"Sure na ba kayo na kay Warren ito!?" kunot noong tanong ni Andrew sa dalawa habang hawak hawak ang bato na may kasamang papel at may nababalot na isang bagay. Nagkatinginan si Ernesto at Heaven. Agad lumapit si Heaven kay Andrew. "Hindi ito kay Warren." Lumiwanag ang mukha ni Heaven na humarap kay Ernesto. "Are you sure?" paninigurado ni Ernesto. "Yes, thank you Andrew. Gosh!! Ako itong ina, hindi ko man lang napansin ang pagkakaiba ng daliring ito sa daliri ni Warren. Hindi ito kay Warren Ernesto, sure na sure ako." Napayakap si Heaven kay Ernesto. "Kung hindi kay Warren iyan? Anong intensyon niya bakit nagpadala siya ng ganyang bagay?" tanong ni Ernesto sa lahat. Tumayo si Isaac at tinitigan ang papel," Maybe way niya ito para takutin at linlangin kayo. Pero hindi niya pa

