Chapter 13: Aftermath

2461 Words
"I didn't sign up for you to be my driver." Inis kong inalis iyong helmet na sinuot niya sa akin. at itinulak ito sa dibdib niya. Ang hilig niya talagang guluhin iyong buhok ko. Kinuha niya iyon bago isinuot ulit sa akin. "Safety first," wika niya bago itinaas iyong face shield para makahinga ako ng maluwag at makita siya ng malinaw. Hindi naman ako bobo o pabebe. Ilang beses na akong nakasakay sa motor pero I can't hop in. Not now na hindi appropriate iyong suot ko. Mabilis kong hinawakan iyong damit niya para marinig niya ng maayos ang sasabihin ko. "I'm wearing a dress." Seryoso lang iyong mukha niya nang marinig ang sinabi ko. Hindi naman talaga nakakagulat kasi obvious na suot ko nga pero sana aware siyang lilipad iyong dress ko at maraming makakita ng parte ng katawan kong hindi naman pang-public viewing. I hate to admit na isa ito sa disadvantage ng pagsusuot ko ng gantong klaseng damit. Yumuko siya para magpantay iyong mukha namin bago pinasok iyong kamay sa loob ng helmet mula sa baba ko. Akala ko kung anong gagawin niya. I-lo-lock niya lang pala iyong strap sa may chin ko para hindi magalaw kapag nasa biyahe na kami. "I have shorts,” suhestiyon niya. Agad ko siyang sinagot na hindi pwede. Mukhang akong tanga kapag sinuot ko iyong shorts niya to think na ang laki-laki pa. Baka nga pedal na iyon sa akin. Matapos niyang masigurong safe na ang helmet na suot ko, nangunot naman ang noo niya kasi tinaggihan ko iyong shorts niya. Pwede naman sigurong umutang na lang? Pera lang naman iyon at barya lang ata sa kaniya. Ibabalik ko naman kapag nagkita na kami. Pero wala akong lakas ng loob mangutang at sa lalaking ito pa? Baka mamaya i-post niya ang mukha ko with a caption na wanted kasi hindi nagbabayad ng utang. Sandali nga lang! Kelan ko ba sinabing payag akong sumabay sa kaniya? Sinabi ko bang okay sa akin na ihatid niya? As far as I know, pinilit niya ako. Should I reject him? Pero baka siya na ang pinadala ng Diyos nang humiling ako na may pumatak na pera. Tsaka magiging choosy pa ba ako? "Do you have sweater?" I asked. Pwede namang ipulupot sa binti ko iyon para hindi tumaas-baba dahil sa lakas ng hangin ang dress ko. Wala siyang pasabing tumalikod at mabilis na tumakbo papasok ng gate. Ano namang gagawin niya? Tinanong ko lang kung may jacket o pangtakip ba siya tapos bigla siyang tumakbo? At least, sumagot man lang siya nang wala o meron hindi iyong nangangapa ako kung anong meaning ng pagkilos niya. Aantayan ko ba siya o magsisimula na lang akong maglakad habang maaga pa? Hinawakan ko iyong sagabal sa mukha ko at pinilit na tanggalin pero bigo ako. Nalimutan kong may pinindot siya sa may baba ko para ma-lock. Kinapa ko iyon at mukha akong ewang inaalam kung paano alisin iyon. This is freaking chin strap but how can I unlock this? Ganito ba talaga ka-complicated ang mga helmet? Napilitan akong ilagay ang cp ko sa loob ng bag ko para dalawang kamay na ang mag-figure out paano alisin ito. This is so annoying! Hindi naman ako mangyan pero paano ba ito? Halos mapatalon ako sa gulat nang malakas na tumunog iyong cp ko. Hindi ko siguro namalayang napindot ko iyong volume button habang nag-ta-try alisin itong napaka-annoying na lock na ito. I gave up at itinuon na lang ang pansin sa tumatawag. I can't even put my phone sa tenga ko dahil sa nakakainis sa helmet na suot ko. Ipinilit kong ipasok sa helmet mula sa may leeg. "Are you near?" Gustong-gusto kong umirap sa tanong ni Kerr. Ang annoying na nga nitong helmet, dumagdag pa siya. "Almost there," pagkukunwari ko. "But your location says--" "Stuck in a traffic jam, don't worry, I'll be there soon, we'll play non-stop." Hindi na niya ako pinagsalita at pinatay na agad ang tawag. Kinakalma ko ang sarili kasi bata lang siya. Kapatid ko iyon, I just need to understand him. Saktong dumating si Luis na medyo pawisan bago ipinulupot iyong sweater na pang-university sa bewang ko. Tumakbo ba siya para kunin ito? But he can say na wala, okay lang naman sa akin. Kasi if ever man, uutang na lang talaga ako sa kaniya. Wala siyang salitang binatawan at seryoso lang na inaayos sa pagkakatali ng sweater sa bewang ko. Habang pinagmamasdan iyong mukha niya, rinig na rinig ko ang tunog ng red flag sa loob ko. Masama ito. Humakbang ako ng patalikod para makalayo sa kaniya. "That's fine," I said and look away. Nagulat ako sa biglaang pagbaba niya ng face shield ng helmet bago medyo tinampal iyong helmet ko, na parang ‘good to go’ na. "Let's go," ani niya bago tumalikod at sinuot iyong helmet niya at sumampa na sa motor niya. Iniikot ko muna iyong pagkakapulupot niya ng sweater sa bewang ko dahil hindi naman puwet iyong kailangang takpan kundi harapan. After it, wala akong nagawa kundi sumunod at kumapit sa balikat niya para makaangkas. I'm not sitting na nakabukaka, I settled na parang upong prinsesa habang inilagay ang handbag ko sa may kandungan para may extra harang sa legs ko if ever man bumilis ang takbo namin. "Done?" Lumingon siya sa akin at doon ko napansing hindi nakababa iyong face shield niya. Gaya ng ginawa niya, basta ko na lang ito binaba. "Yes, now move!" I said, smiling. Natigilan siya ng ilang segundo bago nakabawi at napapailing na pinaandar ang motor niya. Mahigpit akong nakahawak sa balikat niya habang ang isang kamay ay nakahawak sa handbag ko. Napangiti ako ng makita sa sweater niya ang pangalan ng school kung saan siya pumapasok. Hindi ko kasi iyon napansin kanina. Tumigil kami dahil sa pulang ilaw. Binaba niya ang paa sa may daan para ma-balance pa rin at hindi kami mahulog na dalawa. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko na nakakapit sa balikat niya at inilagay ito sa may bewang niya. "That's more safe," I heard him saying it. Pinilit kong hawakan ang gilid ng damit niya. Makikipagtalo pa sana siya nang nag-iba na ang ilaw at kailangan naming magpatuloy. I feel alive while slapping by the winds. Gusto ko sanang iwagayway iyong kamay ko pero natatakot akong maputol kaya I just settled sa pasimpleng pagbuka ng kamay ko na nakahawak sa damit niya. This feels nice! Mabilis kaming nakalalagpas sa mga establisyamentong nadadaanan dahil medyo mabilis ang pagmamaneho niya. I miss this! The last time I did this is when my Dad is with me. Malalim akong huminga bago mas hinigpitan ang hawak sa damit niya. Wala namang masamang mangyayari, diba? But I need to be careful kasi baka kamalasan lang ang madala ko sa kaniya. "Hey! Can we stop here?" malakas kong sigaw, baka kasi hindi niya marinig dahil maingay. "I need to go to the mall," pag-uulit ko. Tutal malapit na naman kami, kailangan ko lang bumili ng regalo kay Kerr. Hinila-hila ko iyong damit niya kasi hindi niya ata ako naintindihan. Hindi iyo tumigil bagkus ay ipinabagal lang ang takbo. "I need to buy something, there." Tinuro ko iyong mall na hindi naman ganoon kalayo sa amin. Hinawakan niya naman iyong kamay kong nakaaro at ibinalik na naman sa bewang niya. Pinilit kong alisin iyong kamay niya pero mas hinigpitan niya lamang ang hawak dito. Nakasimangot akong bumaba sa sasakyan niya bago tumungo at inalis ang sweater na nakasampay sa bewang ko. Alangan namang magpakita ako sa mga tao na ganito ang hitsura? Nang maalis ang pagkakabuhol, nagulat akong yumuko si Luis at hinawakan ang ulo ko, well, to be exact helmet ang hawak niya para magkasing pantay kami. Matapos ay inalis iyong pagkaka-lock ng sa chin ko at tinanggal na sa ulo ko. Finally! Mabilis akong tumalikod at pinilit na isabit na lang ang sweater niya sa may braso ko. Dumiretso agad ako sa bilihan ng mga toys na cars at kinuha na lang kung anong unang mahagip ng mata ko. Lahat naman ng laruan meron siya. Ano pa bang silbi ng sa akin? May dalawang nauna sa akin kaya kailangan ko pang mag-antay. Pinagmasdan ko iyong laruang bitbit ko matapos ay itinalikod para makita kung anong presyo. Muntik ko nang makalimutang hindi ko afford bilhin ito. Bakit ba ang lakas ng loob kong kumuha na lang without thinking and looking sa price tag? Kahit nakakahiya, pasimple akong naglakad papalayo sa counter so I can return the toy car kung saan siya naka-display. Ramdam ko pa iyong ilang saleslady na nakatingin sa akin. Anong magagawa ko? Wala akong pera! I'm freaking broke at ganda lang ang meron. Magpapanggap pa sana akong titingin para kunyari hindi ko nagustuhan iyong binalik ko nang sumulpot sa gilid ko si Luis. I didn't know na susundan niya ako rito. "I'll go first, you can take your time--" tumigil ako sa pagsasalita at sumilip sa relo ko. Mabilis naman iyong byahe namin tutal madaling sumingit sa kalsada pero syempre, ayoko namang mag-antay ng matagal. "I can wait for ten minutes,” pagpapatuloy ko. Tinapik ko iyong balikat niya bago naglakad na. Kung susundan niya ako much better, tutal pansin ko naman na iyon ang forte niya pero kung hindi, I can wait for him. Limited time nga lang. Kung tutuusin sakto naman na iyong pera ko sa pamasahe kung dito ako kukuha ng sasakyan. Kapag nagtagal siya, siguro iyon na lang ang gagawin ko. Lumingon ako sa likod pero bigo kong nakita si Luis. Mahigpit ko na lang hinawakan iyong sweater niya na bitbit ko bago itinuloy ang paglalakad palabas ng mall. Hindi ako nahirapang hanapin iyong motor niya dahil kung saan kami tumigil kanina, roon din siya naka-park. Isinampa ko iyong sweater niya sa motor bago kinuha ang nakasabit na helmet. I need to figure this out. I pulled the red one since it says pull, then I did. I unlock it. I tried putting the black one inside the red one and it's lock now. I repeated it three times before I decided to put it to my head so I can apply my knowledge in reality. I'm glad, I did learn it. I can know wear this by my own. Nang inalis ko iyong helmet, naningkit ang mata kong makita si Troy na may bitbit na malaking paper bag papunta sa pwesto ko. Hindi niya ako napansin dahil pokus ang tingin niya sa button ng sasakyan niya, inaalam ata kung saan naka-park. Umilaw ang katabing kong jeep. Is there a possibility na nag-aaral siya sa school na pag-aaralan ko rin? Well, what can I say? It's small word, afterall. Ha called my name na medyo patanong pa at mukhang nahimasmasan na dahil kanina ko pang pinapanood siya. Inilagay niya muna ang pinamili sa loob ng sasakyan niya bago lumapit sa akin. "It's been months, how are you?" I smiled. "I'm good, healthy as ever. You?" Ibinalik ko ang helmet sa pagkakasabit nito bago nakangiting kinausap siya. "As usual, I do this and that." I nodded. Wait! But why is he here? Hindi ba siya kasama sa family vacation? Ang obvious naman kung itatanong ko kung hindi siya kasama kasi napakalinaw na nasa harapan ko siya at kausap. "Have you communicated to Elle these days? I haven't heard anything from that b*tch for a week." Wala nga siya ngayong entrance exam. Possible namang may special treatment siya at mag-te-take if kelan siya free pero whatever! Siya na nga lang iyong friend ko, lalo pa akong magiging loner. "She's busy enjoying life, I guess?" "If you ever heard from her, say her to call me as soon as possible." Wala naman talaga akong importanteng sasabihin. Miss ko lang talaga ang pag-ookray niya sa akin. I heard him chuckling. "Sure," he said. "But where will you go? I can drive you." Muntik na akong mapamura nang sumulpot si Luis at hinawakan ang balikat ko para mapaharap sa kaniya at ipinulupot iyong sweater niya sa bewang ko at dahil ang p*******i ay dapat sa likuran ko, mukha tuloy kaming magkayakapan pero bakit ang hilig niya manggulat? Mas lalong kong narinig ang malakas na tawa ni Troy. Gustuhin ko mang lumingon dahil pinatalikod nga ako ni Luis, hindi ko magawa dahil nakaharang pa rin siya sa harapan ko. "Nice seeing you, Louisse!" sabi niya at hindi ko na nagawang magpaalam man lang. Narinig ko na lang iyong pag-andar ng jeep niya bago pinaharurot itong tatawa-tawa. Nababaliw na siguro iyon. "Are you done?" tanong ko. Na-realize niya atang mali iyong ginawa niyang pagtali kanina kaya siya bumabawi pero hindi naman kailangan. "Not yet," he replied. Bakit ang tagal? Itatali lang naman iyon ah! Napadapo ang mata ko sa dahong mabilis na lumipad at lumapag sa may balikat niya. Kukunin ko na sana iyon nang mapatingin naman ako sa tenga niya na medyo namumula na naman. Ano na namang problema niya? "Why are your ears blushing?" I jokingly said while brushing my palm to it pero lalo lang siyang namula sa ginawa ko. "I didn't do anything wrong! I just touch it," defensive kong tugon. Masama bang hawakan iyon? "How's your exam?" pag-iiba niya ng topic. Wala ba talagang problema sa tenga niya? Ang pula talaga. Exam? I did my best to that pero wow? Ngayon lang siya nagtanong kung kelan nakalimutan ko na. "I think, I did fine. If you're worried that you'll see me everyday, sorry but you have no choice ‘cause I'm pretty sure I will be your schoolmate." Hinawakan ko naman iyong kabila niyang tainga na hindi ko kita since we look like hugging each other. My head is over his shoulder while our cheeks are brushing but not really since my kaonti pa rin namang pagitan. "I look forward to it." Senior ko nga pala siya. But I doubt kung mas matanda siya sa akin. Late lang akong pumasok dahil palipat-lipat kami ng bahay ni Mama. Anyway, who cares? I wrapped my arms around his neck kasi nasa kaliwa iyong relo ko. Gusto ko lang namang tingnan iyong oras para malaman kung late siya o hindi pero ang ending, napayakap talaga ako. Well, I guess, I really love free hugs. Dagdag pang ang bango niya. "It took you almost eight minutes to be here," komento ko. I didn't know na ganon siya katagal. Lumipas na rin kasi ang oras dahil napakwento pa ako kay Troy. "And you surely took eight minutes talking to a guy." Why does it sound something? I shrugged the thought. Malinaw pa rin sa isip kong tumutunog ang radar ko. "Why would I not talk to a guy?" "Right?" he said, more like talking to himself. It sounds like convincing himself that there's nothing wrong to what I did. Assuming lang talaga siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD