SIMULA

2002 Words
Two Years Later “Attention all passengers, please turn off all your devices and fasten your seatbelts, in a few minutes we will be landing on Manila International Airport. Thank you for riding with us and hope to see you again in one of our flights in the future, this is your captain speaking. Happy safe trip to everyone!” Huminga siya ng malalim at mariing ipinikit ang mga mata, kabado siya at kailangan niyang kalmahin ang sarili sa paglapag ng eroplanong sinasakyan niya. It’s been two years since she left this country, umalis siya sa napakabigat na rason na hanggang ngayon ay hindi pa din matanggap ng kanyang sistema. At ngayon, pagkalipas ng dalawang napakahabang taon ay nagbabalik siya at napagdesisyunang manatili na. Naramdaman niyang may tumapik sa pisngi niya at nang buksan niya ang mga mata ay tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ng lalaking katabi niya at halata sa mukha nito ang excitement. “We’re finally here! Loulou we’re in the Philippines!” anitong kulang na lang ay magtatalon at pumalakpak. Napangiti siya sa nakitang excitement sa mukha ng kasama niya, kahit papaano ay nabawasan ang pangamba at kaba na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Hindi niya alam kung talaga nga bang handa na siyang harapin ang mga taong naging parte ng nakaraan niya na pilit niyang kinakalimutan. Simula nang umalis siya ng bansa ay nawalan na siya ng contact sa lahat ng mga kaibigan niya’t kakilala, iyon daw ang mas makakabuti sa kanya sabi ng mga magulang niya. They want her to forget everything in her past especially with him. Nagtagumpay nga ba siyang kalimutan ang lalaking pinakamamahal niya? Sa loob ng dalawang taon niyang paglayo masasabi na nga ba niyang nakamove-on na siya sa pagkawala nito? No, she didn’t. Hanggang ngayon, laman pa din ng isip at puso niya ang nag-iisang taong una niyang minahal ng lubos. Sa kabila ng mga nangyari sa buhay niya sa ibang bansa ay hindi niya makalimutan ang malambing na boses nito, ang magagandang ngiti nito at higit sa lahat ang maamo nitong mukha na laging nagliliwanag kapag nakikita siya. Kasabay ng paglabag ng eroplano ay kasabay namang dumaloy sa kanyang isip ang mga pinagdaanan niya sa loob ng dalawang taong paglisan niya sa Pilipinas. Loulou came back to rebuild her life and start a new one. She wants to start her new life here, dahil sa dalawang taong lumipas na pananatili niya sa ibang bansa ay hindi niya nagawang magbagong buhay. Every night the moment she closed her eyes, she’s having nightmares. May mga gabi ding bigla na lang siyang magigising at hahagulhol without any reason or maybe she knew but she kept on telling herself she doesn’t know the reason at all. She killed him. Iyan ang paulit-ulit na umuukilkil sa isipan niya at kahit anong gawin niya ay hindi niya maiwaksi iyon sa kanyang isipan. Sinisi niya ang kanyang sarili sa nangyaring aksidente, kung hindi dahil sa kalokohan niya hindi sana ito mawawala ng ganoon kaaga. Nagkaroon ako ng depression at kahit anong pamimilit ng kanyang pamilya ay hindi na niya pinakinggan ang mga ito. Her father told her that she’s wasting her life for a worthless and deceased person. Gusto niyang murahin ang Daddy niya, dahil sa pagiging matapobre nito’t panghuhusga sa estado ng isang tao. Minsan tinatanong niya ang sarili niya kung talaga bang dugo nito ang nanalaytay sa mga ugat niya dahil malayong-malayo ang ugali nilang dalawa. Gusto niyang sumabatan ang kanyang Mommy na naging bulag, pipi at bingi sa mga nakapaligid dito. She tried to reach her Mom’s hand pero para lang itong bulag na hindi nakikita ang mga nanginginig niyang kamay na nanghihingi ng saklolo. She tried asking her Mom to talk to her Dad, pero para lang itong bingi na hindi naririnig ang paghihisterya niya gabi-gabi and she tried to ask talk to her and ask for some support and advice pero para itong pipi na hindi makapagsalita. She wants to end her life by that time, wala na siyang makitang liwanag at lahat ng nakapaligid sa kanya ay wala ng kulay. Until she met Luke Beckham, naging magkaklase sila noong College, and they became friends until this very moment. We stayed friends for two years, he tried to court me but he himself stop it when he saw that I can’t offer him more. Nakita din nito kung paano niyang aksayahin ang buhay niya, kaya hindi na rin ito nag-pursigeng ligawan siya. Luke was the only one who understand her in any way, hindi din ito nagsawang makinig sa paulit-ulit na kwento ng buhay niya. He even give me some encouragement and advices to enlighten me up, he never leave me when her depression consume her. Ginagawa nito ang lahat para lang gumaan ang pakiramdam ko at ngumiti. Nang dahil sa kanya kahit papaano naibsan ang sakit nanararamdaman niya at panandaliang nakakalimutan ang mapait na pangyayari sa kanyang nakaraan. For her, Luke was her savior, her knight in shining armor, her clown, her best friend. Maybe God gave him for her to realize that life is beautiful and she must continue living. That she must endure everything dahil may tamang panahon para matanggap niya ng buo ang mga mapapait na sinapit niya sa nakaraan. Nang makababa sila sa eroplano ay magkahawak-kamay nilang tinahak ang exit kung saan hindi niya inaasahang makikita niya ang mga dati niyang kaibigan na masayang iwinawagayway ang malaking banner na sinadya pa talaga nilang ipagawa para lamang i-welcome siya. Sa umpisa ay hindi siya nakahuma pero nang maramdaman niya ang masuyong pagpisil ng kamay ni Luke sa palad niya ay dahan-dahan niyang nilapitan ang mga ito. Last month she finally had the courage to contact Maya, one of her best friends. Sinabi niyang balak na niyang umuwi ng Pilipinas at magtayo ng sariling negosyo, she wants to come back and stay for good. Maya was so glad about it and her friend offered a hand, gusto nitong makisosyo sa itatayo niyang negosyo together with their other friends. Sa loob lang ng isang buwang paghahanda at pag-aasikaso ng mga kaibigan niya lalo na ni Maya ay natapo na nila ang lahat ng kailangang ayusin kaya naman napagdesisyunan niya na ring umuwi at harapin ang silang lahat. Nang malaman ito ng parents niya ay agad na tumanggi ang mga ito sa plano niya especially her father but this time wala na siyang pinakinggan and she insisted to go even if they tried to stop her. Naalala niya pa ang naging sagutan nila  ng kanyang ama bago siya umalis sa bahay ng mga ito. *** “You’re such a stubborn girl Louisa! Hindi mo na ba talaga kami susundin ng ina mo? We are your parents and we know what exactly is good for you!” galit na saad nito sa kanya. Natawa siya ng pagak sa sinabi ng Ama. “You know what’s good for me? Ito ba iyong sinasabi niyo, ha Dad? Maganda ba ang naidulot ng ginagawa niyo sa akin? Saan banda, pakitignan niyo nga ang sarili ko kung nakatulong ba ang ginagawa niyong pagkontrol sa buhay ko, kasi sa totoo lang pakiramdam ko itinali niyo ang leeg, kamay at mga paa ko para sa mga kagustuhan niyo at makasiguro kayong sundin ko.” Puno ng pait at hinanakit na sumbat niya sa ama. “Louisa--” “There you go, Mom. Ngayon nakakapagsalita na kayo, nakikita at naririnig mo na ako. Bakit? Dahil ba mali na naman ang ginagawa ko, ganoon ba? Hindi na naman ba katanggap-tanggap ang mga naririnig niyo galing sa akin? Pwes, let me tell you this! Starting today, I will leave this house and forget that I have parents! Pagod na akong intindihin at sundin kayo kaya sa ayaw at sa gusto niyo uuwi ako ng Pilipinas!” matigas niyang wika sa ina niya. “You can’t do that! Hindi ka aalis, Louisa Jane!” dumadagundong na sigaw ng ama niya. “Try to stop me Dad, if you can.” Taas ang noong wika niya dito na nilabanan ang matalim nitong titig. *** Umalis siya sa bahay ng mga ito at lumipat sa condo ng pinsan niya, wala naman kasi lagi ito doon kaya siya na muna ang pinagamit ng condo nito. Ilang araw siyang nanatili doon hanggang sa lumipad na siya papuntang Pilipinas. Wala na din siyang balita mula sa kanyang mga magulang dahil simula nang umalis siya sa bahay ng mga ito ay kinalimutan na niyang may mga magulang siya. “Louisa Jane! Louisa Jane! We’re here, welcome back!”  sigaw ni Maya na hindi din nakatiis at tinakbo na siya para yakapin. Gunanti siya ng yakap dito at hindi niya napigilan ang sariling mapaiyak nang maramdaman ang mahigpit nitong yakap. Isang masayang alaala ng nakaraan ang lumitaw sa kanyang isipan na lalong nagpadurog sa kanyang durog ng puso. *** “Louisa Jane! Oh my God!” tumitiling tawag sa kanya ng papasok niyang kaibigan sa classroom nila. Nagtataka man ay napangiti siya sa inaasta ng kaibigan, alam niyang may nasagap na naman itong balita at mukhang alam niya kung ano iyon. Posible lasing kumalat na ang balita na ang popular at lalaking hinahangaan ng lahat na si Noriel Cyrus ay boyfriend na niya. “Bruha ka! Bakit hindi mo sinabing sinagot mo na si Norielskie baby? Kung di pa sa mga tsismosang nakakalat sa paligid ng campus ay hindi ko pa malalaman! Ang sama mong kaibigan, paano mo nagawang maglihim sa akin?” nakasimangot na saad nito at kunwaring sinabunutan ako. “Biglaan lang naman kasi ang namgyari tsaka hindi ko din alam na may ganoong siyang paandar,” sagot niyang tinampal ang kamay nitong nakahawak sa buhok niya. “Paandar?! Kahit kailan ka talagang babae ka, hindi yun paandar lang! Proposal yun impakta ka, proposal! As in capital P-R-O-P-O-S-A-L!” eksaherada nitong wika. “Gosh! Papatayin niyo ako sa kilig!” Natawa siya sa iniasta nito, sobrang pasasalamat niya at nagkaroom siya ng supportive na kaibigan. Alam din niyang ganoon ang nararamdaman ng iba pa niyang mga kaibigan dahil nang makita niya ang makahulugan nilang mga ngiti sa mga labi. *** Hagulhol ni Maya ang nagpabalik sa kanysa sa kasalukuyan, maging siya ay basang-basa na ang mukha dahil sa hindi mapigil na paglabas ng luha sa kanyang mga mata. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o lalong maiiyak dahil ramdam niya ang sobrang pananabik ng kaibigang mayakap siya. “I really missed you a lot, so much! Mabuti naman at naisipan mong umuwi na sa amin, welcome home Louissa Jane,” madamdaming wika ni Maya nang bumitiw ito mula sa pagkakayakap sa kanya at humalik sa pisngi niya. “You really didn’t change Maya,” natatawa niyang wika dito habang pinupunasan ang sariling mukha. “Hanggang ngayon, ang hilig mo pa ding gumawa ng eksena at magdrama,” natatawang saad niya pa habang tinitingnan ang mga taong nasa likod ng kaibigan. May kulang. Ipinilig niya ang kanyang ulo at pilit iwinaksi ang sakit na unti-unti na namang bumabalik sa puso niya. ‘Kahit anong gawin mong paghahanap sa kanya, hinding-hindi mo na siya makikita pa,’ sita sa kanya ng isip niya. Isang kamay ang tumapik sa balikat niya, nagpaparamdam na may masasandalan siya sa oras na hindi na niya kayanin pa. Nagpapahiwatig na nasa likod niya lang ito at handang saklolohan siya kapag hindi na niya kaya. “Hello guys, it’s been a long time, isn’t it?” kabadong tanong niya sa mga kaibigan niyang nakatingin lang sa kanya. Alanganin siyang ngumiti kina Weng, Shasha, Ike at Leslie, sobrang namiss niya ang mga ito at talagang gusto niyang yakapin isa-isa ang mga ito. Sabay-sabay ang mga itong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. They are her bestfriends way back then, Maya and the gang. Sila ang lagi niyang kasama at totoong nagmahal sa kanya ng higit pa sa totoong kapatid. Sila yung laging nagpapaulan ng tukso sa kanya at kay Noriel kapag ng mga itong nagkakatuwaan silang magnobyo. Nakakataba ng puso na kahit ang tagal niyang hindi nagpakita sa mga ito ay hindi man lang siya nakarinig ng panunumbat mula sa mga ito. Tinanggap siya ng mga ito ng buong puso kaya naman kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng kanyang loob. Pagkatapos ng madamdamin nilang pagyayakapan at kumustahan ay saka naman niya ipinakilala ang kasama niyang si Luke, they didn’t ask anything kahit na halata sa mga mukha ng mga itong gusto nilang magtanong. Nanatili silang tahimik hanggang sa makarating sila sa inihandang condo para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD