Chapter 49: Sulk

2724 Words
"Who's gonna be Athena who will punish me? Your Mom?" Nangunot lang ang noo niya sa natatawa kong biro bago i-park ang sasakyan sa lugar kung saan sinabi niyang dadalhin niya ako sa heaven. This place is very secluded when it's midnight. "Let's take a picture," sabi ko bago inilabas ang instafilm. Mabilis siyang umakbay sa akin at ngumuso naman ako na parang may kini-kiss at ni-click ko ang button. This is freaking hard kasi hindi ko alam kung kita ba ang mukha namin. Failed iyong una dahil wala kaming noo at more on katawan ang nakuhanan. Sa pangalawa medyo okay na kaso pikit ako. Ano ba iyan, ang hirap naman. "How did you get your outfit?" Ang bilis naman niyang makahagilap. "Or what is supposed to be your outfit for tonight?" I added at nakasimangot nang makitang sa pangatlong film, hindi siya nakatingin at may hawak lang na cellphone. "Joker," he simply said. Inalis ko ang seatbelt ko para ako na ang mag-adjust na lumapit sa kaniya. Idinikit ko ang mukha ko sa kaniya. "Drop your phone and look at this." Nakangisi ako bago pinindot iyong button at hindi ko lang alam kung anong hitsura niya. "You really want me to be a Harley Quinn?" "Yeah." Sumilip ako sa kaniya habang inaantay na lumabas ang picturr naming dalawa. "Are you sick?" Hindi naman siya ganito, usually pinipilit niyang pahabain ang usapan naming dalawa kasi nga mahina ako sa mga talking session pero kapag may maganda namang balita, kinukwento ko naman sa kaniya. I lean forward at inilapit ang palad ko sa noo niya. Natawa ako nang mapagtantong nakakulay puti siyang wig na nalimutan kong okrayin siya kanina. "Stop laughing," pananakot niya. Kinuha ko na iyong kamay ko mula sa noo niya at nagpipigil ng tawa. Hindi naman siya mainit so wala siyang sakit. "I'm not," sabi ko na biglang humagalpak ng tawa. Bakit ganito si Luis? Hindi ko talaga siya in-expect na ganito ang outfit. Bagay naman sa kaniya ang Joker but this? Pogi pa rin, boyfriend ko eh. "What's funny?" naiinis niyang tanong. Nakahawak ako sa tiyan ko habang tumatawa pa rin because he's too cute. Nainis naman siya kaya piniling manahimik na lang at magpokus sa phone niya. Tumigin naman ako sa pang-apat na kuha namin at hindi pa rin ayos dahil seryoso lang ang mukha niya samantalang ngiting aso ako. Anong gusto niyang ipahiwatig, na napilitan lang siyang mag-picture? At mukhang hindi siya masaya na kasama ako o sa relasyon namin. Natawa na naman ako bago tumayo at naupo sa kandungan niya. Ang likod ko ay nasa pintuan ng driver seat habang desididong makuhanan ng magandang litrato kung ano mang suot namin ngayon. "Why do you look like this?" Iniharap ko sa kaniya ang picture dahil hindi talaga umayos. Apat na lang iyong natitira kong film tapos hindi pa siya makisama. "You never failed to make my day a better one." I kissed his cheeks pero seryoso na naman iyong mukha niya. "What's wrong? Is it because I'm laughing? Should I stop doing it?" Pinahid ko iyong mata kong medyo namamasa bago nag-picture na naman. "Stop taking picture, I'm not in the mood to smile." Natigil iyong pagtawa ko kasi mukhang nagtatampo talaga siya. "I'm not laughing because of whatever you think. I laugh because I'm happy being with you," panunuyo ko. Agad naman siyang napangiti pero nawala rin agad. Inilagay ko muna sa kandungan ko ang film bago hawakan ang mukha niya na kanina pang nakatingin sa phone niya. "What's the reason of you being like this?" Umiling siya at malamlam na namang nakatingin sa mata mo. "Sinong may dahil sa aming Luis at susuntukin natin," parang bata kong sabi na nagpapaamo sa kaniya. Lumaki lang ang butas ng ilong niya at nagpipigil na ngumisi. "Sa pogi ng Luis naming ito, at sasabihing hindi kabati--" "I can only understand the handsome part." Talagang sinira niya pa ang moment kong suyuin siya. Mahina kong pinisil ang pisnge niya dahil basta talaga usapang compliment, iyon lang ang naiintindihan niya. Sarap niyang bigwasan, seryoso. Bakit hindi kaya sumabay ako sa pagtatampo niya? Para sumabog kaming dalawa pero di naman ako isip bata, minsan lang. This time, oras niya para mag-shine. "Are you mad because I made you wear this?" My tone is serious than ever because I really want to spend my time with him in a sweet moment and not the part of him being sulky over something. He quickly shook his head but didn't make an eye contact with me. This is so him! "Then what's the problem?" Inilagay ko ang parehong braso sa may balikat niya at hinimas-himas ang buhok niya sa likod. I just know that he loves me massaging that part of his body. He seems hesitant to open up because he's just here, looking at me, weighing if the reason of him being like this makes sense. I didn't talk and just wait for him to say it, give him a look that he can go on and that I won't judge him. I put my fingers to his forehead because he is frowning and it may look cute but that reason is not. He held my hand that was about to flatten the lines of his forehead and said, "You didn't wait for me in the entrance. You should have sent your outfit earlier." Again, I kissed his hand and put it into my cheeks so he can feel my warmth. "But that's fine, is that the only entrance you want the both of us to enter at the same time? Because you can also enter in me." "Not funny," he said in a baritone voice and pull his hand but I just laughed looking at his disgusting face. Talagang feeling ko diring-diri siya sa mga sinasabi ko. Edi siya na talaga ang santo. "Kidding aside, but that's really fine. This carnival is just first, it's not the only one we can be together, there are more occasions awaiting us and we have lots of chances to take photos. But if you really want, I can rent a red carpet and we can pretend to take photos." Marami naman talagang opportunity pang nag-aantay sa amin. As long as okay kaming dalawa, at nagkakaintindihan then we are fine. Gusto ko pa naman siyang makasama sa pasko at bagong taon at kung ano pang mga okasyon. Naging maaliwalas na ang mukha niya at alam kong okay na kami at nalusaw na iyong tampo niya. "Are we still together next year?" tanong niya. "Of course, unless you want to end it now." Minsan talaga di ko maintindihan bigla siyang nagiging nega. Nasaan na iyong nai-imagine niyang kinakasal kami at may anak? "I won't end it," he firmly said, na parang desidido na talaga sa ganitong set-up. I added, "Stop being pessimistic, I know that tomorrow is full of uncertainty but one thing is for sure, I love you for now so please remember that, huh?" He cutely smiled and kissed my lips. "I love you too," he answered back. "But I love you more than you love me," sabi ko na hindi nagpapatalo sa pagmamahal ko sa kaniya. Tumawa lang siya bago hinalikan na naman ako at mahigpit na niyakap. "Are you late finding this outfit? I'm sorry," I asked, sniffing his neck. Should I put my mark here? "No, I'm sorry," he said. He easily admits that he's wrong. Ramdam ko ang paninigas niya nang idampi ko ang labi ko sa leeg niya. Gusto ko sanang tumawa pero pinatakan ko na lang siya ng halik pataas sa chin niya, pisnge, noo mata at ilong bago napunta sa talagang destinasyong gusto ko, ang labi niya. Kinapa ko ang camera ko at mabilis na kinuhanan ng picture kaming dalawa na naghahalikan na parang uhaw sa isa’t isa. We both rested our forehead with each other while smiling. "You look beautiful today," he complimented me. Hindi ko alam na may mas ingingiti pa pala ako. Uminit ang pisnge ko sa sinabi niya na hindi naman na bago but him saying it hits different. Syempre boyfriend ko siya at mahal ko siya. "Thank you but I'm always beautiful," paninira ko sa moment. Napapailing siya havang pinupugpog ng halik ang dalawang pisnge ko na para bang natutuwa siya at nanggigigil. "Ang ganda mo talaga, Faith Loussie," pambobola niya, sinasambit iyon habang nakatingin sa mga mata ko at nagsawa na ata sa pisnge ko. Matagal ko na naman talagang alam na maganda ako at kahit hindi niya sabihin, mata na niya ang nagsasabing nagaganda siya sa akin pero bakit siya ganito ngayon? He's making my heart go wild; giving me butterflies all over again and making my face blush like crazy. "Crazy!" I said just to divert what I truly feel. I'm afraid I'll explode because of my heart pumping too loud and my face might look like a rippen tomato. Isiniksik ko na lang ang ulo ko sa leeg niya para iwas sa okray at hindi ko siya kayang titigan pa. Kinuha naman niya ang camera ko at sinabing ready na siyang mag-picture kaming dalawa. Paano naman ako na hindi pa ready? -- Na-move ng patanghali ang klase ng lahat dahil mga puyat pa sa naganap na party. Hindi naman ibig sabihing pagod ay wala ng pasok. As I've said, hindi ganoon ka-big deal iyon dito. "Hug ko?" Nakanguso akong nag-aantay ng yakap ko na everyday naming ginagawa kapag nagkikita kami. "Later," sagot niya. We are here at the old building where we had our first kiss as girlfriend and boyfriend. I actually waited for him to finish his practice and it seems that destiny is working for me. Nagkataong nag-meeting kami sa group project since medyo maluwag na naman ang mga schedule naming lahat. Napagkasunduan na lang na sa bahay ni Troy gagawa. Hindi ko nga alam bakit napunta roon to think na hindi naman siya ka-group namin. Iyong girlfriend niya kasi ang leader namin. Gustuhin ko mang mag-object hindi ko magawa, sampid lang naman ako at kinuha lang nila. Baka mamaya tanggalin din nila edi paano ako? Okay lang naman sa akin mag-solo but the prof said na group project iyon. Inutusan ko siyang lumapit sa akin dahil nagpapabebe na naman siya. Pero infairness, maganda iyong kuha naming dalawa kagabi. The best photographer na talaga siya. "I'm sweating," he whispered. Mukha ba akong bulag? Malamang kita ko. Ito talaga, gusto pa siyang suyuin ko. "But it does not make you less my boyfriend." I saw how his lips parted while his eyes sparkled a little. Well, it’s true that he's sweating but I still want hug and he's my boyfriend. Ako na mismo ang lumapit sa kaniya at niyakap siya. "You are still my boyfriend despite of sweats." "Boyfriend?" pagtatanong niyang hindi makapaniwala sa salitang iyon. "Why? Aren't you my boyfriend?" Hinarap ko siya na mukhang nagpipigil sa kilig. May topak na naman ba siya? Nakakailang ganito na siya, mag-antay talaga siya sa akin dahil babawi ako. Matingnan natin kung gaano ang paglalambing niyang gagawin kapag may toyo ako. "Right, you are my girlfriend," sabi niya ng nakangiti. Bakit ngayon niya lang ba napagtantong magjowa kami? Kung sampulan ko kaya siya rito? "When is your match?" Yumuko ako para kuhain ang towel niya sa bag na dala para mapunasan ang mukha niya at likod. "The day after tomorrow, it's a practice match but I need to do well. Will you watch?" Dinampian ko ang noo niya bago pababa sa may leeg. "You don't want your girlfriend to watch your game?" Nakakahalata na talaga ako sa kaniya. "You don't even watch my training," pagtatampo niya. Pinatilikod ko siya dahil kailangan ko nang punasan ang likod niyang tagaktak ng pawis. "Because I know you're the best out of there." Isa pa, may fans siyang nakamasid kaya ayos lang na panoorin siya sa mga video na nagkalat sa internet kumpara sa personal. "But will you really watch? I'll win the match for sure." Hindi ako sumagot at hinayaang para siyang batang may nakalagay na tuwalya sa likod. Dati noong bata ako, ang hilig gawin ito ni Mama at sobrang napopogian ako sa mga lalaking may towel sa likod na amoy bagong lagay ng polbo. Humarap na siya sa akin bago ako ngumisa tumingkayad pata maabot ko ang labi niya. "This is your lucky charm." "You won't watch?" "I have to do my group project but I'll try to finish early and watch you." Hindi pa nga siya actual na laro, ganito na siya so paano pa kaya kapag talagang totohanan na tapos di ako makakapunta. Mahabang suyuan na naman ito. "Is that morning? I'll drive you there." "You don't need to do that. I have my driver, remember? And it would be best for you to relax before the game. Condition yourself and win it. The real match, I'll watch it, promise." "I need to win for you to watch the next game?" "You don't need to win, just be safe." Pagkabig ko sa sinabi ko kanina. I mean, I really want him to win kasi malaki rin ang naging hirap niya at sino bang ayaw manalo? But it feels na baka ma-pressure na naman siya sa gusto ko. Ewan ko ba, it's for his own good naman tapos sasabihin niyang kinakabahan siya at pressure na naman. Nasabi niya kasi sa akin na pressure siya na mag-excel sa class kasi dati noong nag-review kami sabi ko dapat perfect niya at hindi naman iyon para sa sa akin, sinabi ko iyon para sa kaniya. Ma-be-benefit ba ako sa marka niya? Diba hindi? Tapos ang hilig niyang umarte. Baka mamaya sabihin niya pang sinasakal ko na siya. I don't want us to be with that situation kaya habang maaga pa, medyo kailangan kong bumaba. Mas okay na rin na ligtas siya kaysa manalo. Health first before everything. Aanhin ko naman ang trophy niya kung ang katawan niya wala na. "If we win this game, I deserve a date." "Even if you don't win, we can date. You can just simply ask me and I'm willing to go with you." Kahit saan pa kaming lupalop ng daigdig mag-date, ayos lang basta siya ang kasama ko. "Do you want to go out and date me, Ms. Faith Louisse Violet?" "I don't want to---" "You said I can simply ask," paiyak na niyang sabi dahil lang tumanggai ako. Nakikipagbiruan lang naman ako sa kaniya. "Ask me again and I'll say yes." Dinampian niya ng halik ang noo ko havang sinasabi, "You should have said yes when I asked you." "Nah, come on ask me again, I wanted to hear it again." "Whatever your answer, either yes or no, I will date you, always." "Always? I doubt. Years after, let's see if you have other woman you'll date beside me." Dahil nakapulupot ang braso niya sa bewang ko napakadaling kabigin niya ako para mayakap ako ng mahigpit. "Hypothecally if when we're not together, that would happen but for now, you're my always and only date." "Gusto mo na makipaghiwalay?" paninimula ko sa balak na awayin siya. Naiintindihan ko naman iyong sinabi niya, gusto ko lang ng lambing niya. "You keep saying that, are you not happy with me?" "Just so-so," I answered him na parang napilitan pa. Mabilis naman siyang kumalag sa yakap at nakakunot ang noong humarap sa akin. He asked if I'm really giving him a serious answer and I shrugged my shoulder but he cupped my face. "Look at my eyes and said that you're not happy." Simula kagabi, hindi ko kayang titigan ang mga mata niya gaya ng dati. Pakiramdam ko talaga sasabog ako anytime kaya mabilis kong ipinagdikit ang labi namin para maramdaman niya na masaya ako sa piling niya at nagbibiro lang. "What will you do if I'm really unhappy? Will you end our relation?" "No, I will make you happy." "Like?" "I don't know, what are the things that make you happy?" Pasimple niyang itinaas ang dalawang kamay niya at alam ko na ang pinapahiwatig. "Bastos!" Natatawang hinalikan na naman niya ako. "But I'm serious, if you're not happy; tell me so I can make an effort, huh?" He looks a lost puppy na nagpapaawa na naman at kailangang alagaan ko siya. "Sure but for now, I'm always happy being with you." We will be like this, for now, just for now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD