Chapter 24: Happiest Man

2824 Words
Three days have passed and my exam went well. I'm very confident that I can ace some of it, iyong iba naman siguro may ilang mali ako. Today is Thursday, the moment that Luis and I agreed to return his sweater and he'll give me the perfume that is my birthday gift for my twin. Speaking of my twin, naka-blocked pa rin ako sa kaniya. Talagang isinusumpa niya ako at hahayaang idaos ang birthday naming dalawa na hindi ko man lang siya nababati. Our birthday is two days from now. Bumaba ako mula sa kwarto ko. Naabutan kong nasa sala si Mama kasama at kausap ang manok niy. Wala bang meeting or ganap si Mama? As far as I know, weekdays ngayon. "Sweetheart, I have something for you." Iginaya niya ang kamay para lumapit at pumunta ako sa kaniya. Naupo ako sa sofa at kinuha ang malambot na unan sa likod para ilagay sa lap ko. May sobre siyang inilapag sa lamesa at inilapit sa akin. "And this is?" pagtatanong ko. Hindi man lang ako naging curious kung ano iyon dahil baka panibagong ‘Zero and Louisse Getting Back Together Oplan’ na naman iyon ni Mama. Hindi na siya nagsawa. "Your birthday is coming; this is your plane tic--" Hindi ko na narinig pa at inintindi iyong sinasabi niya dahil agad kong sinunggaban iyong white envelope at sinilip ang laman. Plane ticket nga iyon pauwi sa Pilipinas. This is actually my routine for years; idadaos ko iyong birthday ko malayo kay Mama. Gustuhin ko mang mag-celebrate kasama siya pero hindi siya pwedeng lumipad basta-basta. Ayoko rin namang idaos ang birthday ko na hindi man lang nakikita ang kakambal ko. Nakakasama ko naman si Mama araw-araw samantalang once a year ko lang makapiling ang kakambal kong masama ang ugali. Kumunot ang noo ko sa bilang ng ticket na meron sa loob. "Bakit dalawa?" Ipinakita ko pa iyong papel na dalawa ang laman. "Are you even listening? Zero and you will go there and will be back, too, isn't perfect?" Sumimangot ako at inihagis iyong plane ticket sa lamesa. Bakit kasama si Zero? "It's either you celebrate your birthday here or celebrate it in the Philippines with your twin while Zero is accompanying you." Balak ko pa sanang umapela pero nagsalita agad siya. "Not buts, remember that he's your bodyguard and driver. He should protect you 24/7." Tumayo ako at kinuha iyong plane ticket na para sa akin. Mag-iimpake na ako ngayon dahil nakalagay na bukas ang lipad ko. I'm not expecting anything. Usually kasi hapon iyong lipad ko , kaso ngayon lang medyo naiba, maaga iyong nakalagay. Padabog akong naglakad sa hagdanan at nakasalubong ko na pa si Karan. "Advance happy birthday! May loser will stay away from you." He even tousled my hair. Wala sa sariling pinakyuhan ko siya habang nagpapasalamat. Wala na nga ako sa mood dahil kasama ko si Zero na babyahe tapos dumagdag pa siya. Nagulat siya sa ginawa ko at mabilis na napataas ang dalawang kamay hudyat na suko na siya, ika nga surrender na. Umirap ako at itinuloy ang pag-akyat. Malakas kong sinarduhan ang pinto para maramdaman ni Mama na galit ako. Ayoko namang magalit tutal mapapalayo ako sa kaniya ng ilang araw pero hindi ko maiwasan. Normal namang umuuwi ako sa Pilipinas kapag birthday ko at mag-isa pa ako noon. Tapos ngayon, dumating lang si Zero, dapat nakaprotekta siya sa akin? Pinapanood iyong galaw ko? I texted Elle na magkita kami at kumain sa labas kasi hindi ko naman na siya makakasama sa araw ng kapanganakan ko pero ang chismosa, tinanong ba naman ako kung totoo bang absent ako ngayon. Napag-usapan kasi naming absent ngayon tsaka katatapos lang ng exam, wala naman sigurong ipagagawa agad pero hindi ata siya naniniwala. I faced time her para ipangalandakan na absent nga ako at kahit hindi niya sabihin a-absent talaga ako. "I'll treat you out, let's eat." Ibinaba niya iyong phone kaya ang nakita ko tuloy ay kisame nila. Ito talagang si Elle, minsan hindi ko na rin maintindihan. Hindi naman nagtagal nakita ko rin ang mukha niya na may hawak-hawak na clear bowl at may lamang green veggies. "I'm already eating," she said bago malaking isinubo iyong mga kulay green na gulay. Mukhang makakatipid ako ngayon. "Fine, guess, I don’t need to buy your favorite milktea with tapioca pear---" "I'll take a shower, be there. Love you!" Siya na ang pumatay ng tawag kasi excited. Basta milk tea, siguradong walang palya siya. Nag-text ako kung saang shop kami pupunta. Nag-search pa ako ng masarap na milk tea shop na hindi pa namin napupuntahan para lang matuwa siya at ma-treat ko. I asked kung dadaanan ko ba siya at sasabay na sa akin papunta roon pero sabi niya ang kapal raw ng mukha kong maliitin ang driver at sasakyang meron sila. Napapailing-iling na lang ako sa acting niya. Iginugol ko na lang ang oras sa pag-iimpake dahil kaliligo ko lang. Iyong mga komportableng damit ang dala ko at nagsama lang ng dalawang dress at heels if ever man may emergency at para na rin kapag nagpunta akong airport, may makasalubong man ako, well-presented pa rin. Natapos akong mag-ayos ng dadalhin saktong nag-ring iyong cellphone ko at tumatawag na si Elle, ipinapaalam na paalis na siya ng bahay. That's my cue to also leave the house. Kahit galit ako, I still inform my Mom na makikipagkita lang ako kay Elle. Baka mamaya kasi, mag-alala siya. Natulog lang ako buong byahe dahil ayokong kausapin si Zero. Feeling ko kasi pagagalitan niya ako na hindi dapat ako magalit sa mama ko. Siya talaga iyong may kasalanan bakit ako ganito kay Mama. Kung hindi sana siya nagpakita, edi masaya iyong buhay namin. Nagising ako sa lakas ng tunog ng cellphone ko dahil tumatawag na naman ang reyna. Bumungad sa akin ang boses ni Elle na tinatanong kung nasaan na ako dahil nasa loob na raw siya. Lumingon muna ako sa paligid para malaman kung nasaan na kami. Sinagot ko siyang malapit na ako. "I'll order na since you hate waiting. Tama ba, as usual?" "Yeah!" Kahit hindi niya kita, tumango ako. This is why I love her. "Okay, see you b*tch!" Gaya kanina, hindi niya ako pinagsalita because she ended the call. Nagmamadali akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa shop. Sa lakas ng boses ni Elle sa pagtawag sa akin, halos lahat ng tao napatingin sa akin. Parang tanga! Nag-usap lang kami tungkol sa exam at mga ibang bagay pa. Bago kami maghiwalay tsaka niya lang tinanong kung anong meron at napalibre ako. Hindi ko na siya sinagot at sumakay na lang ng sasakyan. Rinig na rinig ko pa ang pag-irit niya na pogi itong driver ko. "Happy to see you making a friend," paninimula ng topic ni Zero. Umirap ako at pumikit na lang, giving him the signal na ayoko siyang kausap. When lunch came, my anger didn't subside. At ang nakakainis pa parang wala lang kay Mama ang nangyari. Hindi big deal kasi tuwang-tuwa pa siya. May pag-comment pa siyang 'they look good together, right?’ habang kumakain kaming lahat except sa Dad nila na may ganap ata ngayon. Nagkibit balikat si Kyros samantalang iyong epal na isa, napatanong kung wala na raw ba kami ni Luis. I almost forgot na nagkita nga pala sila at sumaludo pa sila sa isa’t isa. "I'll meet him tonight before I leave." Dumaan ang gabi at inaantay kong mag-online si Luis but he never did. Hala? Nakalimutan niya ba? Paano iyong perfume ko? Kung pera ang problema, babayaran ko naman siya tsaka nakalagay na nga sa sweater niya iyong pambayad. Wala pa naman akong back-up plan. Pabalik-balik akong naglalakad sa kwarto ko, umaasang tatawag siya. Wala kasi kaming napag-usapan tungkol sa lugar. And for the past days na may exam, natigil iyong pagiging review buddy namin. Wala namang problema sa akin dahil baka busy siya and it's not like siya lang ang pwede kong ka-video call. Nag-vibrate iyong phone ko at pagtingin ko, disappointed akong makita na hindi si Luis iyong tumatawag. "When is your flight?" Sumimangot ako dahil sa bungad na tanong nito. "Thank you sa pag-unblock ha? Sobrang na-appreciate ko." Hindi siya tumawa at seryoso lang na tumingin sa akin. Itong mukhang ito, boy version ko ito. Kaya minsan, napapaisip ako na bukod sa pagiging hotdog, minsan gusto ko na lang maging lalaki lalo na kapag I have my red days. "What NAIA teminal will you land? I'll pick you up." Tumango ako at iniharap sa camera iyong plane ticket ko para makita niya at masagot ang mga tanong niya sa buhay. "You'll arrive here exactly the day our birthday." "Yep! And for one last time, anong gusto mong matanggap?" tanong ko. Umiling siya at may inabot bago nakita kong kumakain na siya ng chips. I asked him kung siguradong-sigurado na ba talaga siya. "Yeah, safe sky, I'll wait for you here," sabi niya na seryoso ang mukha. Nagpaalam na rin kaming dalawa sa isa't isa. Nagmamadali akong nagpunta sa profile ni Luis pero wala pa rin siyang reply. Mukhang hindi pa siya nag-o-online mula kanina pa. Umasa pa naman ako! Hindi ko namalayang nakatulog ako kaaantay na mag-reply siya. I actually bombarded him kada minutong lumilipas. Nakakainis kasi! Sabi naman niya ibibigay niya sa akin. Fortunately, siya na itong tumatawag ngayon. Hindi ko na inabalang i-open ang camera ko dahil mapangit pa ako. Magkikita rin naman kami. "Are you still up? I'm sorry, I forgot. Things have been hectic lately." Lumingon ako sa wooden clock at nakitang kalahating minuto na lang at Biyernes na. This is weird, really! "Send me your address, I will be there." Tumayo ako at nagdiretso sa banyo para maghilamos man lang ng mukha. "I can fetch you." "Nah, I have my bodyguard and driver." Hindi ko na nagawang maligo o magpalit ng damit. Satin-dress na kulay puti iyong suot ko at pinatungan ko na lang ng malaking coat dahil medyo malamig ang simoy ng hangin. Well, bear months na kasi. Isa pa, baka isipin niya talagang inaakit ko siya, well, partly pero kailangan ko munang problemahin ang pamango ko bago makipagsayahan sa kaniya. Pagkatapos ng tawag, agad na nag-send siya kung saan ako dapat pumunta. Wala na akong inaksayang oras, dinampot ko iyong paper bag at lumabas na agad ng kwarto. Nakasalubong ko pa si Loser na Karan na gulat na gulat na gising pa ako pero hindi ko na siya pinansin at tatakbong bumaba ng hagdan. Nang makarating sa parking lot, tsaka ko lang na-realize na wala si Zero. Hindi nga pala siya natutulog dito. Sinong driver ko ngayon? Para akong tangang kinakagat iyong daliri sa hinlalaki habang nag-iisip kung paano pupunta nang sumulpot si Loser at iyong panganay pa. "Been watching you for a minute and you make me dizzy," pagrereklamo ni Karan. Nag-ilaw naman iyong utak ko. Marunong naman magmaneho ang dalawang ito. I guess, pwede silang driver. "You can drive, right? I need to go here." Inilahad ko sa harap ng mukha nila iyong cellphone ko na may address na kailangan kong puntahan. "No! Dad might kill us." "Yeah, it's also midnight, bodyguard and driver are also human, and they need to sleep." Kinuha ko ang phone ko. Well, I have no choice; I'll just send the address of my house to Luis. Wala namang masama roon. Si Zero nga nakakalabas-pasok, bakit hindi pwede si Luis? Tsaka harmless naman siya. "This is better be important because life is on our stake. Just pray that Dad will spare us, after this." Hinablot ni Loser iyong phone sa kamay ko, naunang pumasok sa kotse at naupo sa passenger seat. "You're the eldest, you should drive." Turo niya sa kuya niya. Napakamot na lang si Kyros sa ulo at pumasok na rin. Sumunod ako sa kanilang dalawa at naupo sa backseat. "Dad will wake up if he here this sound. Bodyguards will swarm over us and follow us like we did a very serious crime. Prepare yourself,” pagbabanta ni Karan. Naisip ko na rin iyan. Sino bang hindi magigising sa ingay ng kotse to think na kami lang iyong nakatira sa lugar na ito. Malamang, magigising talaga sila. "Hold tight, this is very important." Pagka-start pala ng engine, alam na naming may nagising sa mga natutulog. "Let's go, shall we?" Para kaming mga tangang humihiyaw nang makalabas ang sasakyan at agad na nagising iyong ilang bodyguard na hinahabol kami pero dahil paa ang gamit nila, bigo sila. I even saw one car following us. Grabe, ang bilis nilang kumilos. Talagang sulit ang bayad at walang sinuman ang makakalusot sa kanila. Paiba-iba iyong daan na dinaanan namin para lang maligaw iyong isang sumusunod. Feeling