YUMIE's POV :
BIGLA itong naghubad ng damit ng matalsikan ko ito ng mainit na kape. Nataranta naman ako dahil talagang mainit ang kape, lumapit ako sa kanya para daluhan ito. Nakita kong namumula na ang makinis nitong balat sa tiyan, at ang abs naman palaban! Napapakagat labi na lang ako na makita ang abs nitong putok na putok.
"Ano bang gagawin ko dito? Ikaw naman kasi eh!" kumuha ako ng ice cube at ibinalot iyon sa bimpo saka ko ipinunas sa kanyang tiyan na napaso.
"Aww..There!" hinawakan niya ang kamay ko at iginiya ito papunta sa bumubukol nitong harapan. Nanlaki ang aking mga mata ng maramdaman ko ang matigas na bagay na iyon.
"Bastos! Hayan ang ice bahala kana nga diyan!" tumawa pa ito ng pagak.
Walang nagsasalita sa amin habang naghahain ako ng aming kakainin, yes kasama kong kakain ang aroganteng lalake na ito.
"Hmmm.. Your good in cooking huh! Perfect, you know what from now on I want you cook for me!"
Ibang klase din ang lalakeng ito ah! Hanep kung makautos, sige lang tingnan ko kung magagawa pa niya akong utusan once na makausap ko na ang Lawyer ko.
"Kumain kana diyan pwede? Ang dami mong sinasabi eh!" naiinis talaga ako sa kayabangan ng lalakeng ito.
"What is your work?" tanong nito sabay subo sa pagkain.
"I'm a freelance model and photographer!" natawa naman ito sa akin, pinanlakihan ko ito ng mata.
"What, your a model? And you must be kidding little girl!" talagang nakakapanginig ng laman ang lalakeng ito, kung makapintas naman ito. Aba hindi porke't gwapo siya gaganituhin na lang niya ako!
"Eh di huwag kang maniwala kung ayaw mo! Bahala ka diyan, maliligo na ako dahil kailangan kong umalis para makausap si attorney!" tumayo na ako at iniwan ko itong kumakain.
Papasok na ako ng kwarto ko ng may marinig akong nag- doorbell. Dali-dali akong lumabas para pagbuksan ito ng gate. Si Attorney pala, tamang tama dahil hindi na ako aalis pa para makausap ito ng masinsinan.
"Mabuti naman at kayo na mismo ang nagpunta dito attorney, naguguluhan na po kasi ako bakit po napunta sa iba ang titulo ng bahay at lupa namin?"
umupo naman si attorney at inilabas nito ang ilang mga papeles na dala nito.
"Iha I'm sorry, matagal nang nakasanla ang bahay at lupa niyo sa bangko. Naipatalo ito ng Ama mo noon sa Casino, kaya pati ang mga negosyo niyo noon nagkandalugi-lugi ng dahil narin sa Papa mo!" nagulat naman ako kay attorney, paanong nangyari na nakasanla ito sa bangko gayong walang sinasabi sa akin sina Mama at Papa noon?
Oo naalala ko pa dati palagi ngang nag-aaway sina Mama at Papa dahil sa pagca- casino ni Papa. Minsan nga naglayas si Mama dahil hindi niya matanggap na bumagsak ang lahat ng mga pinaghirapan nilang mga negosyo ng dahil kay Papa.
"Hindi! Bakit ngayon niyo lang ito sinabi Attorney? Sana nagawan ko ito ng paraan, paano na lang po ako?" naluluhang sabi ko, tahimik namang nakamasid lang sa amin si Matheo.
"Ang pamilya niya ang nakabili ng bahay mo iha, ang mga Madrigal. Kilala mo naman si Don Lauro Madrigal diba, bakit hindi mo siya kausapin?"
Si Don Lauro Madrigal ang may-ari ng Madrigal Forwarding Company, kilala ang pamilyang ito dahil sa kanilang iba't ibang negosyo sa delivery services, sa Metro Manila isa sila sa mga sikat na may food delivery services at marami silang mga branches sa buong bansa na nag o-offer ng iba't ibang delivery services mapa local man ito o overseas. May mga warehouses din sila para sa kanilang mga delivery items, mapa packages man ito, documents and all.
"I told you!" prenteng nakatayo naman si Matheo habang nakaupo kami at nag-uusap ni Attorney.
"Ibig sabihin walang iniwan kahit na ano ang aking mga magulang? Paano na lang ako attorney, saan ako titira?" nag-uunahan ang aking mga luha na bumagsak. Wala na akong bahay at mas mahirap pa ako ngayon kaysa sa daga.
"I'm sorry Yumie! Pero iyan ang totoo, try to talk Don Lauro baka mapakiusapan mo pa at mabawi mo itong bahay mo!" iyon lang ang tanging payo sa akin ni Attorney. Hindi ko alam kung kakayanin kong pakiusapan ang matandang Madrigal. Kilala ko ito dahil siya ang kauna-unahang nagtiwala noon sa ipinatayong negosyo ng aking mga magulang.
