Chapter 23: Goodluck

2192 Words
Naalimpungatan ako sa pagtulog kaya I end up waking up early in the morning. Ala-sais pa lang pero gising na ang diwa ko. Inalis ko iyong sleeping mask at kinuha ang cellphone ko sa bed side table. Power bank is really useful dahil hindi katulad ng dati, buhay na buhay ang cellphone ko. Tumambad sa screen ko ang side profile ni Luis na mapayapang natutulog. Nakatabon kasi ng kumot iyong labi niya kaya noo, mata at ilong lang iyong kita ko which is nakatagilid. I minimize it and went to my inbox, umaasang matino nang mag-re-reply iyong kakambal ko. Halos mabunutan ako ng tinik nang makatanggap ng message sa kaniya at sakto pang online siya. Hindi kasi tugma ang time frame namin kaya napaka-rare namang magkatagpo kami at ayoko ngang ibahin ang body clock ko para lang sa kaniya. Mahal ko siya pero not to the point na masasakripisyo ang tulog ko. Nakasimangot ako habang binabasa iyong dalawang salita na sinend niya. 'Kahit ano' at wala ng kaduktong pa. Nag-inat muna ako bago tumayo at lumipat sa study table ko. Tinawagan ko siya dahil nakita kong online siya at if ever man na naglalaro siya ng online games, saktong balak ko talagang guluhin siya. I opted to turn off my camera and microphone sa video call namin ni Luis. Pero ang gag* kong kakambal, pinatayan ako. "Accept my call!" I hissed, saying what I want while typing it. Nakailang send pa ako ng mura sa kaniya sa sobrang inis. Ang content ng message niya busy siya at ano raw ba ang balak kong sabihin. Gamit ang laptop, nag-picture akong nakapakyu and send it to him. Ang loko, he blocked me. Ganoon pala, ha? I swear, hindi ako pupunta sa birthday niya. Manigas talaga siya. Tumayo ako at nag-ayos na lang ng sarili. Took a shower, brush my teeth, had a hard time choosing what to wear and walk out of my room carrying my phone with an on-going call to someone whose name is Luis. Sinalubong ako ni Mama na kasama iyong asawa niya sa kusina. Binati nila ako at ganoon rin ang ginawa ko bago naupo sa silya ko na katapat ni Mama. Lumapit agad sa akin iyong maid at tinanong kung anong gusto ko. Tiningnan ko kung anong kinakain nila at mukhang hindi ko gusto. I just asked for a salad since napaparami iyong junk foods ko. Kahit malandi ako, gusto ko pa naman humaba iyong buhay ko, basta makasama ko lang ang mama ko. "You're early for the exam," Tito commented. Obviously! Kaya nga nandito ako sa harapan niya. "I'll ace it, you don't need to worry," pagmamayabang ako. Pinanlakihan naman ako ni Mama ng mata hudyat na mag-tone down at gumalang sa asawa niya. Agad ko namang kinabig iyong sinabi ko kasi nalimutan ko na ang nagbayad ng tuition ko ay si Mama. Which is literally, galing din sa asawa niya. I don't know, mukhang okay na sa kaniya iyong course ko, tanggap na siguro kasi binigyan niya pa rin si Mama ng pera. Namisahan niya lang ako na maaga pa at pwede pa akong magpalit ng course. Akala ko naman tanggap na niya. Akala ko lang pala. Sumalo sa hapagkainan iyong dalawang anak ni Tito. Wala naman akong kaso kung sumabay sila pero infairness, napansin kong medyo tanggap na ata nila kami. Dati kasi, noong unang taon, hindi sila pumupunta rito pero lately, bumabalik sila rito at minsan natutulog pa. May nakalaan namang kwarto para sa kanila so no worries. Binati nila si Tito bago medyo may pananakot pa si Tito dahil hindi man lang binati si Mama. Napilitan tuloy silang batiin at makipagbeso-beso. Serves them right! Ginulo noong panganay na si Kyros ang buhok ko habang binabanggit ang 'good morning, mah sis.' Kumaway naman na nakangiti iyong pangalawa na si Karan. "Prepare to fail, Loser!" Hindi pa siya nakuntento at nag-thumbs down pa. Loser his face! Malinaw pa sa patak ng ulan kung paano hindi niya matanggap na loser siya sa akin noong naglaro kami. Natahimik lang siya habang natutuwang tinatawag siya ni Kerr ng loser. "We can play again and we'll see who’s the loser." "Merely luck," he replied. Sarap pilipitin ng leeg. Lumapit ulit iyong maid at tinanong kung anong gusto nila. Sa gilid naman iyong Chef na seryoso lang nagmamasid sa amin. Nakakamangha kasi mukhang nagtagal siya. It's been three months at hindi pa rin nagpapalit si Tito ng Chef. Baka nagbabagong buhay na siya. Good for him, sana magtuluy-tuloy na. Hindi naging mapayapa iyong pagkain ko ng almusal dahil sa kanilang dalawa at dahil pareho kaming tatlo ng schedule ng exam. Naglaro kami at pinagkaisahan nila ako. One to one pero iyong nangyari two is to one, to think na babae pa ako. Kung hindi lang nagsalita si Mama na tumigil na kami at mag-relax dahil exam day, makaka-third round pa sana. "Two time loser!" I didn't bother answering Karan at dumiretso na lang sa kwarto ko. Hindi ko namalayang lumipas ang oras at alas-otso na agad. Nag-almusal lang naman ako bago naglaro pero dalawang oras na agad iyon? Iniharap ko ang phone na nasa may dibdib ko dahil ngayon ko lang narinig ang boses ni Luis na bumabati sa akin. In-open ko muna iyong mic at camera bago bumati rin. Mukhang kanina pa siya gising at nakaligo na rin. Nakita ko kung paano siya mabilis na naglalakad. Rinig ko pang tinatawag siya ng Dad niya na kakain pero sinabi niya lang na late na siya. "You didn't tell me that your schedule is early in the morning." Kung alam ko lang, bakit ko pa siya tatanungin ng sandamakmak? Edi sana pinatulog ko na lang siya para fresh at hindi siya kulang sa tulog na haharap sa exam. "Don't want her to be disappointed." Pumasok na siya sa kotse at inilagay sa may harapan ang phone. "Her? Your Mom?" Kahit naman ako, ayokong ma-disappoint si Mama sa akin. I want to make her proud. Huwag lang sa part na proud siyang tama ang desisyon kong makipagbalikan kasi malabong mangyari. Walang chance sa aming dalawa. Natigilan siya sa pagsusuot ng seatbelt sa sarili bago umiling. "My girlfriend is expecting me to do well." I thought he is referring to his Mom. "Whoever she is, may your girlfriend rot in hell for pressuring you." He just laughed then he starts maneuvering his car. Inilagay ko ang phone sa may study table and connect it to my air pods dahil mag-aayos ako ng bag na dadalhin ko. Since, magsasagot lang naman, I should bring a small bag that can fit my ballpen, my wallet and my phone. I settled sa isang maliit na pouch na kulay black at may chain sa gilid. This would do. "Should I review you while you're driving?" "No! Not a good idea," agad niyang sagot na para bang pinagbabawalan akong guluhin ang pagkakapatas ng mga content sa utak niya.Tumawa ako, mukha siyang takot na takot na baka mali iyong mga memorize niyang reviewer. Inilagay ko iyong mga gamit ko sa pouch at nagpunta sa walk in closet ko at kinuha iyong paper bag na matagal nang nakalagak doon. "I'll bring your sweater, don't forget my perfume." "Can't meet you today, I'll give you the perfume on Friday." Tumigil ako sa paglalakad at nagkwenta ng araw. Friday? My exam will end in Wednesday at wala na akong balak pumunta sa school pa. "Can you make it before Friday?" He just make sound. Iniwan ko naman iyong paper bag at bumalik sa study table ko para makita iyong mukha niya. I need to have that thing before Friday, that's four days from now. "I can go to you, tell me your address and I'll be there, knocking at your door," panunuyo ko. Naupo ako at seryosong nangungusap na sana pumayag siya. Huwag lang talaga sa Biyernes. Wala na ako sa lugar na ito kung sakali man. Nagawa pa niyang sumilip sa mukha ko bago bumalik ang tingin sa kalsada. "I can wait but not Friday. I really need that perfume,” pag-e-explain ko. "Alright, are you free on Thursday night?" Nabunutan ako ng tinik nang marinig ang sinabi niya. "I'm free every day except this coming Friday, so deal? Thursday night, we'll meet and exchange your sweater to my perfume." "You sound excited." Napansin niya pa iyon? I can't wait for Friday to come. "You have no idea!" I exclaimed. Hindi na siya sumagot at tumawa na lang. How about my payment? Should I pay him in cash or ask him for his account and I'll just deposit it? Mukha pa namang siya iyong hindi nagpapabayad. Siguro ilalagay ko na lang sa paper bag kasama iyong sweater niya para walang masabi. Pinanood ko siyang lumabas ng sasakyan niya, naglakad papasok sa gate, nag-tap ng id para makapasok, pinagkaguluhan ng mga fans niya kaya agad akong nag-turn off ng camera. Baka masilip nila kung sinong ka-video call ng mahal nilang si Luis. Ayoko ng away, landi lang iyong habol ko. Nag-off rin siya ng camera kaya nakita ko kung ilang oras na kaming magkatawagan. It has been eleven hours, twenty-six minutes and forty-eight seconds in my screen that our call is taking over. I screenshot our call, taking it as a remembrance. I never knew ganoon katagal kaming magkausap. Tho, not every seconds or minutes but still nakatagal kami. Sa pagkakaalam ko around nine siya tumawag kagabi talos natulog ako nang quarter to eleven and here we are, going strong. Hindi na ako nagsalita at hinayaang marinig ang mga kumakausap sa kaniya. I turn off my mic and laughed silently nang marinig ang ilang babaeng nilalandi siya. This guy, napaka-famous niya. Isa talaga siyang malanding nilalang. Wala naman kaso sa akin kung mambola siya, really not my business. Hindi naman ako katulad ng ilang babae na nalandi lang, feeling agad may label at may right para magselos at angkinin iyong lalaki. Like, know your place, my fellow women. Tamang landi lang tayo, wala tayong karapatang magalit. Napangiti ako nang mag-notif iyong mga chat sa akin ng mga kapatid ko. Halatang miss na miss na nila ako, mga hindi naman tumutupad sa pangako. Inisa-isa kong reply-an sila bago bumalik ulit kay Luis. "I need to end this call," he said na para bang nagpapaalam pa sa akin, humihingi ng permiso ko bago niya gawin. I open my cam and microphone. "Goodluck and Godbless!" I waved my palm while smiling hanggang sa mawala iyong mukha niya sa screen ko. Hinawakan ko iyong leeg ko at iniikot ang ulo ko na medyo nakaramdam ng soreness at nag-stretched ng kaonti. Nag-alarm ako ng oras bago excited na tumalon sa kama ko at dahan-dahang ipinikit ang mata. Sayang naman iyong oras, I'll sleep for now. Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Pinatay ko ang alarm nito at kinusot ang mata. I've slept for an hour and that's not bad. Nabawi ko iyong dapat na alas-siyete kong gising kasi I always need to sleep for 8 hours. Since, eleven ako natulog, dapat gigising ako ng seven but I end up waking up six in the morning. It's quite weird to see Zero in my dreams. Buti na lang talaga nagising ako. Baka manlagas ang buhok niya at maging kalbo na sa panaginip ko. I relaxed myself bago naligo ulit at nag-ayos para sa exam. Start pa lang naman ng exam pero maganda na agad na ayos ang simula ko. Ayokong masanay na babawi na lang sa susunod na exam until bumagsak na talaga ako. I almost had difficulty choosing kung anong isusuot ko nang maalalang may school uniform nga pala na nakalaan. Medyo bobo ako sa part na iyon. Nag-black shoes ako na may sukat ang takong na tatlong pulgada ang taas. Nakailang ikot ako sa salamin bago napagpasyahang bumaba na para kumain. Isang oras ang nakalaan bawat subject kung kaya tatlong oras lang ang ginugugol sa exam dahil tatlong subject ang nakatoka sa bawat araw. Nakadepende rin pala sa subject ang oras. Ang sabi nila, isa at kalahating oras ang para sa Matematika pero dahil wala naman akong naka-schedule na subject na ganoon ngayon. I am free to say tatlong oras akong magtitiis. Wala iyong break time at dire-diretsong pagsasagot. Tho, meron kapag napaaga makatapos magsagot but that's it. Hinayaan kong sumabay si Zero na kumain sa akin ng lunch dahil wala naman si Mama rito. May kailangan siyang attend-an na event or what. Kailangan ko na lang magtiis kasama ang stalker na ito. "I heard it's your prelim today. I know you can ace it, fighting!" Nag-aja pa siya bago ngumisi. Tipid akong sumagot ng salamat. Gulat pa akong sumabay iyong dalawang kapatid kumain. Nakasuot na rin sila ng uniform na may tatak ng school. Hindi nila ako napansin dahil busy silang nagsasaulo. That is why I hate cramming. Nang matapos akong kumain, tsaka lang nila na-realize na buhay pa ako at humihinga. Si Kyros ang bumati sa akin at nagsabi pa ng goodluck samantalang iyong isa, walang sawang nagsabi ng "Pray that heaven will side you again, Loser." Nagbigay pa ako ng blessings ng word ko para sa aming tatlo bago tumayo. I'll ace it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD