IMBES NA MAINIS SA GINAWA NI Weng ay nginitan niya lang ito at ginulo ang buhok. "Wala naman talagang may alam, kahit nga sarili ko ay hindi ko kilala," aniya. "About Louisa and Luke..." Huminga siya ng malalim, bigla kasing nahirapan siyang huminga nang banggitin ang pangalan ng dalawa. "Let's leave them, kung talagang masaya si Louisa sa ginawa niya, kailangan nating galangin iyon." "Seryoso ka? Paano ka? Makakaya mo bang makita sila lagi?" nag-aalalang tanong naman ni Trixie. Hindi siya nakaimik. Sa totoo lang, ngayon pa nga lang ay nahihirapan na siya paano pa kaya kapag nakita nga ng dalawa niyang mga mata na magkasama ang mga ito at masaya. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Siguro, bawasan ko na lang ang pagtambay sa Blankspace. Magpapakita lang ako kapag oras na talaga

