bc

Heaven's Desire

book_age18+
385
FOLLOW
4.1K
READ
HE
escape while being pregnant
blue collar
drama
no-couple
witty
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Never been kiss, never been touch, no boyfriend since birth, ganyan mailalarawan ang isang Heaven Pearl Lacsamana . Dahil sa katigasan ng ulo, pinalayas at tiniis siya ng kanyang ama na mamuhay ng mag isa kaya ng makilala niya si Ernesto malaking pagbabago ang kanyang gagawin, ito na ba ang unang lalaking makakapagpasaya sa kanya? O, ito ang unang lalaking magpapaiyak ng puso niyang walang muwang.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"You disappointed me so much Heaven, hindi ko alam na magagawa mo iyan sa akin. Ikaw pa, ikaw pa na nag-iisa kong anak na babae!" Isang malakas na sampal ang binitawan ng ama ni Heaven na dumapo sa kanyang pisngi na dahilan upang mapasubsob ito sa mesa. "I'm sorry daddy, pero ito ang gusto ko. Dad, ayaw ko ng kursong abogasya engineering ang gusto ko. Alam n'yo naman po na bata pa lang ito na ang gusto ko, gusto kong gumawa ng mga building," umiiyak na tugon ni Heaven. "Ang mommy mo abogada, ako at ang tatlo mong kuya abogado tapus ikaw engineer!? Heaven, sa loob ng maraming taon nagawa mo kaming lukuhin paano mo nagawa iyon? Kung hindi ka pa magtatapos ngayong araw hindi pa namin malalaman na nagpalit ka ng kursong gusto mo. Mula ngayon, ayaw ko ng makita pa ang pagmumukha mo sa pamamahay na ito, maging sa lahat ng ating pagmamay-aring company. Gusto mo ikaw masunod sa buhay mo pwes, bahala ka na sa buhay mo!" Bakas pa rin sa mukha ng ama ni Heaven ang galit kaya hindi na sumagot na kahit anong salita pa si Heaven. Inayos ni Heaven ang kanyang sarili at tumungo sa kanyang kwarto, kilala niya ang kanyang ama at alam niyang hindi ito nagbibiro sa kanyang sinasabi kaya agad niyang niligpit ang kanyang iilang gamit upang umalis ng mansyon. Mabuti na lang at may sarili siyang ipon kahit papano kaya hindi siya natakot na itakwil ng kanyang ama. ****** "Heaven! My gosh anong nangyari sa iyo? Diba ngayon ang graduation day mo? Bakit ka naririto? Dapat nasa eskwelahan ka at kasulukuyan ng rumarampa?" tanong ni Susana kay Heaven ng pagbuksan niya ito ng pinto. "Pinalayas ako ni daddy, nalaman kasi niyang sa halip na abogasya ang tinapos ko, sinunod ko ang gusto ang pagiging engineering." Ngumiti ng pilit si Heaven at halata pa rin sa kanyang mukha ang kalungkutan. "Paano ka na ngayon?" tanong ni Susana at bahagya nitong hinaplos ang likod ni Heaven. "Di masaya, ayaw mo nun magkakasama na tayo palagi? Hindi tulad dati laging may nakabuntot sa akin na lalaking utusan ni daddy. Pwede naman siguro akong mag-stay dito diba? Kahit pansamantala lang hangga't wala pa akong nakikitang maayos na matitirhan," saad ni Heaven. "Oo naman. Ikaw pa ba," tugon ni Susana. Matalik na kaibigan ni Heaven si Susana mula pagkabata kaya alam na alam na nito ang kanyang buhay dahil dito lang niya nasasabi ang kanyang mga problema at tinatagong sekreto. Talagang Pinatunayan ng ama ni Heaven ang pagtakwil sa kanya, kaya kahit lumipas ang ilang taon hindi nga siya nito pinakialaman at pinabayaan lang kahit anong gawin niyang disisyon sa kanyang buhay sa kabilang banda may sayang nadarama si Heaven dahil finally ay malaya na siya, hindi tulad dati na kontrolado ng kanyang ama ang bawat kilos niya kaya hindi niya na-enjoy ang buhay ng pagiging kabataan. Ramdam ni Heaven na tahimik siyang pinasusundan pa rin at inaalam ang kanyang bawat kilos ng kanyang ama kaya naging maingat siya sa lahat. Basta ang gusto lang niya ngayon, masaya at na e-enjoy niya ang pagiging malaya. Wala rin siyang maasahang tulong at atensyon na manggagaling sa kanyang ina dahil sunod sunuran lang ito sa kanyang ama. Kahit nga ang kanyang mga kuya, bukod sa hindi niya ito mga kasundo wala rin itong magagawa dahil nakasunod lang ito sa kanilang ama. Nakakuha ng lisensya sa pagiging engineer si Heaven, at naging madali rin siyang nakakuha ng trabaho kahit sa maliit na company lang at maswerte siya dahil agad agad siyang mag uumpisa sa kanyang trabaho. Isang Civil engineering si Heaven, kaya excited siya sa kanyang kakaharaping trabaho. "How are you Miss. Lacsama? I hope na magiging masaya at exciting ka sa iyong unang araw dito sa trabaho," bati ng isang project manager kay Heaven. "Medyo kinakabahan pero masaya naman sir. Tulad ng sinabi mo nakaka excite ang unang araw ko na ito, thank you pala sir ha sa pag recommend sa akin na hawakan ang proyektong ito don't worry pagbubutihin ko po," tugon ni Heaven. "It's ok, so paano iwan na kita dahil may importanteng bagay pa akong uunahin. By the way Heaven, ang pangalan pala ng ating magaling at mapagkakatiwalan na general foreman dito ay si Erne, gusto man kita ipakilala sa kanya ang kaso eh wala na akong oras. Kung gusto mo siyang makilala pwede mo naman siyang ipatawag, sige maiwan na kita," paalam ng project manager at agad itong sumakay sa kanyang kotse at umalis. Agad naman tinungo ni Heaven ang kanyang nagsisilbing maliit na opisina, ipapatawag sana niya si Erne, pero ginusto na lang niyang tumungo sa mismong site kung saan naroroon ang mga trabahador upang makita na rin niya ang sitwasyon at makilala si Erne. Mainit ang panahon kaya tirik na tirik ang araw, kaya nagawa niyang mag sunglasses para maproteksyonan ang kanyang mata. "Sino sa inyo si mang Erne? Pwede ko bang makilala?" tanong ni Heaven sa mga trabahador na naroroon. Ngunit kahit isa walang tumugon sa mga ito, at tanging tawanan lang ang kanyang narinig. "May mali ba sa sinabi ko? I'm engineer Heaven Pearl Lacsama, kaya huwag ninyo akong pagtawan dahil walang nakakatawa sa tanong ko," pagmamalaking saad ni Heaven. Kaya agad tumahimik ang lahat at kanya-kanyang bumalik sa kani-kanilang trabaho. "Hanap n'yo raw po ako ma'am bakit po?" Isang maganda at lalaking lalaki na boses ang narinig ni Heaven buhat sa kanyang likuran kaya agad siyang lumingon. "Ikaw.. Ikaw si mang Erne?" Bahayagya pang natigilan si Heaven sa kanyang nakita. Ang inaakala ni Heaven na may katandaan na ang sinasabing general foreman ng kanilang project manager, nagkakamali siya dahil batang bata pa ito at matipuno. Ngayon, narealize na niya kung bakit nagtawanan ang mga trabahador dahil sa pagtawag niyang mang Erne dito. "Grabi naman po kayo sa mang Erne ma'am, batang bata pa po at ako masyado n'yo naman po akong pinapatanda. Erne na lang po," tugon ni Erne at bahagya pa itong ngumiti. "I'm sorry, bakit naman kasi Erne ang name mo pang matanda naman kasi eh. So, what is your real name?" tanong muli ni Heaven. Napatitig si Heaven sa mukha ni Ernesto, at alam niyang hindi maipagkakailang may ka gwapuhan din itong taglay pero baliwala ito sa kanya. Napakamot ng ulo si Erne dahil sa prankahan salita ni Heaven, totoo naman na parang pang matanda ang tunog ng kanyang pangalan," Ernesto Garcia po. Ahm.. Ako po ang general foreman dito ma'am, at narinig ko po na kayo ang bagong engineer namin nice to meet you po." Inilahad ni Ernesto ang kanyang palad at ng mapansin niyang parang ayaw makipag kamay sa kanya ni Heaven at nakatitig lang ito sa kanyang maruming gwantes kaya agad din niya itong naibaba. "Gusto n'yo po ba ma'am na iikot ko kayo sa buong site para makita ninyo ang paligid?" tanong ni Ernesto kay Heaven. "No thanks, kaya ko ng mag isa. Diba general foreman ka, so anong trabaho ng general foreman? Asikasuhin mo na lang ang trabahong nakatuka sa iyo, hindi iyong magiging tour guide kita dito," seryusong saad ni Heaven. Ayaw ipakita ni Heaven na hindi siya strikta, dahil sabi nga ng professor nila dati na kapag masyado kang mabait aabusuhin ka ng mga taong nakapalibot sa iyo lalo na ang trabahador ninyo. "Ok po ma'am, ingat po. By the way po ma'am paalala lang po bago po kayo umikot ikot sa buong site suot po muna kayo ng safety hard hat at pakitangal ng inyong sunglasses dahil baka mamaya niyan dahil sa sunglasses ninyong suot matisod kayo ng mga naka usling bakal o kaya pako alam n'yo na safety first palagi," paalala ni Ernesto. "Tinuturuan mo ba ako?" Agad naman inalis ni Heaven ang kanyang sunglasses. "Hindi po ma'am, nagpapaalala lang alam n'yo na po dapat iyan diba? Engineer kayo eh. Tingnan mo ang ganda pala ng mata ninyo tinatabunan n'yo pa niyan." Ngumisi si Ernesto. "Antipatiko," bulong ni Heaven. At agad na siyang tumalikod dito. "Ma'am, may isa pa pala akong paalala.. Magsuot po kayo ng safety shoes at ingat," muling saad ni Ernesto. Hindi na iyon pinansin ni Heaven dahil mukhang nayayabangan siya sa pinakitang attitude ni Ernesto mukhang unang araw pa lang ng trabaho ay hindi na niya ito makakasundo pero ayaw niyang ipakita dito na mahina siya tulad ng nasa isip niya hindi dapat siya papasindak sa mga trabahador kahit pa mga kalalakihan ang mga ito at babae lang siya. Pinagmasdan ni Heaven ang kanyang paa, mahihirapan nga siyang umiikot ikot sa buong site lalo na naka high-heel siya kaya agad siyang nag utos sa trabahador na nasa bodega upang bigyan siya ng dapat niyang suotin. "Napakayabang ng lalaking iyon, akala mo kung sino. Akala niya papasindak ako sa kanya? Nagkakamali siya tingnan na lang natin kung sino ang susuko at tatagal sa trabahong ito," bulong ni Heaven habang sinusuot niya ang kanyang safety shoes. Mabuti na lang at naka maong pants siya kaya bumagay ang safety shoes sa kanya. Medyo naiinitan ang kanyang buhok dahil sa suot niyang safety hard hat, hindi kasi siya sanay magsuot nito, at gusto lang ipakita ni Heaven na sumusunod siya sa protocol lalo na ang Engineer siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook