Bumababa si Heaven sa receiving room at doon niya naabutan ang kanyang mga magulang na nag uusap. "I re-sched your flight tomorrow morning, hoping na nabago na ang pag iisip mo sa mga nalaman mo ngayon. Mananatili ka sa America ng limang taon for goods, tandaan mo Heaven lahat ng ginagawa ko na ito ay para sa iyo rin, kaya sana this time huwag mo na akong kontrahin pa," saad ng ama ni Heaven. Walang naging tugon si Heaven, at niyakap lang nito ng mahigpit ang ama. Bago pa man lumabas ng kanyang silid si Heaven napag disisyonan at napag isip na tama lang na umalis siya pansamantala sa Pilipinas upang sundin ang ama, narealize niya rin na baka nga tama ang kanyang ama lalo na sa mga nalaman niya tungkol kay Ernesto, baka nga masyado siyang nabubulag sa pagmamahal sa nobyo lalo na ito ang

