Chapter 57: Found

2535 Words
"Oh? Kakaalis lang nina Kuya, di kayo nagpangita." Tinuro ko ang taxing kaaalis lang sa harapan ko. Kadadalaw lang ng dala ko pang kapatid ko sa ina na nakasama ko noon sa birthday ko at sa Boracay bago dumating ang nag-iisa at masungit na si Liam. Wala siyang sinabi at inabot lang ang maliit na paper bag. Sa aming magkapatid, siya talaga ang close kay Mama samantalang Daddy's girl ako pero ayaw naman ipasama ng side ni Daddy si Kuya kay Mama kaya ako na lang ang nag-give way at pumiling sumabit para sa ganoon may rason pa rin silang dalawang magkita kasi nasa pagitan nila ako. "Aalis ka na?" Binigay lang iyong regalo tapos tumalikod na kaya napatanong ako bigla. "Ayaw mong makita si Mama?" Nakatalikod siyang kumaway habang naglalakad palayo sa akin. Grabe wala man lang kamustahang nangyari sa pagitan namin. Miss ko pa naman siya. Tatakbo akong sumunod sa kaniya tapos kumawit sa braso niya. "Di mo miss ang pinakamaganda mong kapatid?" Sumilip lang siya sa mukha ko bago umiling. Pinipilit pa niyang alisin iyong kamay ko dahil nandidiri siguro sa sobrang clingy ko. Bakit hindi pa siya masanay? Tsaka parehong-pareho kami ng mukha kaya wag na siyang umarte pa. Mas hinigpitan ko pa ang kapit sa braso niya at nakakatuwang hinayaan niya na lang iyon at nagtuloy sa paglalakad. "I heard you're taking Engineering?" Last time kasi narinig kong iba ang course na kinukuha niya pero bigla siyang nag-shift. "And you're a Chef?" Tumigil ako sa paglalakad na nagsanhi nang pagkabitaw ng kapit ko sa kaniya. "Following his footstep, I see," dagdag niya pa sa komento sa akin. Bumuntong hininga ako dahil ang tinutukoy niya ang si Papa and now, I made my mind. "Buy him some flowers. I'll visit him after the wedding." Inilagay ko ang perang kabibigay lang ng kaninang umalis na mga kuya ko. "I told you, you're the first to know when I want to visit him and here am I, ready to face him." Tumango lang siya bago ipinatong ang palad sa ulo ko para guluhin ang buhok ko at matabunan ang mukha ko. Hinila ko na lang siya sa isang resto para mailibre ko naman kahit ayaw niya at marami pa raw siyang gagawin sa Pilipinas. "Do you want me to call Mom? You two can catch up," sabi ko na naglalaway na sunggaban ang bagong hain ng waiter na pagkain sa lamesa namin. He just shrugged his shoulder and dig his food. Kinuha ko naman ang phone ko para makuhanan siya ng picture bago i-text si Mama kung nasaan siya. Nagulat pa akong makitang naka-ilang missed call si Luis. Sa totoo lang, this month, medyo lumala iyong pagtatalo namin. Madalas kasing nauudlot ang pagkikita namin dahil ko. Hindi ko naman kasi alam kung anong araw dadating ang mga kapatid ko so I need to entertain them at sa tuwing sinasabi kong kapatid ko iyon, he seems not buying it. Isang date na ang hindi namin naituloy kasi ang ganda nga sana ng plano namin na after ng finals namin pupunta kami sa Northern part dahil siguradong malamig roon but things been ruining it. Nandito ako ngayon at kumakain kasama ang kakambal ko. Dalawang laro naman niya ang hindi ko napanood. Last game na niya ngayon pero saktong dumating ang mga bwes**t kong kapatid. I'll catch up naman kung maaga akong matatapos. Lalo na kapag nagkita na si Mama at Liam, I'll give them time to talk tapos tatakbo ako sa school. Nag-record lang ako ng sarili na sinasabihan siyang galingan and send it to him kahit na alam kong hindi niya makikita iyon dahil nasa loob na siya ng court kanina pa. Napangisi naman ako nang matanggap ang mensahe kay Mama kung anong lokasyon niya. Nasa tutor center siya ni Kerr dahil may program daw rito. Inalok pa akong kung hindi busy ay dumalo ako roon. Buti na lang talaga, medyo okay sa part ni Liam na makita si Mama kaya pagkatapos kumain, inaya ko agad siyang may pupuntahan kami. "Ate--" Sabay kaming lumingon sa tumawag sa akin ng ate. Right, nandito nga pala si Kerr na nakangiti habang kumakaway sa loob ng sasakyan. Akala ko ba may program? Tapos na ba? Pinigilan kong umalis ang kapatid ko at hinila siya para maipakilala sa kapatid namin. "Kerr meets your brother, he's my one and only true brother but he's cold." Tumigin lang si Kuya sa kanya na walang balak magsalita. "Kuya meets Kerr, my cute little brother." Pinisil ko ang pisnge nito habang pinapakilala sila sa isa't isa. "Hi!" Kerr cheerfully said to him. Inikot ko naman ang paningin sa loob ng sasakyan. Para kasing may pamilyar na mukhang nahagip ang mata ko kanina. "Ms. Violet," pagbati ni Zero. Kelan pa siya nandito? At bodyguard siya ngayon ni Kerr? "Sweetheart, tamang-tama, Zero is here--" naputol ang sasabihin ni Mama na naglalakad papunta rito. Mukhang katatapos niya lang kausapin ang tutor ni Kerr dahil ngayon pa lang siya naglalakad palabas ng building. Mabilis na tumalikod si Liam kasi nawalan ata ng gana nang makita si Zero kasi alam niyang cheater ang isang 'to. "Liam, anak," mahinang sambit ni Mama pero tuloy lang sa paglalakad ang kakambal ko na parang walang narinig. Hindi ko na lang sila pinansin at sinundan ang nag-walk-out. "I didn't know he'll be here," pagpapaliwanag ko tungkol kay Zero. Sobrang galit na galit kasi si Liam sa kaniya. Naglakad siya pabalik na parang may nakalimutang sabihin. Nag-abang ako nang lalabas sa bibig niya pero naglakad lang siya. Grabe naman, bakit kasi sa laki ng mundo, ngayon pa sila nagkita? Kung kelan akala ko magkakausap ng matino at reunion si Liam at si Mama tapos ganito pa. "I didn't know he's here and mom still trying to ship us. But I won't settle for him. I won't settle for a cheater. You know me, I won't be like our mother. I may love her but I won't end up like her." Nakakainis, sa sobrang dami kong kapatid siya talaga itong overprotective. Siya nga itong tunay at legal kong kapatid kasi sa pangatlong lalaki ni mama, roon siya kinasal tapos isinilang kaming dalawa. Galit na galit nga siya sa akin nang nalaman niyang nagloko si Zero sa akin tapos pinatawad ko. Akala ko naman okay na kami at naiintindihan ko naman na natatakot siya kasi baka matulad ako kay Mama, nakailang lalaki tapos halos lahat cheater pa. Syempre experience ko na 'yon so bakit ko gagayahin? Ang hirap kaya ng pinagdaanan ko. That makes my life understand and witnessed how marriage is very traumatic. "Why don't you just tell Mom about it? Are you protecting him because you still love him?" "Why all of you always jump to that conclusion? He's my first, he may be a j**rk to me but he's nice to you. Hindi ba pwedeng sa akin na lang iyong image niyang gag**? Kasi masaya naman noon, tinuring niyo pa nga siyang kapatid kahit na alam niyong determinado akong hindi ikasal... just catch up to Mom, I'll be fine." I forced a smile and hail a taxi. Dapat talaga nanonood na lang ako ng laro ng boyfriend ko. Sinalubong ako ng mga taong palabas na sa school at mukhang tapos na ang laro niya. Nanalo ba sina Luis? I even heard na maganda ang laro ngayon at talagang dikit ang laban. Nanatili lang ako sa garden ng school habang nagpapanggap na walang pake kahit na nakikinig ako sa chikahan ng iba. They even giggled nang sambitin si Number 1 na may apelyidong Savvidis. Tapos natatawang ginaya nila ang eceremony nito na kinuhanan nila ng video. Gusto ko sanang makinood din pero wala naman akong lakas ng loob kausapin sila. Ang ending, mag-se-search na lang ako mamaya. Napatalon ako sa gulat nang tumunog ang phone ko. Nataranta akong hinanap sa bag ko iyon. Marami kasi akong dala dahil nga i-che-cheer ko sana siya. Mga props and banner na maliit lang naman. "Bee, where are you?" His voice sounds tired but still enough for me to hint that he's happy. "Garden but I'll go to you, I know you're exhausted." Nagsimula akong maglakad papunta sa gym since nandoon siya. "Alright but I didn't see you watch my game." "I can see that you're pouting," I said, laughing while imagining him doing it. "Come here quickly, I deserve a kiss." "I can even give you more than that." Tumawa lang siya at narinig ko sa kabilang linya na tinatawag siya ng coach. Nag-pi-picture taking pala sila. Hindi niya binaba ang tawag at tinahak ko na ang daan patungo sa kaniya. Hanggang ngayon, di ko alam kung nanalo sila pero feeling ko naman, nanalo sila. Nang makadating ako, I had to pretend na fan ako ni Luis kasi kung paano kami makalusot sa isyu, I need to said that which is true naman. Fan niya ako pero kahit fan ako hindi ko gagawin ang magpa-picture sa kaniya. Para talagang siya iyong na-benefit sa pag-admit ko na fan niya ako. He can do whatever he wanted na walang halong malisya sa ibang tao at fan service lang sa kanila. My issue about my Sugar Daddy, na-resolve na iyon. Tito had to step up and clear the misundertanding. Pinakilala niya akong stepdaughter and I'm just glad people take it as nothing. Walang naging isyu na mukha kaming pera, gold digger or what hurtful thing to accuse us. Medyo iba lang ang pakikitungo ng mga guro sa akin. Maraming nagpapa-picture sa kaniya kaya I had to fall in line. Grabe talaga ang Luis, nagagawa akong pag-antayin para lang masabi kong congrats kasi nanalo nga sila. Mabilis na isinuot ni Luis ang medal sa akin bago ipinulupot ang braso niya sa bewang ko at inutusan pa si Renz na kuhanan kami. Nagsigawan ang ilan pero normal niya naman itong ginagawa sa mga fans niya but not the medal part. Malimit niya lang akbayan ang iba pero pagdating sa akin kakaiba. Iniisip na lang nila na dahil medyo mataas ang status ko, Luis had to put extra care sa akin kasi baka raw barilin siya ng mga bodyguard kapag pinaiyak ko. Them and their conclusions are just too high for me. "Congrats, babe, I love you," I whispered while smiling like idiot so our picture will be perfect. I'm happy for him and he deserves everyting he had right now. "Can I kiss you here? Like a fan service?" Pasimple kong kinurit ang tagiliran niya dahil ang dami niya talagang alam. Natapos ang picture na inaro ko pa ang instafilm ko na bitbit ko rin at ayos naman ang naging kuha. May mga sumunod pa sa akin kaya nakangising inaalis niya ang medal sa akin bago pinaalalang kailangan kong antayan siya dahil hindi ko pa nagagawa ang gusto niya. Natatawang naupo ako sa bench na mag-isang nakaupo roon si Renz. I haven't seen Elle, normally naman nanonood siya. "Congrats," I greeted him dahil mukha siyang malungkot kahit na may medal naman. Noong bata ako, napaka-competitive ko. I always aim for gold na sobra pa ako makapagyabang kay Liam. I miss being a child, iyong wala pang problema. Nagpasalamat siya habang hinahaplos ang medal na nakasabit sa leeg niya. Mukhang espesyal ito sa kaniya. "Elle might be in the library." "Yeah, sulking over her score in finals." Ganoon talaga si Elle, magdadrama siya ng isang linggo kapag mababa ang score niya dahil may nag-e-expect sa kaniya samantalang isang araw lang ako. Life must go on pero sa kaniya, di iyon applicable. Nagdrama na rin siya na mas pinili pa raw nitong mag-emote kaysa panoorin ang laro niya pero naramdaman ko ang medyo masamang tingin ni Luis kaya lumayo ako at umalis muna ng gym. Hindi ba niya nakikita na merong Elle si Renz at meron siyang ako? Iba talaga ang tumatakbo sa utak niya. Nag-update ako sa kaniyang nasa gate 4 ako at dito na lang mag-aantay. Matatagalan pa siya sa gym kasi marami pang nakapila na mukhang di na nga makausad. My brow furrowed when I receive a text from Zero na ang sabi niya nag-uusap pa rin si Liam at Mama tapos nandito siya para sunduin ako. Dahil sa kaniya, nasira ang moment namin ng kakambal ko. Pinamukha pa akong hindi nakaka-move on. Wala ganang akong pumasok, isinandal ang ulo sa backseat at pumikit. Kelan kaya titigil si Zero na habulin ako? Hindi naman ako tumatakbo at nagpapahabol. "Don't drive yet, I'm waiting for someone." "Sure, Ma'am," he replied, like the usual driver and master relationship. However, should I say it or not? Pero mukhang di siya titigil sa ginagawa kung di ko talaga sya pagsasabihan. Gusto ko lang naman mamulat na ang mata niya. "Why are you doing this?" "What am I even doing?" "This, coming back, being my driver. Why? Do you still think there's a miracle? A hope that everything will be fine and we can all be back together?" Nagmulat ako ng mata nang wala akong marinig sa kaniya. Sinalubong naman ako ng titig niya mula sa rear mirros na mukhang maraming gustong sabihin pero ayaw ipagsigawan. "You are a nice guy pero nangaliwa ka. I try to forgive you, believing with the phrase forgive and forget pero hindi talaga. Sinubukan naman natin, diba? Wala namang nagkulang sa atin, nagpadala ka lang sa malanding panahon. At iyong isang kasalanan na 'yon, habang-buhay kong sugat, na kung magiging tayo ulit, babalik lang yung alala-alala ko, lalamunin na naman ako ng takot. Tapos magiging toxic na naman ako, hihingin ko lahat ng oras mo sa akin, na gusto ko ako lang." "Remember noong di ka nakapunta sa graduation party niyo? Remember noong absent ka noong birthday ni Tita? Dahil lang sa gusto kitang makita, sa gusto kong mapatanuyan mong wala kang ibang babae at ako lang. Ang daming mga okasyong wala ka dahil lang sa akin kaya I'm sorry. Hindi ko naman ginusto, natakot lang ako. Kasi bumabalik pa rin, naalala ko na naman ang pambaboy mo and you keep saying na akala mo okay na ang lahat na sana hindi na lang kita tinanggap ulit at pinatawad kung laging ganoon ang mangyayari but you can't blame me. You're the first one who give pain in my heart and I'm sorry, Zero. I'm really sorry." Bumaling ako sa bintana para di na magtagpo ang tingin namin. This is really the farewell. After how many years. Funny kasi nakamove-on na ako sa kaniya pero parang hindi pa siya. "Isn't five years enough to blame yourself?" Natawa ako dahil ang tagal na nga eh, feeling nya ata kasalanan niya pa rin. "I'm sorry, this took me years to say but it's not your fault. Pareho tayong nagkamali, pareho tayong nagkulang. So stop killing youself, blaming that it's only your fault kase may pagkukulang rin ako." "Mahal kita," he said. Mapait akong ngumiti, akala ko bini-blame nya ang sarili sa pagkasira naming dalawa iyon pala mahal nya parin ako at handa talaga siyang bumalik ako sa piling niya pero hindi eh, kasi may Luis na ako na mas mahal ko at mas poprotektahan ko kumpara sa relasyon naming dalawa. "Remember, when I told you I love you more than you love me? But not anymore. I'm sorry, I found someone."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD