"Saan ka galing?" tanong ng ama ni Heaven ng makita siya nitong papasok ng kwarto. "Sa garden, why?" mahinahong tugon ni Heaven at hindi pinapahalata na kinakabahan siya sa tanong ng ama lalo pa't nakasalubong ang mga kilay nito. "Nothing, kanina pa kasi kita hindi mahagilap ng aking mata. Bakit papasok ka na sa kwarto mo? Hindi ka na nag e-enjoy sa party?" muling tanong ng ama. "No dad, napagod lang talaga ang katawan ko kaka ikot at kaka entertain ng mga bisita ni kuya, gusto ko lang magpahinga saglit," tugon ni Heaven. "Okey," tipid na tugon ng ama ni Heaven. At nang papasok na ng tuluyan si Heaven sa kwarto, biglang nagsalita muli ang ama ni Heaven. "Bumababa ka agad, may mahalaga akong anunsyo." Agad namang umalis ang ama ni Heaven. Tumango na lang si Heaven saka tuluyang

