Pagkalabas namin ni Sir Ugi mula sa building ay nagpaalam muna siya sa akin na kukunin lang niya ang sasakyan niya sa parking lot ng condominium. “Kukunin ko lang ang sasakyan ko. Just wait for me here,” aniya na kinatango ko sabay tugon sa kanya nang… “Noted po, Sir," sagot ko rito. Umalis na nga siya at saka naman biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito kaagad at nakita ang naka-register na si Beb. Calling… Beb Napatingin pa muna ako sa papalayong si Sir Ugi kung maririning ba niya ang pagsagot ko sa cellphone ko kung sakali, ngunit hindi naman. Napangiti naman ako at agad ko itong sinagot. “Hello, Beb,” sabi ko. “Hi, Baba! Buti naman at sinagot mo na. Nasaan ka?” iyan agad ang naging tanong niya sa akin. “Um, nandito pa ako sa opisina,” pagsisinungaling kong sagot dit