ko, expert na talaga sila tumakas. Kabisado nila ang daan sa kung saan lulusot at lalabas. "Are you doing this every night?" pagtatanong ko. Lumingon sa akin si Loser samantalang seryosong tumingin sa rear mirror si Kyros na busy magmaneho para makita ako tapos sabay silang tumawa. "You might be shocked to see us not able to walk if we do it every night. Just a little bit of spice is what we needed, right dude?" "Yeah, don't worry, dad is nice, he's just protecting us. Though, it suffocates us but what can we do? We don't really know his true feelings." Sumang-ayon ako. Wala talaga tayo sa lugar para magsalita not until alam natin ang buong istorya at nararamdaman ng isa. "But hey! Isn't today is your flight to the Philippines? "Right! It's always this day, once in a year. Why are you going here instead of the Philippines?" I laughed, napaka-observant naman nila. "I have to meet someone for the birthday gift I prepared for my twin." "And that's that bastard? Luis Savvidis?" I didn't know na nandito na agad kami. Nasa labas si Luis at nakasandal sa may gate nila hawak iyong cellphone at palinga-linga. Lalabas na sana ako nang pigilan nila ako. "If something bad happens, run and if you get caught shout as loud as possible." Tinapik pa nilang dalawa iyong balikat ko bago ako hinayaang bumaba ng sasakyan. Natatawa na lang ako kasi I didn't know na okay din palang kasama ang anak ni Tito. Akala ko kasi puro kayabangan lang ang alam ni Karan na loser at trying hard naman iyong panganay. Mabilis kong sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri ko. Ngayon ko naramdaman ang lamig ng simoy ng hangin kaya mahigpit kong niyakap ang sarili habang naglalakad. Buti na lang pala naka-crocs lang ako para kung may masama ngang mangyari, I can run. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa dalawang iyon. Tinawag ko iyong pangalan niya para makuha ang atensiyon niya. Nakangiti akong kumakaway sa kaniya. Hindi naman na malayo ang lalakarin niya pero mamamatay na ata ako sa lamig. Seryoso siyang lumingon at mukhang nag-isip pa bago tuluyang lumapit sa akin. Itinulak ko ang paper bag na hawak ko sa dibdib niya. "Here's your sweater, where's my perfume?" Tinanggap niya iyon at inilahad sa harapan ko iyong itim na paper bag. Mukhang mamahalin talaga. "How should I pay you?" tanong ko, tho, bayad na naman ito. Sumilip siya sa cellphone niya. "Can you wait for a minute?" Nilalamig na ako sa simoy ng hangin tapos may gana pa siyang pag-antayan ako. Siya nga itong may kasalanan kung bakit kami inabot ng gantong oras. "Anyway, thanks for this. He'll surely lo--" Hindi ako naka-react when he immediately pulled me to him so he can hug me. "He--" Hindi niya ako pinatapos sa sasabihin. "This is the payment, just a minute; let's just stay like this for a minute." Grabe yakap lang? Buti na lang talaga itinago ko iyong pera sa ilalim ng sweater para hindi niya makita. Mukhang ma-gu-guilty ako na ang mahal nito tapos yakap lang iyong gusto niyang ibayad ko. Natawa ako nang bumisina iyong dalawa. Mukhang kailangan ko ng umalis. Tinapik ko iyong balikat niya para matauhan siyang tapos na ang isang minutong yakap. "You're really small," he said when he released me. Ngayon niya lang pala ako nakitang naka-flats lang. Bumisina na naman iyong dalawa. Lumingon ako sa kanila at itinaas ang kamao ko. Papunta na nga ako, mga hamit! Bumalik muli ako kay Luis. "Thank--" Again, he cut me off by grabbing the back of my hair, pulling it to him like how he did when we share our first kiss in his car. My heart beats loudly to his sudden move. I’ve been horny over his lips for days but now, this is it. The heaven he called. He slowly claimed my lips like it was the precious and fragile thing in this world. It feels like he's happy and delighted to see me. I don't know. Masaya lang ako na natikman ko na naman ang labi niya. I can even saw some fireworks just by brushing his lips to me. "Thank you for making me the happiest man on Earth," he said in between our kisses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD