"Ernesto! Anong ginagawa mo!?" sigaw ng ina ni Ernesto ng maabutan nitong pilit na tumatayo si Ernesto sa kanyang kinahihigaan. "Pupuntahan ko lang si Heaven Ma, nawawala kasi si Warren eh," tugon ni Ernesto sa ina. "Pero under observation pa ang bente mo, anak naman. At paanong nawawala ang anak mo? Hindi kita maintindihan," natatarantang saad ng ina ni Ernesto. Muling pinahiga ng ina ni Ernesto ito upang maiayos ang kanyang bente dahil baka lumalala pa ang fracture na nangyari. "Ma.. Please tawagan mo si Heaven, tanungin mo kung nakita na nila si Warren," pakiusap ni Ernesto. "Oo, kaya kumalma ka ha. Ito na tatawagan ko na," tugon ng ina ni Ernesto. Agad namang dinial ang cellphone ni Ernesto ng ina nito ang number ni Heaven upang matawagan. Naka ilang ring muna bago tumugon

