"Pasensya na kung hindi ko naihatid ng mas maagap si Warren sa unit mo kaya ito dinala ko na lang sa trabaho dahil alam kong naririto ka, nasa office siya," pagpapaliwanag ni Ernesto kay Heaven nang makarating ito sa site at nakitang nakatayo si Heaven malapit sa ginagawang hall way. "It's okey, mga 10:30 pa naman ang online class niya. 8:00 pa lang. Kumusta si Warren sa inyo?" tugon ni Heaven. "Ayon okey naman. Tuwang tuwa ang pamilya ko sa kakulitan ni Warren, at umaasa sila na sana palagi nilang nakikita si Warren every weekend," saad muli ni Ernesto. Ngumiti lang si Heaven, at hindi tumugon. "Ahm.. Siyangala coding sasakyan ko kaya kung pwede na ihatid mo kami sa unit? Actually, dapat si yaya na lang at si Warren kaso may nalimutan ako kanina na dalhin na files, kung pwede lan

