Mabilis lumipas ang isang linggo, naging abala ang lahat para sa preparasyon ng engagement party ni Isaac at Heaven, pero kahit alam ni Heaven na walang mangyayaring kasalan at tanging engagement lang hindi pa rin mawala sa kanya ang masaktan dahil kakaisip sa kanyang nobyo na si Ernesto dahil alam niyang lalabas sa ilang social media ang kanilang engagement party at alam niyang makikita pa rin iyon ni Ernesto at ramdam niyang maaapektuhan pa rin ito kahit alam nitong pagpapanggap lang ang lahat. "Tulala ka, may problema ba?" bulong ni Isaac kay Heaven nang lapitan niya ito sa upuan. "Wala, naisip ko lang kung anong mararamdaman ng mga mahal natin kapag nakita nila itong pekeng engagement party natin?" tugon ni Heaven. "Hinaan mo boses mo girl, baka may makarinig sa iyo saka nakating

