Chapter 56: Main Problem

2522 Words
Hindi nga ako nagkamali na dadalaw ang mga kapatid ko sa akin. Kilala lang nila ako kapag may ipapabigay sila kay Mama. Pinipilit kong dalhin sila sa bahay pero ayaw nila, ni hndi ko nga alam bakit nag-abala pa silang bumili ng ticket, sumakay ng eroplano para lang sa regalong ako naman ang magbibigay. Paano kaya nila natitiis na hindi makita ang dahilan ng pagpunta nila rito? Kasi kung ako, hindi ko ata kaya iyon. "Pupunta ka sa kasal ni Kuya?" "Bobo ka ba? Hindi yan papayagan ngg bagong asawa ni Mama." Pinandilatan ko silang dalawa ng mata dahil nakakahiya na ang ingay-ingay nila. Sila ang sumunod kay Kuya Lauv, ang kambal na sina Luke at Lucas. Hindi naman kinasal si Mama kasi tatay nila ang naghanap ng ibang babae. Yes! Nag-cheat ang unang lalaki ni mama. Sayang lang kasi limang taon ata silang live in tapos kung kelan may tatlong anak na tsaka nagpadala sa malanding panahon. "Mabait 'yon, hindi cheater," pagtatanggol ko sa asawa ni mama dahil istrikto man iyon pero mabait talaga. "Aray ha!" sabay nilang sabi. Natawa nalang ako at pinilit na humigop sa orange juice ko. Busog na kasi talaga ako, kakakain lang kasi namin ni Luis kanina tapos bigla akong nakatangap ng text galing sa kanila. Hindi ko nga alam paano ako magpapaalam pero sakto namang natuloy ang practice niya na dapat postponed. Nagtatampo pa nga siya sa akin dahil hindi ako naka-attend ng laro niya noong isang araw. Kasi naman nawala ako sa mood dahil dumalaw si Kuya. Nagmadali lang akong umuwi at na-excite masyado na ibalita kay Mama ang kasal. "Hindi naman nabuntis ni Kuya iyong babae kaya ikakasal, no?" pagtatanong ko pero mukha silang buwaya na nakangiti tapos itinabi ang mga pagkain sa gilid at medyo lumapit sa akin. "May bago ka ng jowa?" Umirap ako at bahagyang lumayo sa kanila. Pake ba nila kung meron o wala? Maayos akong nagtatanong tungkol kay Kuya tapos biglang sa akin napunta ang tanong? "Kala ko ba si first love, ano nga pangalan noon, 'pre?" "Numbers 'yon." Piningot ko ang pareho nilang tenga sa sobrang pangungulit nila. "Break na nga kami, diba? Pinaglihi ata sa tatay n'yo, cheater din." Nakangusong hinahaplos nila ang tenga habang nakatingin sa akin. "Oo nga pala, naghanap ng ibang makakadyo--" Itinaas ko ang palasingsingan ko para tumahik sila. Nagulat pa nga ang mga ito, akala ata pinapakyuhan ko sila. Inilahad ko na lang ang palad ko, nag-aantay na bigyan ito ng regalo. Pero ang mga loko, pera ang binigay sa akin. Aanhin ko naman ang Philippine bills? "Allowance mo 'yan. Sa susunod na taon na ulit. Dito ka humingi ng malaki, puro sarapan ang alam nito." Tinapik niya ang kambal niyang katabi tapos doble nga ang binigay sa aking pera pero Canadian Dollars. Iba na talaga kapag may trabaho na. Si Kuya Lauv, isang doctor tapos ito namang kambal parehong architect pero nakadestino ang isa sa Canada tapos ang isa sa Pilipinas, mahal na mahal ang pamilyang ng tatay niyang nagpalaki sa kanila. "Wala kayong regalo?" tanong ko habang itinatago ang perang bigay nila dahil kung tutuusin malaki-laki rin ito. Magagamit ko siguro kapag nagpunta ako sa kasal ni Kuya sa susunod na buwan. Nakakunot ang noo nila, wala atang ideya sa tinatanong ko sabay tanong na, "Birthday mo?" Nakangiti kong ni-zipper ang wallet na mukhang maraming laman dahil sa nakupit ko sa kanila. "Hindi ba lumipad pa kayo para ibigay ang regalo kay Mama? O baka gusto niyong dumalaw sa bahay?" Napabuga naman sila ng hangin dahil roon ay nagtaka naman ako, wala talaga silang regalo? Tapos nagsabi silang mukhang na kay mama naman daw ang lahat. Kung pera naman, mas may pera daw ang bagong asawa. "Bag at sapatos?" suhestiyon ko pero umiling sila, magastos daw. Ayaw lang nilang sabihin na dakilang kuripot sila. Nakailang sabi pa ako bago sila napagkasundo na kitchenware na lang. Ayoko naman noon kasi di naman mahilig si Mama pero dahil dakilang romantic sila, kapag raw kumakain o kaya umiinom, maalala ni mama na sila ang nagbigay. Makakapal talaga mukha nila sa pag-conclude ng ganoon. Nasabi ko ngang di naman lagi kami sa bahay kumakain kasi mostly sa labas o kaya ang kakainin namin gawa ng Chef tsaka sa Linggo lang nagluluto si Mama pero ayos lang daw iyon. Ako tuloy ang nahirapan magbitbit tapos namomroblema pa ako paano itatago para maipasok sa bahay na hindi nila nahahalata. Lumingon ako sa sasakyang bumusina sa akin, napangiti ako nang makita ang Aston Martin ng jowa ko. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko habang nagmamaneho ng ganoong sasakyan pero nakita niya ba ang mga kuya ko? Ayoko pa namang nag-o-open ng topic about family. Ang s**cker lang! Huminga muna ako ng malalim at luminga-linga kung sakali mang may makakita sa akin na sumasakay sa sasakyan niya. Saktong pagkasakay ko ay ang paulit-ulit na pagkatakot sa bintana. Binaba iyon ni Luis samantalang mabilis akong nagtago sa likod kasi mamaya ka-schoolmate pala namin. "Baby girl, bago mong jowa?" Nanlaki ang mata kong ma-realize na boses iyon ng kambal. Akala ko ba nakaalis na ang dalawang ito? Hinayaan nga nila ang driver ko na magpasok ng mga regalo nila tapos pasipol-sipol lang sila sa gilid. Nagpaaalam na nga sila na mambabae raw muna tapos iniwan na ako. Buti na nga lang nagtext si Luis kung nasaan siya at katatapos lang ng practice niya then nagkataon namang parehas kami ng lugar. Pumuslit lang ako para makita at mayakap siya tapos ngayon gagambalain nila ako? "Nagtago ka pa, napaka-feeling mo rin." Siniringan ko sila habang bumalik na makaupo sa shotgun. Si Luis naman hinayaan silang pasakayin sa backseat. "Ba't mo pa pinasok?" frustrated kong sabi. Hindi ko alam anong tumatakbo sa isip niya o bakit siya tumatawa sa sinabi ko, either gets niya or mostly nakakainis na di niya naiintindihan ang sinasabi ko. "Kelan nyo balak umalis?" Mukha silang aso na sabay umiling. "Babalatan muna namin 'to ng buhay." Umirap ako sa kanilang dalawa at tumingin sa orasan dahil nauubos lang ang oras ko na wala man lang nagaganap na lambing sa pagitan namin ng bf ko. Isa pa, baka kasi maabutan ako ni Mama na nagpapasok ng mga gamit, edi alam niya na agad na may gift siya sa birthday niya. "Hindi pa ba kayo aalis?" naiinis kong tanong. Naramdaman ata nilang kapag hindi pa talaga sila umalis ay pipilipitin ko na ang leeg nila kaya nagpaalam na rin sila. Nag-text naman agad ako sa kanila na huwag silang maging assumming dahil hindi ko siya magiging asawa. We're totally opposite, napaka-husband material niya at pangarap magkaroon ng pamilya samantalang kabaliktaran ako. Ayoko ng asawa, ayoko ng anak, ayoko ng pamilya. He's my boyfriend, it's always fun when he's around. Yes, I date him, I love him but not in a way I'll get married to him. Hindi naman ibig sabihing boyfriend ko siya ay ikakasal na ako sa kaniya. Hindi naman ibig sabihing hinahalikan ko siya at niyayakap simbolong gusto ko siyang maging asawa ko. Gusto ko lang ng pakilig-kilig? Habang-buhay na pakikipag-date sa kaniya kasi masaya siyang kasama. Nakakagaan kapag niyayakap niya ako pero I know it will never happen. Masyado siyang idealistic, future with me? Mother of his children? Nah! I don't like marriage and that's the main problem "How's the game?" pambungad na tanong ko sa kaniya kasi kami na lang dalawa ang natira. I want him to feel the belongingness with me and he can share me his bad days, I'm willing to listen. Dagdag pa rito, ayoko lang na baka magtanong siya ng kakaiba. Wala akong balak sagutin ang mga tanong tungkol sa kambal na sumakay dito. Pero sasabihin ko naman sa kaniya kung sino sila hanggang doon lang. Kung may tiwala siya sa akin, then be it. Hindi pa ako handang ipagsigawang marami akong kapatid sa ibang lalaki. "You did well." I carressed his hair and I noticed that his mood become brighter than before. Ang tahimik niya kasi which is same reaction lang noong natalo siya. Okay lang naman, di naman laging panalo sa buhay. Part of life ang matalo. "You're still the winner for me and I'm so proud of you." I smiled and hugged him so he can feel the I can still shout in this void that he is the MVP for me. Nagsisi tuloy akong di nanood ng laro kasi ang s**xy pa naman niya habang tumatakbo ipinapatalbog ang bola sa sahig tapos kapag nag-sho-shoot, lakas talaga ng appeal. Pero ayos lang may mga next time pa naman sana lang kapag nanood ako, walang sakitan. Inilahad niya ang towel sa akin at minabuti kong punasan ang mukha niyang pawisan. Nakaka-drain talaga ng energy ang paglalaro and I wonder kung ganito rin siya kapawis kapag i-sho-shoot niya iyong alaga sa akin. Napabuntong hininga na naman ako dahil sa sobrang pag-i-imagine ko, nakakalimutan kong malabo pa sa pagputi ng uwak na mangyayari iyon. He's determined to do some tjings that are only for a married coiple. But when did I dive in a relationship na gusto lang ang exercise? "What's wrong?" nag-aalala ang tono niya dahil nakahalata ata sa iniisip ko. Inilagay niya sa lap ko ang isang box ng pizza. Oh! Busog naman na ako sa kinain ko pero pag dating sa kanya gutom ulit ako. Lalo na kung siya ang kakain sa akin. "Did I do something wrong?" dagdag niya pa. Umiling naman ako at nilagyan ng hot sauce ang isang slice bago isubo sa kaniya. "You're the best!" Binigyan ko siya ng dalawang thumbs up at hinayaan na siya na ang humawak ng pizza niya. Hindi naman pwedeng siya lang ang kumain, syempre ako rin. "I'm sorry," he said. I'm actually startled kasi okay naman kami, masaya kaming kumakain ng binili niyang pizza tapos bakit siya mag-so-sorry? May mali ba siyang nagawa? Mrron ba? Hinawakan niya ang mukha ko tapos pinunasan ang amos ko. Nakakahiya, mukha ata akong bata habang kumakain. Dati nagpapaamos talaga ako dahil gusto ko ng halik niya pero ngayon hindi na dahil oras na para pabanguhin ko na ang imahe ko sa kaniya. "For ruining your mood?" Pinigilan ko ang kamay niyang nagpupunas sa labi ko para malaman niyang wala nang may mali. "I told you, we should avoid saying sorry to each other." Ewan ko ba pero ang paniniwala ko kasi kapag mahal mo bakit ka hihingi ng tawad? Isa lang naman ang dahilan kapag magsasabi noon, kapag maghihiwalay na kayo. Kasi kung mahal niyo ang isa't isa bakit kayo gagawa ng mga desisyon na alam niyong masama para sa partner n'yo? Kapag mahal mo, gagawa ka ng time kahit pa ilang segundo lang iyong pagkikita ninyong dalawa pero kung busy talaga syempre intindi na yun ng kabilang panig. Hindi naman maiiwasan magkaproblema pero syempre napag-uusap naman. Karamihan sa mga relasyon nasisira kasi minsan pinipilit nilang isarado ang tenga para makinig sa sasabihin ng kabila, nauunahan siguro ng emosyon. Ang relasyon parang pakikipag-usap, dapat alam mo kung kelan dapat makikinig at kelan magsasalita. And I don't know, hindi ko lang talaga trip ang salitang sorry. Napagod na rin kasi akong pakinggan 'yon. He slowly nod, remembering the time I said it. This time, sinadya kong kumain na parang bata para punasan niya ulit ang amos ko. Nakita niya iyon at halip na tissue ang ibigay, labi niya ang ginamit. Mission accomplished na naman ngayong araw. Para akong katorseng nagpipigil ng kilig at ngiti bago uminom ng tubig na siya ang nagtanggal ng takip. Natapos na kaming kumain na mukhang ako lang ang nabusog. Nag-away pa kami sa isang slice, nagpabebe kumbaga. Siya kaya itong pagod kaya dapat sa kaniya iyon. "Can I ask who are they or it's too much?" Kaya pala kanina pa siya balisa, may balak palang itanong pero hindi masabi. Ang cute nya lang talaga na lagi siyang may pa line na dapat hindi lalakaran kasi nasabi ko sa kaniya na gusto ko may personal space ako. Hindi lahat ng bagay sinasabi sa kaniya. Kahit nga phone ko di niya pinapakielamanan which is a good thing kasi ayoko talaga ng ganoon. Wala nga akong balak o kahit sa imagination na hahawakan ko ang cellphone niya kaya no way! I'm putting too much trust on him, he's not obliged to also do it but he's doing it pretty well. "Brothers," I simply said. I keep my promise na I want an honest relationship sa pagitan naming dalawa. Sana hanggang doon lang ang tanong niya kasi hindi ko alam kung paano ko sasabihing ayokong pag-usapan ang tungkol sa pamilya ko. Even Elle, hindi nga nya alam na marami akong kapatid. Ang alam niya lang maraming dumaang lalaki sa mama ko at medyo tumagal sa ngayon. Nakahinga ako nang maluwag kasi hindi na naman siya nagtanong pa, na-sense ata na ayokong pag-usapan. Nagkwento na lang siya kung anong nangyari sa game. It's a rare thing how a guy loves to tell stories and that's cute. I find it attractive while he excitedly telling me what happened to him. Maybe for now, I'm his human diary. I'm happy for the woman who will be his wife, that girl is really lucky to have this man because I know for a fact, we can make a great story but not a tradional happy ending. No reason. I just love tragic. "Are you jealous?" pagtatanong niya sa kwentong may cheerleader na nagbigay ng tubig sa kanya kasi nakalimutan niya raw ang tumbler niya. Samantalang ako heto kanina pang tahimik at malayang pinagmamasdan ang mukha niya. Hindi ako madaling magselos at hindi ako selosa. Ang hassle lang kasi bakit pa ako magseselos kung alam kong akin naman siya? Naka-commit siya sa akin, masaya ako and that's it. Umiling ako pero mukhang duda siya. He unbuckled his seatbelt and cupped my face. Pinipilit atang basahin ang mata ko pero wala siyang mapapala. Ngumuso lang ako kasi gusto ko na ulit ng labi niya. "Sure?" paninigurado niya na baka nagpapanggap lang ako. Di naman ako marunong umarte kaya bakit ko gagawin iyon? "Pretty sure, I know you're mine, why would I be jealous?" He smiled then give me a session of butterflies in my stomach when he brush his lips on mine. "I'm all yours, B" he said in between our kiss. Pinanindigan niya talaga ang letter B na tawag sa akin dahil hindi raw siya makapamili sa pagitan ng Baby at Babe which is pwede namang parehas niyang itawag pero ayaw niya kaya B ang tawag niya sa akin but I interpret it as bhie, since same lang naman ng tunog. "It should be L because that's the first letter of my name." "How about F for Faith?" "You can actually call me Faith, I haven't heard people call me that." "I'll go with Bee," he said and kiss my cheeks. Ang swerte talaga ng babaeng ihaharap nya sa altar. Kung sino man naka-destined sa kaniya, Lord pwedeng konting hintay pa? Let me enjoy this, aalis rin naman ako kapag dumating na talaga ang the one nya. Di ko naman ipagkakait pero at least let me savor this moment, let me write a really amazing story of us.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD