KABANATA DOS

1976 Words
“Surprised!” Nagulat si Loulou nang pagbukas niya sa pinto sa condo na tutuluyan niya ay bumungad sa kanya ang halos lahat ng classmates niya at barkada ni Noriel. Lahat sila ay masaya siyang sinalubong ng mga ngiti at yakap kaya naman hindi niya napigilan ang mapaiyak na naman. Hindi niya inaasahan ang ganitong kainit na pagbati sa pagbabalik niya. Maya and the gang prepared it very well and it makes her heart flutter so much. Nang nasa sala na silang lahat ay inanunsyu na din ni Maya ang nalalapit na pagbukas ng kanilang Restau-Bar, of course all of them are invited. Habang pinagmamasdan niya ang mga pamilyar na mukha ng mga dating kaklase ay hindi niya mapigilang makadama ng sobrang saya at lungkot. Sobrang saya kasi sa nagdaang mga taon ay hindi man lang nagbago ang mga ito sa pakikitungo sa kanya kahit na ramdam niyang tila may iniiwasan ang mga itong itanong at sabihin. Malungkot naman kasi sa muling pagtitipon nilang iyon ay hindi niya maiwasang maalala si Noriel. Ang presensiya lang nito ang kulang to make the night more exciting and alive. Siguro kung nandito lang iyon ngayon, he might have prepared something more for her just to make her smile and even more happy. Hindi nagpapaiwan iyon pagdating sa kalokohan and surprises. He might perform himself by playing his guitar and of course sing for me whole-heartedly. But he’s already gone at lahat ng iyon ay hanggang alaala na lang, mga alaalang sa nakaraan at sa isip niya na lang kayang balikan. Huminga siya ng malalim upang pigilan na huwag umiyak, kailangan niyang tatagan ang kanyang loob at ipakita sa lahat na okay na siya at nagawa na niyang tanggapin ang mga nangyari noon. Inilibot niya ulit ang mga mata sa paligid niya upang maiwaksi ang mapait na alaalang bigla na lang lumitaw sa kanyang isipan, abala ang lahat sa pakikipagkwentuhan sa isa’t isa habang ang iba naman ay sinusulyapan siyang nakangiti at kumakaway. Ginantihan niya ng ngiti ang mga ito at kinawayan, sana talaga makayanan niya ang matinding lungkot at pangungulila na ilang taon na din niyang dinadala sa kanyang dibdib. Handa na nga ba talaga siya? Naramdaman niyang may tumapik sa kanyang balikat, it was Luke. “Are you okay Loulou?” he gently asked. Nakangiti siyang tumango dito, pilit itinatago ang lingkot sa kanyang mga mata. “Yeah, I’m fine, Luke. Maybe I’m just tied from our trip, hindi biro ang mahabang oras na byahe natin.” “Why don’t you get a rest? Maiintindihan ka naman siguro nila kung magpapahinga ka na, sabihin na lang natin na bumalik na lang sila sa ibang araw,” pahayag nito habang iniipit ang ilang hibla ng buhok niya sa kanyang tenga, Umiling siya. “No, Luke, you don’t have to worry about me. I can handle this, isa pa ngayon lang manggugulo ang mga iyan so let them be. I missed them, at ang ganitong klaseng bonding namin I can’t express my feelings, kung alam ko lang na ganito ang madadatnan ko sa pagbabalik dito sana mas inagahan ko pa ang pag-uwi,” nakangiti niyang wika na nasa mga kaibigan ang tingin. Magsasalita pa sana ito pero naagaw na ang atensyon nila nag lumapit sa kanya ang pinakamatalik na kaibigan ni Noriel, si Kevin. Nakangiti ito at ngunit hindi umabot sa mga mata nitong tila may ibang sinasabi. “So, how have you been, Louissa Jane? Kumusta naman ang dalawang taon ng buhay mo sa ibang bansa?” tanong nito sa kanya. “I’m fine Kev, I guess?” alanganin niyang sagot dito at tumingin sa mga mata nito. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan sa paghaharap nilang iyon. Pakiramdam niya ay mayroong mangyayaring hindi maganda sa paghaharap nila ngayon ng binata. “You guess? You’re not sure about how have you been in the past years?” tumawa ito ng mapakla at tiningnan siya mula ulo hanggang paa at ang katabi niyang si Luke. “By looking at you now, it seems you’re happy and doing great! I guess you are extremely fine,” sarkastiko nitong saad na diniinan pa ang huling mga salitang binanggit. Hindi siya nakapag salita sa sinabi nito, ito na yata ang hinihintay niyang panunumbat na ilang taon din niyang iniwasan. Naikuyom niya ang mga kamao at tahimik na yumuko, hindi niya kayang salubungin ang mga tingin ni Kevin. “Mind if I ask you something? Do you still remember what happened two years ago, Louisa?” puno ng pait na tanong nito sa kanya. Nakagat niya ang ibabang labi niya at halos bumaon na ng kanyang kuko sa sobrang higpit nang pagkakakuyom ng kamao niya. ‘Look at me Louissa! Bakit hindi mo ako tingnan sa mga mata ko at sagutin ang tanong ko!” tumaas na ang boses nito. Nag-angat siya ng mukha at sinalubong ang galit nitong tingin sa kanya. Umurong yata ang dila niya at hindi siya makasagot sa tanong nito. Hindi niya magawang magsalita dahil dama niya ang magkahalong sakit at galit sa boses nito at hindi niya din ito masisisi sapagkat gaya niya nawalan din ito ng isang minamahal. “Pare, stop it. You don’t know what she’d been through for the past two years in LA! Hindi niya kasalanan ang nangyari dati, watched your words,” madilim ang mukhang utas ni Luke kay Kevin. Hindi siya papayag sa ginagawang panunumbat nito kay Loulou. “Who the hell cares what she’d been through because I don’t give damn care at all! Kung nag-durusa man siya ay tama lang iyon sa kanya, you know why? That’s because it’s her fault that my best friend is dead! And for you’re f*****g information Dude, Noriel is not just my best friend he was a brother to me too! So, shut the hell up, at huwag kang mangengealam dito dahil wala kang alam at higit sa lahat hindi ikaw ang nawalan ng kaibigan at kapatid!” galit na sigaw nito kay Luke. “Kev, stop it! It’s not Louisa's fault! Akala ko ba napag usapan na natin ito?!” Maya shouted at him and the tensions spread over to everyone in the room. “I’m sorry Maya, but I can”t hold it anymore. I can’t just sit back and watch her over, seeing her laughing and happy with this man like as if nothing happened, damn it! While us, on the other hand, was still grieving at hindi pa rin makapaniwala that Noriel was already dead and that’s because of her!” puno ng galit na sigaw ni Kevin na itinuro pa siya at si Luke. Susugurin na sana ni Luke ang binata kung hindi niya lang naagapan na hawakan ang kamay nito, tumingin siya sa akin na para bang sinasabing hindi niya hahayaan na bastusin siya ni Kevin. Umiling siya at pinisil ang kamay nito upang pakalmahin, kailangan niyang harapin ang galit nito dahil talaga namang kasalanan niya kung bakit nawala ang kaibigan nito. Marahas na nagpakawala ng buntong hininga si Luke senyales na nauubusan na ito ng pasensya. “I think we need to call this a night!” seryosong sabad ni Ike. “Yeah you’re right, let’s end this here! Oh, by the way, welcome back Louisa Jane, welcome back to the place where you killed my best friend!” nang-uuyam na saad ni Kevin at nagpatiuna nang umalis. Pagkatpos lang ng ilang sandali ay isa-isa na ding nagpaalam ang mga dating kaklase niya, halata sa mga mukha ng mga ito ang simpatiya at pag-aalala sa nangyarring kumusyon. Katahimikan ang sumunod na naghari ng silang anim na lang ang natira, walang may gustong magsalita at lahat ay nagpapakiramdaman lang. Kasalanan niya ito, bakit ba siya nag-assume na magiging okay na ang lahat sa pagbabalik niya? HIndi porket buong puso siyang tinanggap ng mga dati niyang kaklase ay limot na ng lahat ang nangyrari. Nawala sa isip niya na hindi lang pala siya ang nawalan, may mga kapamilya din si Noriel na hanggang ngayon ay nagluluksa pa din at hindi matanggap ang nangyari. Hindi dapat siya nagsasaya, hindi dapat siya humarap ng may magandang ngiti sa mga labi pero kapag ipinakita niya bang nasasaktan pa din siya at apektado sa kanyang nakaraan mababago ba ang sitwasyon? Mawawala ba ang galit ni Kevin? Ipinikit niya ng mariin ang kanyang mga mata. ‘Noriel, I’m sorry. Please forgive me for what I’ve done.’ Tumikhim si Ike upang  basagin ang katahimikang bumabalot sa kanila. “We’re very sorry about what Kevin said, Louisa,” nauutal na wika ni Weng na hindi makatingin sa kanya. Umiling siya at pinigilan na huwag umiyak ngunit huli na pala, naramdaman niyang may isang kamay nang humaplos sa kanyang pisngi at doon niya pa lang napagtantong umiiyak na pala siya. Pinigilan ko ang kanyang kamay at inilayo ito sa kanyang mukha. Nagsilapitan na din ang apat niyang mga kaibigan upang yakapin siya at aluin ngunit bago pa man sila tuluyang makalapit ay agad na niyang tinalikuran ang mga ito. “I want to be alone, I’m tired and empty. I need to rest please leave me alone and don’t bother me, kahit ngayon lang. Nakakapagod ang mahabang biyahe, mauna na ako sa inyo,” utas niyang pigil ang sariling huwag humagulhol sa harap ng mga itto. Walang may sumagot sa mga ito at wala ding may umalis, parang walang balak na iwan siyang mag-isa kaya naman napagdesisyunan niyang siya na lang ang umalis at lumayo. Ayaw niyang makita siya ng mga ito sa ganoong itsura, ayaw niyang makita ng mga kaibigan niyan na hanggang ngayon buhay na buhay pa din ang sakit sa pagkawala ng dati niyang nobyo. Dinala siya ng mga paa sa terasa at pinagmasdan niya ang madilim na kalangitan na napakaraming bituin. Huminga siya ng malalim, nagbabakasakali na kahit sa ganoong paraan ay mailabas niya ang bigat ng kalooban niya. ‘I need to breathe. I need to calm myself.’ usal niya sa kanyang sarili. Ipinikit niyang muli ang mga mata at pilit pinakalma ang sarili, nanatili siya sa ganoong posisyon hanggang sa maalala niya ang mga sinabi ni Kevin. Hinawakan niya ang sariling bibig para pigilan na humikbi at humagulhol dahil tumagos sa kanyang puso ang mga sinabi ni Kevin. Masakit pero kailangan niyang tanggapin at mas lalong masakit dahil hindi niya kayang magalit o magdamdam man lang sa binata dahil maging siya ay aminadong kasalanan niya ang pagkamatay ni Noriel. Mas lalo lang siyang nakonsensya sa nakita niyang pighati at pagdurusa ni Kevin, pakiramdam niya hindi lang si Noriel ang pinatay niya kundi pati na din ang mga taong lubos na nagmamahal sa kanya. Kung ang binata ganoon na ang pakikitungo sa kanya paano pa pala ang pamilya ni Noriel? Isang malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan niya at tumingala sa kalangitan. ‘Kaya ko pa ba?’ tanong niya sa kanyang isip. Magagawa niya kayang harapin ang susunod pang mga araw? Magagawa niya bang makapagsimula ng panibagong buhay dito o lalo lang siyang mababaon at makukulong sa mapait na nakaraan niya? Ewan. Siguro. Pwede. Baka. Bahala na. Ang importante sinusubukan niya. ‘Noriel, mahal ko patawad.’ Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay ang kadiliman ng gabi at ang mga ilaw ng sasakyan ang natanaw niya sa di kalayuan. Sa ganoong sitwasyon ay bigla niyang naramdaman nag matinding pangungulila na sa loob ng mahabang panahon ay hindi pa din nawawala sa kanyang sistema. Hanggang ngayon, hinahanap niya pa din ang mga haplos at paglalambing ni Noriel sa kanya. Hinahanap pa din ng puso niya ang t***k ng puso nito na sa tuwing magkakalapit sila ay parang nag-uunahan ang mga puso nila sa sobrang bilis ng pag t***k ng mga ito. Mga yakap na halos kapusin siya ng hangin sa sobrang higpit nitong pagyakap sa kanya at higit sa lahat ang masuyo at buong pagmamahal na paghalik nito sa kanyang ulo at noo kasabay nang pagbulong sa kanyang punong tenga kung gaano niya ako kamahal. He used to kissed her at the back of her head and envelope his arms around her. He used to be... Sa mga naalala niyang tagpo ay mas lalong nadurog ang kanyang puso. Unang araw niya pa lang sa Pilipinas at sobra ng sakit ang naramdaman niya, paano pa kaya sa mga susunod na mga araw na pananatili niya dito? ‘Dear God, please give me enough strength and courage. Iyon ang kailangan ko upang malabanan ang lahat ng sakit na nakaabang sa akin,’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD