Chapter 12: Ride or Die?

2371 Words
I did take up 80 minutes answering the entrance exam. My proctor decided to let me dismissed since I don't have anything to do. I may look stupid, waiting for others to finish their exam and as if I'm first. May ilang naunang natapos sa akin so I'm happy na hindi ako magmumukhang ewang magtatanong kung pwede na akong umuwi kasi mas pipiliin ko pang magsagot ng exam kaysa magsalita. Paglabas ng room, mabibilang sa kamay ang ilang katulad kong tapos na pero nakatayo sa corridor at siguro inaantay ang mga kaibigan nilang matapos. Well, I guess this is the perks of not having friends. Hindi ko kailangang maghintay. Medyo friendly iyong nadadaanan ko kaya napapangiti ako nang wala sa oras. Ayoko namang maging mukhang mataray. I hate talking but I'm not cold. Hindi naman ako iyong tipong babae na mahilig makipag-away o marunong makipag-away. I hate troubles. As far as I can, I'll stay away from it to the best of my capability. Iyakin na nga ako, makikipag-away pa ako? Mukha akong ewan kapag nangyari iyon. Mag-isa ako sa loob ng elevator. I suddenly remember kung paanong may tumulak sa akin at saktong nagkadikit iyong labi ko sa labi ni Luis. I hate to admit pero malambot talaga iyong labi niya. Just a bummer, naglapat lang! I shook my head at nagpokus na lang sa cellphone ko. I silent this kasi required and I hate destructions. I want to take my exam peacefully and quietly. May tatlong missed call si Kerr. I guess, excited talaga siyang makipaglaro sa akin. I should have bought gift bago dumalaw. Nakakahiya namang maglalahok lang ako roon. Pagbukas ng elevator, tumambad sa akin si Luis na nakasandal sa may pader. Mukhang may inaantay siya or what. Seryoso lang siyang nakatingin sa taas. I don’t know kung anong meron, baka nag-aantay siyang may pumatak na uwak. Hindi ko na sana siya papansinin pero saktong tumunog ang cellphone ko, simbolong may tumawag dito. Bakit saktong-sakto ang pagtawag ni Kerr sa akin? Para bang alam niyang may tinatakbuhan ako. Napatingin tuloy sa direksiyon ko si Luis. Tinanggap ko ang tawag habang diretsong nakatingin sa kaniya. Wala man sa harapan ko si Kerr, nai-imagine ko nang nakasimangot siya habang nagtatanong kung nasaang lupalop na ako ng mundo. Pareho ata kaming nagmana kay Mama, we hate waiting. "School, I'll be there in less than an hour." Unti-unting naglakad papalapit sa akin si Luis. As usual seryoso lang iyong mukha niya, na para bang walang kwenta kung ano man ang nakikita niya. Nothing might excite him or whatever! Bakit ko ba kailangang problemahin siya? "Too long! Can't you be here in 5 minutes?" I can really picture-out Kerr giving me his trantrums dahil lang late ako. Magpasalamat na lang siyang maaga akong natapos. I'm supposed to go there at 5 pm pero mapapaaga kasi maaga akong natapos dito. I laughed. "Patience is a virtue and when did you learn 5 minutes? That's counting from 1 to 300, can you do that?" "What should I do while waiting for you?" I heard from the other line his robot talking about something. It's like introducing himself and I don't know about it. Ang dami niya talagang laruan. "Play with your toys, I'll be there soon," I said, looking at Luis na nasa harapan ko na ngayon. How did he manage to come here? And did he wait for me? Pero malinaw naman kaming nag-usap, na he's not supposed to wait kasi may importante akong lakad. "Okay, be safe." I pouted. "Where's my I love you?" Nakita ko kung paano ngumunot ang noo ni Luis. Mukha siyang nakakita ng di kaaya-ayang larawan pero hindi naman para sa kaniya itong ginagawa ko. I'm clingy lalo na sa kapatid ko. I'm very showy and expressive kaya masanay na siya. "I love you, ate," he said, na parang napipilitan lang. "I love you more. See you so--" He ended the call without me finishing my sentence. Napakabastos na bata. "Who's that?" Luis asked. "My baby," I replied, putting my cellphone inside my handbag. Di naman ako nagsisinungaling, baby ko naman talaga si Kerr. Baby brother nga lang but who cares? Baby ang turing ko sa kaniya. Kung tutuusin nga, mukha kaming mag-ina kumpara sa kaniya at kay mama. "Did you wait for me?" Hindi siya sumagot kaya napilitan akong tumunghay para makita ang mukha niya. Hindi gaya kanina, medyo kalmado na iyong hitsura niya. Hindi na rin nakakunot or what. "I have something important things to do. I can't accompany you but again, thank you for helping me out." Inilabas ko na ang pinakamatamis kong ngiti. Hindi ko naman siya nilalandi, grateful lang akong tinulungan niya ako. Baka kasi hanggang ngayon, hindi pa rin ako nag-e-exam at parang ewang nakatayo habang nagtatawag ng ilang anghel para sa lakas ng loob. And just like I said, he's annoying and weirdo. I won't go out with him. "No," umiling pa siya habang sinasabi iyon. Anong 'no'? Hindi niya tatanggapin iyong thank you ko? Humans are really something. Umaasa siguro siyang may balik iyong kagandahang-loob na ginawa niya but I can't repay him today, maybe next time if we cross our path. Magsasalita na sana ako nang mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na mukhang naglalakad kasama ang isang babae. Tama ba ang nakikita ko? Is that Troy? Nag-aaral ba siya rito? Mabilis lang iyong naging pangyayari dahil humarang lang naman si Luis. Itinapat na naman iyong mukha niya sa mukha ko. "I didn't wait for you," he added. Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko ipipilit niyang samahan siya sa kung anong balak niyang gawin at hindi rin naman ako nag-e-expect na aantayan niya kasi sino ba naman ako para sa kaniya? Isa lang akong hamak na babaeng napag-trip-an siguro ng kaibigan o kabarkada niya. Maybe, dare na magpanggap siyang boyfriend ko pero whatever. I want to get out of that game. I have no intentions of playing with him. Gusto ko lang makapagtapos ng pag-aaral ng mapayapa. There will be a moment when I need to satisfy my needs but I'll probably look for the other man than him. Itinulak ko siya para makumpirma kung tama ba iyong nakita ko. Bigo akong makita ni anino ni Troy. Well, namalikmata lang siguro ako. "Loser!" Pareho kaming lumingon sa kung sinong nagsalita. Walang iba kundi ang anak ni Tito na bunso na si Karan. Naglalakad siya papalapit sa pwesto ko. "Hope I'm not interrupting something," may laman na sabi niya. Yeah, I almost forgot, nagkasabay nga pala sila sa elevator noong pinaalis ko silang dalawa para ma-solo ang mama ko. Inis ko siyang nilingon at nagtanong kung ano namang kailangan niya. I know na mag-aaral din siya rito kasi iyong kuya niya nandito rin pero hindi ko naman alam na pareho pala kami ng schedule na kung kelan kukuha ako ng entrance exam, kasabay siya. I thought pang-umaga siya. "Chill! Grandma said you'll visit. I can go with you." Kitang-kita ko na iyong pagtaas ng balikat niya. Feeling niya siguro sasama ako sa kaniya. Malay ko bang baka patayin niya ako dahil ang tingin niya ay kaagaw sa kayamanan? Like the hell I care about it? Kaya kong maging mayaman without their money. "No thanks, I can manage." I can go their alone without his help. "You don't have bodyguards or driver. How will you go there? Come on! It's not like I can do bad things to you. Dad might kill me, you know?" natatawa niyang biro pero pakiramdam ko kaya niyang gawin iyon. Basta ayoko, that's final. "That's me to find out how I'll go there and as far as I know, we're not supposed to be seen talking or getting near each other. Reporters are everywhere. I don't want my face to be in the news especially if it's with you." Tinawanan niya lang ako. "See you later!" Inilagay niya pa iyong kamay sa may gilid ng kilay tanda ng respeto tapos ang weirdong katabi ko, ginaya iyon. What the hell? Mukha silang ewan. Respect their ass! Nauna akong maglakad. I'll just book my driver again. Hindi naman private iyong bahay ng Lola niya so I can go there everywhere I want. Unlike sa bahay namin kung saan ako nakatira, ang daming restrictions. "I can drive you,” wika ni Luis. I stopped just by hearing his voice. Akala ko umalis na siya? "Thanks but no need, I can book." Itinaas ko iyong handbag ko na may lamang phone at tumuloy na sa paglalakad. I don't want to associate my life with him. Weirdo siya! I can even see red flag sa mukha niya pa lang. I thought he'll go away but he just walked, the same pace as mine. "Hey! Stop walking beside me." Ayoko ring mabalita na kasama siya. May ilan pa namang nakatingin sa kaniya, probably mga fangirls niya. Ayoko pang masabunutan. "Don't bother fooling me, your step is two times my step," singhal ko at tinuro pa iyong paa niya. Kanina lang, ang bilis-bilis niya maglakad tapos ngayon, katulad ko na iyong hakbang niya? Wala siyang maloloko rito. "Silly," he said, looking down on me. Bakit kasi ang tangkad niya? O bakit ang liit ko? Hindi ako pandak, cute size ako. Nagkibit-balikat ako at naglakad na ng mabilis. Ayoko nga ng issue. Nakahinga ako ng maluwag nang mapansing hindi siya sumunod. Babayaran ko pa rin naman iyong pagtulong niya pero not now. Pwede namang bilhan ko na lang siya ng bola since mahilig siya maglaro. Mura lang naman siguro iyon, ata? Basta, pakiramdam ko siya iyong tipo ng taong hindi tumatanggap ng simpleng thank you. Hindi ko namalayang nasa may tapat na ako ng gate. Hinayaan akong makalabas ng guard. Wala akong choice kundi lumapit sa may puno roon at sumandal. What now? I should book my driver para makita na si Kerr, right? Umirap ako sa sasakyang tumigil sa harapan ko. Kelan ba siya makakaintinding ayoko? "Hop in, Kerr's waiting for you." "I already book my car. Take care!" plastic kong sabi. Hindi pa nga ako nakaka-book kasi baka kulang iyong pera ko. Kumain pa kasi ako ng mamahaling seafood kanina. Dapat nag-settle na lang ako sa tinapay, mura pa iyon. Tumango-tango ako nang tanungin niya kung sure na ba talaga ako and waved my hands. Mamamatay muna ako bago ako sumabay sa kaniya. Baka nga mamaya may mga kamerang nakasulpot diyan. I maybe their little sister since Mom married his Dad but that does not mean kailangan akong ipakilalang kapatid sa mga taong wala namang paki sa buhay ko. When I say few people, they are the higher-ups. Iyong relatives ng Dad niya kasama ang ilang mga makapangyarihan sa bayang ito. Elle? Her mom is an educator, doctorate degree and students are plucking just to take her class. Sabi nila, 100% sure na pasok ka sa top 10 if you take a board exam kapag siya iyong nagturo. On the other hand, her dad is the best surgeon in this country. His surgery is always 100% success. Though, there's a saying he failed one time but no one can prove to that. Some say black propaganda but who cares? Wala namang ebidensiya. Moreover, Mom's husband? They come from old money, inherited from their ancestors up to this day. They are in politics for a decade. Tito is a senator. His mom is the late first lady of the country. She stopped running after her prime because of health issues but I doubt. Baka gusto niya lang talagang mag-give chance sa mga kadugo niya. Tito's siblings? One is the head of department of justice while the other one owns luxury hotel. About his late wife? They own airlines. While us? Walang ambag sa lipunang ito. I mean, Mom's maybe from the family of doctors but she just finished a four year old course na dapat nakaplano na para maging doctor pero dahil maagang lumandi, edi wala. Kaya ang pwedeng maitulong ko para hindi masira at madungisan iyong pangalan nila ay sumunod sa gusto nila. Nag-aalangan pa iyong mukha niya bago tuluyang inutusan ang driver niya na umalis na sila. Wala siyang mapapala sa akin. Kung siya na lang iyong sasakyan ko, maglalakad na lang ako. Binalik ko ang tingin sa cellphone ko na kanina pang open ang application para mag-book. Bakit kasi ang takaw ko? Pwede namang lunok-laway na lang. Why did I settle for a seafood? Pero syempre, deserve ko iyon, reward ko sa sarili ko but still, di ko talaga dapat ginawa. Bahala na! Sana may biglang pumatak na pera ngayon din. Ibabalik ko po ng doble kapag nagkapera na ako at nakaluwag-luwag. I laughed at my thoughts. Nababaliw na ata ako. Sinilip ko iyong relong suot ko, maaga pa naman, quarter to three palang. I can go there in less than an hour and spend couple of hours playing with Kerr then go home. Kahit naman galit ako kay Mama, gusto ko pa rin siyang makita bago ako matulog. Well, di pa rin kami magkasundo tungkol kay Zero at naririndi lang iyong tainga ko sa gusto niyang mangyari. I can defend myself pero ayoko namang masira iyong pagtingin niya kay Zero. He maybe a jerk pero syempre sa akin na lang iyon. I still want my mom to see him as someone who truly loves and cherish me. Inis akong tumingin sa screen kasi nag-send na naman ng voice record si Kerr. Nagtatanong siya kung malapit na ba ako. Kung pwede lang sabihing nandito pa ako sa school at hindi ako makaalis dahil kulang iyong pamasahe ko. Hindi ako sumagot at mas lalong sumimangot ang mukha habang nakatingin sa daan. Hindi ko alam kung ilang buntong hininga iyong nagawa ko. Nasira iyong pag-e-emote ko nang makarinig ng malakas na tunog. W Tumigil iyong maingay na sasakyan sa harapan ko matapos ay inalis ang helmet na suot. Alam ko namang si Luis ang nagmamaneho dahil sa damit pa lang nito but I didn't expect na aalukin niya akong ihatid gamit ang motor niyang ang lakas makaagaw pansin lalo na iyong tunog. Tumalikod muna siya bago may kinuha sa compartment at pagharap may hawak na ulit siyang puting helmet. He didn't say anything; instead he puts the helmet to me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD