I did everything to please my Dad kahit mahirap at ayaw ko ng mga pinapagawa niya sa akin. Wala naman kasi akong magagawa kundi sundin talaga siya.
Magagalit siya sa akin kapag hindi ako sumunod.
Hindi niya ako papansinin kapag hindi ko siya sinunod.
At lahat naman ng mga sinasabi niya ay sinusunod namin ni Ate at Kuya.
Walang hindi.
Lahat dapat sundin kaya kailangan talagang sundin even though ayaw namin.
So, I took the management course na sinabi niya at ipinasa ito kahit na talagang ayaw ko just to please him. But it doesn't mean na hindi ko na pwedeng gawin ang gusto ko.
Since ayaw ko sa course ko, sinasadya ko na minsan ay hindi pumasok ng tama sa oras. In short, mga times na hindi talaga ako on time. Dahil ayoko nga. Dahil hindi ko nga gusto.
Hindi naman niya alam eh, kaya wala rin siyang magagawa.
I tried many times na hindi gumawa ng mga research and thesis sa course na iyon, pero wala.
Ginawa ko ang lahat para maibagsak ang course na iyon, pero wala eh, hindi ko alam kung paano akong nakapasa pa rin.
Siguro ay ginamit ni Daddy ang influence niya para makapasa pa rin ako kahit mas marami ang absents ko kaysa sa present days ko.
Sinadya ko kasi talaga iyon.
And right after my graduation ay nagsimula na ako kaagad na magtrabaho as CEO sa company namin kahit wala akong ka-training-training na ginawa o pinag-aralan man lang ay isinabak na niya ako kaagad sa kumpanya.
Pakiramdam ko ay minamaliit ako ng mga empleyado namin dahil at my very young age ay nagtatrabaho na ako as their CEO. Imagine, CEO na kaagad ako, eh samantalang wala pa naman akong napapatunayan sa kanila.
Para akong sumama sa giyera na wala man lang akong dalang baril.
I only had a day, actually, hindi nga isang araw kundi kalahating araw, for an orientation and seminar kung anu-ano ang mga kailangan kong gawin as the new CEO in our company. I don’t even know where to start, but luckily, I have my Ate Lacey by my side. She’s the one who helped me with the how’s of our company and yes, in just three months, natutunan ko nang patakbuhin ito.
I had no choice but to work on my name as a Mendez kahit ayoko. Siguro nga ay habambuhay ko nang pagtatrabahuhan ang aking pagiging Mendez dahil lang sa maagang namatay ang Kuya Lucky ko.
Kung pwede lang sigurong magpalit ng apelyido ay ginawa ko na. Matagal ko na sanang ginawa.
“Ate, thank you for the help,” ani ko sa Ate ko habang kasabay ko siyang nagla-lunch.
Tinapik naman niya ako sa aking balikat.
“Ano ka ba, Ugi, I am your sister. It’s the least I can do for you,” she said.
Ngumiti naman ako sa kanya.
Mabuti pa kasi ang Ate ko ay na-appreciate ang mga ginagawa ko, but for my Dad? I don’t think he sees what I’m doing. Eh wala naman siyang ibang nakikita kundi ang kamalian ko eh.
I still remember no’ng pinagsabihan niya ako sa harapan ng mga empleyado namin dahil lang sa simpleng endorsement letter na inaprubahan ko, pero mali naman pala ang pangalan ng company na pagbibigyan nito.
Galit na galit siya noon sa akin, na halos kulang na lang ay sakalin niya ako sa harap nang maraming tao.
“What were you thinking, Luigi?! Na madali lang humingi ng sorry kapag nagkamali ka?!” galit na galit niyang sambit sa akin.
“Dad, I told you, Mr. Marquez didn’t even bother the letter,” sagot ko rito.
“You sh*t! That’s your reason?!”
“It is not mine, Dad,” I said, “It was from Mr. Marquez.”
Gusto ko na ring sumigaw sa kanya ngunit pinipigilan ko ang sarili ko. Dahil kahit saang anggulo mo tingnan, ama ko pa rin siya.
“Even!” dumagundong ang boses niya sa buong floor ng building ng kumpanya. Pati mga empleyado namin ay nagsisipag-alisan dahil na rin sa ayaw nilang madamay, o hindi naman ay respeto na lang siguro sa amin.
“Alfonso!” narinig naming tawag ni Mommy kay Daddy, “Nasa elevator pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang boses mo. What is happening? Nakahihiya kayo. Dito pa ba talaga sa labas ng opisina ng anak mo? You could have used your son’s office, hindi ‘yung dito kayo mismo sa labas,” turan ni Mommy.
Lumapit siya sa akin.
“Your son is really disrespectful and disgrace to this family! Hindi na niya inisip ang kahihiyan ko bilang ama niya!” sambit ni Daddy.
“But I told you, it’s not a big deal with Mr. Marquez,” muli ay pinaglaban ko ang sinabi ni Mr. Marquez sa akin kanina. Hindi naman kasi big deal sa kanya ang pagkakamali na iyon.
“You shut up! Shut up!” gigil na gigil ang Daddy sa akin habang dinuduro ako.
“Alfonso!” sita na naman ni Mommy sa kanya. “Will you please stop? Ako na ang kakausap sa anak natin.”
“Talk to your son!” ani ni Dad bago ito tumalikod sa amin at magtungo sa elevator.
“Luigi…” alo sa akin ng Mommy.
Kung ako ang tatanungin, ayokong nagkakaganito kami ng Daddy.
Ayokong hindi kami okay.
Ayokong may distansya or barrier kami sa isa’t-isa.
Mahal ko ang Daddy ko kahit na ginaganito niya ako.
“Son, pagpasensyahan mo na ang Daddy mo,” sabi ni Mommy nang samahan niya akong pumasok sa Opisina ko. “It was his first time encountering that kind of scenario, kaya pagpasensyahan mo na talaga siya. Alam mo naman na as much as possible ay ayaw ng Daddy mo na may nagkakamali dahil nagre-reflect iyon sa kanya as the President of our Companies,” dagdag pa ni Mommy.
“Wala naman po akong nagawa na tama sa mata ng Daddy eh,” ani ko.
“Of course not, Anak,” Mommy said.
Umiling naman ako.
“You don’t need to say that, Mom. Alam ko naman kasi kung ano lang ako kay Dad.”
“Anak, that’s not true. Your Dad loves you.”
“Talaga po ba? Saan? Paano?” tanong ko rito, “Hindi ko po kasi nakikita sa bawat pag-iwas niya sa akin,” wika ko rito.
Hinaplos lang ni Mommy ang balikat ko bago ako nito niyakap.
“Understand your Dad, Ugi. He still in the moving on process, alam mo namang hindi pa rin niya tanggap ang pagkawala ng Kuya Lucky mo,” aniya.
“Hanggang kailan, Ma? Hanggang kailan ako maghihintay na maka-move on ang Dad sa pagkawala ng Kuya? Hanggang kailan, Ma?” tanong ko rito.
“Just give him some time pa, Anak. Pasasaan din ba at mangyayari rin iyon.”
Iyan ang sinabi sa akin ni Mommy.
Pinagdarasal ko naman na mangyari iyon eh, its just that hindi pa talaga siguro ito ang panahon. Kaya naman nag-focus na lang ako sa kaya kong trabahuin.
At sa sobrang busy ko ay nakalilimutan ko na ang mga kaibigan ko. Nawawalan na ako ng oras sa kanila kaya naman pinagbigyan ko na si Dri nang inbitahan niya akong magkita kami.
“Bro, you’ve been very busy,” wika ni Dri sa akin habang magkausap kami. Nagkita kasi kami sa restaurant kung saan meron akong client na kailangang i-meet. Pero ang totoo ay talagang kikitain ko siya. Wala na kasi talaga akong oras para kumustahin sila at para magkita-kita kami.
“You know Dad’s Magazine’s business, Dri,” sagot ko naman dito, “It’s not that easy to manage most especially may pangalan akong kailangang ingatan,” dagdag ko pang sabi rito. “No to petiks this time.”
“Always at the top, Bad Boy Magazine,” wika naman niya sa akin at sabay kaming nagtawanan.
“Yeah right, Bro,” sagot ko naman dito. Saglit lang naman kaming nagkumustahan na dalawa, dahil nga may kliyente pa siyang imi-meet, kaya naman nagpaalam na rin kami sa isa’t-isa.
Wala na akong ginawa kundi ang mag-focus sa Magazine business namin. Ni hindi ko na nga nailalabas si Lucy for a date.
Para bang naging opisina-bahay, bahay-opisina na lamang ang mundo ko at nabalewala ko siya?
But I always made sure naman na pinapadalhan ko siya ng mga favorite niyang flowers kahit hindi ko siya malimit na nakikita.
“Please tell her that I will definitely meet her tonight,” iyan ang naging bilin ko sa sekretarya ko nang maalala ko ang dinner date namin ni Lucy. This time kasi ay sigurado na akong kakain kami ng sabay sa aming favorite na restaurant.
“Okay, Sir,” sagot naman nito sa akin.
Pero naging mailap ang tadhana sa aming dalawa.
That night kasi ay nagkaroon ng emergency meeting sa mga business partners ng Magazine na hindi pwedeng i-cancel, kaya naman kahit gusto ko nang umalis para puntahan si Lucy ay hindi ko na nagawa pa.
“Sir, I’m so sorry po, pero hindi po dumating si Ma’am Lucy sa restaurant na sinabi ninyo,” sabi ni Jazmin sa akin nang tumawag ako rito para kumustahin silang dalawa ni Lucy.
Huminga na lang ako nang malalim, “Okay, Jazmin, thank you,” sagot ko rito, “I’ll be the one to call her na lang after this meeting,” iyon lamang ang sinabi ko kay Jazmin bago ko ibinaba ang phone call.
Noon ding araw na iyon ay pinuntahan ko si Lucy upang kausapin at mag-explain sa kanya. I know I do have a lot of shortcomings but I really don’t want to lose her because I do love her.
“Wait po, Sir Ugi, pakihintay na lang po si Ma’am Lucy,” wika sa akin ng Maid nila na si Ate Miling. Tumango lang ako rito bilang sagot.
Ilang minuto rin ang hinintay ko bago bumaba si Lucy at puntahan kung nasaan ako.
“Luigi,” narinig kong tawag nito sa pangalan ko. Tumayo naman ako kaagad at lumapit dito upang yakapin sana siya kaso umiwas siya sa akin, “Luigi, please,” sambit niya.
Naguluhan naman ako sa ikinilos niyang bigla sa akin, “Lucy,” tawag ko rin sa kanya. “I missed you, Babe. How are you? I’m sorry if I didn’t make it kanina.”
“Luigi,” sambit na naman niyang muli sa pangalan ko, “I don’t want this relationship anymore,” sabi niya na kinagulat ko.
“W-What do you mean?” tanong ko rito.
Tumalikod at naglakad siya nang bahagya palayo sa akin, “It’s not working anymore, Ugi,” sagot niya sa tanong ko.
“Wait, what?” hindi makapaniwalang tanong ko rito.
“Look, Ugi, you are always busy, and you have no time for me, for us, I don’t think it’s---,” I didn’t let her utter any single words anymore as I interrupt her.
“Hey, Babe, listen to me,” hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya para makaharap siya sa akin, “I’m sorry, Babe, I’m really sorry, but let me make it up to you, I promise, I won’t disappoint you this time, just don’t do this,” sabi ko bago ko siya niyakap nang mahigpit.
Mahal na mahal ko si Lucy. Ayoko siyang mawala ng dahil lang sa masyado akong naka-focus sa Magazine business namin. I will do anything for her.
“No, Ugi,” sagot niya sa akin habang umiiling at tinatanggal ang pagkakayakap ko sa kanya, “Hindi ako martir at manhid,” sabi niya, “I am not your priority anymore,” naiiyak na ako sa mga sinasabi niya sa akin.
“Babe, that’s not true,” sagot ko rito, “You know how much I love you,” muli ko na naman siyang hinawakan sa pisngi niya ngunit pilit niya na talaga akong inihihiwalay sa kanya.
“Luigi, ayoko na,” bigla niyang sambit dahilan para mapatigil na ako sa ginagawa ko, “I’m sorry. I don’t want you in my life anymore.”
“Ano?”
Umiling na naman siya, “This is not working anymore, please Luigi, just let me go,” iyon lang ang sinabi niya bago siya tuluyang tumalikod at umalis sa harapan ko.
“Lucy!” tawag ko rito ngunit hindi na niya ako nilingon pa.
Napasuklay na lang ako sa buhok ko at mabilis na umalis sa bahay nila Lucy.
Hindi ko tinanggap ang pakikipaghiwalay sa akin ni Lucy, kaya naman kahit ilang beses niya akong itinaboy ay pinatunayan ko pa rin sa kanya na kaya kong gawin ang lahat para lang sa kanya.
Every day after work ay personal ko siyang hinahatiran ng mga favorite niyang staff, like flowers, teddy bear, chocolates and even new dresses, pero palagi naman siyang umiiwas sa akin, but I am Luigi Mendez, I won’t give up that easily because I know I can still fix the mess I created, at mas lalong alam ko na babalik pa rin sa akin si Lucy.
Pero hindi pala lahat ng alam ko ay tama dahil sa panaginip at pangarap ko na lang pala matutupad ang mga ito.
“Yeah, I know, Hon,” wika ni Lucy nang makasalubong siya sa elevator habang may kasamang ibang lalaki.
“Lucy?” tawag ko sa kanya.
“Luigi,” gulat niyang sambit sa pangalan ko, “What are you doing here?” tanong nito sa akin na hindi ko naman kaagad nasagot dahil nakatingin ako sa kasama niyang lalaki.
“Who is he?” tanong ko rito.
“Um, this is Martin,” sagot ni Lucy sa akin, “Martin, this is Luigi,” pagpapakilala nito sa lalaking kasama niya.
“Hi,” sambit ko naman dito sabay nakipagkamay.
“And Luigi, this is Martin.”
“Hello, Bro,” sagot naman nito sa akin.
“My boyfriend,” sambit ni Lucy na kinatingin ko rito bigla.
“Boyfriend?” tanong ko.
“Yes, pare, I’m her boyfriend,” sagot na naman ni Martin.
“Lucy, what’s the meaning of this?” tanong kong bigla rito.
Alam ko nagulat si Martin nang pabiglang nagtaas ang tono ng boses ko.
“Paano mo siya naging boyfriend if I haven’t accept your break up proposal yet?” sambit ko.
“Wait, Bro,” sabat naman ni Martin.
“Don’t touch me,” mabilis kong sabi rito.
“Luigi!” sita naman sa akin ni Lucy na kinatingin ko na sa kanya, “We are done, please don’t make a scene here,” sabi nito sa akin. Hindi na ako nakapagsalita at tuluyan na lang na umalis.
Mula noon ay hindi na ako nagpakita pa kay Lucy at hindi na rin nakipagrelasyon pa sa kahit sino. Nangako ako na hinding-hindi ko papalitan si Lucy sa puso ko sapagkat siya lang ang babaeng minahal ko ng tapat at totoo.
“Bro, what are your plans now that Lucy has a new boyfriend already?" tanong ni Lein sa akin habang nasa Patio kami sa garden nila.
Umiling naman ako rito, “The Magazine,” sagot ko rito.
“Just the Magazine, Bro?” tanong naman ni Bosh sa akin na kinatango ko rito.
“Yep.”
“Ugi, if you need help just tell us,” sabi naman ni Dri sa akin.
Yes, kasama namin siya. Buti nga nabuo rin kami kahit papaano. Sobra kasing busy nitong si Dri na ultimo ata love life eh wala siya, kasi nga hindi na niya maharap pa ang mga ganoong bagay.
“Thanks, Bro, I know I can count on you,” sagot ko naman sa kanila.
Tinulungan nga nila akong maka-move on kay Lucy.
Palagi nila akong sinasama sa mga bars and escapades nila pero wala namang nangyayari, I mean, there are girls who show interest but I don’t feel the same way. Wala akong magustuhan ni isa man sa kanila. Wala kasing spark or kahit ano man akong maramdaman.
“Bro, ang dami na naming mga pinakilala sa iyo na babae, pero lahat iyon ni-reject mo lang, paano ka magkakaroon ulit ng love life kung magiging pihikan ka?” Lein asked ng nasa isang bar kami near Quezon City.
“Pare, I don’t care about girls anymore,” sagot ko rito, “I just want to focus on Bad Boy Magazine.”
Alam ko naiintindihan ako ni Lein, “Okay fine, it’s your choice, I hope you won’t regret this, Bro,” he said na kinatango ko na lang dito.
“Definitely, Lein.”
At hindi na nga ako kailanman nagkaroon ng mga interes sa kahit sinong babae na ipinakilala nila sa akin.
“So-Sorry po, Sir,” narinig kong sabi ni Krix sa akin habang naglalakad na kami papunta sa Entrance ng resort na ginanapan ng Party ng company namin, “Hindi na po mauulit,” dagdag pa nito na naging dahilan para mapaharap ako sa kanya na kinatigil niya nang paglalakad.
“Probably no more next time, Ms. Fontallo,” titig ko rito na kinatalima naman niya sa akin, “Ikaw ang secretary ko at hindi ang boss ko, you should know when to act necessarily.”
“Y-Yes po, Sir,” sagot naman niya sa akin.
Napatingin naman ako sa mga kasama namin dahil nakatingin sila sa amin ni Krix, “What?” tanong ko sa mga ito.
Hindi naman sila sumagot kaya naman ako na lang ang nagkusa upang malaman kung ano ba ang tinitingnan nila.
Napatingin ako sa posisyon namin ni Krix, ang lapit pala kasi ng mukha ko sa mukha niya.
Napalunok tuloy ako at, “Next time, follow my instructions clearly, Ms. Fontallo,” balik tingin ko rito, “Understand?”
Napalunok din siya bago sumagot sa akin, “Y-Yes, Sir.”
Umayos na ako at saka ipinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa makarating na kami sa lobby ng resort.
Lahat kami ay nag-out na at naibalik na rin ang mga susi ng mga rooms na ginamit namin. Kahit ang mga employees ko ay nagpaalam na rin sa akin.
“Bye, Sir, thank you po ulit,” paulit-ulit nilang sambit sa akin hanggang sa isa-isang nakaalis ang mga service van na ginamit nila papunta rito sa resort.
“Ms. Fontallo,” tawag ko kay Krix.
“Sir?”
“Kila Maya ka na sumabay because I have some important things to do,” sabi ko rito.
“Yes, Sir,” sagot naman niya sa akin.
“I’ll just call you if I needed something from you.”
“Noted, Sir,” tugon nito saka ito tumalikod sa akin at naglakad palayo patungo sa service van nila Maya, habang ako naman ay dumiretso na rin sa kotse ko.
Siya si Krixtine, ang personal secretary ko. Magmula kasi nang mag-resign si Jazmin dahil ikakasal na siya, siya namang sumaktong aplikante na kailangan ko kaya naman kaagad ko siyang tinanggap.
I like her since alam at ramdam ko naman na hindi siya babae.
Well, she maybe a girl outside but she possesses a male personality in the inside kaya naman okay na ako roon. At nagagawa naman niya ang mga ipinapagawa kong trabaho sa kanya. It’s just that hindi siya halatang lesby or I don’t know what is the correct term, but she is not definitely. Babae pa rin kasi siya kung manamit at kumilos, pero halata pa rin na hindi siya totoong babae.
“I need to see you, guys,” I said habang naka-conference call kanila Lein, Bosh at Dri.
“Pare naman, we are busy,” narinig kong sagot ni Lein sa akin.
“I know, Lein, but I just have an important matter to discuss with you guys, see you in a bit, bye,” at saka ibinaba ang phone call.
Ayoko na kasing marinig pa ang mga sasabihin nila. Alam ko naman kasing mag-a-alibi lang sila para hindi sila makaalis ng bahay nila. Though I know it is should be a rest day, pero they need to know what happened.
Pinaandar ko na ang makina ng sasakyan ko at saka umalis na.
Paglabas ko ng parking lot ng resort ay nakita ko si Krix na nakatayo sa may gilid habang nag-aabang ng masasakyan. Huminto tuloy ako sa tapat niya at ibinaba ang bintana ng kotse ko, “Hey, Krix,” tawag ko rito, “What are you still doing here? Sinabi ko naman sa iyo na sumabay ka na lang kanila Maya, hindi ba?”
“Um, Sir, ano kasi, um, puno na po ‘yong service van, hindi na po ako kasya,” sagot nito sa akin.
Napailing na lang ako sa sinabi niya, “Why you didn’t tell me?
“Hah? I mean, eh akala ko nga po nakaalis na kayo eh,” sagot naman niya sa akin.
“No,” wika ko naman dito, “Okay fine, hop in, ihahatid na lang kita,” aya ko sa kanya.
“Nako, Sir, huwag na po, kayo ko naman pong umuwi mag-isa eh, sanay po ako,” sagot nito sa akin.
“No more buts, may pupuntahan pa ako kaya halika na,” utos ko rito na kinatalima naman niya.
Pumasok nga siya sa kotse ko pero hindi naman sa harapan kundi sa likod.
“So, what do you mean by that?” tanong ko rito habang nakalingon sa kanya.
“Nakaupo na po ako, Sir,” sagot lang nito sa akin.
I rolled my eyes, “Bakit diyan ka umupo? I am not your driver,” sita ko rito, “Sit here with me.”
“Ah, sorry po. Yes, Sir.”
Mabilis naman siyang lumipat ng pwesto at tumabi na sa akin sa harapan.
“’Yan, magmumukha akong driver mo niyan eh,” I said.
“Sorry po, Sir,” hingi ulit niya ng dispensa sa akin.
“Yeah, it’s fine with me,” iyon lang ang naging tugon ko bago pinagpatuloy ang pagmamaneho.