PROLOGUE 3

970 Words
“Talagang hindi na ako babalik pa sa iyo, Donio!” sigaw rin na sagot ng Nanay.   “Nay!” sigaw ko rito. “Sasama po ako sa iyo,” sabi ko na yumakap kay Nanay.   “Krixtine, bumalik ka rito!” sigaw na utos ni Tatay sa akin.   Umiling ako rito.   “Nay, gusto ko sa inyo, isama ninyo po ako,” iyak ko pa rin kay Nanay.   “Krixtine, anak, hindi pwede,” sagot ni Nanay sa akin. “Hindi kita kayang buhayin, anak, dito ka na lang,” mas lalo akong umiyak at kumapit sa kanya.   “Ayoko po, Nay, sasama po ako sa inyo.”   “Krixtine, isa!” bilang sa akin ni Tatay na kinailing kong muli.   “Krixtine, halika na rito, huwag nang matigas ang ulo,” utos din sa akin ni Kuya habang patuloy ring umiiyak.   “Ayoko, Kuya,” iyak ko rin dito.   “Krixtine,” sita naman sa akin ni Nanay.   “Nanay, sasama po ako sa inyo kahit anong mangyari,” pilit ko rito dahilan para hatakin na ako ng Tatay ko.   “Bakit ba ang tigas ng ulo mo, hah?” singhal nito habang padaskol akong kinuha sa pagkakayakap ko sa binti ni Nanay at saka itinulak si Nanay.   “Ahh! Ayoko po, Tatay! Sasama po ako kay Nanay!” mas lalo kong iyak na rinig na rinig ng aming mga kapitbahay.   “Ang tigas ng ulo mo!” sigaw ni Tatay dahilan para dalhin niya ako sa kwarto at hampasin ng sinturon. “Tay, tama na po,” narinig kong awat ni Kuya sa akin habang ako ay patuloy na umiiyak.   “Jobert, tumigil ka kung ayaw mong ikaw ang hampasin ko nito,” sambit ni Tatay dahilan para hindi na magsalita si Kuya bagkus ay umiyak na lang din ito.   Patuloy akong sininturon ni Tatay na kinaiyak ko nang malakas.   “Hay*p ka!” sigaw ni Nanay pagkatapos ay pinalo niya ng kahoy na panggatong si Tatay sa may likuran nito dahilan para mapahiga ito at mapadaing. “Krixtine, anak, halika na,” tawag sa akin ni Nanay.   Itinayo niya ako at binuhat.   “Kuya,” tawag ko sa aking Kuya Jobert, “Halika na, Kuya, sumama ka na sa amin ni Nanay,” sabi ko rito ngunit umiling ito.   “Krixtine, walang kasama ang Tatay,” iyak nitong sagot sa akin.   “Pero Kuya,” iyak ko rin dito.   “Mangako kang aalagaan mo si Nanay, ah?” sabi nito na kinaiyak ko na namang lalo. “Ako na ang bahala kay Tatay, basta ikaw ang bahala kay Nanay, ah.”   Kahit ayoko ay napatango na rin ako sa sinabi ni Kuya.   “Mag-iingat ka, Kuya,” huling paalam ko rito bago kami tuluyang umalis ni Nanay.   Magmula noon ay namuhay na kami ni Nanay na magkasama.   Ilang buwan din kaming nagpalaboy-laboy sa lansangan hanggang sa dumating ang araw na may kumupkop sa amin, si ate Chona.   Siya ang tumulong sa amin ni Nanay para hindi na mamalimos pa sa daan.   Dinala niya kami sa bahay nila at doon kami nanirahan nang matagal.   Hindi lingid sa akin na may kilos lalaki si ate Chona. Sinabi ko iyon kay Nanay ngunit sinabihan niya ako na huwag daw akong mag-alala at mabait naman daw si ate Chona kahit ganoon ito.   At totoo naman, mabait naman talaga si ate Chona.   Siya ang tumulong sa akin upang maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa elementarya.   Hindi lang iyon, kapag kagaling nito sa trabaho, lagi itong may uwing pasalubong sa amin ni Nanay. Kung hindi mga bagong damit ay mga laruan ko ang kanyang pasalubong.   Mabait talaga siya, ngunit nagbago ang lahat nang malaman kong may namamagitan na sa kanila ng Nanay.   Narinig ko kasi kung paano sila maghagikhikan sa loob ng kwarto ni ate Chona isang gabi na hinanap ko sa aking tabi ang Nanay.   “Ano ka ba, huwag ka naman masyadong maingay, Salve,” boses iyon ni ate Chona, hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila sa loob. “Baka magising si Tinay sa iyo, eh,” wika pa nito.   Hindi ko alam kung ano ang talagang nangyayari kaya naman sumilip ako sa kurtina para makita sila. Ito lamang kasi ang tanging tumatakip sa bawat kwarto sa bahay ni ate Chona.   “Ano ba, Chona, nakikiliti ako,” sambit na tinig ni Nanay na narinig ko.   Dahan-dahan na akong naglakad palapit sa kwarto ni ate Chona, at saka unti-unting hinawi ang kurtina nito.   Nanlaki ang mga mata ko sa aking nasaksihan. Nakapatong si ate Chona kay Nanay habang may ipinapasok ito sa kanyang pribadong parte.   Hindi ko alam kung bakit ganoon ang kanilang posisyon.   “Nay…” naisatinig ko dahilan para mapatigil sila sa ginagawa nila at mapasulyap sa akin.   “Krixtine, anak!” Nagulat pa ang Nanay nang makita ako.   Agaran na umalis sa ibabaw ng Nanay si ate Chona at mabilis itong nagsuot ng damit, habang ang Nanay naman ay hinatak ang kumot upang maging damit niya at saka nagtungo sa akin.   “Salve, ano ba iyan!” narinig kong singhal ni ate Chona.   “Sandali lang, Chona,” wika naman ni Nanay nang makalapit na ito sa akin. “Krixtine, anak, bakit gising ka pa?” tanong nito sa akin ngunit hindi ako nakatingin sa kanya kundi kay ate Chona. “Anak,” tawag muli sa akin ng Nanay.   “Nay, ano po ang ginagawa ninyo rito?” naitanong ko rito.   Napayuko ang Nanay ko at…   “Anak, nagpapamasahe lang ang Nanay kay ate Chona, ah, halika na, matulog na tayo,” sabi ng Nanay sabay inaya ako sa aming kwarto.   Inihiga niya ako at pinatulog nang mahimbing.   Kinabukasan nang magising ako ay wala ang Nanay sa tabi ko.   Hinanap ko na naman ito ngunit wala ito sa kahit saang parte ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD