3

2115 Words
“Ate, why are we here?” tanong ko rito nang mapansin kong nasa sementeryo kami. Nagtataka lang kasi ako kung bakit kami nandito. Ngayon lang kasi ako napalingon sa buong lugar. Oo nga, sementeryo nga. Bakit kami nandito? Ano ang ginagawa namin dito? Sino ang binibisita namin? Naguguluhan ako habang palingon-lingon sa buong lugar. I don't have any clue either. Was it to prank me dahil matagal akong nawala? What? Hindi sumagot ang Ate ko sa naging tanong ko sa kanya, bagkus ay hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. “Are we visiting Papa Lolo?” tanong kong muli. Hindi naman kasi siya sumagot. At isa pa, matagal na kasing patay ang Papa Lolo namin at kung hindi ako nagkakamali ay rito siya inilibing noon. Bata pa kami ng Ate at Kuya, pero tandang-tanda ko iyon dahil nagtakbuhan pa kami rito noon. Siguro ay nagparamdam sa kanya ang Papa Lolo kaya kami nandito. Kung ano-ano na ang mga naiisip ko.  Hindi na naman sumagot ang Ate ko sa aking naging tanong. I don’t know what is happening. Pwede naman niyang sabihin sa akin na oo dadalawin namin ang Papa Lolo, as simply as that, pero wala talaga siyang sagot sa akin. Finally, tumigil na ang sasakyan sa tapat ng museleyo ng Pamilya namin. “Ugi,” tawag sa akin ni Ate. “Ate, what are we doing here?” tanong ko na naman habang bumababa mula sa van namin, “Are we visiting Papa Lolo?” tanong kong muli rito and hoping that I can get an answer pero wala na naman itong naging sagot sa akin. Naglakad na kami papasok at ngayon ko lang napansin na dalawa na ang puntod na nandoon. Yeah, dalawa na. So, sino ang namatay? Si Mama Lola ba? “Ate…” sambit ko kay Ate, napatingin pa ako sa kanya. Hinawi lang niya ang kamay niya habang itinuturo sa akin na lumapit ako para makita ko. Humakbang na nga ako palapit sa puntod na nasa tabi ng Papa Lolo ko at doon ko napagtanto kung kaninong puntod ito. In loving memory of Essiah Lucky Cruz Mendez, Died: August 27, 2010. Nanlaki ang aking mga mata kasabay noon ay ang pagbaling ko ng tingin ko sa Ate ko. “Lucky died that day nang maaksidente kayong dalawa, Ugi,” sabi ni Ate sa akin habang umiiyak. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi ni Ate sa akin. “Sumalpok ang sinasakyan ninyong dalawa sa isang malaking cargo truck,” kwento ni Ate habang ako ay unti-unti na ring umiiyak, “Parehas kayong isinugod sa Ospital ni Lucky,” tuloy ni Ate sa pagkekwento, “Parehas din kayong na-ICU…” then she stops. Naghihintay ako ng kasunod sa kanyang sasabihin. “But Lucky gave up,” iyak ni Ate, “Hindi na niya kinaya dahil maliit ang chance niyang mabuhay,” saad ng Ate sa akin. “That night,” mahinang sambit ko nang maalala ko ang gabing magkasama kami ng Kuya. “Yeah. That night na umalis kayo para sa Bachelor’s Party ng kaibigan niya.” Nagkuyom ang mga kamao ko. “Ako sana ang namatay, Ate at hindi si Kuya Lucky!” sigaw ko rito. “Ugi, don’t say that!” sita naman ni Ate sa akin. “No, Ate,” wika ko rito, “He was drunk that night habang ako hindi, pero mapilit siya,” kwento ko naman dito, “I insisted na ako na ang mag-drive ng sasakyan since lasing siya, pero hindi niya ako pinayagan,” iyak ko na rito. Niyakap naman ako ng Ate ko, “Wala kang kasalanan, Ugi,” sabi nito. “Pero alam kong ako at wala ng iba pa, Ate,” iyak ko rito na mas lalong kinayakap sa akin ni Ate. “Kaya ba hindi ko nakikita sina Mommy at Daddy sa Ospital ay dahil ako ang sinisisi nila sa pagkamatay ng Kuya?” I suddenly asked. Napagtagni-tagni ko na kasi. Umiling naman ang Ate. “Of course not, Ugi,” she said. Pero hindi iyon ang nakita at naramdaman ko pagkauwi ko sa bahay. Ang Mommy lang ang masaya na nakita niya ako, samantalang ang Daddy ay hindi. At kahit sinabi ni Mommy at ni Ate na wala akong kasalanan, sa mata ng Daddy ko naman ay ako ang sinisisi niya sa nangyari kay Kuya. Hindi ko kasi sinasadyang marinig ang pagtatalo nila ni Mommy one night. “If it weren’t for him, your Son would still be alive!” singhal ni Dad kay Mom. “Alfonso!” sita naman dito ni Mommy nang makita niya akong nakikinig sa usapan nila, “Luigi,” sambit ni Mommy sa akin sabay lapit. “Ma, is what I heard true?” tanong ko rito. “Luigi…” mahinang sambit naman ni Mommy sa pangalan ko. “Am I the one Dad blames for Kuya’s death?” I asked again. Umiling naman si Mommy sa akin. “No, anak, you just misunderstood your Dad,” sagot naman ni Mommy sa akin, pero hindi ako naniwala rito, tumingin kasi ito kay Daddy, “Alfonso, tell him.” “Ma…” tawag ko kay Mommy. Tumingin sa akin si Daddy bago ito nagsalita. “I have nothing else to say, Amara,” iyon lang ang sinabi nito bago umalis sa harapan namin ni Mommy. Magmula nang mamatay ang Kuya ay hindi ko na nakitang masaya si Daddy. Palagi na lang itong galit kapag kinakausap ng kung sino. At halos lahat ng ayaw kong gawin ay pinilit niyang pag-aralan ko, lalo na ang pagma-manage ng Bad Boy Magazine. Hindi iyon ang forte ko pero wala akong nagawa kundi ang sumunod sa gusto niya, dahil sa pamilya namin ay siya dapat ang masunod, which is really unfair. “Ma, I am not in line with running our Magazine business,” sabi ko kay Mommy nang kausapin niya ako. “Ugi, anak, you need to learn managing it,” she said, “Darating ang panahon na ikaw na ang magmamana ng kumpanya nating iyon, so you just have to learn how to manage that business of ours,” explain sa akin ni Mommy. “I just don’t understand, Ma. Noong nabubuhay pa ang Kuya ay siya ang pinag-aaral ni Dad sa business na iyan, tapos ngayon ako na? Bakit? Why should I need to study and learn about that business?” “Anak, sundin mo na lang ang Daddy mo. It is for your own good. Kapag nag-asawa na kayo ni Lucy, mapupunta na sa inyo ang business na iyan, kaya Anak, please, for me, please try to embrace the magazine business,” pakiusap sa akin ng Mommy. Kahit ayoko ay napilitan akong sundin kung ano ang sinabi ni Mommy sa akin. Kahit naman kasi sabihin kong ayaw ko ay wala naman akong magagawa kundi ang sundin sila. “Napakadali na lang nang gagawin mo, Luigi, why can’t you perfect it, hah?” galit na tanong ni Dad sa akin nang makita niya ang grades ko sa course na pinakuha niya sa akin. Sumagot naman ako rito nang pabalang. “Then why can’t you be the one to study instead?” ani ko sa kanya. “What did you just said?” tanong ni Dad bigla sa akin. Alam ko hindi niya narinig ang sinabi ko. “Dad, I told you before that I don’t like this course,” sagot ko rito, “It’s just you who actually forced me to take that course, so bakit hindi na lang ikaw ang mag-aral ulit?” iyan ang sinabi ko. Bastos na kung bastos, pero sobra na kasi si Dad sa akin. Kahit naman maganda ang performance ko ay para sa kanya, hindi. So, saan ba dapat ako lulugar? “Luigi,” sita ni Mommy sa akin dahilan para mapailing na lang ako rito. “We talked about it before, Luigi,” Dad said, “You will manage our Magazine business someday, why is it so hard for you to understand that?” “Hindi mahirap intindihin, Dad, kung nakikita ko lang na gusto mo na pinag-aaral ako not just for our business, but for me as your Son,” tugon ko naman dito. “This is nonsense,” wika ni Daddy sabay talikod sa akin, “Kausapin mo iyang anak mo, Amara,” sabay baling pa nito kay Mommy bago umalis sa harapan namin. From then on, hindi na maayos ang naging samahan namin ni Daddy. Palagi na lang siyang galit kapag kinakausap ako. Kahit nga kapag kinukumusta ako ay nakasinghal siya. “Bro, lagi ka na lang bang ganito?” tanong ni Lein sa akin habang nasa isang Bar kami at umiinom. “Oo nga naman, Ugi, may exam ka bukas, you need to go home, Dude,” segunda naman ni Bosh sa sinabi ni Lein. Tumingin naman ako sa kanila, “Guys, I don’t care kung bumagsak man ako sa course na iyan, it’s my Dad who forced me to take that anyway,” sagot ko naman sa kanila sabay lagok ng alak na in-order namin. “Pero Dude, hindi ka man lang ba nanghihinayang sa taon na masasayang once hindi ka maka-graduate?” tanong ni Bosh. “Bro, isipin mo na lang ang Kuya mo,” sambit ni Lein sa akin, “Huwag puro ganito, Bro, mabuti pa, umuwi na tayo.” “Mabuti pa nga ang Kuya tahimik na sa buhay niya, eh ako? Ako ang sumalo sa mga naiwan niya rito! Ugh! D*mn it!” sambit ko. Nakita ko namang nagkatinginan sina Lein at Bosh habang napapailing na lang sa akin. Uuwi na lang ako ng bahay na palaging lasing, o kaya’y madaling-araw kung umuwi dahil kapupunta sa mga Bar kasama sina Lein, Bosh at kung minsan ay si Dri lang. Buti nga sila sinasamahan ako eh. Palagi silang nandiyan kapag kailangan ko nang makakausap at mahihingahan sa mga problema ko sa bahay. “Ugi,” narinig kong tawag sa akin ni Ate, “Anong oras na, bakit ngayon ka lang nakauwi, hah?” tanong nito sa akin. Hindi naman siya galit. Nag-aalala lang dahil ganitong oras na ako nakauwi. Tumingin naman ako sa kanya, “Ate, nag-happy-happy lang kami,” gegewang-gewang na saad ko rito. “Ugi, ano ka ba, may exam ka pa bukas, nakapag-aral ka na ba, hah?” tanong na naman ni Ate sa akin habang inaalalayan ako sa paglalakad. Napaupo ako sa sofa, “No need for me to study those f*ckin’ lessons,” singhal ko rito, “Hindi ko naman gusto ang pinapagawa sa akin ni Dad eh.” “Ugi, stop it, baka magising pa sila Dad,” sita nito sa akin. “I don’t care, Ate!” muli ko na namang singhal dito. “Anong nangyayari rito?” napatingin si Ate Lacey sa biglang nagsalita. “Dad!” gulat na sambit nito. “Luigi, kauuwi mo lang ba, hah?” tanong nito sa akin. Ngumiti naman ako, “Yes, Dad,” sagot ko rito at sabay tumayo. “At saan ka na naman galing, hah?” muli ay tanong ni Dad sa akin. Ngumisi ako, “Happy-happy!” sagot ko rito. “You’re wasting all the money we’re giving you for useless things?!” singhal ni Daddy sa akin. “Alfonso!” sumabat na si Mommy, “Tama na iyan, nakakahiya sa mga kapit-bahay natin.” “Tingnan mo ‘tong anak mo, napakawalang modo!” “It’s because of you, Dad!” sigaw ko na rin dito. “Aba bastos ka!” saka ako biglang sinuntok sa mukha na kinagising ng diwa ko. “Alfonso!” awat naman ni Mommy bigla kay Daddy. “Dad!” pati si Ate ay nakiawat na rin pero ako ang tinulungan niyang tumayo. “You are disgrace to this family!” singhal muli ni Daddy. “Why me?” tanong ko rito, “I did every little thing you said me to do, but I’ve never been good in your eyes, Dad,” sabi ko rito, “It’s always Kuya who’s the best for you,” wika ko rito, “But Kuya is dead, Dad, kailan mo ba matatanggap iyon?!” Nakita kong nagkukuyom ang mga kamao ni Daddy. “Ugi, enough,” sita na sa akin ni Ate. “Alfonso, tama na…” pakiusap naman ni Mommy kay Daddy. “I’m the one who’s alive, but I’m the one you don’t actually appreciate. Sana ako na lang ang namatay, baka sakaling mas masaya ka ngayon,” wika ko rito sabay talikod at akyat ng hagdanan. “Ugi!” tawag sa akin ni Mommy ngunit hindi na ako lumingon pa sa mga ito. Wala siyang alam at pakialam sa nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD