HABANG NASA DAAN AY panay ang sulyap ni Yhael sa katabi niyang si Weng. Kanina pa sila nagba-biyahe ngunit tahimik lang ang dalaga, hindi niya matukoy kung galit ba ito sa kanya o kung may iniisip itong iba. Gustuhin man niyang tanungin ito ay hindi niya din magawa dahil baka hindi niya din magawang sagutin ito. "Kailan mo balak sabihin sa amin ang totoo?" maya-maya ay tanong nito sa kanya. Napalunok siya ng tatlong beses, eto na nga ba ang ayaw niyang mangyari. "S-sa totoo lang ay hindi ko pa naman talaga maalala kung sino talaga ako. May mga naaalala ako pero hindi pa rin sapat iyon para matukoy kung sino talaga ako," sagot niya. Narinig niyang tumawa ito ng pagak. "Sa lagay na iyan ay duda ka pa rin sa totoong pagkatao mo? Ano pa ba ang gusto mong malaman? Iku-kuwento ko na lan

