Chapter 48: Halloween Party

2137 Words
Kumain pa kami sa labas ni Luis bago niya naisipang ihatid ako sa mall kung saan niya ako sinundo. I just love how he's not prying kung bakit hindi ko sinasabi ang lugar kong saan ako nakatira. May tiwala ako sa kaniya, it just that, hindi ko pwedeng sabihin at ipagkalat na 'hello, dito ako nakatira, come on, feel free to visit anytime.' Kasi baka ipatapon na ako sa ibang lugar ni Tito kasi pinahamak ko pa hindi lang sarili ko, pati mga anak niya. Nagkausap din kami ng matino ni Luis tungkol sa matching outfit na ayokong mangyari pero mapilit siya at nag-iwan ng mensaheng i-message ko siya tungkol sa isusuot ko as soon as possible. Ihahanap niya siguro ng ka-match. Nasabi ko na nga sa kaniya na pwede ko siyang bilhan ng couple things like shirt, shoes or whatever pero mapilit siya at gagawin daw namin iyon pero this Halloween Carnival dapat pair kami. Ewan ko sa kaniya, mukha ba itong prom at kailangan may ka-partner? Anyway, people might be wondering but here in Greece, we don't really celebrate Halloween but because I'm attending an American school there is a carnival, that's the reason and I think I can enjoy it. My mom picked the Medusa outfit and I really love it. Medyo masakit lang iyong tiyan ko dahil naparami ang kain ko, balak ata akong palakihin ni Luis. Nakalimutan ko kasing labas iyong tiyan ko kaya dapat nagpalipas na lang ako ng kain kahit ngayong araw lang para hindi naman ako magmukhang bloated. Buti na lang medyo gabi ang call time kaya pwede pa akong mag-work-out. Hindi na ako nagtakang maabutan ang dalawang magkapatid sa gym kasi sa bahay na ito, may room para sa work-out session. Lahat ng equipment and tools kumpleto sila. Mukhang desidido sina Kyros at Karan na magpayabang ng katawan nila. After all, they are hunks. Hindi naman biro ma-maintain ang katawan nila lalo na ang abs. Bukod sa puro pambubwesit sa akin at paglalaro ng computer games, ito ang kanilang pinagkakaabalahan. I was tempted to do a yoga kaso mas malakas siguro ang weight loss na mangyayari kung talagang ide-drain ko ang sarili sa mas nakakapawis na activity. Hindi ko pa rin maiwasan ang mata ni Karan na nagsasabing talunan ako. Kung pwede lang siyang sapakin, nasapak ko na siya kaso may nakabantay na ilang men in black sa loob. Bakla naman kasi laging protektado. Nagtanungan lang kami kung anong outfit ang balak nilang suotin at talagang invest na invest sila. Iyong isa kanina nagbubuhat ng dumb bell pero ngayon nasa helm balance trainer at tagaktak na ang pawis at si Kyros naman bumangka na sa multifunction power cage na nakatayo tapos naka-squat habang bumubuhat ng hindi ko alam kung gaano kabigat iyong bakal sa batok niya. Pabalang silang sumagot kaya naging seryoso na lang ako sa pagtakbo ko sa treadmill at mas binilisan pa. After kong tumakbo, nagpunta naman ako sa isang portable abs glider generator para siguradong lahat ng kinain ko ay maaalis para sexy ako mamaya. Nang tawagin naman ako para kumain nagsabi akong nasa kalagitnaan ako ng water therapy kasi sayang naman ang pinagpawisan ko kung kakain na naman ako. Huli akong umalis ng bahay dahil ayokong mauna tapos matagal na mag-aantay sa school. Nag-pictorial pa ako para i-po-post ko na lang sa sa kung saan man mamaya. Kanina pa tumatawag si Luis at bumabyahe na ako nang i-send ko kung anong costume ko. It's actually a pair of gold bra with chains sa chest and cape plus a skirt na umabot hanggang gitna ng thighs ko as well as gold cuffs and the most important, the key point of my outfit is the hair dress or the snake headband which has a lot of snakes there. Duda talaga akong makakapagsuot siya ng ka-partner nito which is if i-ba-base niya sa book, si Poseidon iyong may something between kay Medusa but I won't be like her at ewan ko na lang kung makakita siya ng costume sa ganitong oras na malapit na ang carnival. May nakalatag na red carpet at mga camera na patuloy na nagpa-flash habang pumapasok sa entrance ng school namin. Maraming mga barkadang nakasuot ng magagarang outfit. As usual, Harley Quinn, iba't ibang mga God and Godesses, Avengers and such. Ang cute nilang pagmasdan. Mag-isa akong rumampa sa red carpet at nakita ko ang ilang napalingon sa akin, tinitingnan siguro kung bakit ang ganda-ganda ko. Chariz! Pero gusto ko na lang maging bula para hindi ako na-co-conscious sa mga tingin nila. Wala mang sinasabi pero pakiramdam ko hinushugahan agad nila ako. May mga sumunod sa akin at laking tuwa kong dumating si Elle bilang isang Coraline na may butones ang mata. Hindi ko alam kung anong trip niya at ang partner niya sa entrance si Renz na mukhang bungo, I mean, that's from the movie entitled Coco, iyong si Miguel. Nakita ko rin si Troy bilang isang prinsipe kasama ang girlfriend niya as a Cinderella. Siniko ako ni Elle na huwag raw akong maglaway. Akala mo naman talaga kalaway-laway ang kuya niya. Hello! Mas pogi naman ang boyfriend ko. The carnival began by feeding us. Mga canape, hour de vours or iyong mga one bite or finger foods lang ang nakahain sa mga lamesa. Habang kumakain ng cucumber appetizer na may cheese, smoked salmon at capers, natatawang nahuli ko pa kung paano maglabas ang isang estudyante ng alak galing sa kapa niya dahil bilang isang vampire, mukhang marami siyang dala. I don't know kung paano iyon nakalusot. Si Elle naman kumakain ng Feta Tomato Bites samantalang si Renz na kasama rin namin sa table which is hindi naman kami nakaupo kundi nakatayo ay nilantakan ang Tuna-pineapple skewers. After we ate, games surfaced. It was a cliché, trip to Jerusalem which a boy is sitting and waiting for girls or any gender to sit on their crouch. Renz didn't want to do it kasi may topak ata si Elle at ayaw ding sumali so nanood na lang kami. Wala rin naman akong balak maupo sa kandungan ng ibang lalaki, masasapak na ata talaga ako ni Luis. Tawang-tawa kaming panoorin si Laimer na masayang-masaya ang mukha dahil nakailang upo na sa mga kalalakihan. May pagsigaw pa siya na animo'y may kung anong kaganapan. Kahit hindi magsalita, alam ko talaga may nangyaring hindi maganda sa dalawang katabi ko. Elle is quiet which is very weird tapos si Renz mukhang paiyak na or what para lang suyuin ito. Gusto ko sana dumagdag sa kanila pero I shut my mouth at kinuha na lang ang phone dahil hindi pa dumadating ang boyfriend ko. It's funny how he keeps updating me kahit hindi ko siya na-re-reply-an. The last message he sent is on his way na raw siya and that's ten minutes ago. Mukhang bongga ang entrance niya mamaya. Nagselpi lang ako para mai-send sa kaniya ang hitsura ko katabi ang dalawang lovebirds na may mga topak. I also send him ang kaganapan ng pinsan niyang si Laimer na nasa unahan at sumasayaw dahil nanalo siya. Nakipagchikahan pa ako sa kaniya bago naudlot dahil kailangan daw lahat ay maglalaro ng the boat is sinking. Ang una nilang sinabi bente, ako na ang yumakap sa dalawang abnormal ngayon tapos nakakatawang may bitbit na mga lalaki si Laimer at niyakap kami. Saktong-sakto na bente kami. Matapos ay naging pito tapos lima naman. Nakakatuwang kahalati na lang ang natitira dahil karamihan ay kumakain at nagsasaya na. And it's amazing how I'm still here, playing this game. As far as I remember, noong bata ako, unang sabi pa lang ng number, ako iyong unang bumabalik sa upuan ko dahil walang balak na isama ako sa circle of friends nila. Nakakapagtampo but that's life, hindi ko naman pwedeng i-please ang lahat ng tao para lang tanggapin nila ako at may kasalanan din naman ako dahil hindi ko sila kinakausap. But now? It's beyond what I imagine. "The boat is sinking, group yourselves into three," sabi ng MC at mabilis akong hinila ni Elle kasama si Renz. Nagmamadali namang naghanap ng kasama si Laimer dahil lima nga lang kaming natitira sa grupo kaya kulang sila ng isa at masaya siyang makabingwit ng isang machong lalaki. "The boat is sinking, group yourselves into two," pasigaw na sabi ng host. I had fun, really at mukhang oras na para umalis na ako sa spotlight. Kasi alangan naming yakapin ko si Elle, may Renz pang nakabantay. Sobra naman iyong pagka-greedy ko kung gugustuhin ko pang manatili. Okay na ako na matagal na nakapaglaro. Kasabay ng pagbibilang ng last five seconds ng MC ay ang pag-akmang babalik ako sa table namin dahil hindi ko namalayang napalayo kami sa sobrang indulge sa laro nang may humapit ng bewang ko kasunod ang pagkaubos ng oras at ang pagsigaw ng timer. Hindi ko man makita kung sino siya, naamoy ko ang pamango nitong gustung-gusto ko. Mukhang may dumaang anghel sa biglang pagtahimik ng paligid kasabay ang hindi ko paghinga pero mabilis na pumipintig na puso ko. Kinakabahan akong malamang si Luis nga ang nasa gilid kong hawak-hawak ang bewang ko. Lilingon na sana ako nang malakas na dumagundong ang irit ng host at mabilis na pinagkaguluhan ang katabi ko, tatakbong dumalo ang mga fan girls niya na may mga camera na bitbit para makapagpa-picture. Nagpapasalamat akong nakawala ako sa hawak niya at hinayaan siyang ihain sa mga ito. Sige lang, pagkaguluhan niyo dahil sa huli, sa akin pa rin siya tutulog. Hindi man literal na tutulog at least sabay kaming tumutulog kapag magka-video call kaming dalawa. Naka-outfit siya bilang Poseidon, God of the Sea, earthquakes, storms and horses which is also considered as one of the worst tempered, moody and greedy Olympian gods. May korona siyang ginto at puting mahabang tela na mukhang bestida abot hanggang sa paa niya at sa dulo ay may gold rin. May belt siyang gold and blue gown na design sa suot niya and yellow armband with scepter sa kamay. Nakakagulat ding makita may gray siyang make-up sa mukha na nagpapahiwatig na magiging bato siya o ano pa man. I clearly remember na sa story, ni-r**e ni Poseidon si Medusa kaya nagalit si Athena at isinumpa si Medusa dahil nangyari iyon sa lugar niya, sa templo kung saan nagdadasal ng taimtim si Medusa and the rest is history. Tumagal ng ilang minuto ang komosyon na ginawa ni Luis at nakangisi lang si Renz sa akin na mukhang nakabalik na sa dating siya at okay na siguro sila ni Elle. Kumain na lang ako at nagtuloy na ang mga palaro. Inawitan si Luis sa mga ka-team mates niya sa sumama sa kanila pero itinuro niya lang si Renz. Kasi as usual, kasama rin naman itong abnormal na ito sa basketball team pero mas piniling sumama sa amin ni Elle. Wala na akong pake sa laro dahil nag-picture-picture na ang karamihan. Si Renz pa nga ang tumawag sa photographer na picture-an kaming apat. Naglaho na si Laimer kasi masaya na siya sa piling ng mga lalaki niya. Nasa gitna kami ni Elle habang nasa gilid ko si Luis tapos si Renz sa kabila. Ngumisi na lang ako tapos naisipan pa nito na by partner daw. Ayaw nga ni Elle pero napilit niya tapos kami namang dalawa ni Luis. Mukha akong tanga at awkward sa picture dahil nahihiya ako. Dumating din iyong dalawang magkapatid kasama ang isa nilang babaeng pinsan na maarte pa sa kabag. Nagpa-picture sila kasama ako kahit na mukhang ayaw nito. Hindi kami close kasi feeling ko mas pabebe siya sa akin. Sa kalagitnaan ng carnival, may mga ilang nagsasaya pa rin samantalang heto ako tahimik na umiinom ng red wine. Hindi naman nagsasalita si Luis bukod sa nag-explain siyang hindi ibig sabihin na Poseidon ang outfit niya, gagawin niya iyong mga bagay na alam niyang mali tapos dinagdagan pa niya na kaya siya may make-up dahil hilig raw niyang titigan ang mata ko at hindi siya exempted na maging bato and after that he didn't say anything. Sa kaliwa ko naman mukhang di pa rin pala nagkakaintindihan ang dalawa. Pinapagaan lang ni Renz ang ambiance sa paligid na pilit na tumatawa. Quarter to ten na ng matapos ang party at nagkaniya-kaniya na kaming uwi sa kanilang bahay. Hindi na ako nagulat nang may matanggap na text galing kay Luis na antayan ko siya dahil natrapik lang sa mga fans niyang nagpapa-picture pa rin. Kinuha ko naman sa sasakyan iyong instafilm ko para naman kaming dalawa ni Luis ang unang memories na ma-de-develop nito. Sayang naman ang order ko kung walang magandang makukuhanan sa aming dalawa. Nagpaalam pa ako sa driver kong mabilis lang ako at pwede niya pa akong sundan. Sumisigaw pa siya ng curfew pero wala na akong pake. Nakakailang lakad pa lang ako nang mahagip na ng mata ko ang Aston Martin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD