto "Sige, kumain na muna kayo" dagdag neto Lumabas ako sa office ng lutang dahil Hindi ko alam ang gagawin ko o isasagot ko kanina. Bat ako yung pinili ni aaron e ang dami daming magaganda sa campus. "Wag kana mag inarte jan, bute nga ikaw pinili ko." Mayabang na sabi neto "Nag iinarte ba ko ahhh!" Mataray na sabi ko "Sus parang hindi, noe" sabi neto sabay lakad ng mabilis. Naglalakad akong lutang papuntang cafeteria. Wala nakong pake kung pinagbubulungan nila ako, mga bubuyog.
Nakapunta na nga ako sa cafeteria at pumila. "Miss, ano yung sayo?"tanong ng tindera "Misssss? Ano order mo?" Pag ulet nito,nang may biglang sumigaw sa tenga ko "Hoy! Ano daw order mo!?" Sabi ng nasa likod ko "A-ahhh, s-sandwich lang po" utal kong sabi Tumingin ako sa likod at nakita ko si aaron. Sinamaan ko ito ng tingin. "Ano bang isiip mo? kanina pa kami nakapila!" "Wala kana don." Sabi ko Kinuha ko na ang order ko at pumunta sa room, para doon kainin. Pagpunta ko sa room syempre magjojowang naglalampungan, kaya kinuha ko nalang ang cp ko at umupo habang kumain ng sandwich.
Uwian na at hindi ko kasabay si faye dahil may date sila ng boyfriend nya, kaya ako nalang magisang umuwi. Hindi parin mawala wala sa isip ko yung sinabi ng principal na panot na yon habang ako'y naglalakad pa uwi. tyaka bat ba ako ang naiisipan ni aaron na piliin, pisteng yawa to. "Ma, nandito nako" sabi ko "Oh, bat parang sabog ka ata ngayon kate, nakadrug kaba nak?" tanong ni mama "Ahh, ano ulam ma?" Tanong ko may mama pagkatapos tanggalin yung sapatos "May sinigang jaan, kumain kana" sagot ni mama Pagkatapos kong kumain ay umakyat nako sa kwarto ko. Humiga ako at tinignan ko ang cp ko, request message ahh. Perstaym selp, tinignan ko ito at si aaron lang pala *ano nakapagisip kana ba?* chat neto *hindi pa.* reply ko *tyaka, para San bayon* dagdag ko *bukas ko na sayo e-explain.* reply neto *e pano ako makakapagisip e hindi ko alam dahilan bobits kaba?* reply ko *basta bukas nalang, pagod ako* reply neto "Edi pagod, pake ko sayo?" Sabi ko, sabay patay ng cp at natulog.
Nagising ako sa sinag ng araw at tinignan ang orasan. 7am na kaya dali dali akong naligo at nagbihis, hindi narin ako kumain at umalis na sa bahay. "Aalis pala si mama ng maaga di man lang ginising pisteng yawa" inis kong sabi habang naglalakad ng mabilis. Mabute at malapit lang saamin ang school. Kaya makakahabol ako. Malapit nako sa school pero may mga studyante pang papasok palang den, tinignan ko ang orasan at 7 palang. "Baliw talaga to si mama iniba nanaman yung orasan ko sa kwarto" sabi ko sa sarili ko. Lagi nya iyong ginagawa kapag maaga sya aalis, para mamili.
Pinagisipan kong mabute yung sinasabi nila. 5days lang naman e tyaka sagot na nila tuition ko kaya goods tayo don. "Ano nakapagisip kana ba iha?" Sabi ng lolo nya "A-ahh-" naputol ang sinabi ko dahil biglang sumabat si aaron "A-ahh, a-ahh kajan, ano hindi paden!?" Iritang tanong nya "Sandali kase patapusin moko, okay!?" Sabi ko "Opo, pumapayag na po ako" dugtong ko "Ayon naman pala e, papayag den pala pinatagal pa." Sabi nito sa ere Bumalik nako sa room dahil pinapabalik nako "Oh miss Fuentes bat ngayon kalang?" Tanong ng terror teacher ko "Ahh maam pinatawag po kase ako sa principal office." Sabi ko "Oh sige umupo kana" sabi neto at pinagpatuloy ang pagdidiscuss.
Discuss Discuss Discuss Dismissed Uwian na kaya nag aayos na ako ng gamit ko, biglang kinalabit ako ni faye. "Oh?"tanong ko habang nagliligpit "Ginawa mo don sa office?" Tanong neto "A-hhhh yon baa?" Sabi ko, nang biglang.. "Where's Kate!?" Sigaw ni aaron sa pintuan Madaming nakatingin kay aaron, at papalapit na ito saakin, si faye naman tumabi sa gilid ko. "anong kailangan mo?"walang gana kong tanong "Ikaw, kaya tara na dalian mo ayoko ng mabagal" sabi nito, sabay hila sa pulsuhan ko. "Ano ba aaron nasasaktan ako buset" sabi ko sabay bawi sa kamay ko. "Pwede nman kaseng sumunod sayo ng hindi ako hinihila dba!?" Galet kong sabi, pinagtitinginan na kami. "Basta sumunod kanalang saken" sabi nito sabay lakad. Pitikin ko kaya utak nito
Nakarating nga kami sa principal office dahil ipapaliwanag daw ng lolo nya kung baket, magpapanggap akong gf ng apo nya. "Umupo ka jan iha." Pag aaya neto "Ahh iha kaya ka magpapanggap na gf ng apo ko dahil darating ang kanyang lola mula sa Spain. Gusto kase ng lola nya na kapag bumalik sya sa pilipinas ay dapat meron nang maipapakilala ang apo niyang gf sakanya, kaya salamat iha dahil pumayag ka." Mahabang paliwanag nito. Oh dba mauna pa yung disisyon kesa sa paliwag yawa. "Ahh ganon po ba" sabi ko "Sige umuwi kana sa bahay nyo, at bukas susunduin ka ni aaron sa bahay nyo. Bukas kase ang dating ng lola nya dito, sabado naman kaya wala kayong pasok" sabi nito.
Umuwi ako sa bahay ng masaya dahil wala nakong gagastusin sa tuition ko at masaya akong ibabalita kay mama. "Maaaaaaa, I'm homeeeeee" masigla kong sigaw sa pintuna "Oh bat ang sigla mo naman ngayon. kagabi tamlay na lutang" sabi ni mama Umupo ako sa tabi nito habang nanonood siya ng TV. "Ma alam mo ba?" Tanong ko dba "Hindi pa anak" pang bara neto saken "Mama naman" pabebe kong sabi kay mama "Oh ano bayon?" Tanong nito "Libre na ang tuition koo, hindi na kayo gagastos ni kuyaaa sa tuition ko" masaya kong sabi "Oh ano naman ginawa mo ah!? Seryosong tanong ni mama "Ganto kase yon mama" sabi ko At kwinento ko nga sakanya ang mga paguusap namin ng lolo ni aaron at ni aaron. "Ohh mabute. bute ginamit mo yang utak mo." Sabi neto sabay nood ng TV "Ito si mama parang ewan" sabi ko "Pero Kate magingat ka sa gagawin mo ah, baka masaktan kalang jan sa pinaggagawa mo, aba Kate wag kang uuwi dito ng umiiyak ng dahil don ahhh kundi sasapakin kita." Mahabang sabi ni mama "Sapakan ma" panghahamon ko, sabay takbo sa kwarto, At natulog.