PROLOGUE 2

1091 Words
  “Bakit may kumot?” pagtataka kong tanong sa aking sarili. “Nasaan ba ako?”   Napabaling ako sa aking kanan at doon ay biglang nanlaki ang aking mga mata.   May lalaki sa kwarto ko?! sambit ko sa aking utak sabay takip sa bibig ko nang muntikan itong maglabas nang impit na pagsigaw.   Napaisip tuloy ako.   May katabi akong natulog sa kwarto?! Oh my gad! Hindi kaya-------, natigil ko ang pag-iisip ko nang pabigla kong itinaas ang kumot na bumabalot sa aking buong katawan para tingnan kung totoo ba ang iniisip ko o hindi.   Lalong nanlaki ang mga mata ko at tuluyan na akong napasigaw nang mapagtanto kong totoo nga ang nasa isip ko.   “Ahhhhh!” tili ko dahilan para mapabalikwas kaagad nang bangon ang lalaking nasa tabi ng kama na hinigaan ko.   “What?!” bulyaw nito na halos dumagundong sa buong kwarto. “Stop!” sigaw niyang muli.   Nakapikit at napatalukbong ako ng kumot. Ayokong makita kung sino ang lalaking ito.   Ang akala ko ay isang panaginip lamang ang lahat!   Mas lalo tuloy nanlaki ang mga mata ko.   “Will you shut up?!” narinig kong sambit nito na halatang nadismaya dahil nabulabog ang kanyang pagtulog. “D*mn!”   Naramdaman ko ang pagbangon niya nang tuluyan sa kama at saka padaskol na hinatak ang kumot na nakatalukbong sa akin.   Nagulat naman ako.   Gustuhin ko mang pigilan ngunit huli na ang lahat.   “Krix?!” gulat na sambit nito sa akin dahilan para mapatingin na rin ako sa kanya.   Nabigla ako sa nakita ko.   “Si----Sir Ugi?” gulat ko ring sambit dito. “A---A---An---Ano pong ginagawa ninyo rito?” matikas na boses na tanong ko rito.   “Krix? You--- You?!” gulat na gulat na sambit nito.   Nanlaki lalo ang mga mata ko nang maalala ko ang nangyari kagabi.   “Hindi isang panaginip ang nangyari?” naisatinig ko rito na kinataka naman ni sir Ugi sa akin.   “What did you say?” tanong nito. “T’was not a dream, Krix, you-----,” hindi na naman niya naisatinig ang sasabihin niya nang mapasapo siya sa kanyang ulo. “Ah!” singhal niya.   “Si-----Sir,” tawag ko rito.   “What?!” singhal na naman niya sa akin.   “Um, wala po kayong sapin,” turo ko sa kanyang pang-ibabang bahagi ng katawan habang nakatingin sa kisame ng kwarto.   “What?! Ugh!” sambit nito sabay kinuha ang kanyang damit at mabilis na isinuot. “Meet me in 10 minutes!” singhal nito sa akin bago at tuluyang lumabas ng kwarto.   Napahiga naman ako at napapikit.   Ano ba ang nangyari?!   Pilit kong inalala kung ano ang nangyari ngunit hindi ko na ito mabuo pa sa aking imahinasyon kaya naman tumayo na lang ako para mag-ayos ng sarili ng may mapansin akong dugo sa pagitan ng aking mga hita sa aking pagtayo.   Hinaplos ko ito.   “D---Dugo?” at saka ko tuluyang hinatak ang mahabang kumot. Tumambad sa akin ang mga patak ng dugo na pakiwari ko ay sa akin.   Napapikit ako at inalala na naman ang nangyari ngunit bigo akong maalala ito.   Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari, pero parang alam ko na.    Napaiyak na lang ako at napasuntok sa pader na nasa gilid ng bintana.   Ako si Krixtine, at ito ang aking kwento.   Sa edad na pito ay naranasan ko na ang magulong pamilya.   Lasinggero kasi ang Tatay ko habang ang Nanay ko naman ay labandera lang sa amin.   Dalawa lang kaming magkapatid, ako at ang Kuya Jobert ko.   Masaya naman ang pamilya namin. May trabaho ang Tatay at hindi pa naglalabandera noon ang Nanay. Ngunit magmula nang masisante ang Tatay sa trabaho, doon na nagsimulang maging magulo ang pamilya namin.   Natutong maging lasenggo ang Tatay habang ang Nanay naman na ang naghahanap-buhay.   Uuwi ang Tatay na lasing at saka magwawala, maghahanap ng pera kay Nanay, at kapag hindi siya binigyan ni Nanay ng pera ay bubugbugin niya naman ito.   Magmula noon ay hindi na kami naging masaya, hanggang sa sumabog na lang lahat kay Nanay.   “Krixtine!” tawag sa akin ng kapitbahay namin na si Aling Nelia. “Krixtine!”   “Teka lang, Luna ah, babalik ako,” paalam ko sa aking kaibigan na si Luna. “Aling Nelia, bakit po?” tanong ko rito.   Humahangos ito habang papalapit sa akin.   “Krixtine, ang Tatay at Nanay mo, nag-aaway!” sabi nito.   “Po?” gulat ko namang sambit dito.   “Oo, kaya puntahan mo na sila!”   Tumakbo ako nang mabilis upang mapuntahan ang aking mga magulang.   “Tatay, Nanay!” sigaw ko sa mga ito nang makita kong hinahampas ni Nanay si Tatay habang ito ay nakasabunot kay Nanay. “Nanay, tama na po,” pigil ko kay Nanay habang si Tatay naman ay pinipigilan naman ni kuya Jobert.   “Tatay, tama na po!” narinig kong sigaw ni Kuya kay Tatay.   “Tumigil kayo! Papatayin ko na ang Nanay ninyo!” galit na galit na sambit dito ni Tatay.   “Hay*p ka talaga, Donio!” sigaw naman ni Nanay habang patuloy na hinahampas si Tatay.   “Nay, Tay, tama na po,” iyak ko naman na para matigil na silang dalawa.   “Nasasaktan ako, Donio, bitiwan mo ‘ko!” sigaw ni Nanay habang umiiyak.   “Tay, tama na po!” iyak na rin ni Kuya habang pinipigilan si Tatay sa pananabunot nito kay Nanay.   “Ugh!” sambit ni Nanay nang maihagis siya ni Tatay sa sahig.   “Lumayas ka rito!” singhal ni Tatay rito.   Lumapit naman ako kay Nanay.   “Talagang lalayas ako!” singhal din na sagot ni Nanay rito. “Hindi ako mabubuhay rito!” at saka tumayo si Nanay papasok ng kwarto.   “Nay, huwag ninyo po kaming iwan nila Tatay,” iyak ko rito habang nakikita kong kinukuha niya ang lahat ng mga damit niya sa cabinet namin.   “Krixtine, anak, hindi ko na kaya ang pagmamalupit ng Tatay ninyo, sana maintindihan mo,” sagot nito dahilan para mas umiyak pa akong lalo.   “Nay, huwag ninyo pong sabihin iyan, mahal na mahal po kayo ng Tatay,” sagot ko rito ngunit sadyang sarado na ang kanyang isipan.   “Anak, mahal na mahal din kayo ng Nanay, pero kailangan ko ‘tong gawin,” iyon lang at lumabas na si Nanay ng kwarto dala-dala ang bag na naglalaman ng kanyang mga gamit.   “Huwag na huwag ka nang babalik ng pamamahay na ‘to, Salve!” sigaw na naman ni Tatay.   “Tay, tama na po,” muli na namang pigil ni Kuya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD