Chapter 25: Birthday

2760 Words
I barely sleept last night because it's bugging me what's with Luis. There's nothing wrong about the kissing part but what did he say? He's the happiest man in the whole world, like really? Ang pangit ko tuloy na pupuntang airport dahil kulang na kulang talaga ang tulog ko. Alas-otso iyong flight namin ni Zero kaya nag-ayos na agad ako kahit ala-sais pa lang. Mahigpit kong niyakap si Mama at pinugpog ng halik bago nakipagbeso-beso kay Tito. Napansin kong hindi pa gising iyong dalawang anak niya pero dahil mag-aalmusal kami kailangan nandito na sila. Tumayo ako at balak silang gisingin nang magsalita si Tito. "Will you sit down, Louisse?" "I'll wake up your sons--" "Should I remind you what happened earlier?" Alam ko namang mali iyong nagawa ko kasi delikado iyon but why I haven't seen any of them? Talaga bang magagawa ng Dad nilang lumpuhin sila? Mom seems shocked, hindi ata aware sa nangyari nang madaling araw. Hinawakan niya ang kamay ni Tito na nasa lamesa, pinapakalma ito. After our kiss, matagal na bumisina ang dalawa kaya wala akong nagawa kundi tumakbo na at pumunta sa kanila. Grabe iyong mga mukha nilang tutuklawin ka dahil sa nakita. They even teased me na birthday gift pala iyong kiss. Paalis na sana kami nang dumating iyong isang batalyong bodyguard at pinalibutan kami. Ibinaba namin iyong window para makipag-usap. They said na kailangan naming maghiwa-hiwalay ng sasakyan. Wala kaming nagawa kundi sumunod tsaka nakakahiya nga kasi mukhang may nag-ambushed sa amin when these bodyguards are just protecting us. Buti na lang talaga madaling araw at mga tulog pa ang mga tao. Wala namang masamang nangyari pero syempre dangerous pa rin. Malay mo, may bigla ngang um-ambushed sa amin? O baka paulanan kami ng bala? Naupo ako at itinuloy ang pagkain ng almusal na nakahain. Tiniis ko na lang ang tahimik na paligid bago dumating si Zero at binuhat iyong mga bagahe ko sa sasakyan. Nagpaalam na ako kay Mama at niyakap muli siya dahil kahit ilang araw lang, sobrang ma-mi-miss ko siya. Nagtatanong pa ito kung anong nangyari pero I chose not to answer it. Sinabi niya lang na mag-enjoy ako kasama si Zero at ingat sa himpapawid. Malungkot akong tumingala para makita kung nasa may bintana ba ng kanilang kwarto iyong dalawa. Hindi ko kasi alam kung saan sila dinala. Kumaway ako kahit hindi ko sila nakikita. I know, magiging ayos ang lahat. Sumakay na ako ng sasakyan na medyo mabigat ang loob. Dahil lang sa regalo ko, nagkagulo ang lahat. Hindi naman siguro gagawin ng Dad nila na saktan sila. Zero asked kung anong feeling ko. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung tutuloy sa byahe o babalik na lang sa bahay at aakuin ang kasalanan na ako naman talaga dapat ang parusaan. Kundi lang ako nakatanggap ng text galing sa dalawa, hindi ako tutuloy. Una kong binuksan ang message ni Karan since puro hangin lang ang alam niya at puro pang-ookray sa akin. Karan: Sky safe, Loser! Advance happy birthday, I'll greet you tomorrow too. And don't worry, we're fine. Dad loves us. Kyros: Mah sis, take care! Advance happy birthday, may you deserve the happiness that your heart desires. Sorry, we can't see you out. Don't beat yourself feeling guilty; it's not your fault. We insist of helping you out. Guess we miss having fun. We're okay, really! Enjoy your day. Kinuha ko iyong tissueng nakalahad sa harapan ko at pinahid sa luha kong kanina pang umagos. Buong biyahe akong humagulhol habang paulit-ulit na binabasa iyong text nila. Wala akong maayos na reply sa kanilang dalawa dahil para akong tanganga umiiyak pa rin. This is not the end. I swear, I'll treat them right and fairly. Nagpasalamat na lang ako at sinabing magkikita kami pagbalik ko, iyon lang ang nakaya kong i-construct sa kaiiyak ko. I'll be back and I hope we can play again. Loser will be punished. -- Natulog lang ako sa biyahe since kulang ako sa tulog. Nag-stop over kami sa Dubai at ginugol ko lang ang oras sa paggamit ng phone ko, taking picture at ipinapaalam sa Mama ko kung nasaan na kami. Nakita ko rin na maraming bumabati kay Luis. Hindi ko alam na birthday niya pala. Tsaka ko lang na-realize nang mag-story siya ng cake tapos may mga pagkain. Nag-message ako sa kaniya ng happy birthday, sinagot niya ako ng tanong na kung pwede raw kaming magkita at banggitin ko iyon sa harapan niya. Ang demanding naman ng ka-reviewer buddy ko. Natatawa akong kumabig sa paglalandi ko at sinagot na strict ang parents ko. Tumawag siya pero ni-reject ko. Hindi ko pinansin si Zero na nagtanong kung bakit ako ngumingisi at paulit-ulit na pinipindot iyong reject sa balak ni Luis na makita iyong mukha ko. I don't want to see him kasi ukha akong tang* na paga pa rin iyong mata kasi umiyak lang ako nang umiyak hanggang makadating kami sa aiport. Zero didn't ask pero alam ko na worried siya. Tinawag na iyong flight namin kaya nagmamadali akong pinatay ang phone kasi ayoko ng istorbo at tatakbong pumila. Pinili ko ang malapit sa bintana samantalang katabi ko naman si Zero. Nights are really lovely and calming. I suddenly remember the nights were Zero and I were couples. I guess memories are made for this. Years ago, we dream of travelling around the world with just the two of us and here we are, on the airplane going back to the place where it all started. We made our dream the only difference is that we're not in a relationship anymore. Natulog na lang ulit ako tapos magigising lang kapag kakain na, hanggang sa lumapag na kami. Kung hindi pa ako ginising niya, baka tulog pa rin ako hanggang ngayon. Dumating kami ng madaling araw sa Pilipinas. Mabilis akong tumakbo papalapit sa kakambal ko nang makita ko siyang inaantay ako at tumalon para mabuhat niya. "Happy Birthday, Flint Liam!" "Happy Birthday, Faith Louisse!" Tinap-tap niya ang likod ko habang sinasabi iyon. He asked if I'm crying because he noticed that I'm sniffing. Umiling ako at mas hinigpitan ang yakap ko. Hindi naman ako umiiyak dahil malungkot. This is tears of joy, na finally nakita ko na naman siya sa loob ng isang taon. "Iyakin," panunukso niya sa akin. Mabilis akong kumalas sa yakap at balak na sana siyang sungitan pero nagsalita agad siya. "You're alone, right?" Napalingon naman agad ako sa likod dahil hindi ko na namalayan si Zero. Nakahinha ako ng maluwag nang makitang walang sign niya. "Precisely," I said, feeling uneasy. Pinunasan ko iyong mata ko at hinawakan iyong balikat niya para likod niya ang makita ko. Pinulupot ko iyong braso ko sa leeg niya. "Atleast give me a piggy back!" pagrereklamo ko. Aayaw pa sana siya pero sinulsulan ko agad. "Pa-birthday gift mo na sa akin." Naiiling siyang hinayaan akong sumampa sa likod niya habang hila-hila iyong maleta ko. "You're too old for this," komento niya kasi medyo pinagtitinginan kami. Hindi naman nila alam kung gaano ako kagalak makita ang kapatid ko. Hanggang makalabas kami ng airport, sampa-sampa niya ako. Sinasabunutan ko nga siya kapag naiiyamot na siya kasi mabigat daw ako at ready na ihulog ako. Tsaka lang ako bumaba nang kailangan niyang ipasok ang mga bagahe ko sa taxi na pinara namin. "Saan ka titigil?" tanong niya. Naunang pang pumasok sa sasakyan. Hindi man lang ako pinauna. Sinabi ko iyong pangalan ng hotel that I booked two days ago. Matapos ay isinuot ko iyong seatbelt ko bago pumikit. "Should I cancel my reservation?" Umiling ako habang nakapikit. "What reservation?" I asked. Malay ko bang nag-booked din siya ng hotel na titigilan ko ng ilang araw dito. Edi nagkadoble-doble pa. "Resto," tipid niyang sagot. Mabilis akong nagmulat ng mata kasi kakain pala kami, dapat sinabi niya agad. Jetlag lang ito, pagkain iyon. "Let's go to hotel, put my luggage then we'll eat, okay?" I suggested while looking at him. Nag-aalangan man pero tumango na lang siya at kinausap ang driver. Nawala na ang antok ko at sumilip na lang sa labas ng bintana. At last! I'm back to my country. I really miss inhaling oxygen here and watching people seems happy when every day feels like sh*t. Lumingon ako sa paligid at mukhang kahit alas-singko ay talagang marami na ang nagbabanat na ng buto. Iniwan ko na lang ang kakambal ko na nagbabayad ng pamasahe namin kasama ang baggage ko at pumasok na. Dumiretso ako sa front desk at nagpakilalang nag-booked ng room sa kanila. May pinindot pa siya doon sa computer bago nakumpirma ang sinasabi ko. Ibinigay niya sa akin ang card bago nagsabing, "Enjoy your stay, Ma'am." Ngumiti ako at sakto namang nasa gilid ko na si Liam. Kumapit ako sa braso niya kahit nandidiri siya habang naglalakad papasok ng elevator. May nakasabay kami sa loob at doon ko lang naalala ang phone kong patay kasi iyong babae ay busy mag-cellphone. Inilahad ko iyon sa harap niya, alam naman na niya ang gagawin. Ilalagay niya ang local sim, adjust iyong date at time, i-save ang number niya at iba pa. Kinuha niya iyon at hinayaan kong ipasok niya sa bulsa ng short niyang suot. Kinulit ko lang siya na mukhang pagod na pagod na sa mga tinatanong ko lalo na sa part ng girlfriend. Hanggang sa makalabas kami ng elevator at makapasok sa room ko, walang palya iyong bibig ko. Hindi ko nagawang ayusin ang magulong bagahe ko dahil kinalkal ko ito. Hinahanap iyong gusto kong damit na isusuot sa pag-celebrate ng birthday ko. Ayoko namang mukhang pangit kapag kakain kami. Nag-make-up din ako para mas lalo gumanda ang view ng kapatid ko at maisipan niyang nakakasamang lalaki kapag mukhang ampalaya. Umikot ako sa harapan niya para itanong kung anong hitsura ko pero inihagis niya lang iyong cellphone ko. Bastos! Tumayo lang siya sa pagkakaupo sa couch at naunang lumabas ng room ko. Wala man lang pa-compliment na ang ganda-ganda ng kapatid niya. Ipinasok ko na lang sa maliit kong pouch ang cellphone ko, dinampot iyong regalo ko sa kaniya at hinayaang mukhang basurahan ang kwarto ko. Aayusin ko na lang mamaya. Nag-grab lang kami bago dumating sa restong sinasabi niyang nag-reserve siya. Nagulat ako nang nasa harapan na kami ng kinalakihan naming resto. Papa started this resto but now, he's gone. Ang alam ko si Tita na iyong nagpapatakbo nito. "Are you sure about this?" nag-aalalang tanong ko. Kaya pala ang lakas ng loob niyang yayain akong kumain at sa gantong oras na alas-singko pa lang dahil libre at sa restong pag-aari pa nila. "She is not here," he said pero hindi iyon nagpagaan ng loob ko. Nakipagtitigan lang ako sa kaniya bago nagkibit-balikat siya at gumaya na sa loob. Nakasimangot akong sumunod sa kaniya, unsure kung ano bang dapat kong maramdaman sa ngayon pero dapat masaya ako. Today is my birthday! Ayokong maging pangit ngayon dahil lang sa walang kwentang iniisip ko. Nagpunta kami sa second floor at sinalubong ako ng mga lobo na nagkalat sa sahig at sa taas na may tatak na happy birthday, Louisse. May nakadikit din sa pader na kung anong mga palamuti tapos sa gilid, kumakanta iyong mga naka-apron na alam mong staff dito sa resto ng happy birthday sa akin. Nawala sa tabi ko si Liam, nakita ko na lang siyang papalapit sa akin habang dala-dala iyong plato na may lettering ng happy birthday at may isang slice ng cake. Para naman tanga itong kapatid ko! I closed my eyes and wish that I can make more memories with Mom and Liam. To live long beside them and be with them kahit malayo kami sa isa't isa. I opened my eyes, agad kong nakita ang kandila na may liwanag na nakasisilaw. I smiled before blowing my candle. Inabutan niya ako ng tissue kasi walang palya na naman ang mata ko. I greeted him while handing him the perfume that I bought. I don't know if he'll love it basta bahala na siya basta masaya ako. Nahihiyang nagsalita ang isang staff na kanina pa palang nag-vi-video, tinatanong niya si Liam kung anong feeling makatanggap ng regalo sa isang babae dahil wala nga itong jowa. Natawa ako at humarap sa camera. "Mine nyo na 'to, malaki puso nito, issue lang, parang mas babae pa sa akin sa sobrang arte at sungit. Sige na, i-mine nyo na at ibibigay ko agad sa inyo ngayon din. Free shipping pa ha!" I laughed holding the plate of my cake while looking at his reaction. Akala ko live iyon pero video record pala. Nag-picture pa kami na sobrang ayaw niya bago kumain. Feeling mysterious din siya, akala mo naman talaga. Seafood iyong pinakamasarap kong nakain. Nakaka-miss talaga iyong pagkain dito. Napakwento pa ako sa kaniya at nagreklamo na once a week lang magluto si Mama, seryoso lang siyang nakikinig habang kumakain kami. "Tapos nakakainis pa kasi diba kailangan kong pumasok? Wala akong driver kasi hindi ko rin alam bakit nila inalis which is a good thing. Ang nangyari dumating si--" Agad kong nasapo ang bibig ko. "Si?" pagduktong niya sa sasabihin ko. Kinuha ko iyong cellphone ko para medyo ma-divert ang topic namin. Hindi ako magsisinungaling sa kaniya pero hindi naman dapat ipagpa-alam na driver at bodyguard ko si Zero, walang mangyayari kung sasabihin ko iyon sa kaniya. Amoy walang kwenta kapag isinama pa siya sa usapan namin. "Iyong mga anak ni Tito, lalo na iyong bunso na kasing edad ko. He keeps calling me Loser..." nagpatuloy ang kwento na parang hindi ako kinabahan at muntik madulas. Natapos kaming kumain at parehong nakaharap sa cellphone. Namimili ako ng magandang picture na pwedeng i-post pero halos lahat taklob iyong mukha niya. Mabilis kong ini-open iyong camera ko at tinawag siya. Lumingon siya sa akin saktong pag-click ko ng red button pero dahil nakaharap siya sa phone, kalahating mukha ay takip. Napakaarte niya talaga. Tumabi na lang ako sa kaniya at nag-picture nang nag-picture kahit sobrang damot niya. Inabot ko rin ang regalo ko sa kaniya at pinilit siyang buksan iyon habang nag-vi-video ako. Ang balak niya kasi sa bahay na which is ayoko. Syempre ako nagbigay, gusto ko malaman ang totoong reaksiyon niya. Natapos ang pag-u-unboxing niya na mukha naman siyang masaya. Ewan, di talaga sya expressive. Pa-simple kong ini-screenshot iyong mukha niyang may maliit na ngiti nang makita ang regalo ko at hawak-hawak niya. I opened my wifi kasi wala pala akong load at nag-compose ng message para sa story na gagawin ko na nakaplaster ang mukha niya. Inuna ko iyong picture ko, decorations, cake ko at ganap dito kasama siya at syempre panghuli iyong mukha niya. Happy Birthday to the man I love the most and my second favorite person (since Mom is my first). Thank you for the dinner date, I enjoyed it. (Hope you'll be like this every day and not just because it's our birthday) I love and miss you, Liam! Let's make more memories and stay together for as long as I live. Don't worry; I will play with your kids before I die. (You know the drill!) Enjoy the rest of the day being with a clingy but pretty woman beside you. Pagkapindot ko ng story na nakasulat, lumabas ang posting. Ang bagal talaga ng internet o dahil ba marami akong pictures na ini-story? I excused myself kasi naiihi na ako, iniwan ko iyong cellphone ko kasi baka bumagal ang internet connection. Medyo okay pa naman doon. Habang papunta sa banyo, nakangiting binabati ako ng mga staff, ngiti rin ang iginawad ko at nagpapasalamat. Nagtagal pa ako dahil nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Mukhang naparami ang kain ko ngayon. Pagbalik ko, nanuot sa ilong ko ang pabango niya, mukhang ginamit na niya. Bigla ko tuloy naalala si Luis kasi gantong-ganto talaga ang amoy niya. Mabilis kong itinago sa likuran ang kamay kong parang tangang humahawak sa labi ko because I must be crazy touching my lips, tracing our lips being collided with each other. "Someone called," wika ni Liam nang makaupo ako. Sino naman kaya ang tumawag? "Last year, it's Andrei? Andrew? Now, it's a different name," he added. Itinaas ko lang ang balikat ko dahil wala akong ma-explain. Wala rin siyang magagawa, maganda iyong kakambal niya and it's Endrick not Andrei. Tsaka hindi naman naging kami noon. Like, I said, I only consider one ex and it's the stalker, Zero the annoying sh*t! Hinawakan ko na ang cellphone ko at sinilip kung sino ang tinutukoy niya. Bigla naman akong napatango nang makita ang pangalan ni Luis. Walong segundo pa ang tinagal ng pag-uusap nila. What did they talk about?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD