"Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" tanong ni Heaven kay Ernesto hanang kumakain sila ng pananghalian sa canteen. "Wala naman, ang ganda mo kasi eh," nakangiting tugon ni Ernesto. Kaya napangiti na lang ng husto si Heaven dahil sa sinabi ni Ernesto. Mula nang gabi na nakausap ni Ernesto si Susana samo't sari ang kanyang iniisip at halos hindi siya makatulog. Iniisip pa lang niya na kapag kinuha na muli si Heaven ng magulang nito ay magbabago ang takbo ng kanilang oras sa isa't isa at iyon ang ayaw mangyari ni Ernesto. Mahal na mahal ni Ernesto si Heaven, at iniisip pa lang niyang mapalayo ito parang hindi na niya kakayanin. "Bakit parang ang sweet mo ngayon? Anong mayroon?" Napahaplos si Heaven sa pisngi ni Ernesto. "Wala, gusto lang kita palaging kasama." Napayakap ng mahigpit s