"Hey stop crying! All you have to do is to accept my offer, that's it and you'll gonna live here for as long as you want!"
Mukhang wala na akong lusot ngayon, kailangan kong magpaalila sa aroganteng lalake na ito. Kung sa bagay magluluto at maglilinis lang naman ang gagawin ko, carry na iyon kesa naman kung saang kangkungan ako pulutin.
"As if I have a choice? But wait in one condition!" nakasimangot kong sabi.
"I'll cook for you, I'll clean the house for you pero, magtatrabaho parin ako!"
"Ok deal, starting today you'll clean the house and you have to wash all my clothings. I want the gray and gold one for the curtains. And one more thing I want you fix what I will wear to the office, and you will put on my necktie too, is that clear?"
"Ang dami namang pinapagawa ng damuhong ito!"
"Is there any questions little girl? I can hear you!" ngumisi naman ako dito, namumuro na talaga ang Matheo na ito sa akin eh, naku kung may magagawa lang sana ako hindi ako magtitiis sa aroganteng tao na 'to!
"Wala nauunawaan ko po Señorito! Gagawin ko na po!" walang lingong likod na iniwan ko ito sa sala.
Ako si Yumie Reign Balbuena twenty two years old, isa akong freelance model at isa rin akong photographer. Graduated ako sa kursong Bachelor of Fine Arts major in photography.
Bata palang ay mahilig na akong kumuha ng iba't ibang klase ng mga larawan at isa sa favorite subject ko ay ang nature. Sumasali din ako sa mga exhibits at minsan nananalo din ako.
Mag-isa na lang akong namumuhay dahil parehong namatay ang aking mga magulang dahil sa isang car accident.
Naalala ko pa dati bago naaksidente sina Mama at Papa ay nag-away muna ang mga ito bago umalis ng bahay. Dahil noong panahon na iyon lulong na sa sugal si Papa at unti-unti nang bumabagsak ang mga naipundar nilang mga negosyo.
SIMULA noong iniwan nila ako, itinaguyod kong mag-isa ang aking pag-aaral. Nagpapart- time model ako at minsan sales lady sa isang department store.
May kaunting halaga ang naiwan sa akin ng mga magulang ko, ngunit hindi iyon sapat para sa pag-aaral ko at para sa gastusin ko dito sa aming bahay. Pinilit kong makapagtapos dahil wala rin akong ibang maaasahan kundi ang sarili ko.
Isang gabi habang pauwi na ako galing trabaho ay hindi ko inaasahan na ito na ang umpisa na magulo ang nananahimik kong mundo.
Isang estranghero at aroganteng lalake ang aking naabutan sa loob ng aking pamamahay. Ginawa nilang motel ang aking bahay, dito pa sila gumawa ng mga kababalaghan. Aaminin ko may hitsura ang aroganteng lalake na ito, matangkad, matipuno, maputi at higit sa lahat may malaking hinaharap na talaga namang kahit na sinong babae ay gugustuhing matikman.
At sino ba kasi ang mag-aakala na sa unang pagkakataon makakakita ako ng dalawang hubo't hubad na lalake at babae habang nagkakantutan sa ibabaw mismo ng aming dinning table?
Talagang nag-iinit din ang pakiramdam ko noong makita ko ang mga ito, na akala ko sa mga porn sites ko lang ito matutunghayan.
Base sa kwento ng mga kaibigan ko, masarap daw makipagtalik, kaya siguro napapasigaw pa ang babaeng iyon habang gumigiling sa itaas ng estrangherong lalake na iyon.
Hindi ko lubos akalain na makakakita ako ng ganoong scenario, samantalang napaka- inosente ko pa sa ganoong bagay. No boyfriend since birth dahil nanging priority ko ang aking pag-aaral. May mga nanliligaw din pero sadyang mailap ang puso ko, hindi ko pa nahahanap ang lalakeng tunay kong mamahalin.
At ngayon nag-umpisa ng magulo ang tahimik kong mundo, dahil sa aroganteng Matheo na iyon. Kung may choice lang ako hindi ko gugustuhing makasama ang isang lalakeng katulad niya. Titiisin ko na lang, mag-iipon ako para matubos kong muli ang bahay at lupa namin na tanging alaala ko sa aking mga pumanaw na magulang.
"Yumie are you done? It's already twelve in the afternoon where's my food?"
"Heto na po Sir, patapos na po akong magluto, umupo na po kayo at ihahain ko na po ito." sinigang na hipon ang aking niluto para sa pananghalian at naghiwa rin ako ng ilang piraso ng manggang hinog, naglabas na din ako ng ginawa kong orange juice kanina.
"Wow! This is my favorite, come on let's eat Yumie!" umupo naman ako katapat ng upuan niya.
"Whoaw! Best ever sinigang, huling huli mo ang panlasa ko little girl. What a perfect wife material, what if I'll marry you?" nabilaukan naman ako sa tinuran nito. Katulong lang ang role ko dito sa mismong pamamahay ko, tapos gagawin niya akong asawa? Nasisiraan naba siya ng bait?
"Ano? Asawa huh, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Hoy ang usapan natin pagsisilbihan kita kapalit ng pagtira ko dito, hindi para asawahin mo!" loko-loko na ito, ano ako hilo na magpapakasal sa kanya?
"Listen first, you'll gonna marry me and I'll give you back your house. I will hire helper's for us, just marry me Yumie. My Mom wants me to marry a girl that I don't love, it's for business. All my life I have been submissive to Mommy and now my own happiness is at stake." malungkot na wika nito, aba nagdrama ang mayabang na ito!
Pinakatitigan ko ito habang kumakain, mayabang nga siya pero parang may lungkot siyang itinatago. Malamlam ang mga mata nito na tila may itinatagong lungkot.
"Ayaw mong magpakasal kasi hindi mo siya mahal, eh lalo naman ako. Bakit ako pa ang gusto mong pakasalan? Bakit hindi yung babaeng kasiping mo kagabi ang ayain mong magpakasal?"
"She's just one of f*****g buddies! I don't liked her anyway, all she wants from me is a bundle of bucks!"
"What? Ang saklap naman ng buhay mo! Kung papayag ba ako ano ang magiging usapan natin?" bahala na kung anong mangyari basta tuparin lang niya ang pangako niyang ibabalik niya sa akin ang bahay.
"Really? Thanks Yumie!" biglang tumayo ito at walang sabing niyakap niya ako.
"Teka hindi pa ako pumapayag ah!" gustong mag protesta ng isip ko.
"Hindi ako makahinga ano ba, papatayin mo ba ako?" ngumiti naman ito sa akin at humingi ng tawad.
"Kung ganoon pumapayag kana? Then let's go!" muli niya akong hinila papasok sa aking kwarto.
"Magbihis kana dahil magpapakasal na tayo ngayon din!" utos nito sa akin.
"Agad-agad, ang bilis naman?"
"Kailangan nating magpakasal bago pa umuwi si Mommy, kailangan niyang makita na may proof tayo na mag-asawa nga tayo, siguro naman marami kang damit diyan na pwede mong suotin isa kang model diba?" tumango naman ako, binuksan ko ang aking closet at nakita niya ang isang formal white dress.
"Bingo! That one I think it suits you!" sabi pa nito sa akin.
Ano ba yan pati tuloy ako nae-excite sa mga pinaggagagawa ng Matheo na ito.
Isang mabilisan ang ginawa naming pagbibihis, naghanap din ako ng sandals na pwede kong ipartner sa suot kong damit, of course kulay puti din iyon, at may mataas na heels. Maliit lang akong babae kaya kailangan ko talagang magsuot ng matataas na sapatos.
Hindi narin ako nagmake up dahil kuntento na ako sa natural beauty ko, kaunting liptint lang din ang iniligay ko sa lips ko para hindi naman ako magmukhang maputla.
"Wow! You're pretty Yumie!" napapangiti naman ako lihim, parang nagdiwang ang puso ko dahil sa sinabi nito.
"So shall we go?" muling untag niya sa akin, paano kasi nakakatulala ang kagwapuhan ng aroganteng lalake na ito.
Kahit naman simpleng coat and tie at denim pants ang kanyang suot napaka- gwapo parin niyang tingnan. At lalong nagpadagdag sa bad boy image nito ang hikaw nitong suot sa kanang tainga. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay papunta ng sasakyan nito.
"I'm so happy Yumie, you saved me!" sabay pisil nito sa kamay ko at hinagkan iyon.
"Ano ba, bakit ba ang hilig mong manghalik diyan? Namimihasa kana ah!" tumawa naman ito ng malakas, kainis pagtatawanan pa talaga ako.
"Bakit ba ang sarap sa tainga ng tawa niya? s**t, Yumie anong nangyayari sayo?"
Mula sa bahay ay dumeretso kami ng City Hall, hanggang sa paglalakad ay hindi niya binibitawan ang kamay ko.
Pumasok kami sa loob at tinungo ang opisina ng aming Mayor.
Pagbukas namin ng pintuan ay sumalubong sa amin ang nakangiting mukha ni Mayor at ang dalawang lalake na kilang kilala ko, nagulat pa ang mga ito pagkakita nila sa akin.
"Yumie? What are you doing here? Don't tell me ikaw ang pakakasalan ni Matheo?" puno ng pagtataka na tanong sa akin ni Russell at si Joaquin na naguguluhan din.
Napapikit pa ako dahil hindi ko inaasahan na makikita ko ang dalawang ito, sina Russell at Joaquin ay mga model din katulad ko. At mahilig din si Joaquin sa photography kagaya ko at minsan kasa-kasama ko ito sa ilang mga exhibit contest.