Chapter 51: Matching Energy

2333 Words
"Dont freaking touch me!" inis kong bulyaw kay Luis at iwinaksi ang kamay niya bago tumipa sa phone ko at itanong kung nasaang lupalop ng mundo na ang drayber ko kasi ayokong makausap at manatili pa kasama ang lalaking walang kwenta. Pinipilit lang niya naman akong buhatin para makaupo sa kandungan niya at doon kami mag-uusap pero kung ayaw ko, anong magagawa niya. Naikwento ko kasi sa kaniya iyong nangyari kanina na mukhang hinuhusgahan ako ng kagrupo ko. Pinitik niya lang ang noo ko kasi mapanghusga raw ako. Kinampihan pa iyong mga babaeng iyon pero syempre, I defend myself kasi sinong mag-de-defend sa akin kung hindi ko gagawin, diba? Sinabihan niya lang akong huwag na huwag akong aalis sa grupo kasi marka ko raw iyong nakasalalay, ako lang daw ang mahihirapan tapos try to understand na lang para maging okay. Sobrang inis talaga ako sa kaniya nang sabihin niya iyon. Sino bang girlfriend niya at kinakampihan niya. Napasabi na naman akong mas mabuti pang maghiwalay na lang kami kasi wala man lang kasing suporta sa akin tapos ngayon sinusuyo niya ako. Hindi naman ako magkakatoyo kung kinampihan niya lang ako. "I need to be balanced, I only heard your point of view, how about their side? What if you did something?" Tingnan mo 'to, sarap ibaon sa lupa sa mga sinasabi niyang nakakapang-init lang ng ulo ko. "So I'm capable to do something that makes people go mad? And for the ninth time, I said go and ask their side, just f**cking leave me alone." Kanina ko pa sinasabi sa kaniyang umalis na siya at magpaka-detective para marinig niya ang chika ng kabilang panig kasi talagang hindi kumukulo ang dugo ko sa mga sinasabi niya. "I'm your boyfriend, I'm always beside you, supporting you but how can I do it when I don't know what really happen? I don't want to tolerate your childish tantrums. I want to correct you if you're wrong. That's my role to you." Napairap ako sa pagbigay niya ng pangalan sa ginagawa ko ngayong 'childish trantums' para sa kaniya. Mas lalo talaga akong nabubwesit kausap si Luis at mas mabuti pang umuwi na lang siya kasi baka ako pumutok. Para akong bulkang malapit nang mag-alburuto kapag hindi pa siya lumayo sa akin. "Just stay away from me." Ganito talaga ako kapag naiinis, pinipilit kong pakalmahin ang sarili kaysa makapagsalita ng kakaiba. At kaya kong tiisin iyon basta medyo away muna kami ngayon kasi kapag nasisilayan ko lang ang mukha niya! naalibadbaran ako. I just need to compose myself and I'll be back. Inis kong hinawakan iyong kamay niyang balak na namang hawakan ang mukha ko, siguro ipapaharap sa kaniya kasi kanina pa akong nakatingin sa phone ko at hindi siya nililingon. Actually, nasa loob kami ng kotse niya at pumasok ako sa backseat kasi napansin ko si Tracy na nakasunod sa akin. Nagpanggap naman akong sasakyan ito ng driver ko bago mabilis na sinabing ipaharurot niya. Tapos napunta kami sa usual na spot namin at heto na nga ang nangyari, nasa backseat din siya at sinusuyo ko pero parang hindi naman at nakikipag-away lang. "Utang na loob, lumayo ka nga muna kasi, para naman kasing tanga." I don't want to shout or paglabasan siya ng sama ng loob from the arrange marriage na sumasakit ang ulo ko tapos siya pa sa pagiging balanse niya sa buhay. I know and understand his point, nakakainis lang kasi sana man lang kahit kaonti, ramdam ko na suportado niya ako kasi girlfriend niya ako but he keeps defending the other side kaya ganito ang nangyari. Naramdaman ko ang pag-akbay ng isang braso niya sa balikat ko bago hawakan ang baba ko para makita niya ng maayos kung umaarte ba ako o hindi. But I’m not, nayayamot talaga ako sa kaniya. "Can't you understand what I'm trying to say? I'm doing this not for me, but for you. You can gain friends." "I don't need that sh**t," sagot ko. Sino bang may sabing gusto ko ng kaibigan? Maayos at masaya naman ako kasama si Elle so ano pang hihilingin kong kaibigan? Basta magulo at hindi pa rin nawawala ang pagkainis ko sa kaniya. Napalingon ako sa phone kong tumunog na sa wakas sumagot rin ang drayber ko bago lumingon sa kabilang kalsada dahil iyon ang nakalagay sa mensahe niya. I was tempted to stay here at mas lalong ma-bad mood kay Luis o ipagpabahala na sa Diyos ang pagtawid ko. Nakaambang mag-re-reply na ako na kung pwede magpunta siya rito sa mismong pwesto ko kaysa maglakad pa ako nang hablutin iyon ni Luis at hinagis na pabalang. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano ito lumipad sa ere bago napunta sa driver seat. Sinalubong ko siyang galit at nakakatuwang galit din siya. Talagang may gana pa siyang sumabay ha? "Someone is talking to you but you only do is to focus on your phone, I didn't take you as someone who don't have manner." Iba! May gana pa siyang pagsabihan ako, talagang ako pa? Tumayo ako para kuhain ang phone ko dahil wala akong mapapala sa kaniya. "I'm sorry, but this is me, I don't have manners." Sinilip ko ang phone ko at mabuti nalang na hindi nabasag dahil medyo napatama pa naman ito sa steering wheel. Kapag ito talaga nabasag, babasagin ko rin ang bungo niya para magkaintindihan kami. "I didn't take you as my girlfriend to be sarcastic to me. Can't you just be serious because I'm not joking here." "I didn't also take you as my boyfriend to side other people instead of your girlfriend." Malakas na nag-alarm iyong phone niya hudyat na malapit na ang game niya. "You only have an hour before your match, go and have fun. I also think you don't need me there. You can actually invite my group mates to watch your game and ask and hear their story so you can continue being a balancer and you can correct me if I'm really wrong. Good luck!” Kinabig ko ang handle para makalabas at malakas na itinulak ko iyon. Bahala na iyong masira, kasalanan niya naman. Sobrang pangit pa ng timing dahil hindi ko rin napaghandaan na umaambon pala. Mas mabuti nang mabasa ng ulan, basta ayoko lang makita ang mukha niya. Kumaway ako sa sasakyan habang idina-dial ang numero ni Manong. Nagulat naman akong sumunod si Luis sa akin at ibinigay iyong damit niya para maging kubong o takip sa ulo ko para iwas ambon. Hindi naman ako magkakasakit sa ambon. "At least, take care of your health," sita pa niya sa akin at nanatili sa gilid ko hindi alintala na umaambon. Nasa gilid ko lang siya, nakanguso ang labi at nakalagay ang dalawang kamay sa ere para masigurong hindi ako mmababasa ng ambon sa ulo. Ayaw niya akong magkasakit tapos siya nagpapamaabon? Nawala naman sa isip ko ang kausap ko kundi lang siya nagsalita aymalilimutan ko na talaga. Sinabi kong nasa kabilang panig ako at agad naman siyang dumating sa harapan ko. Nakatigil pa rin sa gilid ko si Luis at pakiramdam ko nag-aalala nga siya sa akin. Umirap pa ako sa kaniya at ipinatak ang damit niyang nakatakip sa ulo ko bago sinipa ang gulong ng sasakyan niya kahit na sobrang sakit niyon ay hindi ko pinakita at mabilis na pumasok sa kotse at agad naman itong pinasibat naman ni Manong. Nagbago na ang isip ko at hindi na ako manonood ng laro niya. Magsaya siya hangga't gusto niya. Wala na akong komento sa gagawin niya sa buhay. Sinalubong ako ni Mama at tinanong kung kumusta naman ang project ko. Alam na alam talaga niyang hindi nagiging maganda kapag groupings ang usapan. Hindi pa ako nakakapasok sa bahay, humagulhol na ako sa bisig niya kasabay ang malakas na pagbuhos ng ulan. Mukhang napuno na ako, lalo na dahil ni Luis. Pinatahan niya ako at tinimplahan ng mainit na gatas. Siya rin ang nakadiskubre na may stain na ako sa likod kasi naman itim ang suot kong dress, kaya mahirap malaman at isa lang ang ibig sabihin niyon meron ako as in may regla ako at iyon siguro ang dahilan bakit ako naiinis kanina. Pero kahit na dahil ako pa rin dapat talaga ang kinampihan ni Luis. Naligo na lang muna ako bago itinuloy ang naudlot na paghigop ng gatas. "Who hurt my sweetheart, huh?" tanong ni Mama na parang baby ako at naapi ng mga kalaro. Tipong hindi ako isinama sa laro dahil hindi ako kabati kaya mas lalo akong umiyak. I opened up to her habang umiiyak na naman. Why do my eyes love to cry? "Is that your boyfriend?" Mom asked kasi kanina pang nag-ri-ring ang phone ko pero hindi ko sinasagot. Tumango ako at suminga dahil pakiramdam ko punong-puno na ang ilong ko. "First, tell him that you're home. You two are not in good terms, but I know he must be worried and you also said, he's playing today, right? How can he play and win the game if he's worrying you?" Pinahid ko ang luha ko sa mata bago sinunod ang advice niya. "I'm home, bring home the bacon!" ang sabi ko sa text bago pinatay ito para walang istorbo. "Second, your arrange marriage. I promise that it won't happen. I'll make sure of that. You will only get married to the man I pick and blessed and that's Zero, okay?" Sumimangot ako sa pagbanggit nito sa pangalang umay na unay na ako. Bakit ba hindi na lang niya isipin na kami lang ang titira sa iisang bahay? Na walang Zero o mga apo niya mula sa akin. "Third, your group projects, you said everything is done. You don't need to worry, since you did your part and contribute in making that. Lord is watching over us, He knows you did great." Napahikbi naman ako sa sinabi niya at umiinit na naman ang gilid ng mata. Agarang pinahid niya ang mata kong nakaambang iiyak na naman. "My sweetheart, paano ka na kapag wala na ako? I'm not forever be in your side." "No! You'll be by my side for as long as I want." Hinawakan niya ang balikat ko at hinawi ang buhok ko na nakatabon na sa mukha ko at hindi na makita ang ganda ko. Inilagay niya ito sa likod ko para maaliwas na ang mukha ko at kita ko na nang malinaw siya. "My baby... my beautiful baby," she said and hugged me. -- Hindi ako nakakain kagabi dahil nakatulog na ako sa bisig ni Mama habang hinihele niya ako. Kinantahan pa niya ako at hindi ko alam na mahimbing ang magiging tulog ko dahil doon. Nagising ako ng quarter to nine at alam kong sulit na sulit ang pagtulog. Lagpas at labis sa walong oras na normal kong tulog. Kaya lang, pagkagising ko, nagsisimulang humilab ang puson ko. Ganito talaga ang routine ko kapag meron. Sa first day humihilab pa lang pero sasakit na iyan lalo pagdating ng second at third day. Napaka-wrong timing pa naman dahil may pasok pa ako bukas. Pwede naman sigurong um-absent but then naamoy ata ni Tracy dahil nag-chat siya bigla sa gc na may babaguhin daw kami at inaasahan ang lahat na dumalo, kung wala raw roon, hindi ilalagay ang pangalan. Nag-set siya ng araw at lugar which is bukas after lunch at kung hindi raw aattend si Sir, pwedeng sa oras na iyon kami makapagsimulang gumawa. "Loser, did you watch the game last night? Luis really played well! He looks determined to win but he got injure--" Nakita ko sa tv screen na pinapanood niya ang ganap kagabi na nakalimutan ko na nga, kahit ang kumustahin man lang si Luis. "Injured? Where? Is he fine?" "He's fine; he just overused his stamina and got cramps." Saktong napunta sa clip kung saan kinisig nga siya, pawis na pawis habang sinasabing he's fine and he needs to play. Bumalik ako sa kwarto ko at nakipag-face time sa kaniya. I don't know kung ayos siya, ang last niya kasing text sa akin ay noong alas sais na good morning at kumain na raw ako ng breakfast ko. Hindi siya sumagot kaya nagtungo ako sa virtual world at pasimpleng naging detective para tiningnan ang story niya. Unang lumabas ang tshirt niya sa sahig which is kagagawan ko, kasunod ang screenshot ng isang message na may takip tapos labas lang ang bring home the bacon na may heart na ako rin ang nag-send sa kaniya at ang huli ay ang score na kung saan panalo sila laban sa isang school. Practice game palang iyon pero sineryoso naman agad niya. Napunta ako kay Renz na profile kasi baka kasama niya ang pinsan niya. Nabunutan naman ako ng tinik nang makita ang ten minutes niyang story na video kung saan nag-bi-billiard silang tatlo kasama si Laimer. "Ma'am, your breakfast is ready," rinig kong tawag sa akin. Tumayo ako at ni-block ang account ni Luis sa lahat ng social media apps. Nagtatampo nga pala ako sa kaniya. Bakit ko nagawang mag-alala sa kaniya to think na hindi ko pa nararanasan ang lambing niya. Manigas talaga siya sa mata kong si Medusa. Nakipag-high five ako kay Kerr at inalalayan siyang bumaba ng hagdan na mukhang bagong gising lang din. Mukhang kanina pang nakaalis sina Tito at Mama tsaka ano bang i-expect ko sa alas-nuebe na gising, tanghali na nga iyon. Sabay kaming dalawang nag-almusal ni Kerr samantalang nangulit lang si Karan. Napamura pa siya nang tumunog ang phone niya tapos ipinakitang tumatawag si Luis. Close pala sila? Ako na mismo ang sumagot dahil parang wala siyang balak at nakakainis ang ingay ng phone niya. "Don't ask Karan to send your message to me. I won't unblock you, please bear in mind and I'm serious that I'm not happy with you but congratulations for winning." I quickly end the call at itinuloy ang pagkain ng mukhang hindi na almusal at brunch na. Mahilig siya magtampo at mag-inarte? Edi sabayan natin ang pagkasira ng ulo niya. Humanda talaga siya dahil ilang araw akong may toyo.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD