20

2246 Words

“Let’s eat,” sambit ni Sir Ugi sa akin nang ibigay niya ang plato ko na may laman ng pagkain. Hindi naman na ako nagreklamo pa kung ano man ang mga nilagay niyang pagkain since nagugutom naman na ako. Wala na akong pakialam, basta kakain ako. Ngunit napatingin pa rin naman ako sa aking plato. May kanin, pipino, carrots, bacon… Sabay baling sa kanya nang palihim. Nagtataka lang kasi ako. Hindi naman kasi niya ako kailangang pagsilbihan dahil kaya ko naman ang sarili ko. Mabuti sana kung baldado ako o ano pa man. May kamay naman ako, at kaya ko namang tumayo. Bakit kailangan niya akong pagsilbihan? “Hmm… ang sarap,” naisambit ko rin habang inaamoy ang mabangong amoy ng bacon. Hindi ko na kasi napigilan pa ang aking sarili. Hindi kasi ako nakakakain ng bacon sa bahay kasi nga ay mahal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD