ILANG MINUTO NA ANG NAKALIPAS ngunit wala pa ring narinig na sagot si Yhael mula kay Lindsay. Paano nitong nalaman na si Trixie Miranda nga ang tinutukoy niya gayong wala naman siyang ibinigay na apelyido ng babae dito. "Lindsay, are you still there?" tanong niya ngunit wala pa riin siyang nakuhang sagot mula rito. Tiningnan niya ang screen ng kanyang telepono at nagsalubong ang kanyang mga kilay nang makitang wala na siyang kausap. Sa kauna-unahang pagkakaaon ay pinatayan siya nito ng tawag sa hindi niya malamang dahilan. Sinubukan niyang tawagan ulit ito pero ring lang iyon ng ring. Naging palaisipan tuloy sa kanya kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon nito. Tumunog ang kanyang telepono at nakitang tumatawag si Drake. "Hello, Drake, what's up?" "Yhael, bro, ano ready ka na daw b

