Napangiti si Heaven ng makitang papalapit sa kanya si Ernesto, medyo madungis ito at pawis na pawis pero para kay Heaven walang problema doon dahil sa paningin niya ay mabango at napaka gwapo pa rin nito. "Ok ka lang ba? Mukhang pagod na pagod ka ah," saad ni Heaven at inabutan niya ng malinis na towel si Ernesto. "Salamat, bakit andito ka pa? Gabing gabi na. Dapat sa ganitong oras nagpapahinga ka na," saad ni Ernesto at agad nitong ginamit pang tanggal ng pawis ang towel na inabot ni Heaven. "Hinintay kita, ang bored kasi kung uuwi akong mag isa. At syempre nasanay na ako na kasama kita palagi angkas ng motor mo," tugon ni Heaven at hindi pa rin mawala wala ang ngiti nito sa labi. "Amoy pawis ako, gusto mo pa rin ako kasabay?" seryosong tanong ni Ernesto. "Oo, anong problema kung

